< Sprueche 10 >
1 Die Sprüche Salomos sind folgende: Ein weiser Sohn macht seinem Vater Freude; ein törichter ist seiner Mutter Gram.
Ang mga kawikaan ni Solomon. Ang isang marunong na anak ay ikinagagalak ng kaniyang ama ngunit ang isang hangal na anak ay nagdadala ng pighati sa kaniyang ina.
2 Unnütz sind Schätze, frevelhaft erworben; nur Tugend kann vorm Tode schützen.
Ang mga yamang naipon sa pamamagitan ng kasamaan ay walang halaga, ngunit ang paggawa ng kung ano ang tama ay naglalayo sa kamatayan.
3 Der Herr läßt nicht der Frommen Hunger ungestillt; der Frevler Gier stößt er zurück.
Hindi hinahayaan ni Yahweh na magutom ang mga gumagawa ng masama, ngunit kaniyang binibigo ang mga pagnanasa ng masama.
4 Die faule Hand schafft Armut; die Hand der Fleißigen schafft Reichtum.
Ang kamay na tamad ay nagdudulot sa isang tao para maging mahirap, ngunit ang kamay ng masipag na tao ay magtatamo ng kayamanan.
5 Wer schon im Sommer sammelt, der ist klug, verächtlich, wer die Erntezeit verschläft.
Ang marunong na anak ay magtitipon ng pananim sa tag-araw, ngunit kahihiyan sa kaniya para matulog habang anihan.
6 Aufs Haupt der Frommen strömen Segnungen; der Frevler Mund bringt Unheil.
Ang mga kaloob mula sa Diyos ay nasa isipan ng mga gumagawa ng tama, ngunit ang bibig ng masama ay pinagtatakpan ang karahasan.
7 Des Frommen Name dient zum Segnen; des Frevlers Name schwindet.
Ang taong gumagawa ng tama ay natutuwa tuwing siya ay ating naiisip ang tungkol sa kaniya, ngunit ang pangalan ng masama ay mabubulok.
8 Wer weisen Herzens ist, nimmt die Gebote an; nur wer ein Narrenmaul besitzt, verwirft sie.
Silang mga maunawain ay tumatanggap ng mga utos, ngunit ang isang madaldal na hangal ay mapapahamak.
9 Wer in der Unschuld lebt, tritt sicher auf; wer auf verkehrten Wegen wandelt, dem geht's schlimm.
Ang siyang lumalakad sa katapatan ay lumalakad sa kaligtasan, subalit ang isa na gumagawa ng kabuktutan, siya ay malalantad.
10 Wer mit dem Auge blinzelt, bereitet Kränkung, und wer ein Narrenmaul besitzt, hetzt auf.
Siya na kumikindat ang mata ay nagdudulot ng kalungkutan, ngunit ang isang madaldal na hangal ay masisira.
11 Des Frommen Mund - ein Lebensborn; des Frevlers Mund nur Unrecht birgt.
Ang bibig ng gumagawa ng tama ay isang bukal ng buhay, ngunit ang bibig ng masama ay nagtatago ng karahasan.
12 Der Haß legt Zwistigkeiten bloß; doch alle Sünden deckt die Liebe zu.
Ang galit ay nagpapasimula ng mga kaguluhan, subalit ang pag-ibig ay matatakpan ang lahat ng pagkakasala.
13 Gefunden wird durch eines Weisen Lippen Weisheit, doch auch ein Stock für eines Unverständigen Rücken.
Ang karunungan ay matatagpuan sa labi ng isang taong marunong umunawa, ngunit ang isang pamalo ay para sa likod ng isang walang pang-unawa.
14 Die Weisen bergen ihre Wissenschaft; des Toren Mund ist nahendes Verderben.
Ang mga taong marunong ay nag-iipon ng kaalaman, ngunit ang bibig ng isang hangal ay nagpapalapit ng kapahamakan.
15 Des Reichen Habe ist ihm eine feste Stadt; den Dürftigen ist ihre Armut ihre schwache Seite.
Ang kayamanan ng isang mayamang tao ay ang kaniyang pinatibay na lungsod, ang kasalatan ng mahirap ay kanilang pagkawasak.
16 Des Frommen Lohn dient für das Leben, des Frevlers Einkommen für die Verdammnis.
Ang kabayaran ng mga gumagawa ng tama ay patungo sa buhay; ang pakinabang ng masama ay patungo sa kasalanan.
17 Dem Leben geht entgegen, wer auf Mahnung hört; wer aber Rüge nicht beachtet, wandelt irre.
Doon ay may isang daan sa buhay para sa isang sumusunod sa disiplina, ngunit ang tumatanggi sa pagpuna ay inaagos sa pagkaligaw.
18 Wer Haß mit lügenhaften Lippen will bedecken, ist gerade so ein Tor wie jener, der üble Nachrede verbreitet.
Ang sinumang magtago ng pagkagalit ay may mga sinungaling na labi, at sinumang magkalat ng paninirang puri ay isang hangal.
19 Bei vielem Reden geht's nicht ohne Fehler ab; wer aber seine Lippen zügelt, der tut klug.
Kung maraming salita, pagkakasala ay hindi nagkukulang, ngunit ang siyang nag-iingat sa kaniyang sasabihin ay isang matalino
20 Ein auserlesenes Silber ist des Frommen Zunge; des Gottlosen Verstand ist wenig wert.
Ang dila na siyang gumagawa nang matuwid ay purong pilak; ito ay may maliit na halaga sa puso ng masama.
21 Gerechte Lippen haben viele Güter; die Toren aber sterben durch den Unverstand.
Ang mga labi ng isa na gumagawa ng tama ay nagpapalusog ng marami, ngunit ang mga mangmang ay mamamatay dahil sa kakulangan ng kanilang pang-unawa.
22 Reich macht des Herren Segen, und nicht bereichert eigene Mühe so wie er.
Ang mga mabuting kaloob ni Yahweh ay nagdadala ng kayamanan at hindi ito nagdagdag ng sakit.
23 Die Schandtat dünkt dem Toren nur ein Scherz, dem klugen Mann jedoch ein Übermut.
Ang kasamaan ay laro ng isang hangal, ngunit ang karunungan ay isang kasiyahan para sa isang tao ng may pang-unawa.
24 Wovor dem Frevler graut, gerade das trifft ihn, und so erfüllet er der Frommen Wunsch.
Ang takot ng masama ay sasaklawan siya, ngunit ang pagnanais ng isang matuwid ay ibibigay.
25 So wie ein Sturm vorüberbraust und nicht mehr ist, so auch der Frevler; der Fromme aber steht auf ewig festem Grund.
Ang masama ay tulad ng isang bagyo na dumadaan, at sila ay wala na, ngunit silang gumagawa ng tama ay isang pundasyon na magtatagal kailanman.
26 Was Essig für die Zähne, was Rauch ist für die Augen, das ist der Faule seinem Auftraggeber.
Tulad ng suka sa ngipin at usok sa mata, ganoon din ang batugan na nagpadala sa kaniya.
27 Die Furcht des Herrn vermehrt die Lebenstage; der Frevler Jahre aber werden oft verkürzt.
Ang takot kay Yahweh nagpapahaba ng buhay, ngunit ang mga taon ng masama ay mapapaiksi.
28 Der Frommen Harren wird in Freude enden; der Frevler Hoffnung wird zunichte.
Ang pag-asa ng mga gumagawa ng tama ay kanilang kagalakan, ngunit ang mga taon ng mga masama ay mapapaiksi.
29 Schutzwehr für Redliche, das ist des Herren Walten, für Übeltäter aber Grund zur Furcht.
Ang paraan ni Yahweh ay nag-iingat sa kanila na may katapatan, ngunit ito ay pagkawasak para sa masama.
30 Ein Frommer wird in Ewigkeit nicht wanken; die Frevler aber werden nicht im Lande bleiben dürfen.
Silang mga gumagawa ng tama ay hindi kailanman maibabagsak, ngunit ang masama ay hindi mananatili sa lupain.
31 Des Frommen Mund nimmt zu an Weisheit; dem Untergang verfällt die falsche Zunge.
Mula sa bibig ng mga gumagawa ng tama ay dumarating ang bunga ng karunungan, ngunit ang masamang dila ay mapuputol.
32 Des Frommen Lippen kennen Gütigkeit, der Mund der Frevler aber Hinterlist.
Alam ng mga labing gumagawa nang tama kung ano ang katanggap-tanggap, ngunit ang bibig ng masama ay alam kung ano ang masama