< Παραλειπομένων Βʹ 7 >
1 καὶ ὡς συνετέλεσεν Σαλωμων προσευχόμενος καὶ τὸ πῦρ κατέβη ἐκ τοῦ οὐρανοῦ καὶ κατέφαγεν τὰ ὁλοκαυτώματα καὶ τὰς θυσίας καὶ δόξα κυρίου ἔπλησεν τὸν οἶκον
Ngayon pagkatapos manalangin ni Solomon, bumaba ang apoy mula sa langit at nilamon ang mga handog na susunugin at ang mga Alay, at pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan.
2 καὶ οὐκ ἠδύναντο οἱ ἱερεῖς εἰσελθεῖν εἰς τὸν οἶκον κυρίου ἐν τῷ καιρῷ ἐκείνῳ ὅτι ἔπλησεν δόξα κυρίου τὸν οἶκον
Hindi makapasok ang mga pari sa tahanan ni Yahweh, dahil pinuno ng kaniyang kaluwalhatian ang kaniyang tahanan.
3 καὶ πάντες οἱ υἱοὶ Ισραηλ ἑώρων καταβαῖνον τὸ πῦρ καὶ ἡ δόξα κυρίου ἐπὶ τὸν οἶκον καὶ ἔπεσον ἐπὶ πρόσωπον ἐπὶ τὴν γῆν ἐπὶ τὸ λιθόστρωτον καὶ προσεκύνησαν καὶ ᾔνουν τῷ κυρίῳ ὅτι ἀγαθόν ὅτι εἰς τὸν αἰῶνα τὸ ἔλεος αὐτοῦ
Tumingin ang lahat ng mga tao ng Israel nang bumaba ang apoy at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay nasa tahanan. Yumuko sila na nakasayad ang kanilang mga mukha sa sahig na bato, sumamba, at nagpasalamat kay Yahweh. Sinabi nila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang tipan ng katapatan ay magpakailanman.”
4 καὶ ὁ βασιλεὺς καὶ πᾶς ὁ λαὸς θύοντες θύματα ἔναντι κυρίου
Kaya naghandog ang hari at ang lahat ng tao ng mga alay kay Yahweh.
5 καὶ ἐθυσίασεν Σαλωμων τὴν θυσίαν μόσχων εἴκοσι καὶ δύο χιλιάδας καὶ βοσκημάτων ἑκατὸν καὶ εἴκοσι χιλιάδας καὶ ἐνεκαίνισεν τὸν οἶκον τοῦ θεοῦ ὁ βασιλεὺς καὶ πᾶς ὁ λαός
Naghandog ng alay si Haring Solomon ng dalawampung libong mga baka at 120, 000 na mga tupa at mga kambing. Kaya inihandog ng hari at ng lahat ng mga tao ang tahanan ng Diyos.
6 καὶ οἱ ἱερεῖς ἐπὶ τὰς φυλακὰς αὐτῶν ἑστηκότες καὶ οἱ Λευῖται ἐν ὀργάνοις ᾠδῶν κυρίου τοῦ Δαυιδ τοῦ βασιλέως τοῦ ἐξομολογεῖσθαι ἔναντι κυρίου ὅτι εἰς τὸν αἰῶνα τὸ ἔλεος αὐτοῦ ἐν ὕμνοις Δαυιδ διὰ χειρὸς αὐτῶν καὶ οἱ ἱερεῖς σαλπίζοντες ταῖς σάλπιγξιν ἐναντίον αὐτῶν καὶ πᾶς Ισραηλ ἑστηκώς
Tumayo ang mga pari, nakatayo ang bawat isa kung saan sila naglilingkod; ganoon din ang mga Levita dala ang mga kagamitan ng musika ni Yahweh na ginawa ni David sa pagbibigay ng mga pasasalamat kay Yahweh sa awitin, “Mananatili ang kaniyang tipan ng kasunduan magpakailanman.” Nagpatunog ng mga trumpeta ang lahat ng pari sa harap nila; at tumayo ang lahat ng Israelita.
7 καὶ ἡγίασεν Σαλωμων τὸ μέσον τῆς αὐλῆς τῆς ἐν οἴκῳ κυρίου ὅτι ἐποίησεν ἐκεῖ τὰ ὁλοκαυτώματα καὶ τὰ στέατα τῶν σωτηρίων ὅτι τὸ θυσιαστήριον τὸ χαλκοῦν ὃ ἐποίησεν Σαλωμων οὐκ ἐξεποίει δέξασθαι τὰ ὁλοκαυτώματα καὶ τὰ μαναα καὶ τὰ στέατα
Inihandog ni Solomon ang gitna ng patyo na nasa harap ng tahanan ni Yahweh. Hinandog niya roon ang mga handog na susunugin at ang taba ng handog pangkapayapaan, dahil hindi magkasya sa ginawa niyang altar na tanso ang mga handog na susunudin, ang mga butil na handog, at ang taba.
8 καὶ ἐποίησεν Σαλωμων τὴν ἑορτὴν ἐν τῷ καιρῷ ἐκείνῳ ἑπτὰ ἡμέραις καὶ πᾶς Ισραηλ μετ’ αὐτοῦ ἐκκλησία μεγάλη σφόδρα ἀπὸ εἰσόδου Αιμαθ καὶ ἕως χειμάρρου Αἰγύπτου
Kaya idinaos ni Solomon ang pagdiriwang sa panahong iyon sa loob ng pitong araw, kasama ang buong Israel, isang napakalaking kapulungan, mula sa Lebo Hamat hanggang sa batis ng Ehipto.
9 καὶ ἐποίησεν ἐν τῇ ἡμέρᾳ τῇ ὀγδόῃ ἐξόδιον ὅτι ἐγκαινισμὸν τοῦ θυσιαστηρίου ἐποίησεν ἑπτὰ ἡμέρας ἑορτήν
At sa ika-walong araw nagdaos sila ng taimtim na pagtitipon, sapagkat ginawa nila ang paghahandog ng altar sa loob ng pitong araw, at ang pagdiriwang sa loob ng pitong araw.
10 καὶ ἐν τῇ τρίτῃ καὶ εἰκοστῇ τοῦ μηνὸς τοῦ ἑβδόμου ἀπέστειλεν τὸν λαὸν εἰς τὰ σκηνώματα αὐτῶν εὐφραινομένους καὶ ἀγαθῇ καρδίᾳ ἐπὶ τοῖς ἀγαθοῖς οἷς ἐποίησεν κύριος τῷ Δαυιδ καὶ τῷ Σαλωμων καὶ τῷ Ισραηλ λαῷ αὐτοῦ
Sa ika- dalawampu't tatlong araw ng ika-pitong buwan, pina-uwi ni Solomon ang mga tao sa kanilang mga tahanan na may mga pusong masaya at nagagalak dahil sa kabutihan na ipinakita ni Yahweh kay David, kay Solomon, at sa Israel, ang kaniyang mga tao.
11 καὶ συνετέλεσεν Σαλωμων τὸν οἶκον κυρίου καὶ τὸν οἶκον τοῦ βασιλέως καὶ πάντα ὅσα ἠθέλησεν ἐν τῇ ψυχῇ Σαλωμων τοῦ ποιῆσαι ἐν οἴκῳ κυρίου καὶ ἐν οἴκῳ αὐτοῦ εὐοδώθη
Sa gayon natapos ni Solomon ang tahanan ni Yahweh at ang kaniyang sariling tahanan. Lahat ng nasa puso ni Solomon na gawin sa tahanan ni Yahweh at sa kaniyang sariling tahanan, matagumpay niyang nagawa.
12 καὶ ὤφθη ὁ θεὸς τῷ Σαλωμων τὴν νύκτα καὶ εἶπεν αὐτῷ ἤκουσα τῆς προσευχῆς σου καὶ ἐξελεξάμην ἐν τῷ τόπῳ τούτῳ ἐμαυτῷ εἰς οἶκον θυσίας
Nagpakita si Yahweh kay Solomon sa gabi at sinabi sa kaniya, “Narinig ko ang iyong panalangin, at pinili ko ang lugar na ito para sa aking sarili bilang isang bahay alayan.
13 ἐὰν συσχῶ τὸν οὐρανὸν καὶ μὴ γένηται ὑετός καὶ ἐὰν ἐντείλωμαι τῇ ἀκρίδι καταφαγεῖν τὸ ξύλον καὶ ἐὰν ἀποστείλω θάνατον ἐν τῷ λαῷ μου
Ipagpalagay na isinara ko ang kalangitan upang walang ulan, o kung utusan ko ang mga balang na lamunin ang lupain, o kung magpadala ako ng sakit sa aking mga tao.
14 καὶ ἐὰν ἐντραπῇ ὁ λαός μου ἐφ’ οὓς τὸ ὄνομά μου ἐπικέκληται ἐπ’ αὐτούς καὶ προσεύξωνται καὶ ζητήσωσιν τὸ πρόσωπόν μου καὶ ἀποστρέψωσιν ἀπὸ τῶν ὁδῶν αὐτῶν τῶν πονηρῶν καὶ ἐγὼ εἰσακούσομαι ἐκ τοῦ οὐρανοῦ καὶ ἵλεως ἔσομαι ταῖς ἁμαρτίαις αὐτῶν καὶ ἰάσομαι τὴν γῆν αὐτῶν
Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
15 νῦν οἱ ὀφθαλμοί μου ἔσονται ἀνεῳγμένοι καὶ τὰ ὦτά μου ἐπήκοα τῇ προσευχῇ τοῦ τόπου τούτου
Ngayon magiging bukas ang aking mga mata at makikinig ang aking mga tainga sa mga panalangin na gagawin sa lugar na ito.
16 καὶ νῦν ἐξελεξάμην καὶ ἡγίακα τὸν οἶκον τοῦτον τοῦ εἶναι ὄνομά μου ἐκεῖ ἕως αἰῶνος καὶ ἔσονται οἱ ὀφθαλμοί μου καὶ ἡ καρδία μου ἐκεῖ πάσας τὰς ἡμέρας
Sapagkat pinili ko ngayon at inilaan ang tahanang ito, upang ang aking pangalan ay naroon magpakailanman; at ang aking mga mata at puso ay naroon sa lahat ng panahon.
17 καὶ σὺ ἐὰν πορευθῇς ἐναντίον μου ὡς Δαυιδ ὁ πατήρ σου καὶ ποιήσῃς κατὰ πάντα ἃ ἐνετειλάμην σοι καὶ τὰ προστάγματά μου καὶ τὰ κρίματά μου φυλάξῃ
At ikaw, kung lalakad ka sa harap ko tulad ng iyong amang si David, na sinusunod ang lahat ng iniutos ko sa iyo at sinusunod ang aking mga panuntunan at mga kautusan,
18 καὶ ἀναστήσω τὸν θρόνον τῆς βασιλείας σου ὡς διεθέμην Δαυιδ τῷ πατρί σου λέγων οὐκ ἐξαρθήσεταί σοι ἀνὴρ ἡγούμενος ἐν Ισραηλ
kung gayon, itatatag ko ang trono ng iyong kaharian, tulad ng sinabi ko sa isang kasunduan kay David na iyong ama, noong sinabi ko, 'Hindi mabibigo kailanman ang isa sa iyong lahi na maging hari ng Israel.'
19 καὶ ἐὰν ἀποστρέψητε ὑμεῖς καὶ ἐγκαταλίπητε τὰ προστάγματά μου καὶ τὰς ἐντολάς μου ἃς ἔδωκα ἐναντίον ὑμῶν καὶ πορευθῆτε καὶ λατρεύσητε θεοῖς ἑτέροις καὶ προσκυνήσητε αὐτοῖς
Ngunit kung tatalikod ka, at iiwanan ang aking mga panuntunan at ang mga kautusan na aking ibinigay sa iyo, at kung sasamba ka sa ibang mga diyos at yumuko sa kanila,
20 καὶ ἐξαρῶ ὑμᾶς ἀπὸ τῆς γῆς ἧς ἔδωκα αὐτοῖς καὶ τὸν οἶκον τοῦτον ὃν ἡγίασα τῷ ὀνόματί μου ἀποστρέψω ἐκ προσώπου μου καὶ δώσω αὐτὸν εἰς παραβολὴν καὶ εἰς διήγημα ἐν πᾶσιν τοῖς ἔθνεσιν
sa panahong iyon ay bubunutin ko sila mula sa aking lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang tahanang ito na itinalaga ko sa aking pangalan—palalayasin ko ito mula sa aking harapan, at gagawin ko itong kawikaan at isang katatawanan sa gitna ng lahat ng lahi ng tao.
21 καὶ ὁ οἶκος οὗτος ὁ ὑψηλός πᾶς ὁ διαπορευόμενος αὐτὸν ἐκστήσεται καὶ ἐρεῖ χάριν τίνος ἐποίησεν κύριος τῇ γῇ ταύτῃ καὶ τῷ οἴκῳ τούτῳ
At kahit na ang templong ito sa ngayon ay matayog, magugulat ang lahat na dadaan dito at susutsut. Tatanungin nila, 'Bakit ginawa ito ni Yahweh sa lupain ito at sa tahanang ito?'
22 καὶ ἐροῦσιν διότι ἐγκατέλιπον κύριον τὸν θεὸν τῶν πατέρων αὐτῶν τὸν ἐξαγαγόντα αὐτοὺς ἐκ γῆς Αἰγύπτου καὶ ἀντελάβοντο θεῶν ἑτέρων καὶ προσεκύνησαν αὐτοῖς καὶ ἐδούλευσαν αὐτοῖς διὰ τοῦτο ἐπήγαγεν ἐπ’ αὐτοὺς πᾶσαν τὴν κακίαν ταύτην
Sasagot ang iba, 'Dahil tinalikuran nila si Yahweh, ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanilang mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, at bumaling sila sa ibang diyos at yumuko sa kanila at sinamba sila. Iyon ang dahilan kung bakit dinala ni Yahweh ang lahat ng sakunang ito sa kanila.”