< 2 Mose 39 >

1 Aus dem blauen und roten Purpur aber und aus dem Karmesin fertigten sie prachtvoll gewirkte Kleider zum Dienst im Heiligtum; und sie fertigten die heiligen Kleider Aarons, wie Jahwe Mose befohlen hatte.
Gamit ang asul, lila at pulang tela, sila ay nakagawa ng mga pinong hinabing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar. Ginawa nila ang mga kasuotan ni Aaron para sa banal na lugar, ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises.
2 Und zwar verfertigte er das Schulterkleid aus Gold, blauem und rotem Purpur, Karmesin und gezwirntem Byssus.
Ginawa ni Bezalel ang efod na ginto, na asul, lila, at matingkad na pulang lana, at ng pinong pinulupot na lino.
3 Und sie schlugen die Goldplatten breit, so daß er sie in Fäden zerschneiden konnte, um diese mittels Kunstwirker-Arbeit in den blauen Purpur, in den roten Purpur, in den Karmesin und in den Byssus einzuarbeiten.
Nagpanday sila ng mga pinanipis na ginto at ginupit nila ang mga alambre, para magawa ito sa asul, lila at matingkad na pulang lana, at para sa pinong lino, ang trabaho ng isang mahusay na manggagawa.
4 An ihm brachen sie mit ihm verbundene Schulterstücke an; an seinen beiden Enden wurde es mit ihnen verbunden.
Gumawa sila ng mga pang-balikat na piraso para sa efod, na nakakabit sa dalawang itaas na kanto nito.
5 Die Binde aber, die sich behufs seiner Anlegung an ihm befand, bildete ein Ganzes mit ihm von gleicher Arbeit aus Gold, blauem und rotem Purpur, Karmesin und gezwirntem Byssus, wie Jahwe Mose befohlen hatte.
Ang pinong nahabing sinturon nito ay katulad ng efod; gawa ito sa isang piraso kasama ang efod, na gawa sa pinong pinulupot na linong ginto, asul, lila, at pula, katulad ng inutos ni Yahweh kay Moises.
6 Sodann richteten sie die Schohamsteine zu, daß sie mit einem Flechtwerke von Golddraht eingefaßt und mittels Siegelstecherkunst graviert waren nach Maßgabe der Namen der Israels-Söhne.
Inukit nila ang mga batong oniks, na kalakip sa lagayan ng ginto, iniayos kasama ang inukitan na parang nasa isang pantatak, at inukitan ng mga pangalan ng labing-dalawang anak na lalaki ni Israel.
7 Und er befestigte sie an den Schulterstücken des Schulterkleids als Steine des gnädigen Gedenkens an die Israeliten, wie Jahwe Mose befohlen hatte.
Inilagay ito ni Bezalel sa balikat na piraso ng efod, bilang mga bato para alalahanin ni Yahweh ang labing-dalawang anak na lalaki ni Israel, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
8 Sodann verfertigte er die Tasche in Kunstwirker-Arbeit, so wie das Schulterkleid gearbeitet war, aus Gold, blauem und rotem Purpur, Karmesin und gezwirntem Byssus.
Ginawa niya ang baluti, gawain ng bihasang manggagawa, inihugis katulad ng efod. Ginawa ito sa pamamagitan ng ginto, asul, lila at pulang tela, at ng pinong lino.
9 Viereckig war sie; doppelt gelegt fertigten sie die Tasche, je eine Handbreite lang und breit, doppelt gelegt.
Ito ay parisukat. Itiniklop nila ang baluti ng dalawang ulit. Ito ay isang dipang haba at isang dipang lapad.
10 Und sie besetzten sie mit vier Reihen von Edelsteinen: ein Carneol, ein Topas und ein Smaragd bildeten der Reihe nach die erste Reihe;
Iniayos nila ito sa apat na hanay ng mahahalagang mga bato. Ang unang hanay ay may isang rubi, isang topaz, at isang garnet.
11 die zweite Reihe ein Karfunkel, ein Sapphir und ein Jaspis;
Ang ikalawang hanay ay may isang esmeralda, isang safira, at isang dyamante.
12 die dritte Reihe ein Hyacinth, ein Achat und ein Amethyst,
Ang ikatlong hanay ay may jacinto, isang agate, at isang ametista.
13 die vierte Reihe ein Chrysolith, ein Schoham und ein Onyx; umgeben von Goldgeflecht bildeten sie den Besatz.
Ang ikaapat na hanay ay may beryl, isang oniks, at isang jasper. Ang mga bato ay ikinabit sa may gintong lalagyan.
14 Es waren aber der Steine entsprechend den Namen der Israels-Söhne ihrer Zwölf, entsprechend ihren Namen, mittels Siegelstecherkunst mit dem Namen je eines der zwölf Stämme versehen.
Ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, ang bawat isa ay inayos ayon sa pangalan. Ang mga ito ay mistulang mga inukit na nakalagay sa pangselyong singsing, bawat pangalan ay kumakatawan para sa isa sa labindalawang lipi.
15 Sodann brachten sie an der Tasche die schnurenartig gedrehten Kettchen aus gediegenem Gold an.
Sa baluti gumawa sila ng mga kadena na katulad ng tali, tinirintas ng purong ginto.
16 Weiter verfertigten sie zwei goldene Geflechte und zwei goldene Ringe und befestigten die beiden Ringe an den beiden Enden der Tasche.
Gumawa sila ng dalawang lalagyan ng ginto at dalawang singsing na ginto, at nagkabit sila ng dalawang singsing sa dalawang sulok ng baluti.
17 Sodann befestigten sie die beiden goldenen Schnuren an den beiden Ringen an den Enden der Tasche.
Inilagay nila ang dalawang tinirintas na kadenang ginto sa dalawang singsing sa bawat gilid ng baluti.
18 Die beiden Enden aber der beiden Schnuren befestigten sie an den beiden Geflechten und diese befestigten sie an den beiden Schulterstücken des Schulterkleids auf dessen Vorderseite.
Ikinabit nila ang ibang dalawang dulo ng tinirintas na mga kadena sa dalawang lalagyan. Ikinabit nila ito sa pang-balikat na piraso ng efod sa may harapan nito.
19 Sodann fertigten sie zwei goldene Ringe an und befestigten sie an den beiden Enden der Tasche, an ihrem inneren, dem Schulterkleide zugewendeten Saume.
Gumawa sila ng dalawang mga singsing na ginto at inilagay nila ang mga ito sa dalawang sulok ng baluti, sa may gilid katabi ng panloob na hangganan.
20 Sodann fertigten sie zwei goldene Ringe an und befestigten sie an den beiden Schulterstücken des Schulterkleids ganz unten an seiner Vorderseite, da, wo es mit den Schulterstücken zusammenhängt, oberhalb der Binde des Schulterkleids.
Gumawa sila ng dalawa pang singsing na ginto at ikinabit ang mga ito sa ibaba ng dalawang pang-balikat na piraso ng harap ng efod, malapit sa tahi nito sa itaas ng pinong nahabing sinturon ng efod.
21 Dann ketteten sie die Tasche mit ihren Ringen mittels Schnuren von blauem Purpur an die Ringe des Schulterkleids an, so daß sie sich oberhalb der Binde des Schulterkleids befand und unbeweglich auf dem Schulterkleid auflag, wie Jahwe Mose befohlen hatte.
Itinali nila ang baluti gamit ang singsing nito sa singsing ng efod na may asul na tali, kaya ito ay maidugtong sa bandang taas ng mainam na tinahing sinturon ng efod. Ito rin ang baluti na hindi matanggal sa pagkakadugtong mula sa efod. Ginawa ito ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
22 Sodann verfertigte er das Obergewand zum Schulterkleid in Weberarbeit, ganz und gar aus blauem Purpur.
Si Bezalel ay gumawa ng balabal ng efod na tunay na gawa sa telang lila, ginawa ng isang manghahabi.
23 Und die Halsöffnung in dem Obergewande glich der Halsöffnung eines Panzerhemdes, mit einem Saume rings um die Öffnung, damit es nicht zerreiße.
Sa gitna ay mayroon itong bukasan para sa ulo. Ang bukasan ay may hinabing gilid na paikot para hindi ito mapunit.
24 Sodann brachten sie am Saume des Obergewands Granatäpfel aus blauem und rotem Purpur, Karmesin und gezwirntem Byssus an,
Sa may ilalim na tupi, gumawa sila ng pomegranteng asul, lila at pulang tali at pinong lino.
25 fertigten Glöckchen aus gediegenem Gold an und setzten diese Glöckchen zwischen die Granatäpfel hinein, ringsum am Saume des Obergewands zwischen die Granatäpfel hinein,
Gumawa sila ng mga kampananilya sa purong ginto, at inilagay nila ang mga kampanilya sa pagitan ng mga prutas na granada sa paligid ng ilalim na dulo ng gilid ng balabal, sa pagitan ng mga prutas na granada—
26 so daß immer ein Glöckchen und ein Granatapfel ringsum am Saume des Obergewands miteinander abwechselten, behufs der Verrichtung des Dienstes, wie Jahwe Mose befohlen hatte.
isang kampanilya at isang prutas na granada, isang kampanilya at isang prutas na granada—sa gilid ng balabal para kay Aaron na paglilingkuran niya. Ito ay ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
27 Sodann verfertigten sie die Leibröcke aus Byssus für Aaron und seine Söhne in Weberarbeit,
Ginawa nila ang mahabang panlabas na kasuotan para kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki.
28 dazu den Kopfbund aus Byssus und die turbanartigen Mützen aus Byssus und die linnenen Beinkleider aus gezwirntem Byssus,
Gumawa sila ng turbante na yari sa pinong lino, mga ginayak na pamigkis sa ulo na gawa sa pinong lino, ang linong damit pang-ilalim na pinong lino,
29 ferner den Gürtel aus gezwirntem Byssus, blauem und rotem Purpur und Karmesin in Buntwirker-Arbeit, wie Jahwe Mose befohlen hatte.
at ang sintas naman sa baywang na yari sa pinong lino at ng asul, lila, at matingkad na pulang tali, gawa ng isang tagaburda. Ito ay ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
30 Sodann fertigten sie das Stirnblatt, das heilige Diadem, aus gediegenem Gold und gruben darein mit Siegelstecher-Schrift: “Geheiligt dem Jahwe”.
Ginawa nila ang plaka ng banal na korona na purong ginto; inukit nila ito, katulad ng pag-ukit sa isang selyo, INILAAN KAY YAHWEH.
31 Und sie befestigten daran eine Schnur von blauem Purpur, um es oben am Kopfbund anzubringen, wie Jahwe Mose befohlen hatte.
Ikinabit nila sa turbante ang isang asul na tali sa taas ng turbante. Ito ay ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
32 So wurden sämtliche Arbeiten für die Offenbarungszelt-Wohnung vollendet und die Israeliten thaten ganz, wie Jahwe Mose befohlen hatte - so thaten sie.
Kaya ang gawain sa tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, ay natapos. Ginawa ng bayan ng Israel ang lahat ng bagay. Sumunod sila sa lahat ng tagubilin na ibinigay ni Yahweh kay Moises.
33 Und sie brachten die Wohnung zu Mose, das Zelt mit allen seinen Geräten, seinen Haken, Brettern, Riegeln, Säulen und Füßen,
Dinala nila ang tabernakulo kay Moises- ang tolda at lahat ng mga kagamitan nito, mga kawit, mga tabla, mga tubo, mga poste, at mga tuntungan;
34 dazu die Überdecke aus rotgefärbten Widderfellen, die Überdecke aus Seekuhfellen und den verhüllenden Vorhang,
ang pantakip na mga balat ng kambing na pinapula, pantakip na balat ng dugong, at ang kurtina na tatabingan
35 die Gesetzeslade mit ihren Stangen und der Deckplatte,
ang mga kaban ng kautusang tipan, ganoon din ang mga baras at ng takip na lulukan ng awa.
36 den Tisch mit allen seinen Geräten und den Schaubroten,
Dinala nila ang mesa, lahat ng mga kagamitan nito, at tinapay ng presensya;
37 den Leuchter aus gediegenem Golde mit seinen in geordneter Reihe aufgesetzten Lampen und allen seinen Geräten, sowie das Öl für den Leuchter,
ang ilawang purong ginto at mga ilawan na nakahanay, kasama ng mga kagamitan nito at ang langis para sa mga ilawan;
38 den goldenen Altar, das Salböl, das wohlriechende Räucherwerk und den Vorhang für die Thüre des Zeltes,
ang gintong altar, ang pangpahid na langis at ang mabangong insenso; ang nakabitin para sa pasukan ng tabernakulo;
39 den kupfernen Altar und das kupferne Gitterwerk an ihm, seine Stangen und alle seine Geräte, das Becken samt seinem Gestelle,
ang tansong altar kasama ng tansong parilya at mga baras at kagamitan at ang malaking palanggana kasama ng patungan nito.
40 die Umhänge des Vorhofs, seine Säulen und Füße, sowie den Vorhang für das Thor des Vorhofs, seine Seile und Pflöcke, sowie alle Geräte zum Dienst in der Offenbarungszelt-Wohnung,
Dinala nila ang mga pangsabit para sa patyo kasama ng mga poste at patungan, at ng kurtina para sa pasukan ng bulwagan; ang mga tali nito at mga pako ng tolda; at lahat ng mga kagamitan para sa paglilingkod sa tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong.
41 die prachtvoll gewirkten Kleider zum Dient im Heiligtum, die heiligen Kleider Aarons, des Priesters, sowie die Kleider seiner Söhne zum priesterlichen Dienste.
Dinala nila ang mga pinong natahing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar, ang banal na kasuotan para kay Aaron na pari at kaniyang mga anak na lalaki, para sila ay maglingkod bilang mga pari.
42 Ganz, wie Jahwe Mose befohlen hatte, so führten die Israeliten die gesamte Arbeit aus.
Kaya nagawa ng bayan ng Israel ang lahat ng gawain ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
43 Als aber Mose wahrnahm, daß sie nunmehr die ganze Arbeit ausgeführt hatten - wie Jahwe befohlen hatte, so hatten sie gethan -, da segnete sie Mose.
Pinagmasdan lahat ni Moises ang mga nagawa, at, masdan ito, nagawa nila ito. Ayon sa inutos ni Yahweh, sa pamamaraang iyon nagawa nila ito. Pagkatapos sila ay pinagpala ni Moises.

< 2 Mose 39 >