< Ἀμώςʹ 4 >

1 ἀκούσατε τὸν λόγον τοῦτον δαμάλεις τῆς Βασανίτιδος αἱ ἐν τῷ ὄρει τῆς Σαμαρείας αἱ καταδυναστεύουσαι πτωχοὺς καὶ καταπατοῦσαι πένητας αἱ λέγουσαι τοῖς κυρίοις αὐτῶν ἐπίδοτε ἡμῖν ὅπως πίωμεν
Pakinggan ninyo ang salitang ito, kayong mga baka sa Bashan, kayong nasa bundok ng Samaria, kayo na nagmamalupit sa mga mahihirap, kayo na nagkakait sa mga nangangailangan, kayo na nagsasabi sa inyong mga asawang lalaki, “Dalhan ninyo kami ng maiinom.”
2 ὀμνύει κύριος κατὰ τῶν ἁγίων αὐτοῦ διότι ἰδοὺ ἡμέραι ἔρχονται ἐφ’ ὑμᾶς καὶ λήμψονται ὑμᾶς ἐν ὅπλοις καὶ τοὺς μεθ’ ὑμῶν εἰς λέβητας ὑποκαιομένους ἐμβαλοῦσιν ἔμπυροι λοιμοί
Ang Panginoong Yahweh ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan: “Tingnan ninyo, darating ang mga araw na kukunin nila kayo sa pamamagitan ng mga kalawit, ang mga huli sa inyo ay bibingwitin.
3 καὶ ἐξενεχθήσεσθε γυμναὶ κατέναντι ἀλλήλων καὶ ἀπορριφήσεσθε εἰς τὸ ὄρος τὸ Ρεμμαν λέγει κύριος ὁ θεός
Makakalabas kayo sa mga nasirang pader ng lungsod, bawat isa na magpapatuloy palabas dito, at kayo ay itatapon sa Harmon—ito ang pahayag ni Yahweh.”
4 εἰσήλθατε εἰς Βαιθηλ καὶ ἠνομήσατε καὶ εἰς Γαλγαλα ἐπληθύνατε τοῦ ἀσεβῆσαι καὶ ἠνέγκατε εἰς τὸ πρωὶ θυσίας ὑμῶν εἰς τὴν τριημερίαν τὰ ἐπιδέκατα ὑμῶν
Pumunta kayo sa Bethel at magkasala, sa Gilgal at magparami ng kasalanan. Dalhin ninyo ang inyong mga handog tuwing umaga, ang inyong mga ikapu sa bawat ikatlong araw.
5 καὶ ἀνέγνωσαν ἔξω νόμον καὶ ἐπεκαλέσαντο ὁμολογίας ἀπαγγείλατε ὅτι ταῦτα ἠγάπησαν οἱ υἱοὶ Ισραηλ λέγει κύριος ὁ θεός
Mag-alay ng handog pasasalamat na may tinapay; ipaalam ang kusang-loob na paghahandog. Sasabihin ninyo sa kanila, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyo, kayong mga Israelita—ito ang pahayag ng Panginoong si Yahweh.”
6 καὶ ἐγὼ δώσω ὑμῖν γομφιασμὸν ὀδόντων ἐν πάσαις ταῖς πόλεσιν ὑμῶν καὶ ἔνδειαν ἄρτων ἐν πᾶσι τοῖς τόποις ὑμῶν καὶ οὐκ ἐπεστρέψατε πρός με λέγει κύριος
“Ibinigay ko sa inyo ang kalinisan ng mga ngipin sa lahat ng inyong mga lungsod at kakulangan ng tinapay sa lahat ng inyong mga lugar. Gayunpama'y hindi kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
7 καὶ ἐγὼ ἀνέσχον ἐξ ὑμῶν τὸν ὑετὸν πρὸ τριῶν μηνῶν τοῦ τρυγήτου καὶ βρέξω ἐπὶ πόλιν μίαν ἐπὶ δὲ πόλιν μίαν οὐ βρέξω μερὶς μία βραχήσεται καὶ μερίς ἐφ’ ἣν οὐ βρέξω ἐπ’ αὐτήν ξηρανθήσεται
“Pinigilan ko din ang ulan sa inyo nang mayroon pang tatlong buwan para mag-ani. Nagpaulan ako sa isang lungsod, at sa ibang lungsod ay hindi ko pinaulan. Sa isang bahagi ng lupain ay naulanan, ngunit sa isang bahagi ng lupain na hindi naulanan ay natuyo.
8 καὶ συναθροισθήσονται δύο καὶ τρεῖς πόλεις εἰς πόλιν μίαν τοῦ πιεῖν ὕδωρ καὶ οὐ μὴ ἐμπλησθῶσιν καὶ οὐκ ἐπεστρέψατε πρός με λέγει κύριος
Nagpagala-gala ang dalawa o tatlong lungsod sa ibang lungsod upang uminom ng tubig, ngunit hindi sila nasiyahan. Ngunit hindi pa rin kayo bumalik sa akin—ito ang ang pahayag ni Yahweh.”
9 ἐπάταξα ὑμᾶς ἐν πυρώσει καὶ ἐν ἰκτέρῳ ἐπληθύνατε κήπους ὑμῶν ἀμπελῶνας ὑμῶν καὶ συκῶνας ὑμῶν καὶ ἐλαιῶνας ὑμῶν κατέφαγεν ἡ κάμπη καὶ οὐδ’ ὧς ἐπεστρέψατε πρός με λέγει κύριος
“Pahihirapan ko kayo ng pagkalanta at amag. Marami sa inyong mga halamanan, ng inyong mga ubasan, ng inyong mga puno ng igos at olibo—kakainin silang lahat ng balang. Gayunpama'y hindi pa rin kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
10 ἐξαπέστειλα εἰς ὑμᾶς θάνατον ἐν ὁδῷ Αἰγύπτου καὶ ἀπέκτεινα ἐν ῥομφαίᾳ τοὺς νεανίσκους ὑμῶν μετὰ αἰχμαλωσίας ἵππων σου καὶ ἀνήγαγον ἐν πυρὶ τὰς παρεμβολὰς ὑμῶν ἐν τῇ ὀργῇ μου καὶ οὐδ’ ὧς ἐπεστρέψατε πρός με λέγει κύριος
Pinadala ko sa inyo ang salot na gaya sa Egipto. Pinatay ko sa espada ang inyong mga kabataang lalaki, kinuha ang inyong mga kabayo, at ginawa kong mabaho ang inyong kampo na umabot sa inyong mga pang-amoy. Gayunpama'y hindi kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
11 κατέστρεψα ὑμᾶς καθὼς κατέστρεψεν ὁ θεὸς Σοδομα καὶ Γομορρα καὶ ἐγένεσθε ὡς δαλὸς ἐξεσπασμένος ἐκ πυρός καὶ οὐδ’ ὧς ἐπεστρέψατε πρός με λέγει κύριος
“Sinira ko ang inyong mga lungsod, gaya ng pagsira ng Diyos sa Sodoma at Gomorra. Katulad kayo ng nasusunog na patpat na hinango sa apoy. Gayunpama'y hindi pa rin kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
12 διὰ τοῦτο οὕτως ποιήσω σοι Ισραηλ πλὴν ὅτι οὕτως ποιήσω σοι ἑτοιμάζου τοῦ ἐπικαλεῖσθαι τὸν θεόν σου Ισραηλ
“Dahil dito gagawa ako ng kakila-kilabot na bagay sa inyo, Israel; at dahil sa gagawin kong kakila-kilabot na bagay, maghanda kayo upang harapin ang inyong Diyos, Israel!
13 διότι ἰδοὺ ἐγὼ στερεῶν βροντὴν καὶ κτίζων πνεῦμα καὶ ἀπαγγέλλων εἰς ἀνθρώπους τὸν χριστὸν αὐτοῦ ποιῶν ὄρθρον καὶ ὁμίχλην καὶ ἐπιβαίνων ἐπὶ τὰ ὕψη τῆς γῆς κύριος ὁ θεὸς ὁ παντοκράτωρ ὄνομα αὐτῷ
Kaya, tingnan ninyo, ang bumuo sa mga bundok pati na rin ang lumikha ng hangin, nagpahayag ng kaniyang kaisipan sa sangkatauhan, ang nagpapadilim ng umaga, at tumutungtong sa mga matataas na lugar sa Lupa.” Ang kaniyang pangalan ay Yahweh, Diyos ng mga hukbo.

< Ἀμώςʹ 4 >