< Δευτερονόμιον 16 >
1 φύλαξαι τὸν μῆνα τῶν νέων καὶ ποιήσεις τὸ πασχα κυρίῳ τῷ θεῷ σου ὅτι ἐν τῷ μηνὶ τῶν νέων ἐξῆλθες ἐξ Αἰγύπτου νυκτός
Tandaan ang buwan ng Abib, at panatilihin ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos, sapagka't sa buwan ng Abib dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos palabas ng Ehipto sa gabi.
2 καὶ θύσεις τὸ πασχα κυρίῳ τῷ θεῷ σου πρόβατα καὶ βόας ἐν τῷ τόπῳ ᾧ ἐὰν ἐκλέξηται κύριος ὁ θεός σου αὐτὸν ἐπικληθῆναι τὸ ὄνομα αὐτοῦ ἐκεῖ
Iaalay ninyo ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos gamit ang ilan sa mga kawan at mga alagang hayop sa lugar na pipiliin ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo.
3 οὐ φάγῃ ἐπ’ αὐτοῦ ζύμην ἑπτὰ ἡμέρας φάγῃ ἐπ’ αὐτοῦ ἄζυμα ἄρτον κακώσεως ὅτι ἐν σπουδῇ ἐξήλθετε ἐξ Αἰγύπτου ἵνα μνησθῆτε τὴν ἡμέραν τῆς ἐξοδίας ὑμῶν ἐκ γῆς Αἰγύπτου πάσας τὰς ἡμέρας τῆς ζωῆς ὑμῶν
Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura kasama nito; pitong araw kakain kayo ng tinapay na walang lebadura kasama nito, ang tinapay ng dalamhati; dahil mabilis kayong lumabas mula sa lupain ng Ehipto. Gawin ninyo ito sa lahat ng araw ng inyong buhay para inyong maisip ang araw na kayo ay nakalabas mula sa lupain ng Ehipto.
4 οὐκ ὀφθήσεταί σοι ζύμη ἐν πᾶσι τοῖς ὁρίοις σου ἑπτὰ ἡμέρας καὶ οὐ κοιμηθήσεται ἀπὸ τῶν κρεῶν ὧν ἐὰν θύσῃς τὸ ἑσπέρας τῇ ἡμέρᾳ τῇ πρώτῃ εἰς τὸ πρωί
Dapat walang makitang lebadura sa inyo sa bawat hangganan sa ikapitong araw; ni kahit anong karne na inyong ialay sa gabi sa unang araw na manatili hanggang umaga.
5 οὐ δυνήσῃ θῦσαι τὸ πασχα ἐν οὐδεμιᾷ τῶν πόλεών σου ὧν κύριος ὁ θεός σου δίδωσίν σοι
Hindi ninyo maaaring ialay ang Paskua sa loob ng alin man sa inyong mga tarangkahan ng inyong lungsod na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos.
6 ἀλλ’ ἢ εἰς τὸν τόπον ὃν ἐὰν ἐκλέξηται κύριος ὁ θεός σου ἐπικληθῆναι τὸ ὄνομα αὐτοῦ ἐκεῖ θύσεις τὸ πασχα ἑσπέρας πρὸς δυσμὰς ἡλίου ἐν τῷ καιρῷ ᾧ ἐξῆλθες ἐξ Αἰγύπτου
Sa halip, mag-alay sa lugar na pipiliin ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo. Doon ninyo isasagawa ang pag-aalay ng paskua sa gabi at sa paglubog ng araw, sa panahon ng taon na kayo ay nakalabas ng Ehipto.
7 καὶ ἑψήσεις καὶ ὀπτήσεις καὶ φάγῃ ἐν τῷ τόπῳ ᾧ ἐὰν ἐκλέξηται κύριος ὁ θεός σου αὐτόν καὶ ἀποστραφήσῃ τὸ πρωὶ καὶ ἀπελεύσῃ εἰς τοὺς οἴκους σου
Dapat ninyo itong ihawin at kainin sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos; kinaumagahan kayo ay babalik at pupunta sa inyong mga tolda.
8 ἓξ ἡμέρας φάγῃ ἄζυμα καὶ τῇ ἡμέρᾳ τῇ ἑβδόμῃ ἐξόδιον ἑορτὴ κυρίῳ τῷ θεῷ σου οὐ ποιήσεις ἐν αὐτῇ πᾶν ἔργον πλὴν ὅσα ποιηθήσεται ψυχῇ
Sa loob ng anim na araw kayo ay kakain ng tinapay na walang lebadura; sa ika pitong araw magkaroon ng isang taimtim na pagtitipon para kay Yahweh na inyong Diyos; sa araw na iyon hindi kayo dapat magtrabaho.
9 ἑπτὰ ἑβδομάδας ὁλοκλήρους ἐξαριθμήσεις σεαυτῷ ἀρξαμένου σου δρέπανον ἐπ’ ἀμητὸν ἄρξῃ ἐξαριθμῆσαι ἑπτὰ ἑβδομάδας
Bibilang kayo ng pitong linggo para sa inyong sarili; dapat ninyong simulan ang pagbibilang ng pitong linggo sa oras na inyong simulang ilagay ang karit sa nakatayong butil.
10 καὶ ποιήσεις ἑορτὴν ἑβδομάδων κυρίῳ τῷ θεῷ σου καθότι ἡ χείρ σου ἰσχύει ὅσα ἂν δῷ σοι καθότι ηὐλόγησέν σε κύριος ὁ θεός σου
Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Linggo para kay Yahweh na inyong Diyos kasama ang inyong ambag para sa kusang-loob na handog mula sa iyong kamay na inyong ibibigay, ayon sa pagpapala sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
11 καὶ εὐφρανθήσῃ ἐναντίον κυρίου τοῦ θεοῦ σου σὺ καὶ ὁ υἱός σου καὶ ἡ θυγάτηρ σου ὁ παῖς σου καὶ ἡ παιδίσκη σου καὶ ὁ Λευίτης ὁ ἐν ταῖς πόλεσίν σου καὶ ὁ προσήλυτος καὶ ὁ ὀρφανὸς καὶ ἡ χήρα ἡ ἐν ὑμῖν ἐν τῷ τόπῳ ᾧ ἐὰν ἐκλέξηται κύριος ὁ θεός σου ἐπικληθῆναι τὸ ὄνομα αὐτοῦ ἐκεῖ
Kayo ay magsasaya sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita na nasa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod, at ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga balo na nasasakupan ninyo, doon sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos para sa kaniyang santuwaryo.
12 καὶ μνησθήσῃ ὅτι οἰκέτης ἦσθα ἐν γῇ Αἰγύπτῳ καὶ φυλάξῃ καὶ ποιήσεις τὰς ἐντολὰς ταύτας
Isaisip ninyo na kayo ay naging isang alipin sa Ehipto; Dapat ninyong sundin at gawin ang mga batas na ito.
13 ἑορτὴν σκηνῶν ποιήσεις σεαυτῷ ἑπτὰ ἡμέρας ἐν τῷ συναγαγεῖν σε ἐκ τοῦ ἅλωνός σου καὶ ἀπὸ τῆς ληνοῦ σου
Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Kanlungan ng pitong araw matapos ninyong malikom ang ani mula sa inyong giikang palapag at mula sa pigaan ng ubas.
14 καὶ εὐφρανθήσῃ ἐν τῇ ἑορτῇ σου σὺ καὶ ὁ υἱός σου καὶ ἡ θυγάτηρ σου ὁ παῖς σου καὶ ἡ παιδίσκη σου καὶ ὁ Λευίτης καὶ ὁ προσήλυτος καὶ ὁ ὀρφανὸς καὶ ἡ χήρα ἡ οὖσα ἐν ταῖς πόλεσίν σου
Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.
15 ἑπτὰ ἡμέρας ἑορτάσεις κυρίῳ τῷ θεῷ σου ἐν τῷ τόπῳ ᾧ ἐὰν ἐκλέξηται κύριος ὁ θεός σου αὐτῷ ἐὰν δὲ εὐλογήσῃ σε κύριος ὁ θεός σου ἐν πᾶσιν τοῖς γενήμασίν σου καὶ ἐν παντὶ ἔργῳ τῶν χειρῶν σου καὶ ἔσῃ εὐφραινόμενος
Sa loob ng pitong araw dapat ninyong sundin ang Pista para kay Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh, dahil pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong ani at sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay, at dapat kayo ay lubusang masiyahan.
16 τρεῖς καιροὺς τοῦ ἐνιαυτοῦ ὀφθήσεται πᾶν ἀρσενικόν σου ἐναντίον κυρίου τοῦ θεοῦ σου ἐν τῷ τόπῳ ᾧ ἐὰν ἐκλέξηται αὐτὸν κύριος ἐν τῇ ἑορτῇ τῶν ἀζύμων καὶ ἐν τῇ ἑορτῇ τῶν ἑβδομάδων καὶ ἐν τῇ ἑορτῇ τῆς σκηνοπηγίας οὐκ ὀφθήσῃ ἐνώπιον κυρίου τοῦ θεοῦ σου κενός
Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng inyong kalalakihan ay dapat magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin: sa Pista ng Tinapay na walang Lebadura, sa Pista ng mga Linggo, at sa Pista ng mga Kanlungan; at hindi sila makikita sa harapan ni Yahweh na walang dala;
17 ἕκαστος κατὰ δύναμιν τῶν χειρῶν ὑμῶν κατὰ τὴν εὐλογίαν κυρίου τοῦ θεοῦ σου ἣν ἔδωκέν σοι
sa halip, ang bawat tao ay magbibigay ayon sa kaniyang kakayahan, para malaman ninyo ang pagpapalang ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
18 κριτὰς καὶ γραμματοεισαγωγεῖς καταστήσεις σεαυτῷ ἐν πάσαις ταῖς πόλεσίν σου αἷς κύριος ὁ θεός σου δίδωσίν σοι κατὰ φυλάς καὶ κρινοῦσιν τὸν λαὸν κρίσιν δικαίαν
Dapat gumawa kayo ng mga hukom at mga opisiyal sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos; sila ay kukunin mula sa bawat mga lipi ninyo, at dapat sila ay humatol sa mga tao ng may matuwid na paghatol.
19 οὐκ ἐκκλινοῦσιν κρίσιν οὐκ ἐπιγνώσονται πρόσωπον οὐδὲ λήμψονται δῶρον τὰ γὰρ δῶρα ἐκτυφλοῖ ὀφθαλμοὺς σοφῶν καὶ ἐξαίρει λόγους δικαίων
Hindi ninyo dapat pilitin ang katarungan; hindi dapat kayo magpakita ng pagpanig ni kumuha ng suhol, dahil ang isang suhol ay bumubulag sa mga mata ng matalino at sumisira sa mga salita ng matuwid.
20 δικαίως τὸ δίκαιον διώξῃ ἵνα ζῆτε καὶ εἰσελθόντες κληρονομήσητε τὴν γῆν ἣν κύριος ὁ θεός σου δίδωσίν σοι
Dapat ninyong sundin ang katarungan, sa katarungan lamang, para kayo ay maaaring mamuhay at manahin ang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
21 οὐ φυτεύσεις σεαυτῷ ἄλσος πᾶν ξύλον παρὰ τὸ θυσιαστήριον κυρίου τοῦ θεοῦ σου ὃ ποιήσεις σεαυτῷ
Dapat hindi kayo magtayo para sa iyong mga sarili ng isang Asera, anumang uri ng baras, katabi ng altar ni Yahweh na inyong Diyos na inyong gagawin para sa inyong sarili.
22 οὐ στήσεις σεαυτῷ στήλην ἃ ἐμίσησεν κύριος ὁ θεός σου
Ni magtayo kayo para sa inyong sarili ng anumang banal na batong haligi, na kinasusuklaman ni Yahweh na inyong Diyos.