< Κατα Ιωαννην 16 >

1 ταυτα λελαληκα υμιν ινα μη σκανδαλισθητε
Sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo matisod.
2 αποσυναγωγους ποιησουσιν υμας αλλ ερχεται ωρα ινα πας ο αποκτεινας υμας δοξη λατρειαν προσφερειν τω θεω
Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga; tunay nga na darating ang oras na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang gumagawa siya ng mabuting gawain para sa Diyos.
3 και ταυτα ποιησουσιν οτι ουκ εγνωσαν τον πατερα ουδε εμε
Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama o ako.
4 αλλα ταυτα λελαληκα υμιν ινα οταν ελθη η ωρα μνημονευητε αυτων οτι εγω ειπον υμιν ταυτα δε υμιν εξ αρχης ουκ ειπον οτι μεθ υμων ημην
Sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang kung ang oras ay dumating para ang mga ito ay mangyari, maaari ninyong maalala ang mga ito at kung paano ko sinabi sa inyo ang mga bagay tungkol sa mga ito. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong simula dahil ako ay kasama ninyo.
5 νυν δε υπαγω προς τον πεμψαντα με και ουδεις εξ υμων ερωτα με που υπαγεις
Subalit, ngayon ako ay pupunta sa kaniya na nagsugo sa akin, ngunit wala ni isa man sa inyo ang nagtanong sa akin: “Saan ka pupunta?”
6 αλλ οτι ταυτα λελαληκα υμιν η λυπη πεπληρωκεν υμων την καρδιαν
Dahil sa sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, napuno ng kalungkutan ang inyong puso.
7 αλλ εγω την αληθειαν λεγω υμιν συμφερει υμιν ινα εγω απελθω εαν γαρ εγω μη απελθω ο παρακλητος ουκ ελευσεται προς υμας εαν δε πορευθω πεμψω αυτον προς υμας
Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyo na ako ay lumisan; dahil kung hindi ako lilisan; hindi darating sa inyo ang Manga-aliw, subalit kung ako ay lilisan, susuguin ko siya sa inyo.
8 και ελθων εκεινος ελεγξει τον κοσμον περι αμαρτιας και περι δικαιοσυνης και περι κρισεως
Sa kaniyang pagdating, ipahahayag ng Mangaaliw sa mundo tungkol sa kasalanan, tungkol sa katuwiran at tungkol sa paghuhukom—
9 περι αμαρτιας μεν οτι ου πιστευουσιν εις εμε
tungkol sa kasalanan, dahil hindi sila naniniwala sa akin,
10 περι δικαιοσυνης δε οτι προς τον πατερα μου υπαγω και ουκετι θεωρειτε με
tungkol sa katuwiran, dahil ako ay pupunta sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita,
11 περι δε κρισεως οτι ο αρχων του κοσμου τουτου κεκριται
at tungkol sa paghuhukom, dahil ang prinsipe ng mundong ito ay nahatulan na.
12 ετι πολλα εχω λεγειν υμιν αλλ ου δυνασθε βασταζειν αρτι
Maraming mga bagay akong sasabihin sa inyo, subalit hindi ninyo mauunawaan ang mga ito sa ngayon.
13 οταν δε ελθη εκεινος το πνευμα της αληθειας οδηγησει υμας εις πασαν την αληθειαν ου γαρ λαλησει αφ εαυτου αλλ οσα αν ακουση λαλησει και τα ερχομενα αναγγελει υμιν
Subalit, kapag siya na Espiritu ng Katotohanan ay dumating, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan: dahil hindi siya magsasalita mula sa kaniyang sarili, ngunit anumang mga bagay ang naririnig niya, sasabihin niya ang mga ito, at ihahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.
14 εκεινος εμε δοξασει οτι εκ του εμου ληψεται και αναγγελει υμιν
Luluwalhatiin niya ako, dahil kukunin niya ang mga bagay na akin, at ihahayag ang mga ito sa inyo.
15 παντα οσα εχει ο πατηρ εμα εστιν δια τουτο ειπον οτι εκ του εμου λαμβανει και αναγγελει υμιν
Ang lahat ng anumang bagay na mayroon ang Ama ay akin. Kaya nga sinabi ko na kukunin ng Espritu ang mga bagay na akin at ihahayag ang mga ito sa inyo.
16 μικρον και ου θεωρειτε με και παλιν μικρον και οψεσθε με οτι υπαγω προς τον πατερα
Sa kaunting panahon na lamang, ako ay hindi na ninyo makikita, pagkatapos muli ng kaunting panahon makikita ninyo ako.”
17 ειπον ουν εκ των μαθητων αυτου προς αλληλους τι εστιν τουτο ο λεγει ημιν μικρον και ου θεωρειτε με και παλιν μικρον και οψεσθε με και οτι εγω υπαγω προς τον πατερα
Ang ilan sa mga alagad ay nagsabi sa isa't -isa, “Ano itong sinasabi niya sa atin, 'Sa kaunting panahon at hindi na ninyo ako makikita,' at muli 'Sa kaunting panahon at makikita ninyo ako' at 'Dahil ako ay pupunta sa Ama?'
18 ελεγον ουν τουτο τι εστιν ο λεγει το μικρον ουκ οιδαμεν τι λαλει
Kaya nga sinabi nila, “Ano nga ito na sinabi niya, 'Sa kaunting panahon?' Hindi natin alam ang sinasabi niya.”
19 εγνω ουν ο ιησους οτι ηθελον αυτον ερωταν και ειπεν αυτοις περι τουτου ζητειτε μετ αλληλων οτι ειπον μικρον και ου θεωρειτε με και παλιν μικρον και οψεσθε με
Nakita ni Jesus na sila ay sabik na tanungin siya, at sinabi niya sa kanila, “Tinatanong ba ninyo ang inyong mga sarili tungkol dito, na aking sinabi, 'Sa kaunitng panahon ay hindi na ninyo ako makikita; at matapos ang kaunting panahon, muling makikita ninyo ako?'
20 αμην αμην λεγω υμιν οτι κλαυσετε και θρηνησετε υμεις ο δε κοσμος χαρησεται υμεις δε λυπηθησεσθε αλλ η λυπη υμων εις χαραν γενησεται
Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, kayo ay mananangis at mananaghoy, subalit ang mundo ay magagalak; kayo ay magdadalamhati subalit ang inyong dalamhati ay magiging kagalakan.
21 η γυνη οταν τικτη λυπην εχει οτι ηλθεν η ωρα αυτης οταν δε γεννηση το παιδιον ουκετι μνημονευει της θλιψεως δια την χαραν οτι εγεννηθη ανθρωπος εις τον κοσμον
Ang babae ay may dalamhati kapag siya ay nakararamdam ng pananakit ng tiyan dahil ang oras ng kaniyang panganganak ay malapit na; ngunit kapag naipanganak na niya ang bata, hindi na niya naaalala ang sakit dahil sa kaniyang kagalakan na isang sanggol ay naipanganak na sa mundo.
22 και υμεις ουν λυπην μεν νυν εχετε παλιν δε οψομαι υμας και χαρησεται υμων η καρδια και την χαραν υμων ουδεις αιρει αφ υμων
Kayo rin, may dalamhati kayo ngayon, ngunit makikita ko kayong muli; at ang inyong puso ay magagalak, at walang sinumang makapag-aalis ng kagalakang ito mula sa inyo.
23 και εν εκεινη τη ημερα εμε ουκ ερωτησετε ουδεν αμην αμην λεγω υμιν οτι οσα αν αιτησητε τον πατερα εν τω ονοματι μου δωσει υμιν
Sa araw na iyon, hindi kayo magtataong ng kahit anong tanong. Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, kung anuman ang hingin ninyo sa Ama, ibibigay niya ito sa inyo sa aking pangalan.
24 εως αρτι ουκ ητησατε ουδεν εν τω ονοματι μου αιτειτε και ληψεσθε ινα η χαρα υμων η πεπληρωμενη
Hanggang ngayon wala pa kayong hinihinging anuman sa aking pangalan; humingi kayo at kayo ay tatanggap upang ang inyong kagalakan ay maging lubos.
25 ταυτα εν παροιμιαις λελαληκα υμιν αλλ ερχεται ωρα οτε ουκετι εν παροιμιαις λαλησω υμιν αλλα παρρησια περι του πατρος αναγγελω υμιν
Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito sa nakakubling wika, ngunit ang oras ay darating, na hindi na ako magsasalita sa inyo sa nakakubling wika, ngunit sa halip sasabihin ko ng malinaw ang tungkol sa Ama.
26 εν εκεινη τη ημερα εν τω ονοματι μου αιτησεσθε και ου λεγω υμιν οτι εγω ερωτησω τον πατερα περι υμων
Sa araw na iyon kayo ay hihingi sa aking pangalan, at hindi ko sinasabi na ako ay dadalangin sa Ama para sa inyo;
27 αυτος γαρ ο πατηρ φιλει υμας οτι υμεις εμε πεφιληκατε και πεπιστευκατε οτι εγω παρα του θεου εξηλθον
dahil ang Ama mismo ay nagmamahal sa inyo, dahil minahal ninyo ako at sapagka't kayo ay naniwala na ako ay nagmula sa Ama.
28 εξηλθον παρα του πατρος και εληλυθα εις τον κοσμον παλιν αφιημι τον κοσμον και πορευομαι προς τον πατερα
Nagmula ako sa Ama, at ako ay dumating sa mundo; muling lilisanin ko ang mundo at ako ay pupunta sa Ama.
29 λεγουσιν αυτω οι μαθηται αυτου ιδε νυν παρρησια λαλεις και παροιμιαν ουδεμιαν λεγεις
Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya, “Tingnan mo, ngayon ay nagsasalita ka sa amin ng malinaw at hindi gumagamit ng matalinghagang pananalita.
30 νυν οιδαμεν οτι οιδας παντα και ου χρειαν εχεις ινα τις σε ερωτα εν τουτω πιστευομεν οτι απο θεου εξηλθες
Ngayon alam na namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay at hindi mo kailangan ang sinuman upang ikaw ay tanungin ng mga katanungan. Dahil dito naniniwala kami na ikaw ay nagmula sa Diyos.
31 απεκριθη αυτοις ο ιησους αρτι πιστευετε
Sinagot sila ni Jesus, “Naniniwala na ba kayo?”
32 ιδου ερχεται ωρα και νυν εληλυθεν ινα σκορπισθητε εκαστος εις τα ιδια και εμε μονον αφητε και ουκ ειμι μονος οτι ο πατηρ μετ εμου εστιν
Tingnan ninyo, ang oras ay paparating, oo at dumating na nga, na kayo ay magkakahiwa-hiwalay, bawa't isa sa kaniyang sariling pag-aari, at iiwanan ninyo akong mag-isa. Subalit ako ay hindi nag-iisa dahil ang Ama ay kasama ko.
33 ταυτα λελαληκα υμιν ινα εν εμοι ειρηνην εχητε εν τω κοσμω θλιψιν εχετε αλλα θαρσειτε εγω νενικηκα τον κοσμον
Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Sa mundo, kayo ay mayroong mga kabalisahan, subalit lakasan ninyo ang inyong loob; napagtagumpayan ko na ang mundo.

< Κατα Ιωαννην 16 >