< 2 Koenige 4 >

1 Und es schrie ein Weib unter den Weibern der Kinder der Propheten zu Elisa und sprach: Dein Knecht, mein Mann, ist gestorben; so weißt du, daß er, dein Knecht, den HERRN fürchtete; nun kommt der Schuldherr und will meine beiden Kinder nehmen zu eigenen Knechten.
Ngayon, nagpuntang umiiyak ang isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, sinabing, “Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na, at alam mo na may takot ang iyong lingkod kay Yahweh. Ngayon pumunta ang nagpapautang para kunin ang aking dalawang anak para maging mga alipin niya.”
2 Elisa sprach zu ihr: Was soll ich dir tun? Sage mir, was hast du im Hause? Sie sprach: Deine Magd hat nichts im Hause denn einen Ölkrug.
Kaya sinabi ni Eliseo sa kaniya, “Ano ang magagawa ko para sa iyo?” Sinabi niya, “Ang iyong lingkod ay walang kahit ano sa bahay, maliban sa palayok ng langis.”
3 Er sprach: Gehe hin und bitte draußen von allen deinen Nachbarinnen leere Gefäße, und derselben nicht wenig.
Pagkatapos, sinabi ni Eliseo, “Umalis ka para manghiram ng mga tapayan na walang laman sa iyong mga kapit-bahay. Manghiram ka ng marami hangga't maaari.
4 Und gehe hinein und schleuß die Tür hinter dir zu mit deinen Söhnen und geuß in alle Gefäße; und wenn du sie gefüllet hast, so gib sie hin.
Pagkatapos kailangan mo pumunta sa loob ng bahay mo at isara ang pinto sa likod mo at ng iyong mga anak, at ibuhos ang langis sa mga tapayan na iyon; itabi mo ang mga tapayan na napuno.”
5 Sie ging hin und schloß die Tür hinter ihr zu samt ihren Söhnen; die brachten ihr die Gefäße zu, so goß sie ein.
Kaya iniwan niya si Eliseo at sinara ang pinto sa likod niya at kaniyang mga anak. Nagdala sila ng mga tapayan para sa kaniya, at pinuno ang mga ito ng langis.
6 Und da die Gefäße voll waren, sprach sie zu ihrem Sohn: Lange mir noch ein Gefäß her! Er sprach zu ihr: Es ist kein Gefäß mehr hie. Da stund das Öl.
Nang napuno na ang mga lagayan, sabi niya sa kaniyang mga anak, “Magdala pa kayo ng isa pang tapayan.” Pero ang sabi ng anak niya sa kaniya, “Wala ng mga tapayan.” Pagkatapos, huminto na sa pagdaloy ng langis.
7 Und sie ging hin und sagte es dem Mann Gottes an. Er sprach: Gehe hin, verkaufe das Öl und bezahle deinen Schuldherrn; du aber und deine Söhne nähret euch von dem übrigen.
Pagkatapos, bumalik siya at sinabi sa lingkod ng Diyos. Sabi niya, “Pumunta ka roon, ibenta mo ang langis; bayaran mo ang iyong utang, at mamuhay kasama ng iyong mga anak sa mga natira.”
8 Und es begab sich zu der Zeit, daß Elisa ging gen Sunem. Daselbst war eine reiche Frau; die hielt ihn, daß er bei ihr aß. Und als er nun oft daselbst durchzog, ging er zu ihr ein und aß bei ihr.
Isang araw, naglakad si Eliseo sa Sunem kung saan nakatira ang isang mahalagang babae; pinilit niyang kumain sila ng magkasama. Kaya sa madalas na pagdaan ni Eliseo, siya ay humihinto para kumain doon.
9 Und sie sprach zu ihrem Manne: Siehe, ich merke, daß dieser Mann Gottes heilig ist, der immerdar hie durchgehet.
Sinabi ng babae sa kaniyang asawa, “Tingnan mo, nalaman ko na ang lalaking ito na laging dumadaan dito ay lingkod ng Diyos.
10 Laß uns ihm eine kleine bretterne Kammer oben machen und ein Bett, Tisch, Stuhl und Leuchter hineinsetzen, auf daß, wenn er zu uns kommt, dahin sich tue.
Gumawa tayo ng maliit na silid sa bubungan para kay Eliseo, at maglagay tayo ng higaan, upuan, at lampara. Pagkatapos, kapag pumunta siya sa atin, mananatili na siya roon.”
11 Und es begab sich zu der Zeit, daß er hineinkam und legte sich oben in die Kammer und schlief drinnen.
Kaya nang dumating ang araw na bumalik si Eliseo para huminto roon, nanatili siya sa silid at nagpahinga roon.
12 Und sprach zu seinem Knaben Gehasi: Rufe der Sunamitin! Und da er ihr rief, trat sie vor ihn.
Sinabi ni Eliseo sa kaniyang lingkod na si Gehazi, “Tawagin mo ang Sunamita.” Nang tinawag niya ito, tumayo ang babae sa harap niya.
13 Er sprach zu ihm: Sage ihr: Siehe, du hast uns all diesen Dienst getan; was soll ich dir tun? Hast du eine Sache an den König oder an den Feldhauptmann? Sie sprach: Ich wohne unter meinem Volk.
Sinabi ni Eliseo sa lingkod, “Sabihin mo sa babae na, 'Ginawa mo ang lahat ng abalang ito para alagaan kami. Ano ang maaari kong gawin para sa iyo? Gusto mo bang kausapin namin ang hari para sa iyo o sa pinuno ng hukbo?'” Sumagot siya, 'Namuhay ako kasama ang aking sariling bayan.”
14 Er sprach: Was ist ihr denn zu tun? Gehasi sprach: Ach, sie hat keinen Sohn, und ihr Mann ist alt.
Kaya sinabi ni Eliseo, “Ano pala ang maaari nating gawin para sa kaniya?” Sumagot si Gehazi, “Tunay nga, wala siyang anak, at matanda na ang kaniyang asawa.”
15 Er sprach: Rufe ihr! Und da er ihr rief, trat sie in die Tür.
Kaya sumagot si Eliseo, “Tawagin mo siya.” Nang siya ay tinawag niya, tumayo siya sa pintuan.
16 Und er sprach: Um diese Zeit über ein Jahr sollst du einen Sohn herzen. Sie sprach: Ach nicht, mein HERR, du Mann Gottes, lüge deiner Magd nicht!
Sinabi ni Eliseo, “Sa parehong oras ng taong ito, pagkatapos ng isang taon, makakahawak ka ng isang anak.” Sinabi niya, “Hindi, aking panginoon at lingkod ng Diyos, huwag kang magsinungaling sa iyong alipin.”
17 Und die Frau ward schwanger und gebar einen Sohn um dieselbe Zeit über ein Jahr, wie ihr Elisa geredet hatte.
Pero nagdalang-tao ang babae at nanganak ng isang lalaki sa parehong panahon ng sumunod na taon, tulad ng sinabi ni Eliseo sa kaniya.
18 Da aber das Kind groß ward, begab sich's, daß es hinaus zu seinem Vater zu den Schnittern ging.
Nang lumaki na ang bata, pumunta siya sa kaniyang ama, na kasama ng mga taga-ani.
19 Und sprach zu seinem Vater: O mein Haupt, mein Haupt! Er sprach zu seinem Knaben: Bringe ihn zu seiner Mutter!
Sinabi niya sa kaniyang ama, “Ang ulo ko, ang ulo ko.” Sabi ng kaniyang ama sa kaniyang alipin, “Buhatin mo siya sa kaniyang ina.”
20 Und er nahm ihn und brachte ihn hinein zu seiner Mutter; und sie setzte ihn auf ihren Schoß bis an den Mittag; da starb er.
Nang binuhat siya at dinala ang bata sa kaniyang ina, umupo ang bata sa tuhod ng kaniyang ina hanggang tanghali at pagkatapos ay namatay.
21 Und sie ging hinauf und legte ihn aufs Bett des Mannes Gottes, schloß zu und ging hinaus.
Kaya tumayo ang babae at hiniga ang bata sa higaan ng lingkod ng Diyos, sinara ang pinto, at umalis.
22 Und rief ihrem Mann und sprach: Sende mir der Knaben einen und eine Eselin; ich will zu dem Mann Gottes und wiederkommen.
Tinawag niya ang kaniyang asawa, at sinabi, “Pakiusap magpadala ka sa akin ng isa sa mga alipin at isa sa mga asno para ako ay makapagmadali sa lingkod ng Diyos at makabalik agad.”
23 Er sprach: Warum willst du zu ihm? Ist doch heute nicht Neumond noch Sabbat. Sie sprach: Es ist gut.
Sinabi ng asawa niya, “Bakit gusto mong pumunta sa kaniya ngayong araw na ito? Hindi naman Kapistahan ng Bagong Buwan o Araw ng Pamamahinga.” Sumagot siya. “Magiging maayos din ang lahat.”
24 Und sie sattelte die Eselin und sprach zum Knaben: Treibe fort und säume mich nicht mit dem Reiten, wie ich dir sage.
Pagkatapos, sinakyan niya ang asno at sinabi sa kaniyang alipin, “Bilisan mo ang pagmamaneho; huwag kang babagal hangga't hindi ko sinasabi.”
25 Also zog sie hin und kam zu dem Mann Gottes auf den Berg Karmel. Als aber der Mann Gottes sie gegen ihm sah, sprach er zu seinem Knaben Gehasi: Siehe, die Sunamitin ist da.
Kaya pumunta siya sa lingkod ng Diyos sa Bundok Carmel. Nang nakita siya ng lingkod ng Diyos sa malayo, sinabi niya kay Gehazi kaniyang alipin, “Tingnan mo, paparating na ang Sunamita.
26 So lauf ihr nun entgegen und frage sie, ob's ihr und ihrem Mann und Sohn wohlgehe? Sie sprach: Wohl.
Pakiusap, tumakbo ka para salubungin siya at sabihin mo sa kaniya, 'Maayos ba ang lahat sa iyo at iyong asawa at anak'” Sumagot siya, “Maayos naman.”
27 Da sie aber zu dem Mann Gottes auf den Berg kam, hielt sie ihn bei seinen Füßen; Gehasi aber trat herzu, daß er sie abstieße. Aber der Mann Gottes sprach: Laß sie, denn ihre Seele ist betrübt; und der HERR hat mir's verborgen und nicht angezeiget.
Nang pumunta siya sa lingkod ng Diyos sa bundok, hinawakan niya ang paa ng lingkod ng Diyos. Lumapit si Gehazi para ilayo siya pero sinabi ng lingkod ng Diyos, “Pabayaan mo siya, dahil siya ay malungkot, at tinago ni Yahweh ang problema sa akin, at walang siyang sinabi sa akin.”
28 Sie sprach: Wann habe ich einen Sohn gebeten von meinem HERRN? Sagte ich nicht, du solltest mich nicht täuschen?
Pagkatapos kaniyang sinabi, “Humingi ba ako sa iyo ng anak, aking panginoon? Hindi ba sinabi ko sa iyo na, 'Huwag mo akong linlangin'?”
29 Er sprach zu Gehasi: Gürte deine Lenden und nimm meinen Stab in deine Hand und gehe hin (so dir jemand begegnet, so grüße ihn nicht, und grüßet dich jemand, so danke ihm nicht) und lege meinen Stab auf des Knaben Antlitz.
Pagkatapos sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Magdamit ka para sa paglalakbay at kunin mo ang aking tungkod. Pumunta ka sa bahay niya. Kung may makakasalubong ka, huwag mo siyang batiin, at kung may babati sa iyo, huwag mo siyang sagutin. Ilagay mo ang tungkod ko sa mukha ng bata.”
30 Die Mutter aber des Knaben sprach: So wahr der HERR lebet und deine Seele, ich lasse nicht von dir. Da machte er sich auf und ging ihr nach.
Pero sinabi ng ina ng bata, “Hanggang nabubuhay si Yahweh, at hanggang nabubuhay ka, hindi kita iiwan.” Kaya tumayo si Eliseo at sinundan siya.
31 Gehasi aber ging vor ihnen hin und legte den Stab dem Knaben aufs Antlitz; da war aber keine Stimme noch Fühlen. Und er ging wiederum ihm entgegen und zeigte ihm an und sprach: Der Knabe ist nicht aufgewacht.
Nagmadaling nauna sa kanila si Gehazi at nilagay ang tungkod sa mukha ng bata, pero hindi ito nagsalita o nakarinig. Kaya bumalik si Gehazi para salubungin si Eliseo at sinabi sa kaniya, “Hindi nagising ang bata.”
32 Und da Elisa ins Haus kam, siehe, da lag der Knabe tot auf seinem Bette.
Nang dumating si Eliseo sa bahay, patay na ang bata at nasa higaan pa rin.
33 Und er ging hinein und schloß die Tür zu für sie beide und betete zu dem HERRN.
Kaya pumasok si Eliseo at sinara ang pinto at nanalangin kay Yahweh. Umakyat siya at dinapaan ang bata;
34 Und stieg hinauf und legte sich auf das Kind und legte seinen Mund auf des Kindes Mund und seine Augen auf seine Augen und seine Hände auf seine Hände; und breitete sich also über ihn, daß des Kindes Leib warm ward.
nilagay ang bibig niya sa bibig ng bata, kaniyang mata sa mata ng bata, at kaniyang kamay sa kamay ng bata. Inunat niya ang kaniyang sarili sa bata, at nag-init ang katawan ng bata.
35 Er aber stund wieder auf und ging im Hause einmal hieher und daher; und stieg hinauf und breitete sich über ihn. Da schnaubte der Knabe siebenmal; danach tat der Knabe seine Augen auf.
Pagkatapos tumayo si Eliseo at naglakad sa silid at umakyat muli at inunat ang kaniyang sarili sa bata. Bumahing ang bata ng pitong beses at binuksan ang kaniyang mga mata!
36 Und er rief Gehasi und sprach: Rufe der Sunamitin. Und da er ihr rief, kam sie hinein zu ihm. Er sprach: Da nimm hin deinen Sohn!
Kaya tinawag ni Eliseo si Gehazi, “Tawagin mo ang Sunamita!” Kaya tinawag niya ito, at nang pumunta siya sa silid, sabi ni Eliseo, “Kunin mo ang iyong anak.”
37 Da kam sie und fiel zu seinen Füßen und betete an zur Erde; und nahm ihren Sohn und ging hinaus.
Pagkatapos nagpatirapa siya sa lupa at yumuko sa lupa, at pagkatapos kinuha ang kaniyang anak at umalis.
38 Da aber Elisa wieder gen Gilgal kam, ward Teurung im Lande, und die Kinder der Propheten wohneten vor ihm. Und er sprach zu seinem Knaben: Setze zu einen großen Topf und koche ein Gemüse für die Kinder der Propheten.
Pagkatapos pumunta muli si Eliseo sa Gilgal. Mayroong taggutom doon sa lupain, at umupo sa kaniyang tabi ang mga anak ng mga propeta. Sinabi niya sa mga alipin, “Ilagay ninyo ang malaking palayok sa apoy at magluto ng nilaga para sa mga anak ng mga propeta.”
39 Da ging einer aufs Feld, daß er Kraut läse, und fand wilde Ranken, und las davon Koloquinten, sein Kleid voll; und da er kam, schnitt er's in den Topf zum Gemüse, denn sie kannten es nicht.
Ang isa sa kanila ay pumunta sa sakahan para maglikom ng mga gulay. Nakahanap siya ng ligaw na punong ubas at nakalikom ng sapat na ligaw na mga gulay para punuin ang tupi ng kaniyang balabal. Hiniwa nila ang mga ito at nilagay sa nilaga, pero hindi nila alam kung anong uri ang mga iyon.
40 Und da sie es ausschütteten für die Männer zu essen, und sie von dem Gemüse aßen, schrieen sie und sprachen: O Mann Gottes, der Tod im Topf! Denn sie konnten's nicht essen.
Kaya binuhos nila ang nilaga para kainin ng mga tao. Kinalaunan, habang kumakain sila, sumigaw sila at sinabi, “Lingkod ng Diyos, may kamatayan sa palayok!” At hindi na sila makakain.
41 Er aber sprach: Bringet Mehl her! Und er tat's in den Topf und sprach: Schütte es dem Volk vor, daß sie essen. Da war nichts Böses in dem Topf.
Pero sinabi ni Eliseo, “Magdala ng ilang harina.” Hinagis niya ito sa palayok at sinabi, “Ibuhos ninyo ito para sa mga tao, para makakain sila.” At wala ng anumang bagay ang nakakasakit sa loob ng palayok.
42 Es kam aber ein Mann von Baal-Salisa und brachte dem Mann Gottes Erstlingsbrot, nämlich zwanzig Brote, und neu Getreide in seinem Kleid. Er aber sprach: Gib's dem Volk, daß sie essen!
Isang lalaking taga-Baal-salisa ang lumapit sa lingkod ng Diyos at nagdala ng labingdalawang trigong tinapay sa kaniyang sako mula sa bagong ani, at sariwang aning butil. Sinabi niya, “Ibigay mo ito sa mga tao para makakain sila.”
43 Sein Diener sprach: Was soll ich hundert Mann an dem geben? Er sprach: Gib dem Volk, daß sie essen! Denn so spricht der HERR: Man wird essen, und wird überbleiben.
Sinabi ng kaniyang alipin, “Ano, dapat ko ba itong ihain sa harapan ng isang-daang lalaki?” Pero sinabi ni Eliseo, “Ibigay mo ito sa mga tao, para makakain sila, dahil sinabi ito ni Yahweh, 'Kakain sila at magkakaroon pa ng tira.'”
44 Und er legte es ihnen vor, daß sie aßen; und blieb noch über nach dem Wort des HERRN.
Kaya hinain ito ng kaniyang alipin sa kanilang harapan; kumain sila, at may mga natira pa, gaya ng pinangakong salita ni Yahweh.

< 2 Koenige 4 >