< Βασιλειῶν Βʹ 18 >

1 καὶ ἐπεσκέψατο Δαυιδ τὸν λαὸν τὸν μετ’ αὐτοῦ καὶ κατέστησεν ἐπ’ αὐτῶν χιλιάρχους καὶ ἑκατοντάρχους
Binilang ni David ang mga sundalong kasama niya at nagtalga ng mga kapitan ng libu-libo at mga kapitan ng daan-daan.
2 καὶ ἀπέστειλεν Δαυιδ τὸν λαόν τὸ τρίτον ἐν χειρὶ Ιωαβ καὶ τὸ τρίτον ἐν χειρὶ Αβεσσα υἱοῦ Σαρουιας ἀδελφοῦ Ιωαβ καὶ τὸ τρίτον ἐν χειρὶ Εθθι τοῦ Γεθθαίου καὶ εἶπεν Δαυιδ πρὸς τὸν λαόν ἐξελθὼν ἐξελεύσομαι καί γε ἐγὼ μεθ’ ὑμῶν
Pagkatapos ipinadala ni David ang hukbo, isang-katlo sa ilalim ng pamumuno ni Joab, isa pang katlo sa ilalim ng pamumuno ni Abisai anak ni Zeruias, kapatid ni Joab at isa pa ring katlo sa ilalim ng pamumuno ni Itai na taga-Gat. Sinabi ng hari sa hukbo, “Titiyakin kong sasama rin ako sa inyo.”
3 καὶ εἶπαν οὐκ ἐξελεύσῃ ὅτι ἐὰν φυγῇ φύγωμεν οὐ θήσουσιν ἐφ’ ἡμᾶς καρδίαν καὶ ἐὰν ἀποθάνωμεν τὸ ἥμισυ ἡμῶν οὐ θήσουσιν ἐφ’ ἡμᾶς καρδίαν ὅτι σὺ ὡς ἡμεῖς δέκα χιλιάδες καὶ νῦν ἀγαθὸν ὅτι ἔσῃ ἡμῖν ἐν τῇ πόλει βοήθεια τοῦ βοηθεῖν
Pero sinabi ng kalalakihan, “Hindi ka dapat pumunta sa labanan, dahil kung tatakas kami hindi sila mag-aalala sa amin, o kung mamatay ang kalahati sa amin wala silang pakialam. Pero kasing halaga mo ang sampung libo sa amin!
4 καὶ εἶπεν πρὸς αὐτοὺς ὁ βασιλεύς ὃ ἐὰν ἀρέσῃ ἐν ὀφθαλμοῖς ὑμῶν ποιήσω καὶ ἔστη ὁ βασιλεὺς ἀνὰ χεῖρα τῆς πύλης καὶ πᾶς ὁ λαὸς ἐξεπορεύετο εἰς ἑκατοντάδας καὶ εἰς χιλιάδας
Kaya mas mabuting maghanda kang tulungan kami mula sa lungsod.” Kaya sinagot sila ng hari, “Gagawin ko anuman ang pinakamabuti para sa inyo.” Tumayo ang hari sa tarangkahan ng lungsod habang lumabas ang buong hukbo nang daan-daan at libu-libo.
5 καὶ ἐνετείλατο ὁ βασιλεὺς τῷ Ιωαβ καὶ τῷ Αβεσσα καὶ τῷ Εθθι λέγων φείσασθέ μοι τοῦ παιδαρίου τοῦ Αβεσσαλωμ καὶ πᾶς ὁ λαὸς ἤκουσεν ἐντελλομένου τοῦ βασιλέως πᾶσιν τοῖς ἄρχουσιν ὑπὲρ Αβεσσαλωμ
Inutusan ni David sina Joab, Abisai at Itai sa pagsasabing, “Makitungo nang malumanay alang-alang sa akin sa binata, kay Absalom.” Narinig ng lahat ng tao na ibinigay ng hari sa mga kapitan ang utos na ito tungkol kay Absalom.
6 καὶ ἐξῆλθεν πᾶς ὁ λαὸς εἰς τὸν δρυμὸν ἐξ ἐναντίας Ισραηλ καὶ ἐγένετο ὁ πόλεμος ἐν τῷ δρυμῷ Εφραιμ
Kaya lumabas ang hukbo sa kabukiran laban sa Israel; umabot ang labanan sa kagubatan ng Efraim.
7 καὶ ἔπταισεν ἐκεῖ ὁ λαὸς Ισραηλ ἐνώπιον τῶν παίδων Δαυιδ καὶ ἐγένετο ἡ θραῦσις μεγάλη ἐν τῇ ἡμέρᾳ ἐκείνῃ εἴκοσι χιλιάδες ἀνδρῶν
Natalo roon ang hukbo ng Israel sa harapan ng mga sundalo ni David; may isang matinding patayan doon sa araw na iyon nang dalawampung libong kalalakihan.
8 καὶ ἐγένετο ἐκεῖ ὁ πόλεμος διεσπαρμένος ἐπὶ πρόσωπον πάσης τῆς γῆς καὶ ἐπλεόνασεν ὁ δρυμὸς τοῦ καταφαγεῖν ἐκ τοῦ λαοῦ ὑπὲρ οὓς κατέφαγεν ἐν τῷ λαῷ ἡ μάχαιρα ἐν τῇ ἡμέρᾳ ἐκείνῃ
Umabot ang labanan hanggang sa buong kabukiran at mas maraming kalalakihan ang nilamon ng kagubatan kaysa ng espada.
9 καὶ συνήντησεν Αβεσσαλωμ ἐνώπιον τῶν παίδων Δαυιδ καὶ Αβεσσαλωμ ἐπιβεβηκὼς ἐπὶ τοῦ ἡμιόνου αὐτοῦ καὶ εἰσῆλθεν ὁ ἡμίονος ὑπὸ τὸ δάσος τῆς δρυὸς τῆς μεγάλης καὶ ἐκρεμάσθη ἡ κεφαλὴ αὐτοῦ ἐν τῇ δρυί καὶ ἐκρεμάσθη ἀνὰ μέσον τοῦ οὐρανοῦ καὶ ἀνὰ μέσον τῆς γῆς καὶ ὁ ἡμίονος ὑποκάτω αὐτοῦ παρῆλθεν
Nagkataong nakasalubong ni Absalom ang ilan sa mga sundalo ni David. Nakasakay si Absalom sa kaniyang mola at napadaan ang mola sa ilalim ng makakapal na sanga ng isang malaking punong kahoy at sumabit ang kaniyang ulo sa mga sanga ng puno. Naiwan siyang nakabitin sa pagitan ng lupa at ng langit habang nagpatuloy sa pagtakbo ang kaniyang sinasakyang mola.
10 καὶ εἶδεν ἀνὴρ εἷς καὶ ἀνήγγειλεν Ιωαβ καὶ εἶπεν ἰδοὺ ἑώρακα τὸν Αβεσσαλωμ κρεμάμενον ἐν τῇ δρυί
Nakita ito ng isang tao at sinabihan si Joab, “Tingnan, nakita kong nakabitin si Absalom sa isang punong kahoy!”
11 καὶ εἶπεν Ιωαβ τῷ ἀνδρὶ τῷ ἀπαγγέλλοντι καὶ ἰδοὺ ἑόρακας τί ὅτι οὐκ ἐπάταξας αὐτὸν εἰς τὴν γῆν καὶ ἐγὼ ἂν δεδώκειν σοι δέκα ἀργυρίου καὶ παραζώνην μίαν
Sinabi ni Joab sa taong nagsabi sa kaniya tungkol kay Absalom, “Tingnan mo! Nakita mo siya! Bakit hindi mo siya hinampas pababa sa lupa? Bibigyan sana kita ng sampung siklong pilak at isang sinturon.”
12 εἶπεν δὲ ὁ ἀνὴρ πρὸς Ιωαβ καὶ ἐγώ εἰμι ἵστημι ἐπὶ τὰς χεῖράς μου χιλίους σίκλους ἀργυρίου οὐ μὴ ἐπιβάλω χεῖρά μου ἐπὶ τὸν υἱὸν τοῦ βασιλέως ὅτι ἐν τοῖς ὠσὶν ἡμῶν ἐνετείλατο ὁ βασιλεὺς σοὶ καὶ Αβεσσα καὶ τῷ Εθθι λέγων φυλάξατέ μοι τὸ παιδάριον τὸν Αβεσσαλωμ
Sumagot ang lalaki kay Joab, “Kahit na makatanggap ako ng isanglibong siklong pilak, hindi ko pa rin iaabot ang aking kamay laban sa anak ng hari, dahil narinig naming lahat na inutusan ka ng hari, si Abisai at si Itai, sa pagsasabing, 'Walang isa mang dapat gumalaw sa binatang si Absalom.'
13 μὴ ποιῆσαι ἐν τῇ ψυχῇ αὐτοῦ ἄδικον καὶ πᾶς ὁ λόγος οὐ λήσεται ἀπὸ τοῦ βασιλέως καὶ σὺ στήσῃ ἐξ ἐναντίας
Kung inilagay ko sa panganib ang aking buhay sa pamamagitan ng isang kasinungalingan (at walang makukubli mula sa hari), pinabayaan mo nalang sana ako.”
14 καὶ εἶπεν Ιωαβ τοῦτο ἐγὼ ἄρξομαι οὐχ οὕτως μενῶ ἐνώπιόν σου καὶ ἔλαβεν Ιωαβ τρία βέλη ἐν τῇ χειρὶ αὐτοῦ καὶ ἐνέπηξεν αὐτὰ ἐν τῇ καρδίᾳ Αβεσσαλωμ ἔτι αὐτοῦ ζῶντος ἐν τῇ καρδίᾳ τῆς δρυὸς
Pagkatapos sinabi ni Joab, “Hindi na ako maghihintay sa iyo.” Kaya nagdala si Joab ng tatlong sibat sa kaniyang kamay at isinaksak ang mga ito sa puso ni Absalom, habang buhay pa siya at nakabitin mula sa kahoy.
15 καὶ ἐκύκλωσαν δέκα παιδάρια αἴροντα τὰ σκεύη Ιωαβ καὶ ἐπάταξαν τὸν Αβεσσαλωμ καὶ ἐθανάτωσαν αὐτόν
Pagkatapos pumaligid ang sampung binatang kalalakihang tagadala ng sandata ni Joab kay Absalom, sinalakay siya at pinatay.
16 καὶ ἐσάλπισεν Ιωαβ ἐν κερατίνῃ καὶ ἀπέστρεψεν ὁ λαὸς τοῦ μὴ διώκειν ὀπίσω Ισραηλ ὅτι ἐφείδετο Ιωαβ τοῦ λαοῦ
Pagkatapos hinipan ni Joab ang trumpeta at bumalik ang hukbo mula sa pagtugis sa Israel, dahil pinabalik ni Joab ang hukbo.
17 καὶ ἔλαβεν τὸν Αβεσσαλωμ καὶ ἔρριψεν αὐτὸν εἰς χάσμα μέγα ἐν τῷ δρυμῷ εἰς τὸν βόθυνον τὸν μέγαν καὶ ἐστήλωσεν ἐπ’ αὐτὸν σωρὸν λίθων μέγαν σφόδρα καὶ πᾶς Ισραηλ ἔφυγεν ἀνὴρ εἰς τὸ σκήνωμα αὐτοῦ
Kinuha nila si Absalom at itinapon siya sa isang malaking hukay sa kagubatan; inilibing nila ang kaniyang katawan sa ilalim ng isang malaking tumpok ng mga bato, habang tumatakas ang buong Israel, ang bawat tao sa kanilang sariling tahanan.
18 καὶ Αβεσσαλωμ ἔτι ζῶν καὶ ἔστησεν ἑαυτῷ τὴν στήλην ἐν ᾗ ἐλήμφθη καὶ ἐστήλωσεν αὐτὴν λαβεῖν τὴν στήλην τὴν ἐν τῇ κοιλάδι τοῦ βασιλέως ὅτι εἶπεν οὐκ ἔστιν αὐτῷ υἱὸς ἕνεκεν τοῦ ἀναμνῆσαι τὸ ὄνομα αὐτοῦ καὶ ἐκάλεσεν τὴν στήλην Χεὶρ Αβεσσαλωμ ἕως τῆς ἡμέρας ταύτης
Ngayon si Absalom, Nang buhay pa siya, nagtayo siya para sa kaniyang sarili ng isang malaking haliging bato sa Lambak ng Hari, dahil sinabi niya, “Wala akong anak na lalaki para ipagpatuloy ang alaala ng aking pangalan.” Pinangalanan niya ang haligi kasunod sa kaniyang sariling pangalan, kaya tinawag itong Bantayog ni Absalom hanggang sa araw na ito.
19 καὶ Αχιμαας υἱὸς Σαδωκ εἶπεν δράμω δὴ καὶ εὐαγγελιῶ τῷ βασιλεῖ ὅτι ἔκρινεν αὐτῷ κύριος ἐκ χειρὸς τῶν ἐχθρῶν αὐτοῦ
Pagkatapos sinabi ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok, “Pahintulutan mo akong tumakbo ngayon sa hari dala ang mabuting balita, kung paano siya iniligtas ni Yahweh mula sa kaniyang mga kaaway.”
20 καὶ εἶπεν αὐτῷ Ιωαβ οὐκ ἀνὴρ εὐαγγελίας σὺ ἐν τῇ ἡμέρᾳ ταύτῃ καὶ εὐαγγελιῇ ἐν ἡμέρᾳ ἄλλῃ ἐν δὲ τῇ ἡμέρᾳ ταύτῃ οὐκ εὐαγγελιῇ οὗ εἵνεκεν ὁ υἱὸς τοῦ βασιλέως ἀπέθανεν
Sinagot siya ni Joab, “Hindi ka magiging tagapagdala ng balita ngayon; dapat mong gawin ito sa ibang araw. Ngayon hindi ka magdadala ng balita dahil patay ang anak na lalaki ng hari.”
21 καὶ εἶπεν Ιωαβ τῷ Χουσι βαδίσας ἀνάγγειλον τῷ βασιλεῖ ὅσα εἶδες καὶ προσεκύνησεν Χουσι τῷ Ιωαβ καὶ ἐξῆλθεν
Pagkatapos sinabi ni Joab sa isang Cusita, “Humayo ka, sabihin sa hari kung ano ang iyong nakita.” Yumukod ang Cusita kay Joab at tumakbo.
22 καὶ προσέθετο ἔτι Αχιμαας υἱὸς Σαδωκ καὶ εἶπεν πρὸς Ιωαβ καὶ ἔστω ὅτι δράμω καί γε ἐγὼ ὀπίσω τοῦ Χουσι καὶ εἶπεν Ιωαβ ἵνα τί τοῦτο τρέχεις υἱέ μου δεῦρο οὐκ ἔστιν σοι εὐαγγελία εἰς ὠφέλειαν πορευομένῳ
Pagkatapos sinabing muli ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok kay Joab, “Kahit anuman ang mangyari, pakiusap pahintulutan mo rin akong tumakbo at sundan ang Cusita.” Sumagot si Joab, “Bakit gusto mong tumakbo, anak ko, nakikitang wala kang gantimpala para sa balita?”
23 καὶ εἶπεν τί γὰρ ἐὰν δραμοῦμαι καὶ εἶπεν αὐτῷ Ιωαβ δράμε καὶ ἔδραμεν Αχιμαας ὁδὸν τὴν τοῦ Κεχαρ καὶ ὑπερέβη τὸν Χουσι
“Anuman ang mangyayari,” sabi ni Ahimaaz, “Tatakbo ako.” Kaya sinagot siya ni Joab, “Takbo.” Pagkatapos tumakbo si Ahimaaz sa daan ng kapatagan at naunahan ang Cusita.
24 καὶ Δαυιδ ἐκάθητο ἀνὰ μέσον τῶν δύο πυλῶν καὶ ἐπορεύθη ὁ σκοπὸς εἰς τὸ δῶμα τῆς πύλης πρὸς τὸ τεῖχος καὶ ἐπῆρεν τοὺς ὀφθαλμοὺς αὐτοῦ καὶ εἶδεν καὶ ἰδοὺ ἀνὴρ τρέχων μόνος ἐνώπιον αὐτοῦ
Ngayon nakaupo si David sa pagitan ng mga panloob at panlabas ng tarangkahan. Umakyat ang bantay sa bubong ng tarangkahan sa pader at itinaas ang kaniyang mata. Habang nakatingin siya, nakakita siya ng isang taong papalapit, mag-isang tumatakbo.
25 καὶ ἀνεβόησεν ὁ σκοπὸς καὶ ἀπήγγειλεν τῷ βασιλεῖ καὶ εἶπεν ὁ βασιλεύς εἰ μόνος ἐστίν εὐαγγελία ἐν τῷ στόματι αὐτοῦ καὶ ἐπορεύετο πορευόμενος καὶ ἐγγίζων
Sumigaw ang bantay at sinabihan ang hari. Pagkatapos sinabi ng hari, “Kung nag-iisa siya, may balita sa kaniyang bibig.” Dumating ang mananakbo at lumapit sa lugnsod.
26 καὶ εἶδεν ὁ σκοπὸς ἄνδρα ἕτερον τρέχοντα καὶ ἐβόησεν ὁ σκοπὸς πρὸς τῇ πύλῃ καὶ εἶπεν ἰδοὺ ἀνὴρ ἕτερος τρέχων μόνος καὶ εἶπεν ὁ βασιλεύς καί γε οὗτος εὐαγγελιζόμενος
Pagkatapos napansin ng bantay ang isa pang taong tumatakbo at tinawag ng bantay ang bantay ng tarangkahan; sinabi niya, “Tingnan mo, may isa pang lalaking mag-isang tumatakbo.” Sinabi ng hari, “Nagdadala rin siya ng balita.”
27 καὶ εἶπεν ὁ σκοπός ἐγὼ ὁρῶ τὸν δρόμον τοῦ πρώτου ὡς δρόμον Αχιμαας υἱοῦ Σαδωκ καὶ εἶπεν ὁ βασιλεύς ἀνὴρ ἀγαθὸς οὗτος καί γε εἰς εὐαγγελίαν ἀγαθὴν ἐλεύσεται
Kaya sinabi ng bantay, “Sa palagay ko ang pagtakbo ng lalaking nasa harapan ay katulad ng pagtakbo ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok.” Sinabi ng hari, “Mabuti siyang tao at parating siya na may mabuting balita.”
28 καὶ ἐβόησεν Αχιμαας καὶ εἶπεν πρὸς τὸν βασιλέα εἰρήνη καὶ προσεκύνησεν τῷ βασιλεῖ ἐπὶ πρόσωπον αὐτοῦ ἐπὶ τὴν γῆν καὶ εἶπεν εὐλογητὸς κύριος ὁ θεός σου ὃς ἀπέκλεισεν τοὺς ἄνδρας τοὺς μισοῦντας τὴν χεῖρα αὐτῶν ἐν τῷ κυρίῳ μου τῷ βασιλεῖ
Pagkatapos sumigaw si Ahimaaz at sinabi sa hari, “Mabuti ang lahat.” At iniyukod niya ang kaniyang sarili sa harapan ng hari na nakadikit ang kaniyang mukha sa lupa at sinabing, “Pagpalain si Yahweh na iyong Diyos, na siyang nagbigay sa mga lalaking nagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoong hari.”
29 καὶ εἶπεν ὁ βασιλεύς εἰρήνη τῷ παιδαρίῳ τῷ Αβεσσαλωμ καὶ εἶπεν Αχιμαας εἶδον τὸ πλῆθος τὸ μέγα τοῦ ἀποστεῖλαι τὸν δοῦλον τοῦ βασιλέως Ιωαβ καὶ τὸν δοῦλόν σου καὶ οὐκ ἔγνων τί ἐκεῖ
Kaya sumagot ang hari, “Nasa mabuting kalagayan ba ang binatang si Absalom? Sumagot si Ahimaaz, “Nang pinadala ako ni Joab, ang lingkod ng hari, sa iyo, hari, nakita ko ang isang malaking kabalisahan, pero hindi ko alam kung ano ito.”
30 καὶ εἶπεν ὁ βασιλεύς ἐπίστρεψον στηλώθητι ὧδε καὶ ἐπεστράφη καὶ ἔστη
Pagkatapos sinabi ng hari, “Lumihis at tumayo rito.” Kaya lumihis si Ahimaaz, at nanatiling nakatayo.
31 καὶ ἰδοὺ ὁ Χουσι παρεγένετο καὶ εἶπεν τῷ βασιλεῖ εὐαγγελισθήτω ὁ κύριός μου ὁ βασιλεύς ὅτι ἔκρινέν σοι κύριος σήμερον ἐκ χειρὸς πάντων τῶν ἐπεγειρομένων ἐπὶ σέ
Pagkatapos kaagad namang dumating ang Cusita at sinabing, “May mabuting balita para sa aking panginoong hari, dahil ipinaghiganti ka ni Yahweh sa araw na ito mula sa lahat ng nag-alsa laban sa iyo.”
32 καὶ εἶπεν ὁ βασιλεὺς πρὸς τὸν Χουσι εἰ εἰρήνη τῷ παιδαρίῳ τῷ Αβεσσαλωμ καὶ εἶπεν ὁ Χουσι γένοιντο ὡς τὸ παιδάριον οἱ ἐχθροὶ τοῦ κυρίου μου τοῦ βασιλέως καὶ πάντες ὅσοι ἐπανέστησαν ἐπ’ αὐτὸν εἰς κακά
Pagkatapos sinabi ng hari sa Cusita, “Nasa mabuting kalagayan ba ang binatang si Absalom?” Sumagot ang Cusita, “Ang mga kaaway ng aking panginoong hari at ang lahat nang nag-alsa laban sa iyo, ay dapat matulad pinsala na nangyari sa binatang iyon.”
33 καὶ ἐταράχθη ὁ βασιλεὺς καὶ ἀνέβη εἰς τὸ ὑπερῷον τῆς πύλης καὶ ἔκλαυσεν καὶ οὕτως εἶπεν ἐν τῷ πορεύεσθαι αὐτόν υἱέ μου Αβεσσαλωμ υἱέ μου υἱέ μου Αβεσσαλωμ τίς δῴη τὸν θάνατόν μου ἀντὶ σοῦ ἐγὼ ἀντὶ σοῦ Αβεσσαλωμ υἱέ μου υἱέ μου
Pagkatapos kinabahan nang matindi ang hari at umakyat siya sa silid sa itaas ng tarangkahan at umiyak. Habang lumalakad nagdalamhati siya, “Absalom anak ko, anak ko, anak kong si Absalom! Ako nalang sana ang namatay sa halip na ikaw, Absalom, anak ko, anak ko!”

< Βασιλειῶν Βʹ 18 >