< 1 Chronik 11 >

1 Und ganz Israel versammelte sich zu David gen Hebron und sprach: Siehe, wir sind dein Gebein und dein Fleisch!
At nagpunta ang lahat ng Israelita kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at dugo.
2 Auch zuvor, als Saul König war, führtest du Israel aus und ein. Und der HERR, dein Gott, hat zu dir gesagt: Du sollst mein Volk Israel weiden, und du sollst Fürst sein über mein Volk Israel!
Sa nakalipas na panahon nang naghari si Saul sa atin, ikaw ang nanguna sa mga hukbong Israelita. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, 'Ikaw ang mangangalaga sa aking bayang Israel at ikaw ang mamumuno sa aking bayang Israel.'”
3 Auch alle Ältesten Israels kamen zum König gen Hebron. Und David machte einen Bund mit ihnen zu Hebron vor dem HERRN. Und sie salbten David zum König über Israel, nach dem Worte des HERRN durch Samuel.
Kaya lahat ng mga matatanda ng Israel ay pumunta sa hari sa Hebron at gumawa si David ng kasunduan sa kanila sa harap ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David na hari ng buong Israel. Sa ganitong paraang natupad ang salita ni Yahweh na ipinahayag ni Samuel.
4 Und David und ganz Israel zogen nach Jerusalem, das ist Jebus; denn die Jebusiter wohnten daselbst im Lande.
Si David at lahat ng Israelita ay nagtungo sa Jerusalem (iyan ay Jebus). Ngayon, naroon ang mga Jebuseo, na naninirahan sa lupain na iyon.
5 Und die Bürger zu Jebus sprachen zu David: Du sollst nicht hereinkommen! David aber eroberte die Burg Zion, das ist Davids Stadt.
Sinabi ng mga naninirahan sa Jebus kay David, “Hindi ka makakapasok dito.” Ngunit tinalo ni David ang matibay na tanggulan ng Zion, iyon ay ang lungsod ni David.
6 Denn David sprach: Wer die Jebusiter zuerst schlägt, der soll Haupt und Oberster sein! Da erstieg sie zuerst Joab, der Sohn der Zeruja, und ward Hauptmann.
Sinabi ni David, “Sinuman ang unang lulusob sa mga Jebuseo ay magiging pinuno.” Kaya si Joab na anak ni Zuriah ang unang lumusob, kaya ginawa siyang pinuno ng hukbo.
7 David aber wohnte auf der Burg; daher heißt man sie Davids Stadt.
Pagkatapos, nagsimulang tumira si David sa matibay na tanggulan. Kaya tinawag nila itong lungsod ni David.
8 Und er baute die Stadt, vom Millo an ringsum, während Joab die übrige Stadt wieder herstellte.
Pinatibay niya ang pader ng lungsod mula sa Millo at pinalibutan niya ng pader. Pinatibay ni Joab ang natitirang bahagi ng lungsod.
9 Und David nahm immer mehr zu und ward groß, und der HERR der Heerscharen war mit ihm.
Naging dakila si David sapagkat ang makapangyarihang si Yahweh ay kasama niya.
10 Und dies sind die Obersten von Davids Helden, die mit ganz Israel ihm kräftig beistanden bei seiner Erhebung zur Königswürde, da man ihn zum König machte nach dem Worte des HERRN über Israel.
Ito ang mga pinuno na mayroon si David na nagpakita na sila ay malalakas kasama niya sa kaniyang kaharian, kasama ang buong Israel upang gawin siyang hari, na sinusunod ang salita ni Yahweh tungkol sa Israel.
11 Dies ist die Zahl der Helden Davids: Jasobeam, der Sohn Hachmonis, Haupt der Wagenkämpfer. Dieser hob seinen Speer auf wider dreihundert, die auf einmal erschlagen wurden.
Ito ang listahan ng mga piling kawal ni David: Si Jasobeam, na anak ng isang Hacmonita, ay pinuno ng tatlumpu. Pinatay niya ang tatlongdaang kalalakihan sa pamamagitan ng kaniyang sibat sa isang pagkakataon.
12 Nach ihm war Eleasar, der Sohn Dodos, der Achochiter; der war unter den drei Helden.
Sumunod sa kaniya si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita na isa sa tatlong malalakas na mga kalalakihan.
13 Er war auch mit David zu Pas-Dammim, als die Philister sich dort zum Streite versammelt hatten. Nun war daselbst ein Stück Acker voll Gerste. Und das Volk floh vor den Philistern.
Kasama niya si David sa Pas-dammim, at doon nagtipon-tipon ang mga Filisteo para sa labanan, kung saan may bukid ng sebada at tumakas ang hukbo ng mga Israelita mula sa mga Filisteo.
14 Da traten sie mitten auf das Stück und erretteten es und schlugen die Philister. Und der HERR gab großes Heil.
Tumayo sila sa gitna ng bukid, ipinagtanggol ito at pinatay ang mga Filisteo. Iniligtas sila ni Yahweh na may malaking tagumpay.
15 Überdies zogen drei aus den dreißig Vornehmsten zum Felsen hinab, zu David in die Höhle Adullam, als das Lager der Philister im Grunde Rephaim lag.
At tatlo sa tatlumpung mga pinuno ang bumaba patungo kay David sa malaking bato, sa yungib ng Adullam. Nagkampo ang mga hukbo ng Filisteo sa lambak ng Rephaim.
16 David aber war damals auf der Berghöhe; und die Besatzung der Philister war damals zu Bethlehem.
Sa panahong iyon, naroon si David sa kaniyang tanggulan, isang yungib, samantalang nagtatag ang mga Filisteo ng kanilang kampo sa Betlehem.
17 Und David hatte ein Gelüste und sprach: Wer will mir Wasser zu trinken geben aus dem Brunnen unter dem Tor zu Bethlehem?
Nanabik sa tubig si David at sinabi, “Kung may magbibigay sana sa akin ng tubig upang inumin mula sa balon ng Betlehem, sa balon na malapit sa tarangkahan!”
18 Da brachen die drei durch das Lager der Philister und schöpften von dem Wasser aus dem Brunnen unter dem Tor zu Bethlehem und brachten es David. David aber wollte es nicht trinken, sondern opferte es dem HERRN und sprach:
Kaya sumugod ang tatlong malalakas na kalalakihan sa hukbo ng mga Filisteo at kumuha ng tubig mula sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala kay David, ngunit tumanggi siyang inumin ito. Sa halip, ibinuhos niya ito para kay Yahweh.
19 Das lasse mein Gott ferne von mir sein, daß ich solches tue! Sollte ich das Blut dieser Männer trinken, [die] auf Gefahr ihres Lebens [hingegangen sind]? Denn mit Gefahr ihres Lebens haben sie es hergebracht! Darum wollte er's nicht trinken. Das taten diese drei Helden.
At sinabi niya, “Huwag mong ipahintulot, Yahweh, na inumin ko ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga kalalakihang nagbuwis ng kanilang mga buhay?” Dahil inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay, ayaw niyang inumin ito. Ito ang mga bagay na ginawa ng tatlong matatapang na kalalakihan.
20 Abisai, der Bruder Joabs, war der Vornehmste unter den Dreien. Der hob auch seinen Speer auf und erschlug dreihundert. Und er war unter den Dreien berühmt.
Si Abisai na kapatid ni Joab ang namuno sa tatlo. Ginamit niya ng minsan ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal.
21 Unter diesen Dreien der zweiten Ordnung war er der Herrlichste und war ihr Oberster. Aber an jene [ersten] Drei reichte er nicht.
Sa tatlo, siya ay labis na pinarangalan at naging kanilang pinuno. Gayunman, ang kaniyang katanyagan ay hindi papantay sa katanyagan ng tatlong mga kawal.
22 Benaja, der Sohn Jojadas, eines tapfern Mannes Sohn, groß von Taten, von Kabzeel; derselbe erschlug die zwei Gotteslöwen von Moab und ging hinab und erschlug einen Löwen mitten in einer Grube zur Schneezeit.
Si Benaias na anak ni Joaida ay malakas na lalaki na gumawa ng mga kahanga-hangang gawa. Pinatay niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab. Bumaba din siya sa malalim na hukay at pinatay ang isang leon habang umuulan ng niyebe.
23 Er erschlug auch einen ägyptischen Mann, der war fünf Ellen lang und hatte einen Speer in der Hand, wie ein Weberbaum; und er ging mit einem Stecken zu ihm hinab und riß ihm den Speer aus der Hand und tötete ihn mit seinem eigenen Speer.
Pinatay rin niya ang isang lalaking taga-Egipto na may limang kubit ang taas. Ang taga-Egipto ay may sibat na tulad ng kahoy na panghabi, subalit pumunta siya sa kaniya na tungkod lamang ang dala. Inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga-Egipto at pinatay siya gamit ang sarili niyang sibat.
24 Das tat Benaja, der Sohn Jojadas, und war berühmt unter den drei Helden.
Ang mga kahanga-hangang gawa na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joaida, at pinangalanan siya kasama ng tatlong malalakas na kalalakihan.
25 Siehe, er war der Herrlichste unter den Dreißig; aber an die [ersten] Drei reichte er nicht. Und David setzte ihn über seine Leibwache.
Mas higit siyang iginagalang kaysa sa tatlumpung mga kawal sa pangkalahatan, ngunit hindi siya iginagalang na katulad ng tatlong mga piling kawal. Gayunman, inilagay siya ni David na tagapangasiwa ng kaniyang mga bantay.
26 Die streitbaren Kriegshelden aber sind diese: Asahel, der Bruder Joabs; Elchanan, der Sohn Dodos, von Bethlehem;
Ang malalakas na mga kalalakihan ay sina Asahel na kapatid ni Joab, Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem,
27 Sammot, der Haroriter; Chelez, der Peloniter;
Si Samot na taga-Harod, Si Helez na taga-Pelet,
28 Ira, der Sohn Ikkeschs, der Tekoiter; Abieser, der Anatotiter,
Si Ira na anak ni Iques na taga-Tekoa, si Abiezer na taga-Anatot,
29 Sibbechai, der Chusatiter; Ilai, der Achochiter;
si Sibecai na taga-Husa, si Ilai na taga-Aho,
30 Macherai, der Netophatiter; Cheled, der Sohn Baanas, der Netophatiter;
si Maharai na taga-Netofa, Heled na anak ni Baana na taga-Netofa,
31 Itai, der Sohn Ribais, von Gibea der Kinder Benjamin; Benaja, der Piratoniter;
si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea na mula sa angkan ni Benjamin, si Benaias na taga-Piraton,
32 Churai, von den Tälern Gaschs; Abiel, der Arabatiter;
si Hurai na mula sa mga lambak ng Gaas, si Abiel na taga-Arba,
33 Asmavet, der Baharumiter; Eljachba, der Saalboniter.
si Azmavet na taga-Behurim, si Eliaba na taga-Saalbon,
34 Die Söhne Hasems, des Gisoniters; Jonatan, der Sohn Sages, der Harariter;
ang mga anak ni Hasem na taga-Gizon, si Jonathan na anak ni Sage na taga-Arar,
35 Achiam, der Sohn Sachars, der Harariter; Eliphal, der Sohn Urs.
si Ahiam na anak ni Sacar na taga-Arar, si Elifal na anak ni Ur,
36 Hepher, der Mecheratiter. Achia, der Peloniter.
si Hefer na taga-Mequera, si Ahias na taga-Pelon,
37 Hezro, der Karmeliter. Naarai, der Sohn Esbais;
si Hezro na taga-Carmel, si Naarai na anak ni Ezbai,
38 Joel, der Bruder Natans; Mibhar, der Sohn Hagris.
si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Hagri,
39 Zelek, der Ammoniter. Naherai, der Berotiter, der Waffenträger Joabs, des Sohnes der Zeruja.
si Zelec na taga-Ammon, si Naarai na taga-Berot (tagadala ng baluti ni Joab na anak ni Zeruiah),
40 Ira, der Jitriter. Gareb, der Jitriter.
si Ira at Gareb na taga-Jatir,
41 Uria, der Hetiter. Sabad, der Sohn Achalais.
si Urias na Heteo, si Zabad na anak ni Ahlai,
42 Adina, der Sohn Sisas, der Rubeniter, ein Hauptmann der Rubeniter, und mit ihm waren dreißig.
si Adina na anak ni Siza (na pinuno sa angkan ni Ruben) at kasama niya ang tatlumpung tao,
43 Chanan, der Sohn Maachas. Josaphat, der Mitniter.
si Hanan anak ni Maaca, at si Josafat na taga-Mitan,
44 Ussia, der Astrotiter, Sama und Jehiel, die Söhne Hotams, des Aroeriters.
si Uzias na taga-Asterot, Sammah at Jeiel na mga anak ni Hotam na taga-Aroer,
45 Jediael, der Sohn Simris, und Joha, sein Bruder, der Tiziter.
si Jediael na anak ni Simri at si Joha na kaniyang kapatid na taga-Tiz,
46 Eliel, der Mahaviter, Jeribai und Josawja, die Söhne Elnaams, Jitma, der Moabiter.
si Eliel na taga-Mahava, si Jeribai at Josavia ang mga anak ni Elnaam, si Itma na taga-Moab,
47 Eliel, Obed, Jaasiel von Mezobaja.
sina Eliel, Obed, at Jasael na taga-Zoba.

< 1 Chronik 11 >