< Ezekieli 16 >

1 Kiugo kĩa Jehova nĩkĩanginyĩrĩire, ngĩĩrwo atĩrĩ,
At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
2 “Mũrũ wa mũndũ, ngʼethanĩra na itũũra rĩa Jerusalemu, ũrĩonie mĩtugo yarĩo ĩyo ĩrĩ magigi,
“Anak ng tao, ipaalam mo sa Jerusalem ang tungkol sa kaniyang mga gawang kasuklam-suklam,
3 uuge atĩrĩ, ‘Ũũ nĩguo Mwathani Jehova areera Jerusalemu: Kĩhumo gĩaku na gũciarwo gwaku cioimanire na bũrũri wa andũ a Kaanani; thoguo aarĩ Mũamori, nake maitũguo aarĩ Mũhiti.
at ipahayag, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa Jerusalem: Nangyari ang iyong pasimula at kapanganakan sa lupain ng Canaan; isang Amoreo ang iyong ama at isang Heteo ang iyong ina.
4 Mũthenya ũrĩa waciarirwo-rĩ, ndwatinirio rũrĩra, o na kana ũgĩthambio na maaĩ nĩguo ũthere, o na kana ũkĩhakwo cumbĩ, kana ũgĩthaywo na nguo cia mwana.
Sa araw ng iyong kapanganakan, hindi pinutol ng iyong ina ang iyong pusod, ni hindi ka niya nilinisan sa tubig o kinuskos ng asin o binalot ng tela.
5 Gũtirĩ mũndũ o na ũmwe wakũrorire, agĩkũiguĩra tha, kana agĩgũcaaĩra o kũigana nĩguo agwĩke ũndũ o na ũmwe wa macio. No rĩrĩ, wateirwo na kũu werũ-inĩ, nĩ ũndũ wamenirwo o mũthenya o ro ũcio waciarirwo.
Walang matang nahabag sa iyo upang gawin sa iyo ang alinman sa mga bagay na ito, ang mahabag sa iyo! Sa araw na ipinanganak ka, habang naliligo sa sarili mong dugo, mayroong nasuklam sa iyong buhay, itinapon ka sa isang malawak na kaparangan.
6 “‘Hĩndĩ ĩyo nĩndahĩtũkĩire hau warĩ ngĩkuona ũkĩĩgaragaria thakame-inĩ yaku, na rĩrĩa wakomete hau thakame-inĩ yaku-rĩ, ngĩkwĩra atĩrĩ, “Tũũra muoyo!”
Ngunit nadaanan kita at nakita kitang naliligo sa iyong sariling dugo, kaya sinabi ko sa iyo habang duguan, “Mabuhay ka!”
7 Nĩndatũmire ũkũre o ta mũtĩ wa mũgũnda. Nawe ũgĩkũra, ũkĩneneha, o na ũgĩtuĩka ithaga ithaka mũno gũkĩra marĩa mangĩ. Nyondo ciaku nacio ikĩĩhaanda, na njuĩrĩ yaku ĩgĩkũra, o wee ũrĩa warĩ njaga na ũkaaga nguo.
Pinalaki kitang katulad ng isang halaman sa isang kaparangan. Dumami ka at naging tanyag, at napalamutian ng mga hiyas. Namuo ang iyong dibdib at kumapal ang iyong buhok, ngunit ikaw ay hubo't hubad parin.
8 “‘Thuutha ũcio nĩndahĩtũkĩire hau, na rĩrĩa ndaakũrorire ngĩona atĩ warĩ mũgima wa kwendeka, ngĩgũtambũrũkĩria gĩcũrĩ kĩa nguo yakwa, ngĩhumbĩra njaga yaku. Na niĩ ngĩkwĩhĩtĩra mwĩhĩtwa mũrũmu, na tũkĩgĩa kĩrĩkanĩro nawe, ũgĩtuĩka wakwa, ũguo nĩguo Mwathani Jehova ekuuga.
Nadaanan kitang muli, at nakita kita at tingnan mo! Dumating na sa iyo ang oras ng pag-ibig kaya sinuotan kita ng balabal at tinakpan ang iyong kahubaran. Pagkatapos, nangako ako sa iyo at dinala kita sa isang kasunduan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at ikaw ay naging akin.
9 “‘Nĩndagũthambirie na maaĩ, ngĩkũgiria thakame, na ngĩkũhaka maguta.
Kaya hinugasan kita ng tubig at binanlawan ko ang iyong dugo mula sa iyo, at pinahiran kita ng langis.
10 Nĩndakũhumbire nguo ngʼemie na ngĩgwĩkĩra nyamũga cia rũũa. Nĩndakũhumbire nguo njega ya gatani na ngĩkũhumba nguo cia goro.
Dinamitan kita ng mga naburdahang damit at nilagyan ng balat na sandalyas ang iyong paa, binalot kita ng pinong lino at tinakpan ng sedang damit.
11 Nĩndakũgemirie na mathaga: ngĩgwĩkĩra bangiri moko, na mũgathĩ ngingo,
Ang sumunod, pinalamutian kita ng mga alahas at nilagyan ko ng pulseras ang iyong mga kamay at kuwintas sa iyong leeg.
12 ngĩcooka ngĩgwĩkĩra gĩcũhĩ iniũrũ, na icũhĩ matũ, na tanji thaka mũtwe.
Nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong at tainga at isang magandang korona sa iyong ulo.
13 Nĩ ũndũ ũcio ũkĩgemio na thahabu na betha: nacio nguo ciaku ciarĩ cia gatani ĩrĩa njega, na itambaya cia goro, na nguo ngʼemie. Irio ciaku ciarĩ mũtu mũhinyu, na ũũkĩ, na maguta ma mũtamaiyũ. Wee nawe ũgĩthakara mũno na ũkĩambatĩrio ũgĩtuĩka mũthamaki-mũndũ-wa-nja.
Kaya napalamutian ka ng ginto at pilak at nadamitan ka ng pinong lino, sedang damit at mga binurdahang damit; kumain ka ng pinakamainam na harina, pulot-pukyutan, at langis, at napakaganda mo, at ikaw ay naging isang reyna.
14 Nayo ngumo yaku ĩgĩtheerema ndũrĩrĩ-inĩ nĩ ũndũ wa ũthaka waku, nĩ ũndũ riiri ũrĩa ndaagwĩkĩrĩte nĩwatũmire ũthaka waku wagĩrĩre kũna, ũguo nĩguo Mwathani Jehova ekuuga.
Lumaganap ang iyong katanyagan sa mga bansa dahil sa iyong kagandahan, sapagkat ito ay ganap sa karangyaang ibinigay ko sa iyo—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
15 “‘No rĩrĩ, wee nĩwehokire ũthaka waku, na ũkĩhũthĩra ngumo yaku ĩgĩtũma ũtuĩke mũmaraya. Nĩwahũũrire ũmaraya na mwĩhĩtũkĩri o wothe, naguo ũthaka waku ũgĩtuĩka wake.
Ngunit nagtiwala ka sa iyong sariling kagandahan, at kumilos kang tulad ng mga babaeng bayaran dahil sa iyong katanyagan; ibinuhos mo ang iyong gawaing kahalayan sa sinumang dumaraan. Naging pag-aari ka ng mga kalalakihang iyon!
16 Woire nguo imwe ciaku, ũkĩgemia mahooero ma kũndũ gũtũũgĩru kũrĩa wahũũragĩra ũmaraya. Maũndũ ta macio matiagĩrĩirwo nĩ gwĩkĩka, kana magĩe kuo o na rĩ.
Pagkatapos, hinubad mo ang iyong mga damit at gumawa kang kasama nila ng mga dambanang pinalamutian ng iba't ibang kulay, at kumilos ka sa kanilang tulad ng isang babaeng bayaran. Hindi ito dapat dumating! Hindi ito dapat nangyari!
17 Ningĩ ũgĩcooka ũkĩoya mathaga macio mega ndaakũheire, o mathaga macio mathondeketwo na thahabu yakwa na betha yakwa, ũgĩĩthondekera mĩhianano ya arũme, ũgĩcooka ũkĩhũũra ũmaraya nayo.
Kinuha mo ang mga magagandang alahas na ginto at pilak na ibinigay ko sa iyo, at gumawa ka ng mga anyong lalaki para sa iyong sarili, at gumawa kang kasama nila ng mga gawaing katulad ng ginagawa ng babaeng bayaran.
18 Ningĩ ũkĩoya nguo icio ciaku ciarĩ ngʼemie, ũgĩcihumba mĩhianano ĩyo, ũgĩcooka ũkĩmĩrutĩra maguta makwa na ũbumba.
Kinuha mo ang iyong mga naburdahang kasuotan at ibinalot mo sa kanila, at inilagay mo sa kanila ang aking mga langis at mga pabango.
19 O nacio irio iria ndaakũheete ũrĩe, nacio nĩ mũtu mũhinyu, na maguta ma mũtamaiyũ, na ũũkĩ, wacirutĩire mĩhianano ĩyo ĩtuĩke ũbumba ũrĩ na mũtararĩko mwega. Ũguo nĩguo gwekĩkire, Mwathani Jehova nĩwe ugĩte ũguo.
At ang aking mga tinapay na gawa sa mga pinong harina, langis at pulot-pukyutan na ibinigay ko sa iyo— mga ipinakain ko sa iyo! — inilagay mo sa harapan nila upang magdulot ng matamis na amoy. Tunay nga itong nangyari! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
20 “‘Na rĩrĩ, woire ariũ na aarĩ aku arĩa wanjiarĩire, ũkĩmaruta igongona matuĩke ta irio cia mĩhianano ĩyo. Ũhũũri waku wa ũmaraya-rĩ, kaĩ ũtaarĩ mũiganu?
Pagkatapos ay kinuha mo ang iyong mga lalaki at babaeng anak na iyong isinilang para sa akin at iyong inialay sa mga imahe upang lamunin bilang pagkain. Maliit na bagay ba ang iyong ginagawang kahalayan?
21 Nĩwathĩnjire ciana ciakwa ũgĩciruta igongona harĩ mĩhianano ĩyo.
Pinatay mo ang aking mga anak at inialay mo silang handog sa mga imahe sa pamamagitan ng apoy.
22 Mĩtugo-inĩ yaku yothe ĩrĩ magigi ĩrĩa wekire, na ũhũũri-inĩ waku wa ũmaraya, ndwaririkanire matukũ ma ũnini waku, rĩrĩa warĩ njaga na ũtaarĩ na nguo, o rĩrĩa wegaragaragia thakame-inĩ yaku.
Sa lahat ng iyong gawaing kasuklam-suklam at kahalayan, hindi mo inisip ang tungkol sa mga araw ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo't hubad na nagugumon sa iyong dugo.
23 “‘Hĩ, kaĩ ũrĩ na haaro-ĩ! ũguo nĩguo Jehova ekuuga. O na wĩkĩte mawaganu macio mangĩ mothe,
Kaawa-awa! Kaawa-awa ka! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—samakatuwid, dagdag pa sa lahat ng iyong kasamaan,
24 nĩweyakĩire kĩhumbu, na ũgĩaka ihooero itũũgĩru handũ harĩa hothe haarĩ na kĩhaaro gĩa kũgomanagwo.
nagtayo ka sa iyong sarili ng altar at gumawa ka ng dambana sa bawat pampublikong lugar.
25 Gĩturi-inĩ kĩa o njĩra nĩweyakĩire mahooero matũũgĩru, na ũkĩagithia ũthaka waku gĩtĩĩo, ũgakĩrĩrĩria kũneana mwĩrĩ waku kũrĩ mwĩhĩtũkĩri o wothe atharie nawe.
Nagtayo ka ng mga dambana sa ulo ng bawat lansangan at nilapastangan mo ang iyong kagandahan sapagkat ibinuka mo ang iyong mga hita sa bawat isang dumaraan at gumawa ka ng marami pang mga gawaing kahalayan.
26 Nĩwahũũrire ũmaraya na andũ a Misiri arĩa mwariganĩtie nao, o acio maiyũrĩtwo nĩ merirĩria ma mwĩrĩ, ũgĩtũma ndakare nĩ ũndũ waku gũkĩrĩrĩria gũtharia.
Kumilos kang parang bayarang babae sa mga taga-Egipto, ang iyong karatig-bansang may labis na mahalay na pagnanasa, at gumawa ka ng maraming mga mahahalay na gawain upang galitin ako.
27 Nĩ ũndũ ũcio ngĩgũtambũrũkĩria guoko ngĩgũũkĩrĩra, ngĩnyiihia bũrũri waku; nĩndakũneanire moko-inĩ ma thũ ciaku, o acio airĩtu a Afilisti, arĩa maamakirio nĩ mĩtugo yaku ya ũũra-thoni.
Kaya tingnan mo! Hahampasin kita gamit ang aking kamay at ititigil ko ang iyong pagkain. Ibibigay ko ang iyong buhay sa iyong mga kaaway, ang mga babaeng anak ng mga Filisteo, upang hiyain ka dahil sa iyong mahahalay na pag-uugali.
28 Nĩwahũũrire ũmaraya na andũ a Ashuri o nao, nĩ ũndũ ndũngĩaiganirie; o na thuutha ũcio-rĩ, ndwaiganirie.
Kumilos kang tulad ng mga babaeng bayaran kasama ang mga taga-Asiria sapagkat hindi ka nasiyahan. Kumilos ka tulad ng isang babaeng bayaran at hindi pa rin nasiyahan.
29 Ningĩ ũgĩkĩrĩrĩria gũtharia o nginya ũgĩkinya Babuloni, bũrũri wa onjoria, no-o na weka ũguo ndwaiganirie.
At patuloy kang gumawa ng marami pang kahalayan sa mga lupain ng mga mangangalakal ng Caldea, ngunit maging dito ay hindi ka nasiyahan.
30 “‘Mwathani Jehova ekuuga atĩrĩ, Hĩ! Kaĩ wee ũrĩ wa ngoro hũthũ-ĩ! Wĩkaga maũndũ macio mothe, o ta mũmaraya ũtarĩ thoni!
Bakit napakahina ng iyong puso? —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—upang gawin mo ang mga bagay na ito, gawain ng isang mapangalunya at walang hiyang babae?
31 Rĩrĩa weyakĩire ihumbu gĩturi-inĩ kĩa o njĩra, na ũkĩĩakĩra mahooero matũũgĩru harĩa hothe haarĩ kĩhaaro gĩa kũgomanwo-rĩ, we wetuire ta ũtarĩ mũmaraya, nĩ ũndũ nĩwaregire irĩhi.
Noong itinayo mo ang mga dambana sa ulo ng bawat lansangan at gumawa ka ng iyong mga dambana sa bawat pampublikong lugar, hindi ka talaga isang babaeng bayaran, sapagkat tumanggi kang magpabayad sa iyong mga ginawa!
32 “‘Wee mũtumia ũyũ mũtharia! Wee wendaga ageni handũ ha mũthuuriguo!
Ikaw babaeng nakikiapid, tinatanggap mo ang mga hindi mo kilalang tao sa halip na ang iyong asawa!
33 Mũmaraya o wothe nĩamũkagĩra irĩhi, no wee-rĩ, nĩwe ũheaga endwa aku othe iheo, ũkamahaka nĩguo mokage kũrĩ we kuuma kũndũ guothe nĩguo megwatĩre ikeno ciaku itaagĩrĩire.
Binabayaran ng mga tao ang bawat babaeng bayaran, ngunit ibinibigay mo ang iyong mga kinita sa iyong mga mangingibig at sinusuhulan mo sila upang pumunta sa iyo mula sa lahat ng dako para sa iyong mga mahahalay na gawain.
34 Nĩ ũndũ ũcio wee ndũtariĩ ta arĩa angĩ ũmaraya-inĩ waku; gũtirĩ mũndũ ũkwĩringagĩrĩria ũmwĩtĩkĩre. Wee-rĩ, ũrĩ na ũtiganu mũno na arĩa angĩ, nĩgũkorwo wee nĩwe ũrĩhanaga, no gũtirĩ kĩndũ ũrĩhagwo.
Kaya mayroon kang kaibahan sa ibang mga babaeng iyon, yamang walang tumatawag sa iyo upang makisiping sa kanila. Sa halip, binabayaran mo sila! Walang nagbabayad sa iyo.
35 “‘Nĩ ũndũ ũcio, wee mũmaraya ũyũ, igua kiugo kĩa Jehova!
Kung gayon, ikaw babaeng bayaran, makinig ka sa salita ni Yahweh!
36 Mwathani Jehova ekuuga atĩrĩ: Tondũ nĩwaitangire ũtonga waku, na ũkĩguũria njaga yaku ũgĩtharia na endwa aku, o na tondũ wa mĩhianano ĩyo yothe yaku ĩrĩ magigi, na tondũ nĩwamaheire thakame ya ciana ciaku,
Sinabi ito ng Panginoong Yahweh: Dahil ibinuhos mo ang iyong pagnanasa at inihayag mo ang iyong mga nakatagong bahagi sa pamamagitan ng iyong mahahalay na gawain kasama ang iyong mga mangingibig at ang iyong mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan, at dahil sa mga dugo ng iyong mga anak na ibinigay mo sa iyong mga diyus-diyosan;
37 nĩ ũndũ ũcio nĩngũcookanĩrĩria endwa aku othe arĩa wanekenia nao, arĩa wendete o na arĩa ũthũire. Nĩngũmacookanĩrĩria magũũkĩrĩre kuuma mĩena yothe, na niĩ ngũguũrie nguo mbere yao, nao mone njaga yaku yothe.
kaya tingnan mo! Titipunin ko ang lahat ng mga nakilala mong mangingibig, lahat ng inibig mo at lahat ng kinamuhian mo, at titipunin ko sila laban sa iyo sa lahat ng dako. Ilalantad ko sa kanila ang mga pribado mong bahagi upang makita nila ang lahat ng iyong kahubaran!
38 Nĩngagũtuĩra ciira o ta ũrĩa andũ-a-nja arĩa matharagia na arĩa maitithagia thakame matuuagĩrwo; na ndũme ũkorwo nĩ mangʼũrĩ makwa na ũiguĩrwo ũiru nĩguo ũcookererwo nĩ thakame ĩyo.
Sapagkat parurusahan kita sa iyong pangangalunya at sa pagdanak ng dugo at dadalhin ko sa iyo ang dugo ng aking galit at paninibugho!
39 Ningĩ nĩngakũneana moko-inĩ ma endwa aku, nao nĩmakaharagania ihumbu icio ciaku, na manange mahooero macio maku matũũgĩru. Nao nĩmagakũruta nguo, na moe mathaga maku ma goro, magũtige njaga na ũrĩ ũtheri.
Ibibigay kita sa kanilang mga kamay upang kanilang pabagsakin ang iyong mga altar at wasakin ang iyong mga dambana, pagkatapos ay huhubarin nila ang iyong damit at kukunin ang lahat ng iyong alahas, at iiwanan ka nilang hubo't hubad.
40 Nĩmakarehe kĩrĩndĩ gĩgũũkĩrĩre, nao nĩmagakũhũũra na mahiga nyuguto, na magũtinangie na hiũ ciao cia njora.
At magdadala sila ng maraming tao laban sa iyo at babatuhin ka ng mga bato, at hahatiin ka nila sa pamamagitan ng kanilang mga espada.
41 Nĩmagacina nyũmba ciaku na makũherithie wĩroreirwo nĩ andũ-a-nja aingĩ. Nĩngakinyia ũmaraya waku mũthia, nawe ndũgacooka kũrĩha endwa acio aku.
At susunugin nila ang iyong mga bahay at gagawa sila ng maraming pagpaparusa sa iyo sa harap ng maraming mga babae, sapagkat patitigilin ko na ang iyong pagbebenta ng aliw at hindi ka na muling magbabayad ng kahit sino pa sa kanila!
42 Hĩndĩ ĩyo mathũgũta makwa ma gũgũũkĩrĩra nĩmakahũahũa, namo marakara makwa maiyũrĩtwo nĩ ũiru makweherere. Nĩngahoorera na ndigacooka kũrakara.
Pagkatapos, pahuhupain ko ang aking poot laban sa iyo, mawawala ang galit ko sa iyo, sapagkat ako ay masisiyahan at hindi na ako magagalit.
43 “‘Na tondũ ndwaririkanire matukũ ma ũnini waku, no kũndakaria wandakaririe na maũndũ macio mothe-rĩ, ti-itherũ nĩngatũma ũcookererwo nĩ ũrĩa wĩkĩte, ũguo nĩguo Mwathani Jehova ekuuga. Githĩ nduongereire ũũra-thoni harĩ maũndũ marĩa mangĩ wĩkaga marĩ magigi?
Sapagkat hindi mo inalala ang mga araw ng iyong kabataan nang hinayaan mong manginig ako sa galit sa lahat ng mga bagay na ito—pagmasdan! Ako mismo ang magdadala ng kaparusahan sa ikinilos mo sa sarili mong ulo dahil sa iyong gawain—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—upang hindi ka na muling gagawa ng mga kasamaan sa lahat ng iyong kasuklam-suklam na kaparaanan!
44 “‘Mũndũ o wothe waragia na thimo-rĩ, nĩagakuuna thimo ĩno, oige atĩrĩ: “O ta ũrĩa nyina ahaana, no taguo mwarĩ ahaana.”
Masdan ninyo! Bawat isang nagsasabi ng mga kawikaan tungkol sa iyo ay magsasabing, “Katulad ng ina, gayon din ang kaniyang anak.”
45 Wee ũrĩ mwarĩ wa nyũkwa kũna, ũrĩa wanyararire mũthuuriwe na ciana ciake; na ũrĩ wa nyina kũna na aarĩ a maitũguo, arĩa maanyararire athuuri ao na ciana ciao. Maitũguo aarĩ Mũhiti, nake thoguo aarĩ Mũamori.
Ikaw ang babaeng anak ng iyong ina, na kinamuhian ang kaniyang asawa at mga anak; at ikaw ang kapatid ng mga babae mong kapatid na kinamuhian ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak. Isang Heteo ang iyong ina at isang Amoreo ang iyong ama.
46 Mwarĩ wa nyũkwa ũrĩa mũkũrũ aarĩ Samaria ũrĩa watũũraga mwena waku wa gathigathini marĩ na airĩtu ake; nake mwarĩ wa nyũkwa ũrĩa mũnini aarĩ Sodomu, ũrĩa watũũraga mwena waku wa gũthini hamwe na airĩtu ake.
Ang Samaria ang iyong nakatatandang kapatid na babae at ang kaniyang mga anak na babae ay ang mga naninirahan sa hilaga, habang ang iyong nakababatang kapatid na babae ay ang naninirahan sa katimugan mong bahagi, na ang Sodoma at ang kaniyang mga anak babae.
47 Wee-rĩ, to gũthiĩ wathiire na mĩthiĩre yao na ũkĩrũmĩrĩra mĩtugo yao ĩrĩ magigi, no mĩthiĩre-inĩ yaku yothe nĩwahiũhire gũthũka kũmakĩra.
Ngayon, huwag ka nang lumakad sa kanilang mga pamamaraan o batay sa kanilang mga ginagawang kasuklam-suklam, na para bang napakaliliit na bagay ang mga iyon. Totoo ngang sa lahat ng iyong kaparaanan, naging mas masahol ka pa kaysa sa kanila.
48 Mwathani Jehova ekuuga atĩrĩ: Ti-itherũ o ta ũrĩa Niĩ ndũũraga muoyo-rĩ, mwarĩ wa nyũkwa Sodomu na airĩtu ake matiekire ta ũrĩa wee na airĩtu aku mwĩkĩte.
Ako ay buhay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—Sodoma, ang iyong mga kapatid na babae at ang kaniyang mga anak na babae ay hindi gumawa ng kasamaang higit kaysa sa mga ginawa mo at ng iyong mga anak na babae!
49 “‘Maya nĩmo maarĩ mehia ma mwarĩ wa nyũkwa Sodomu: We marĩ na airĩtu ake maarĩ andũ etĩĩi, a kwĩhũũnĩrĩria, na matiarũmbũyagia ũhoro wa andũ arĩa angĩ; matiateithirie andũ arĩa athĩĩni o na arĩa abatari.
Pakinggan mo! Ito ang naging kasalanan ng Sodoma na iyong kapatid: malaya siyang nagmataas, walang malasakit at walang pakialam sa anumang bagay. Hindi niya pinalakas ang mga kamay ng mga mahihirap at mga taong nangangailangan.
50 Nĩmeĩkĩrĩire na magĩĩka maũndũ marĩ magigi maitho-inĩ makwa. Nĩ ũndũ ũcio nĩndamaingatire, o ta ũguo muonete.
Siya ay nagmataas at gumawa ng mga gawaing kasuklam-suklam sa aking harapan, kaya inalis ko sila gaya ng nakita mo.
51 Samaria ndehirie nuthu ya mehia marĩa wee wehirie. Wee wĩkĩte maũndũ marĩ magigi maingĩ kũmakĩra, na nĩũtũmĩte aarĩ a maitũguo moneke ta marĩ athingu nĩ ũndũ wa maũndũ macio mothe wĩkĩte.
Hindi gumawa ang Samaria ni kahit kalahati man lang ng iyong mga kasalanan; sa halip, mas marami ka pang ginawang kasuklam-suklam na bagay kaysa sa kanila, at ipinakita mong mas mabuti pa sa iyo ang mga kapatid mong babae dahil sa lahat ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyong ginagawa!
52 Ũrokĩrĩrĩria gũconorithio, nĩgũkorwo nĩũtũmĩte aarĩ a maitũguo moneke ta marĩ athingu. Tondũ mehia maku maarĩ mooru gũkĩra mao, o mekuoneka marĩ athingu gũgũkĩra. Nĩ ũndũ ũcio-rĩ, igua thoni na ũconoke, nĩgũkorwo nĩũtũmĩte aarĩ a nyũkwa moneke marĩ athingu.
Lalong lalo ka na, ipakita mo ang sarili mong kahihiyan, sa ganitong paraan, ipinakita mong mas mabuti ang iyong mga kapatid kaysa sa iyo, dahil sa lahat ng mga ginawa mong kasuklam-suklam na pagkakasala. Ang iyong mga kapatid ay parang mas mabuti sa iyo. Lalong lalo ka na, ipinakita mo ang iyong sariling kahihiyan, sa ganitong paraan, ipinakita mong mas mabuti ang iyong mga kapatid kaysa sa iyo.
53 “‘No rĩrĩ, nĩngacookeria Sodomu ũgaacĩru wake marĩ na airĩtu ake, o na Samaria marĩ na airĩtu ake, na nĩngagũcookeria ũgaacĩru waku o hamwe nao,
Sapagkat ibabalik ko ang kanilang mga kayamanan—ang mga kayamanan ng Sodoma at ng kaniyang mga babaeng anak, at ang mga kayamanan ng Samaria at ng kaniyang mga babaeng anak; ngunit ang iyong kayamanan ay nasa kanilang kalagitnaan.
54 nĩguo ũigue thoni na ũconoke nĩ ũndũ wa maũndũ macio mothe wekire nĩ ũndũ wa kũmahe ũhurũko.
Sa pananagutan ng mga bagay na ito, ipapakita mo ang iyong kahihiyan, mapapahiya ka dahil sa lahat ng mga bagay na iyong ginawa, at sa ganitong paraan, magiging kaaliwan ka para sa kanila.
55 Nao aarĩ acio a maitũguo, Sodomu marĩ na airĩtu ake, na Samaria marĩ na airĩtu ake-rĩ, nĩmagacooka o ta ũrĩa maarĩ mbere; nawe ũrĩ na airĩtu aku nĩmũgacooka o ta ũrĩa mwarĩ mbere.
Kaya ang iyong kapatid na Sodoma at ang kaniyang mga babaeng anak ay maibabalik sa kanilang dating kalagayan, at maibabalik sa Samaria at sa kaniyang mga babaeng anak ang kanilang dating kayamanan. Pagkatapos, ikaw at ang iyong mga babaeng anak ay maibabalik sa inyong dating kalagayan.
56 O na ndũngĩagwetire rĩĩtwa rĩa mwarĩ wa nyũkwa Sodomu mũthenya ũcio wetĩĩaga,
Ang Sodoma na iyong kapatid ay hindi man lang nabanggit ng iyong bibig sa mga araw na ikaw ay nagmataas,
57 mbere ya waganu waku kũguũrio. O na kũrĩ ũguo-rĩ, rĩu ũrĩ mũnyarare nĩ airĩtu a Edomu, marĩ hamwe na andũ othe arĩa mariganĩtie nao, o na nĩ airĩtu a Afilisti, acio othe magũthũire na magakũrigiicĩria na mĩena yothe.
bago naihayag ang iyong kasamaan. Ngunit ngayon, ikaw ay tampulan ng pagkasuklam sa mga babaeng anak ng Edom at ng lahat ng mga babaeng anak ng mga Filisteo sa kaniyang palibot. Kinamumuhian ka ng lahat ng tao.
58 Wee nĩwe ũgaacookererwo nĩ maciaro ma ũũra-thoni waku, na ma maũndũ marĩa wĩkaga marĩ magigi, ũguo nĩguo Jehova ekuuga.
Ipapakita mo ang iyong kahihiyan at ang iyong mga kasuklam-suklam na kilos! —ito ang pahayag ni Yahweh!
59 “‘Ũũ nĩguo Mwathani Jehova ekuuga: Nĩngagwĩka o ta ũrĩa wagĩrĩire nĩ gwĩkwo, tondũ nĩũmenete mwĩhĩtwa wakwa na ũndũ wa gũthũkia kĩrĩkanĩro kĩu.
Sinabi ito ng Panginoong Yahweh: Ituturing kita katulad ng pagturing ko sa sinumang taong lumimot sa kaniyang sinumpaang pangako upang sirain ang isang tipan.
60 No rĩrĩ, nĩngaririkana kĩrĩkanĩro kĩrĩa ndarĩkanĩire nawe matukũ-inĩ ma ũnini waku, na nĩngahaanda kĩrĩkanĩro giitũ nawe gĩa gũtũũra.
Ngunit aalalahanin ko sa aking isipan ang ginawa kong kasunduan sa iyo noong bata ka pa, at gagawa ako sa iyo ng isang kasunduang walang hanggan.
61 Hĩndĩ ĩyo nĩũkaririkana mĩthiĩre yaku, nawe ũconoke rĩrĩa ũkaamũkĩra aarĩ a maitũguo arĩa akũrũ gũgũkĩra na arĩa anini gũgũkĩra. Nĩngamaneana kũrĩ we marĩ ta aarĩ aku, no ti kũringana na kĩrĩkanĩro giitũ nawe.
Pagkatapos, maaalala mo ang iyong dating pamumuhay at mapapahiya kapag tinanggap mo ang iyong mga nakatatanda at nakababatang kapatid na babae. Ibibigay ko sila sa iyo bilang mga babaeng anak, ngunit hindi dahil sa iyong tipan.
62 Nĩ ũndũ ũcio nĩngahaanda kĩrĩkanĩro giitũ nawe, na nĩũkamenya atĩ niĩ nĩ niĩ Jehova.
Itatatag ko mismo ang aking kasunduan sa iyo at malalaman mong ako si Yahweh!
63 Ningĩ rĩrĩa ngaakũhoroheria nĩ ũndũ wa maũndũ mothe marĩa wĩkĩte-rĩ, nĩũkaririkana na ũconoke, na ndũgacooka gũtumũra kanua gaku rĩngĩ nĩ ũndũ wa ũrĩa ũconorithĩtio, ũguo nĩguo Mwathani Jehova ekuuga.’”
Dahil sa mga bagay na ito, maaalala mo ang lahat ng bagay sa iyong isipan at mapapahiya ka, kaya hindi mo na muling maibubuka ang iyong bibig upang magsalita dahil sa iyong kahihiyan, kapag pinatawad na kita sa lahat ng iyong ginawa—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”

< Ezekieli 16 >