< 1 Johannes 2 >
1 Meine Kindlein, solches schreibe ich euch, auf daß ihr nicht sündiget. Und ob jemand sündigt, so haben wir einen Fürsprecher bei dem Vater, Jesum Christum, der gerecht ist.
Mga minamahal kong anak, isinusulat ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo magkasala. Pero kung sino man ang magkasala, mayroon tayong tagapagtanggol sa Ama, Si Jesu-Cristo ang nag-iisang makatuwiran.
2 Und derselbe ist die Versöhnung für unsre Sünden, nicht allein aber für die unseren sondern auch für die der ganzen Welt.
Siya ang taga-pamayapa para sa ating mga kasalanan, at hindi lang para sa atin, kundi para din sa buong mundo.
3 Und an dem merken wir, daß wir ihn kennen, so wir seine Gebote halten.
Sa pamamagitan nito alam nating kilala natin siya, kung iniingatan natin ang kanyang mga kautusan.
4 Wer da sagt: Ich kenne ihn, und hält seine Gebote nicht, der ist ein Lügner, und in solchem ist keine Wahrheit.
Siya na nagsasabing, “Kilala ko ang Diyos,” pero hindi pinapanatili ang kanyang mga kautusan, ay isang sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kanya.
5 Wer aber sein Wort hält, in solchem ist wahrlich die Liebe Gottes vollkommen. Daran erkennen wir, daß wir in ihm sind.
Pero ang sinumang pinapanatili ang kaniyang salita, tunay na sa taong ito ang pag-ibig ng Diyos ay naging lubos. Sa pamamagitan nito alam nating tayo ay nasa kaniya.
6 Wer da sagt, daß er in ihm bleibt, der soll auch wandeln, gleichwie er gewandelt hat.
Siya na nagsasabing siya ay nananatili sa Diyos ay nararapat ding lumakad nang katulad ng paglakad ni Jesu-Cristo.
7 Brüder, ich schreibe euch nicht ein neues Gebot, sondern das alte Gebot, das ihr habt von Anfang gehabt. Das alte Gebot ist das Wort, das ihr von Anfang gehört habt.
Mga minamahal, hindi ako nagsusulat nang bagong kautusan sa inyo, pero isang lumang kautusan na nasa sa inyo mula pa sa simula. Ang lumang kautusan ay ang salitang inyong narinig.
8 Wiederum ein neues Gebot schreibe ich euch, das da wahrhaftig ist bei ihm und bei euch; denn die Finsternis vergeht, und das wahre Licht scheint jetzt.
Gayon pa man ako ay sumusulat ng bagong kautusan sa inyo, na siyang totoo kay Cristo at sa inyo, dahil ang kadiliman ay lumilipas na, at ang tunay na liwanag ay sumisinag na.
9 Wer da sagt, er sei im Licht, und haßt seinen Bruder, der ist noch in der Finsternis.
Ang nagsasabing siya ay nasa liwanag pero kinapopootan ang kanyang kapatid ay nasa kadiliman kahit ngayon.
10 Wer seinen Bruder liebt, der bleibt im Licht, und ist kein Ärgernis bei ihm.
Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag at walang pagkakataon na siya ay matitisod.
11 Wer aber seinen Bruder haßt, der ist in der Finsternis und wandelt in der Finsternis und weiß nicht, wo er hin geht; denn die Finsternis hat seine Augen verblendet.
Pero ang siyang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman at lumalakad sa kadiliman; hindi niya alam kung saan siya papunta, dahil binulag ng kadiliman ang kanyang mga mata.
12 Liebe Kindlein, ich schreibe euch; denn die Sünden sind euch vergeben durch seinen Namen.
Sumusulat ako sa inyo, mga minamahal kong anak, dahil ang inyong mga kasalanan ay napatawad dahil sa kanyang pangalan.
13 Ich schreibe euch Vätern; denn ihr kennt den, der von Anfang ist. Ich schreibe euch Jünglingen; denn ihr habt den Bösewicht überwunden.
Sumusulat ako sa inyo mga ama, dahil kilala ninyo siya na mula pa sa simula. Sumusulat ako sa inyo mga kabataang lalaki, dahil napagtagumpayan ninyo ang kasamaan. Sumulat ako sa inyo, mga bata, dahil kilala ninyo ang Ama.
14 Ich habe euch Kindern geschrieben; denn ihr kennet den Vater. Ich habe euch Vätern geschrieben; denn ihr kennt den, der von Anfang ist. Ich habe euch Jünglingen geschrieben; denn ihr seid stark, und das Wort Gottes bleibt bei euch, und ihr habt den Bösewicht überwunden.
Sumulat ako sa inyo mga ama, dahil kilala ninyo siya na mula pa sa simula. Sumulat ako sa inyo mga kabataang lalaki, dahil kayo ay malakas, at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo, at napagtagumpayan ninyo ang kasamaan.
15 Habt nicht lieb die Welt noch was in der Welt ist. So jemand die Welt liebhat, in dem ist nicht die Liebe des Vaters.
Huwag ninyong mahalin ang mundo ni anumang mga bagay na nasa mundo. Kung sinumang umiibig sa mundo, ang pag-ibig ng Ama ay wala sa kanya.
16 Denn alles, was in der Welt ist: des Fleisches Lust und der Augen Lust und hoffärtiges Leben, ist nicht vom Vater, sondern von der Welt.
Pagkat ang lahat ng nasa sa mundo - ang kahalayan ng laman, ang kahalayan ng mata, at ang kahambugan sa buhay - ay hindi sa Ama pero sa mundo.
17 Und die Welt vergeht mit ihrer Lust; wer aber den Willen Gottes tut, der bleibt in Ewigkeit. (aiōn )
Ang mundo at ang pagnanasa nito ay lumilipas. Pero ang sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman. (aiōn )
18 Kinder, es ist die letzte Stunde! Und wie ihr gehört habt, daß der Widerchrist kommt, so sind nun viele Widerchristen geworden; daher erkennen wir, daß die letzte Stunde ist.
Mga bata, ito na ang huling oras. Gaya nang narinig ninyo na ang antikristo ay darating, kahit ngayon ay may marami nang mga antikristong dumating, sa pamamagitan nito nalalaman nating ito na ang huling oras.
19 Sie sind von uns ausgegangen, aber sie waren nicht von uns. Denn wo sie von uns gewesen wären, so wären sie ja bei uns geblieben; aber es sollte offenbar werden, daß nicht alle von uns sind.
Sila ay lumabas mula sa atin, pero hindi sila sa atin. Pagkat kung sila ay naging sa atin, sana ay nagpatuloy silang kasama natin. Pero nang sila ay lumabas, iyon ang nagpakitang sila ay hindi sa atin.
20 Und ihr habt die Salbung von dem, der heilig ist, und wisset alles.
Pero kayo ay may basbas mula sa Kabanal-banalan, at alam ninyong lahat ang katotohanan.
21 Ich habe euch nicht geschrieben, als wüßtet ihr die Wahrheit nicht; sondern ihr wisset sie und wisset, daß keine Lüge aus der Wahrheit kommt.
Hindi ako sumulat sa inyo dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan, pero dahil sa alam ninyo ito at dahil walang kasinungalingan ang nasa katotohanan.
22 Wer ist ein Lügner, wenn nicht, der da leugnet, daß Jesus der Christus sei? Das ist der Widerchrist, der den Vater und den Sohn leugnet.
Sino ang sinungaling kundi siyang ikinakaila na si Jesus ay ang Cristo? Ang taong ito ang antikristo, dahil sa kinakaila niya ang Ama at ang Anak.
23 Wer den Sohn leugnet, der hat auch den Vater nicht; wer den Sohn bekennt, der hat auch den Vater.
Walang sinuman ang kumakaila sa Anak ay nasa kaniya ang Ama. Ang sinumang kumikilala sa Anak ay nasa kaniya rin ang Ama.
24 Was ihr nun gehört habt von Anfang, das bleibe bei euch. So bei euch bleibt, was ihr von Anfang gehört habt, so werdet ihr auch bei dem Sohn und dem Vater bleiben.
At para sa inyo, hayaang ang mga narinig ninyo mula sa simula ay manatili sa inyo. Kung ano ang narinig ninyo mula sa simula ay nanatili sa inyo, kayo rin ay mananatili sa Anak at sa Ama.
25 Und das ist die Verheißung, die er uns verheißen hat: das ewige Leben. (aiōnios )
At ito ang pangakong ibinigay niya sa atin: buhay na walang hanggan. (aiōnios )
26 Solches habe ich euch geschrieben von denen, die euch verführen.
Isinulat ko sa inyo ang mga ito tungkol sa mga iyon na maaaring umakay sa inyo sa ligaw na landas.
27 Und die Salbung, die ihr von ihm empfangen habt, bleibt bei euch, und ihr bedürfet nicht, daß euch jemand lehre; sondern wie euch die Salbung alles lehrt, so ist's wahr und ist keine Lüge, und wie sie euch gelehrt hat, so bleibet bei ihm.
At para sa inyo, ang basbas na natanggap ninyo mula sa kanya ay nanatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan ang sinuman upang turuan kayo. Pero habang ang kanyang pagbabasbas ay nagtuturo sa inyo ng tungkol sa lahat ng bagay, at totoo at hindi isang kasinungalingan, at kahit na ito ay nagturo sa inyo, manatili kayo sa kanya.
28 Und nun, Kindlein, bleibet bei ihm, auf daß, wenn er offenbart wird, wir Freudigkeit haben und nicht zu Schanden werden vor ihm bei seiner Zukunft.
At ngayon, mga minamahal kong anak, manatili kayo sa kanya, upang kapag siya ay magpakita, tayo ay magkakaroon nang lakas ng loob at hindi mahihiya sa kanyang harapan sa kanyang pagdating.
29 So ihr wisset, daß er gerecht ist, so erkennet ihr auch, daß, wer recht tut, der ist von ihm geboren.
Kung alam ninyo na siya ay makatuwiran, alam ninyong ang lahat nang gumagawa ng tama ay ipinanganak sa kanya.