< Atũmwo 2 >
1 Hĩndĩ ĩrĩa mũthenya wa Bendegothito wakinyire-rĩ, acio othe magĩkorwo maarĩ handũ hamwe.
Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar.
2 Na o rĩmwe mũgambo ta wa rũhuho rũnene rũkũhurutana na hinya ũgĩũka kuuma igũrũ, ũkĩiyũra nyũmba yothe ĩrĩa maaikarĩte.
Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo.
3 Makĩona kĩndũ gĩatariĩ ta nĩnĩmbĩ cia mwaki iria ciagayũkanĩte igĩikara igũrũ rĩa mũndũ o mũndũ.
Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila.
4 Othe makĩiyũrio Roho Mũtheru na makĩambĩrĩria kwaria na thiomi ingĩ o ta ũrĩa Roho aamahotithirie.
Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin.
5 Na rĩrĩ, kũu Jerusalemu nĩ gwaikaraga Ayahudi etigĩri Ngai kuuma ndũrĩrĩ-inĩ ciothe cia thĩ.
Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit.
6 Rĩrĩa maiguire mũgambo ũcio, gĩkundi kĩa andũ gĩgĩcookanĩrĩra kĩgegete, tondũ o mũndũ aamaiguaga makĩaria na rũthiomi rwake kĩũmbe.
Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika.
7 Nao makĩgega mũno, makĩũrania atĩrĩ, “Githĩ andũ aya othe maraaria ti andũ a Galili?
Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?
8 Nĩ kĩĩ kĩratũma mũndũ o mũndũ witũ amaigue makĩaria na rũthiomi rwa kũrĩa aaciarĩirwo?
Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan?
9 Andũ a Parithi, na a Media, na a Elamu; o na andũ arĩa matũũraga Mesopotamia, na Judea, na Kapadokia, na Ponto, na Asia,
Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya,
10 na Firigia, na Pamufilia, na Misiri, na mĩena ya Libia ĩrĩa ĩrĩ gũkuhĩ na Kurene, na ageni a kuuma Roma,
sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma,
11 (Ayahudi hamwe na andũ arĩa meegarũrĩte magatuĩka Ayahudi); na andũ a Kirete, na a Arabia, tũramaigua makĩaria na thiomi ciitũ ũhoro wa magegania ma Ngai!”
Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos.”
12 Mamakĩte na makagega makĩũrania atĩrĩ, “Ũũ nĩ kuuga atĩa?”
Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, “Ano ang ibig sabihin nito?”
13 Amwe ao, o na kũrĩ ũguo, nĩmamathirĩkirie, makiuga atĩrĩ, “Aya nĩkũrĩĩo marĩĩtwo nĩ ndibei.”
Ngunit nangutya ang iba at sinabi, “Lasing na lasing sila ng bagong alak.”
14 Hĩndĩ ĩyo Petero akĩrũgama hamwe na arĩa ikũmi na ũmwe, akĩanĩrĩra na akĩarĩria gĩkundi kĩu kĩa andũ akĩmeera atĩrĩ, “Inyuĩ andũ aitũ Ayahudi o na inyuĩ inyuothe mũtũũraga Jerusalemu, rekei ndĩmũtaarĩrie ũhoro ũyũ; thikĩrĩriai wega ũrĩa nguuga.
Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, “Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin.
15 Andũ aya ti arĩĩu, ta ũrĩa mũreciiria. Rĩu nĩ thaa ithatũ tu cia rũciinĩ!
Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw.
16 Aca gũtitariĩ ta ũguo, ũhoro ũyũ nĩguo warĩtio nĩ mũnabii Joeli, akiuga atĩrĩ:
Ngunit ito ang sinabi sa pamamamagitan ni propeta Joel:
17 “‘Ngai ekuuga atĩrĩ, matukũ-inĩ ma kũrigĩrĩria nĩngaitĩrĩria andũ othe Roho wakwa. Ariũ na aarĩ anyu nĩmakarathaga mohoro, Aanake anyu nĩmakonaga cioneki, nao athuuri anyu marootage irooto.
'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki.
18 O na ningĩ nĩngaitĩrĩria ndungata ciakwa cia arũme na cia andũ-a-nja Roho wakwa matukũ-inĩ macio, nacio nĩikarathaga mohoro.
Gayundin sa aking mga lingkod at sa aking mga lingkod na babae ibubuhos ko ang aking Espiritu sa araw na iyon, at sila ay magpapahayag.
19 Nĩngonania morirũ kũu igũrũ matu-inĩ, na nyonanie ciama gũkũ thĩ, cia thakame, na cia mwaki, na cia ndogo ĩkwambata.
Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang bagay mula sa langit at mga tanda dito sa lupa, dugo, apoy, at singaw ng usok.
20 Riũa nĩrĩkagarũrwo rĩtuĩke nduma, naguo mweri ũtuĩke ta thakame, mbere ya mũthenya ũcio mũnene wa Mwathani ũrĩa ũrĩ riiri gũkinya.
Magiging madilim ang araw at magiging dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at hindi pangkaraniwang araw ng Panginoon.
21 Na nĩgũgakinya atĩrĩ, atĩ mũndũ wothe ũgaakaĩra rĩĩtwa rĩa Mwathani nĩakahonokio.’
Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.'
22 “Inyuĩ andũ aya a Isiraeli, thikĩrĩriai ũhoro ũyũ: Jesũ wa Nazarethi aarĩ mũndũ waheanĩtwo nĩ Ngai kũrĩ inyuĩ na ũndũ wa ciama, na morirũ, na cionereria, iria Ngai aaringire gatagatĩ-inĩ kanyu agereire harĩ we, o ta ũrĩa inyuĩ ene mũũĩ.
Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus ng Nazaret, ang lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa at mga kamangha- manghang bagay at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya, sa inyong kalagitnaan, katulad ng inyong nalalaman-
23 Mũndũ ũyũ aaneanirwo moko-inĩ manyu, kũringana na ũrĩa Ngai aatuĩte na ũrĩa aamenyete o mbere; na inyuĩ, mũteithĩrĩirio nĩ andũ arĩa aaganu, mũkĩmũũraga na njĩra ya kũmwambithia mũtharaba-inĩ.
dahil sa nakatakdang plano at kaalaman ng Diyos mula sa simula pa siya ay isinuko ninyo sa mga kamay ng taong lumalabag sa batas, ipinako siya sa krus at pinatay;
24 No Ngai akĩmũriũkia kuuma kũrĩ arĩa akuũ, akĩmuohora ruo-inĩ rwa gĩkuũ, tondũ gũtingĩahotekire atũũre anyiitĩtwo nĩkĩo.
binuhay ng Diyos, inalis ang mga sakit at kamatayan sa kaniya, sapagakat hindi siya maaaring pigilan nito.
25 Tondũ Daudi oigire atĩrĩ ũhoro wake: “‘Nĩndonaga Mwathani arĩ mbere yakwa hĩndĩ ciothe. Tondũ arĩ guoko-inĩ gwakwa kwa ũrĩo-rĩ, ndingĩenyenyeka.
Sapagkat sinasabi ni David tungkol sa kaniya, 'Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan, sapagkat siya ay nasa aking kanang kamay upang hindi ako matinag.
26 Nĩ ũndũ ũcio ngoro yakwa nĩnjanjamũku, naruo rũrĩmĩ rwakwa rũgakena; o naguo mwĩrĩ wakwa nĩũgũtũũra ũrĩ na mwĩhoko,
Samakatuwid, natuwa ang aking puso at nagalak ang aking dila. Maging ang aking laman ay mamumuhay nang may pananalig.
27 tondũ ndũkandiganĩria mbĩrĩra-inĩ, o na kana ũreke ũrĩa waku Mũtheru abuthe. (Hadēs )
Sapagkat hindi mo pababayaan ang aking kaluluwa na mapunta sa hades, o papayagan ang iyong Nag-iisang Banal na makitang mabulok. (Hadēs )
28 Nĩũũmenyithĩtie njĩra cia muoyo; nĩũkanjiyũria gĩkeno ndĩ harĩa ũrĩ.’
Ipinahayag mo sa akin ang mga daan ng buhay; pupunuin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.'
29 “Ariũ na aarĩ a Ithe witũ, no ndĩmwĩre ndĩ na ũũmĩrĩru atĩ ithe witũ Daudi nĩakuire na agĩthikwo, na mbĩrĩra yake ĩrĩ o gũkũ nginya ũmũthĩ ũyũ.
Mga kapatid, kaya kong magsalita sa inyo ng may katiyakan tungkol sa patriarkang si David: namatay siya at inilibing, at ang kaniyang libingan ay nasa atin hanggang sa ngayon.
30 Nowe aarĩ mũnabii na nĩamenyete atĩ Ngai nĩamwĩrire na mwĩhĩtwa atĩ nĩagaikarĩria ũmwe wa rũciaro rwake gĩtĩ gĩake kĩa ũnene.
Kaya naman, siya ay isang propeta at alam niya na may sinumpaang panata ang Diyos sa kaniya, na itinalaga niya sa kaniyang kaapu-apuhan ang maupo sa kaniyang trono.
31 Nĩ ũndũ nĩamenyete ũhoro ũcio mbere, nĩaririe ũhoro wa kũriũka gwa Kristũ, atĩ ndaatiganĩirio mbĩrĩra-inĩ, o na kana mwĩrĩ wake ũkĩbutha. (Hadēs )
Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.' (Hadēs )
32 Ngai nĩariũkĩtie Jesũ ũcio, na ithuĩ ithuothe tũrĩ aira a ũhoro ũcio.
Ang Jesus na ito ay binuhay ng Diyos kung saan saksi kaming lahat.
33 Kuona atĩ nĩatũũgĩrĩtio guoko-inĩ kwa ũrĩo kwa Ngai, na nĩamũkĩrire kĩĩranĩro kĩa Roho Mũtheru kuuma kũrĩ Ithe, nake nĩatũitĩrĩirie Roho ta ũrĩa mũrona rĩu na mũkaigua.
Kaya naman pinarangalan siya sa kanang kamay ng Diyos at tinanggap ang pangako ng Banal na Espiritu mula sa Ama, ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
34 Nĩgũkorwo Daudi ndaambatire agĩthiĩ igũrũ, no nĩoigire atĩrĩ, “‘Mwathani nĩeerire Mwathani wakwa atĩrĩ: “Ikara guoko-inĩ gwakwa kwa ũrĩo,
Sapagkat si David ay hindi pumaitaas sa langit, ngunit sinabi niya, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay,
35 o nginya rĩrĩa ngaatua thũ ciaku gaturwa ka makinya maku.”’
hanggang sa gawin kong maging tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.”
36 “Nĩ ũndũ ũcio andũ othe a Isiraeli nĩmamenye atĩrĩ: Ngai nĩ atuĩte Jesũ, o ũcio mwambire, Mwathani na Kristũ.”
Kaya naman siguraduhing ipaalam sa lahat ng tahanan sa Israel na ginawa siya ng Diyos na parehong Panginoon at Cristo, ang Jesus na ito na ipinako ninyo sa krus.”
37 Rĩrĩa andũ maiguire ũhoro ũcio, ũkĩmatheeca ngoro, makĩũria Petero na atũmwo acio angĩ atĩrĩ, “Ariũ a Baba, twagĩrĩirwo nĩ gwĩka atĩa?”
Nang marinig nila ito, nadurog ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa iba pang mga apostol, “Mga kapatid, ano ba ang dapat naming gawin?”
38 Nake Petero akĩmacookeria atĩrĩ, “Mwĩrirei na mũbatithio mũndũ o mũndũ thĩinĩ wa rĩĩtwa rĩa Jesũ Kristũ, nĩguo mũrekerwo mehia manyu. Na inyuĩ nĩ mũkwamũkĩra kĩheo kĩa Roho Mũtheru.
At sinabi ni Pedro sa kanila, “Magsisi at magpabautismo, ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan, at inyong tatanggapin ang kaloob ng Banal na Espiritu.
39 Kĩĩranĩro gĩkĩ nĩ kĩanyu na ciana cianyu, na andũ arĩa othe marĩ kũraya, na andũ arĩa othe Mwathani Ngai witũ ageeta moke harĩ we.”
Sapagkat sa inyo ang pangako at sa inyong mga anak at sa lahat ng mga nasa malayo, at sa mga tao na tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
40 Akĩmataara na ciugo ingĩ nyingĩ, akĩmakaanagia; na akĩmathaitha, akĩmeera atĩrĩ, “Mwĩhonokiei kuuma kũrĩ rũciaro rũrũ ruogomu.”
Pinatotohanan at hinimok niya sila sa pamamagitan ng maraming mga salita; sinabi niya,” Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa mga masasamang salin-lahing ito.
41 Andũ arĩa meetĩkĩrire ndũmĩrĩri yake makĩbatithio, na mũthenya ũcio makĩongerereka andũ ta ngiri ithatũ.
Pagkatapos tinanggap nila ang kaniyang salita at nabautismuhan, at ng araw na iyon may mga naidagdag na aabot sa tatlong libong mga kaluluwa.
42 Nao nĩmerutĩire kũgwatĩria ũrutani wa atũmwo, na ngwatanĩro-inĩ, na ũhoro-inĩ wa kwenyũrana mũgate, na kũhooya.
Nagpatuloy sila sa mga katuruan ng mga apostol at pagsasama-sama, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa pananalangin.
43 Andũ othe makĩiyũrwo nĩ guoya, nao atũmwo magĩĩka morirũ maingĩ, na makĩringa ciama.
Dumating ang takot sa bawat kaluluwa, at maraming mga kamangha- manghang bagay at mga tanda ang nagawa ng mga apostol.
44 Andũ arĩa othe meetĩkĩtie maarĩ hamwe, na nĩmagwatanagĩra indo ciothe.
Ang lahat ng nanampalataya ay nagsama-sama at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian,
45 Makĩendia ithaka ciao na indo ciao, makaheaga mũndũ o wothe kũringana na bata wake.
at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat-isa.
46 O mũthenya nĩmagomanaga hekarũ-inĩ. Nĩmenyũraga mũgate marĩ mĩciĩ-inĩ yao, na makarĩĩanĩra marĩ na gĩkeno, na marĩ na ngoro theru,
Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso.
47 makagoocaga Ngai, na magetĩkĩrĩka kũrĩ andũ othe. Nake Mwathani nĩongagĩrĩra thiritũ-inĩ yao andũ arĩa maahonokaga o mũthenya.
Nagpupuri sila sa Diyos at kinalugdan sila ng lahat ng mga tao. Dinagdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.