< Προς Εβραιους 5 >

1 πας γαρ αρχιερευς εξ ανθρωπων λαμβανομενος υπερ ανθρωπων καθισταται τα προς τον θεον ινα προσφερη δωρα τε και θυσιας υπερ αμαρτιων
Sapagkat bawat pinaka-punong pari, na pinili mula sa mga tao, ay itinalaga upang gumanap para sa kanila sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang siya ay maaaring makapag-alay ng mga kaloob at mga handog para sa mga kasalanan.
2 μετριοπαθειν δυναμενος τοις αγνοουσιν και πλανωμενοις επει και αυτος περικειται ασθενειαν
Kaya niyang makitungo nang malumanay sa mga walang alam at sa naliligaw sapagkat siya mismo ay napapaligiran rin ng kahinaan.
3 και δια ταυτην οφειλει καθως περι του λαου ουτως και περι εαυτου προσφερειν υπερ αμαρτιων
Dahil dito, siya ay kinakakailangan rin na magdala ng mga handog para sa kaniyang mga kasalanan katulad ng ginagawa niya para sa mga kasalanan ng mga tao.
4 και ουχ εαυτω τις λαμβανει την τιμην αλλα καλουμενος υπο του θεου καθαπερ και ααρων
At walang sino man ang makakapagparangal sa kaniyang sarili, sa halip, kinakailangang siya ay tinawag ng Diyos, katulad ni Aaron.
5 ουτως και ο χριστος ουχ εαυτον εδοξασεν γενηθηναι αρχιερεα αλλ ο λαλησας προς αυτον υιος μου ει συ εγω σημερον γεγεννηκα σε
Maging si Cristo ay hindi pinarangalan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniyang sarili bilang pinakapunong- pari. Sa halip ay sinabi ng Diyos sa kaniya, ''Ikaw ay aking Anak, ngayong araw na ito ako ay naging iyong Ama.”
6 καθως και εν ετερω λεγει συ ιερευς εις τον αιωνα κατα την ταξιν μελχισεδεκ (aiōn g165)
Ito ay katulad lang din ng kaniyang sinabi sa ibang lugar, ''Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” (aiōn g165)
7 ος εν ταις ημεραις της σαρκος αυτου δεησεις τε και ικετηριας προς τον δυναμενον σωζειν αυτον εκ θανατου μετα κραυγης ισχυρας και δακρυων προσενεγκας και εισακουσθεις απο της ευλαβειας
Sa panahon ng kaniyang laman, nag-alay siya ng mga panalangin at mga kahilingan, nakikiusap ng may pagluha sa Diyos, na may kakayahang makapagliligtas sa kaniya mula sa kamatayan. Dahil sa kaniyang paggalang sa Diyos, siya ay pinakinggan.
8 καιπερ ων υιος εμαθεν αφ ων επαθεν την υπακοην
Bagama't siya ay anak, natutunan niya ang pagsunod mula sa mga bagay na kaniyang tiniis.
9 και τελειωθεις εγενετο τοις υπακουουσιν αυτω πασιν αιτιος σωτηριας αιωνιου (aiōnios g166)
Siya ay ginawang ganap at sa pamamaraang ito, siya ang dahilan ng walang hanggang kaligtasan para sa bawat isang sumusunod sa kaniya, (aiōnios g166)
10 προσαγορευθεις υπο του θεου αρχιερευς κατα την ταξιν μελχισεδεκ
na itinalaga ng Diyos bilang pinaka-punong pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
11 περι ου πολυς ημιν ο λογος και δυσερμηνευτος λεγειν επει νωθροι γεγονατε ταις ακοαις
Marami kaming masasabi tungkol kay Jesus, ngunit mahirap itong ipaliwanag sapagkat kayo ay mapurol sa pakikinig.
12 και γαρ οφειλοντες ειναι διδασκαλοι δια τον χρονον παλιν χρειαν εχετε του διδασκειν υμας τινα τα στοιχεια της αρχης των λογιων του θεου και γεγονατε χρειαν εχοντες γαλακτος και ου στερεας τροφης
Kahit sa oras na ito ay marapat na sana kayong maging tagapagturo, ngunit kinakailangan pa rin na may magturo sa inyo ng mga pangunahing alituntunin ng mga salita ng Diyos. Nangangailangan kayo ng gatas, hindi nang matigas na pagkain.
13 πας γαρ ο μετεχων γαλακτος απειρος λογου δικαιοσυνης νηπιος γαρ εστιν
Sapagkat sinuman na gatas pa lamang ang iniinom ay walang karanasan sa mensahe ng katuwiran, sapagkat siya ay sanggol pa lang.
14 τελειων δε εστιν η στερεα τροφη των δια την εξιν τα αισθητηρια γεγυμνασμενα εχοντων προς διακρισιν καλου τε και κακου
Sa ibang banda, ang matigas na pagkain ay para sa mga may ganap nang gulang, sila na dahil sa kanilang karanasang kumilala ng tama sa mali, ay sinanay upang maunawaan ang mabuti at masama.

< Προς Εβραιους 5 >