< Ἀμώςʹ 7 >

1 οὕτως ἔδειξέν μοι κύριος καὶ ἰδοὺ ἐπιγονὴ ἀκρίδων ἐρχομένη ἑωθινή καὶ ἰδοὺ βροῦχος εἷς Γωγ ὁ βασιλεύς
Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong si Yahweh. Tingnan, lumikha siya ng isang pulutong ng mga balang nang magsimula ang tagsibol ng mga pananim, at, tingnan, ito ang huling pananim pagkatapos ng pag-ani ng hari.
2 καὶ ἔσται ἐὰν συντελέσῃ τοῦ καταφαγεῖν τὸν χόρτον τῆς γῆς καὶ εἶπα κύριε κύριε ἵλεως γενοῦ τίς ἀναστήσει τὸν Ιακωβ ὅτι ὀλιγοστός ἐστιν
Nang matapos nitong kainin ang mga halaman sa lupain, pagkatapos sinabi ko, “Panginoong Yahweh, isinasamo ko patawarin mo sila; paano makaliligtas si Jacob? sapagkat napakaliit niya.”
3 μετανόησον κύριε ἐπὶ τούτῳ καὶ τοῦτο οὐκ ἔσται λέγει κύριος
Nahabag si Yahweh tungkol dito. “Hindi ito mangyayari,” sinabi niya.
4 οὕτως ἔδειξέν μοι κύριος καὶ ἰδοὺ ἐκάλεσεν τὴν δίκην ἐν πυρὶ κύριος καὶ κατέφαγε τὴν ἄβυσσον τὴν πολλὴν καὶ κατέφαγεν τὴν μερίδα
Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Yahweh: Tingnan, tumawag ang Panginoong Yahweh ng apoy upang humatol. Tinuyo nito ang napakalawak, malalim na tubig sa ilalim ng lupa at sisirain pati na rin ang kalupaan.
5 καὶ εἶπα κύριε κύριε κόπασον δή τίς ἀναστήσει τὸν Ιακωβ ὅτι ὀλιγοστός ἐστιν
Ngunit sinabi ko, “Panginoong Yahweh, isinasamo ko na itigil mo na; paano makaliligtas si Jacob? Sapagkat napakaliit niya.”
6 μετανόησον κύριε ἐπὶ τούτῳ καὶ τοῦτο οὐ μὴ γένηται λέγει κύριος
Nahabag si Yahweh tungkol dito. “Hindi rin ito mangyayari,” sinabi ng Panginoong Yahweh.
7 οὕτως ἔδειξέν μοι κύριος καὶ ἰδοὺ ἀνὴρ ἑστηκὼς ἐπὶ τείχους ἀδαμαντίνου καὶ ἐν τῇ χειρὶ αὐτοῦ ἀδάμας
Ito ang ipinakita niya sa akin: Tingnan, nakatayo ang Panginoon sa gilid ng isang pader, na may isang hulog sa kaniyang kamay.
8 καὶ εἶπεν κύριος πρός με τί σὺ ὁρᾷς Αμως καὶ εἶπα ἀδάμαντα καὶ εἶπεν κύριος πρός με ἰδοὺ ἐγὼ ἐντάσσω ἀδάμαντα ἐν μέσῳ λαοῦ μου Ισραηλ οὐκέτι μὴ προσθῶ τοῦ παρελθεῖν αὐτόν
Sinabi ni Yahweh sa akin. “Amos, ano ang nakikita mo?” sinabi ko, “Isang hulog.” Pagkatapos sinabi ng Panginoon, “Tingnan mo, ilalagay ko ang isang hulog kasama ng aking mga taong Israelita. Hindi ko na sila kaaawaan pa.
9 καὶ ἀφανισθήσονται βωμοὶ τοῦ γέλωτος καὶ αἱ τελεταὶ τοῦ Ισραηλ ἐξερημωθήσονται καὶ ἀναστήσομαι ἐπὶ τὸν οἶκον Ιεροβοαμ ἐν ῥομφαίᾳ
Mawawasak ang matataas na lugar ni Isaac, masisira ang mga santuwaryo ni Israel, at tatayo ako laban sa sambahayan ni Jeroboam na may kasamang espada.”
10 καὶ ἐξαπέστειλεν Αμασιας ὁ ἱερεὺς Βαιθηλ πρὸς Ιεροβοαμ βασιλέα Ισραηλ λέγων συστροφὰς ποιεῖται κατὰ σοῦ Αμως ἐν μέσῳ οἴκου Ισραηλ οὐ μὴ δύνηται ἡ γῆ ὑπενεγκεῖν ἅπαντας τοὺς λόγους αὐτοῦ
Pagkatapos si Amazias na pari ng Bethel, nagpadala ng isang mensahe kay Jeroboam na hari ng Israel: “Nakipagsabwatan si Amos laban sa iyo sa pagitan ng sambahayan ni Israel. Hindi kayang pasanin ng lupain ang lahat ng kaniyang mga salita.
11 διότι τάδε λέγει Αμως ἐν ῥομφαίᾳ τελευτήσει Ιεροβοαμ ὁ δὲ Ισραηλ αἰχμάλωτος ἀχθήσεται ἀπὸ τῆς γῆς αὐτοῦ
Sapagkat ito ang sinabi ni Amos: 'Mamamatay si Jeroboam sa pamamagitan ng espada, at tiyak na dadalhing bihag ang Israel palayo sa kaniyang lupain.”'
12 καὶ εἶπεν Αμασιας πρὸς Αμως ὁ ὁρῶν βάδιζε ἐκχώρησον εἰς γῆν Ιουδα καὶ ἐκεῖ καταβίου καὶ ἐκεῖ προφητεύσεις
Sinabi ni Amazias kay Amos. “Propeta, humayo ka, tumakbo ka pabalik sa lupain ng Juda, at doon ka kumain ng tinapay at magpropesiya.
13 εἰς δὲ Βαιθηλ οὐκέτι μὴ προσθῇς τοῦ προφητεῦσαι ὅτι ἁγίασμα βασιλέως ἐστὶν καὶ οἶκος βασιλείας ἐστίν
Ngunit huwag ka ng magpropesiya pa kailanman dito sa Bethel, sapagkat ito ay santuwaryo ng hari at isang maharlikang tahanan.”
14 καὶ ἀπεκρίθη Αμως καὶ εἶπεν πρὸς Αμασιαν οὐκ ἤμην προφήτης ἐγὼ οὐδὲ υἱὸς προφήτου ἀλλ’ ἢ αἰπόλος ἤμην καὶ κνίζων συκάμινα
Pagkatapos sinabi ni Amos kay Amazias, “Hindi ako isang propeta o anak ng isang propeta. Isa akong pastol, at ako ang nangangalaga sa mga puno ng sikamoro.
15 καὶ ἀνέλαβέν με κύριος ἐκ τῶν προβάτων καὶ εἶπεν κύριος πρός με βάδιζε προφήτευσον ἐπὶ τὸν λαόν μου Ισραηλ
Ngunit kinuha ako ni Yahweh mula sa pagbabantay ng mga tupa at sinabi sa akin, 'Humayo ka, magpropesiya ka sa aking mga taong Israelita.'
16 καὶ νῦν ἄκουε λόγον κυρίου σὺ λέγεις μὴ προφήτευε ἐπὶ τὸν Ισραηλ καὶ οὐ μὴ ὀχλαγωγήσῃς ἐπὶ τὸν οἶκον Ιακωβ
Pakinggan mo ngayon ang salita ni Yahweh. Sinasabi mo, 'Huwag akong magpropesiya laban sa Israel, at huwag akong magsalita laban sa sambahayan ni Isaac.'
17 διὰ τοῦτο τάδε λέγει κύριος ἡ γυνή σου ἐν τῇ πόλει πορνεύσει καὶ οἱ υἱοί σου καὶ αἱ θυγατέρες σου ἐν ῥομφαίᾳ πεσοῦνται καὶ ἡ γῆ σου ἐν σχοινίῳ καταμετρηθήσεται καὶ σὺ ἐν γῇ ἀκαθάρτῳ τελευτήσεις ὁ δὲ Ισραηλ αἰχμάλωτος ἀχθήσεται ἀπὸ τῆς γῆς αὐτοῦ
Samakatwid ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Ang iyong asawa ay magiging babaing nagbebenta ng aliw sa lungsod; mamamatay sa pamamagitan ng espada ang iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae; susukatin ang iyong mga lupain at paghahati-hatian; mamamatay ka sa maruming lupain, at tiyak na dadalhin sa pagkabihag ang Israel mula sa kaniyang lupain.”

< Ἀμώςʹ 7 >