< Hesekiel 23 >

1 Das Wort des Herrn erging an mich:
Dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabing,
2 "Hör, Menschensohn! Zwei Weiber lebten einst, die Töchter einer Mutter.
“Anak ng tao, mayroong dalawang babae, mga anak na babae na iisa ang kanilang ina.
3 Sie buhlten in Ägypten. Sie buhlten dort in ihrer Jugendzeit, und dort berührte man den jugendlichen Busen.
Kumilos sila bilang mga nagbebenta ng aliw sa Egipto sa panahon ng kanilang kabataan. Nagbenta sila ng aliw roon. Pinisil ang kanilang mga suso at kinakarinyo roon ang kanilang mga birheng utong.
4 Sie hießen Ohola, die ältere, Oholiba, die Schwester. Sie wurden mir verbunden, gebaren dann auch Söhne, Töchter. Samaria wird Ohola, Jerusalem Oholiba genannt.
Ang kanilang mga pangalan ay sina Ohola—ang nakatatandang kapatid na babae—at si Oholiba—ang kaniyang nakababatang kapatid na babae. Pagkatapos naging akin sila at nanganak ng mga anak na lalake at mga anak na babae. Ito ang ibig sabihin ng kanilang mga pangalan: Samaria ang kahulugan ng Ohola, at Jerusalem ang kahulugan ng Oholiba.
5 Da buhlte Ohola, obgleich mir angehörend, und wurde gegen ihre Buhlen liebetrunken, die Söhne Assurs, die sie sich aussuchten.
Ngunit kumilos si Ohola bilang isang nagbebenta ng aliw kahit nang siya ay akin pa; pinagnasahan niya ang kaniyang mga mangingibig, para sa mga taga-Asiria na makapangyarihan,
6 Da waren Fürsten und Satrapen, purpurblau gekleidet, und Jünglinge von reizender Gestalt, und Reiter, die zu Pferde saßen.
ang gobernador na nagsusuot ng kulay ube, at para sa kaniyang mga opisyal, na malalakas at makikisig, lahat sila ay mga kalalakihan na nakasakay sa mga kabayo!
7 Sie gab sich ihnen preis zur Buhlerei, den auserlesenen Söhnen Assurs insgesamt, und sie befleckte sich mit ihnen allen, mit denen sie der Liebe pflog, mit allen ihren Unreinheiten.
Kaya ibinigay niya ang kaniyang sarili bilang isang nagbebenta ng aliw sa kanila, sa lahat ng pinakamahusay na kalalakihan ng Asiria! At ginagawa niyang marumi ang kaniyang sarili kasama ng bawat isa na kaniyang pinagnasaan, kasama ng kanilang mga diyus-diyosan na kaniyang pinagnasaan.
8 Daneben ließ sie nicht von ihren Buhlereien mit Ägypten. Sie lagen bei ihr schon in ihrer Jugendzeit, berührten ihren jugendlichen Busen und lebten so mit ihr in ausschweifendem Genuß.
Sapagkat hindi niya iniwan ang kaniyang ugaling nagbebenta ng aliw sa Egipto, nang sumiping sila sa kaniya noong siya ay bata pa, nang una nilang sinimulang karinyuhin ang kaniyang birheng suso, nang una nilang sinimulang ibuhos ang kanilang walang kahihiyang pag-uugali sa kaniya.
9 Ich gab sie deshalb ihren Buhlen preis, den Söhnen Assurs, gegen die sie liebetrunken war.
Kaya ibinigay ko siya sa kamay ng kaniyang mga mangingibig, sa kamay ng mga taga-Asiria kung kanino siya nagnanasa!
10 Und sie enthüllten ihre Blöße und nahmen ihre Söhne, ihre Töchter fort und töteten sie selber mit dem Schwert. So wurde sie ein Denkmal für die Weiber, nachdem das Strafgericht an ihr vollzogen war.
Hubo't hubad nila siyang hinubaran. Kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at mga anak na babae, at pinatay siya sa pamamagitan ng espada, at naging kahiya-hiya siya sa ibang mga kababaihan, kaya hinatulan nila siya.
11 Obschon dies ihre Schwester, die Oholiba, gesehen, trieb sie noch ärger ihre Liebelei als jene und stärker ihre Buhlerei als ihre Schwester.
Nakita ito ni Oholiba na kaniyang kapatid na babae, ngunit mas higit na mapusok siyang nagnasa kumilos ng parang isang nagbebenta ng aliw nang mas higit kaysa sa kaniyang kapatid na babae!
12 Und sie entbrannte gegen Assurs Söhne, die Fürsten und Satrapen, einen nach dem andern, die auf das prächtigste gekleidet waren, die Reiter, auf den Rossen reitend, und lauter Jünglinge von reizender Gestalt.
Pinagnasaan niya ang mga taga-Asiria, ang mga gobernador at ang mga makapangyarihan na mga pinuno na nagdamit ng kahanga-hanga, mga lalaking nakasakay sa mga kabayo! Malalakas silang lahat, makikisig na lalake!
13 Ich sah es, wie sie sich befleckte; sie gingen beide einen Weg.
Nakita ko na ginawa niyang marumi ang kaniyang sarili. Magkapareho ito para sa dalawang magkapatid na babae.
14 Doch trieb sie ihre Buhlerei noch weiter; sie sah da Männer, auf die Wand gemalt, die Bilder von Chaldäern, mit Mennige gemalt,
Pagkatapos dinagdagan pa niya ang pagbebenta niya ng aliw! Nakita niya ang mga kalalakihang nakaukit sa mga pader, anyo ng mga Caldeo na iginuhit ng kulay pula,
15 mit einem Gürtel um die Hüften, das Haupt mit einem Turban wohlbedeckt, sie allesamt wie Kriegsgewaltige anzusehen, den Söhnen Babels gleich, nach ihrem Vaterland genannt Chaldäer.
nakasuot ng mga sinturon sa kanilang baywang, na may kasamang humahampay na turbante sa kanilang mga ulo! Nagpakita silang lahat na parang mga pinuno ng mga hukbo ng mga karwahe, mga kalalakihan sa Babilonia ang lugar ng kanilang kapanganakan.
16 Beim ersten Blicke ihrer Augen ward sie schon liebetrunken gegen sie und sandte Boten hin zu ihnen nach Chaldäa.
Nang makita agad sila ng kaniyang mga mata, pinagnasahan na niya sila, kaya nagsugo siya ng mga mensahero sa kanila sa Caldea.
17 Da kamen Babels Söhne her zu ihr, zum Liebeslager, und sie bedeckten sie mit ihrer Buhlerei. Sie ließ sich gern durch sie beflecken und stillte ihre Lust an ihnen.
Pagkatapos dumating ang mga taga-Babilonia sa kaniya at sa kaniyang higaan ng pagnanasa, at ginawa nila siyang marumi sa pamamagitan nila na walang kahihiyan. Sa pamamagitan kung ano ang kaniyang ginawa siya ay naging marumi, kaya tumalikod siya palayo mula sa kanila dahil sa pagkayamot.
18 Da sie so offen Unzucht trieb und ihre Blöße enthüllte, riß ich meine Seele von ihr los, wie meine Seele sich von ihrer Schwester losgerissen.
Ipinakita niya ang kaniyang mga gawa ng pagbebenta ng aliw at ipinakita niya ang kaniyang hubad na katawan, kaya tumalikod ang aking Espiritu mula sa kaniya, tulad lamang ng pagtalikod ng aking Espiritu mula sa kaniyang kapatid na babae!
19 Doch trieb sie ihre Buhlerei noch weiter, und sie gedachte ihrer Jugendtage, da sie gebuhlt im Land Ägypten
At nakagawa siya ng napakaraming gawa ng pagbebenta ng aliw, na kaniyang inilagay sa kaniyang kaisipan at ginaya niya ang mga panahon ng kaniyang kabataan, Nang kumilos siya bilang isang nagbebenta ng aliw sa lupain ng Egipto!
20 und da nach solchen Buhlen sie verlangte, die stark wie Esel waren, vollsaftig wie Hengste.
Kaya nagnasa siya para sa kaniyang mga mangingibig, na ang maselang bahagi ng katawan ay tulad ng sa asno, at ang lumalabas upang mag-kaanak ay tulad ng sa kabayo.
21 Du sahst dich nach der Unzucht deiner Jugend um, wo die Ägypter deine Brust berührten und deinen jugendlichen Busen.
At nakagawa siyang muli ng kahiya-hiyang pag-uugali sa kaniyang kabataan, nang kinakarinyo ang kaniyang mga suso ng mga taga-Egipto sapagkat nasa kasariwaan ang kaniyang mga suso!
22 Deshalb, Oholiba, spricht so der Herr: 'Fürwahr, jetzt reize ich die gegen dich, die mit dir Liebe pflogen, an denen du die Lüste stilltest, und führe sie von überall her gegen dich heran,
Kung gayon, Oholiba, ito ang sinasabi ng Panginoon Yahweh, 'Masdan ninyo, papatalikurin ko ang iyong mangingibig laban sa iyo, dadalhin ko sila laban sa iyo mula sa bawat dako!
23 die Söhne Babels, die Chaldäer all, Pekod und So und Ko, die Söhne Assurs insgesamt dabei, die Jünglinge von reizender Gestalt, die Fürsten und Satrapen insgesamt, Kriegsoberste und Aufgebotene, auf Rossen alle reitend.
Sa mga Taga-Babilonia at sa lahat ng taga Caldeo! Pecod, Soa, at Koa! At sa lahat ng mga taga-Asiria na kasama nila! Malakas, makisig na kalalakihan! Mga gobernador at mga pinuno, lahat sila ay mga pinuno at mga kalalakihang may dangal! Nakasakay silang lahat sa mga kabayo!
24 Dann kommen gegen dich Gewappnete mit Wagen und mit Fahrzeugen, mit einer Schar von Völkern, mit Tartschen, Schilden, Helmen, und lagern rings um dich. Dann überlaß ich ihnen selbst das Urteil, damit sie dich nach ihren eigenen Gesetzen richten.
Darating sila laban sa iyo na may mga sandata, at na may mga karwahe at mga karitob, at kasama ng napakaraming mga tao! Maghahanda sila ng malaking panangga, maliit na panangga, at mga helmet, laban sa inyong lahat na nakapalibot! Bibigyan ko sila ng pagkakataon upang parusahan kayo, at parurusahan nila kayo ayon sa inyong mga kinikilos!
25 Ich drücke jetzt den Stempel meiner Eifersucht dir auf, so daß sie grimmig dich behandeln dürfen. Sie schneiden dir die Nase und die Ohren ab. Dein Rest stürzt durch das Schwert. Sie schleppen deine Söhne, deine Töchter fort; was übrigbleibt von dir, wird durch das Feuer aufgefressen.
Dahil itatakda ko ang aking galit sa inyo, at pakikitunguhan nila kayo ng may matinding galit! Tatapyasin nila ang iyong mga ilong at inyong mga tenga, at ang mga natira sa inyo ay papatayin sa pamamagitan ng espada! Kukunin nila ang inyong mga anak na lalake at inyong mga anak na babae, kaya lalamunin ng apoy ang inyong mga kaapu-apuhan!
26 Sie ziehen dein Gewand dir aus und nehmen dir die Schmuckgeräte.
Huhubarin nila ang inyong mga kasuotan at kukunin ang lahat ng inyong mga alahas!
27 Ein Ende mache ich so deinem Lasterleben und deiner Buhlerei, die aus Ägypterlande stammt. Du schaust nicht mehr nach ihnen und denkst nicht weiter an Ägypten.'"
Kaya aalisin ko ang pag-uugaling kahiya-hiya mula sa inyo at ang inyong mga gawa ng pagbebenta ng aliw mula sa lupain ng Egipto. Hindi ninyo itataas ang inyong mga paningin sa harapan nila na may pananabik, at hindi na ninyo iisipan pa ang Egipto!
28 So spricht der Herr, der Herr: "Ich geb dich in die Hände derer, die du heute nicht mehr magst, an denen du die Lüste stilltest.
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Masdan ninyo! Ibibigay ko kayo sa kamay ng mga kinamumuhian ninyo, ibabalik sa kamay kung kanino kayo tumalikod!
29 Sie werden dich mit Haß behandeln und dir alles nehmen, was du dir erworben. Sie lassen dich dann nackt und bloß daliegen, mit aufgedeckter Blöße, womit du Unzucht, Buhlerei und Hurerei getrieben.
Pakikitunguhan nila kayo ng may pagkamuhi; Kukunin nila ang lahat ng inyong pag-aari at iiwan kayong walang kasuotan at hubad. Mahahayag ang hubad na kahihiyan ng inyong pagbebenta ng aliw, ang inyong kahiya-hiyang pag-uugali at kawalan ninyo ng delikadesa!
30 Dies widerfährt dir wegen deiner Buhlerei mit Heiden; mit ihren Abgöttern hast du dich schwer befleckt.
Mangyayari ang mga bagay na ito sa inyo sa inyong pagkilos tulad ng isang nagbebenta ng aliw, nagnanasa sa mga bansa sa pamamagitan kung saan kayo naging marumi kasama ng kanilang mga diyus-diyosan.
31 Auf deiner Schwester Weg bist du gewandelt; drum gebe ich dir ihren Becher in die Hand."
Lumakad kayo sa daan ng inyong mga kapataid na babae, kaya ilalagay ko ang saro ng kaparusahan sa inyong mga kamay!'
32 So spricht der Herr, der Herr: "Den Becher deiner Schwester mußt du leeren, so groß an Umfang und Gehalt, daß du zum Hohn und zum Gelächter wirst.
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Iinum ka sa saro ng iyong kapatid na babae, kung saan ito ay malalim at malawak; magiging katatawanan ka at isang paksa para sa panunuya—naglalaman ang sarong ito ng napakarami!
33 Berauscht wirst du voll schmerzlicher Gefühle. Ein Becher zum Entsetzen und Erstarren ist der Becher deiner Schwester Samaria.
Mapupuno ka ng may kalasingan at kalumbayan, ang saro ng katatakutan at pagkawasak! Saro ito ng iyong kapatid na babaeng si Samaria!
34 Den mußt du trinken, ihn ausschlürfen und seine Scherbe noch belecken, dabei die Brust zerfleischen. Ich droh' dir's an." Ein Spruch des Herrn, des Herrn.
Iinumin mo ito at uubusin; at dudurugin mo ito at tatanggalin ang iyong mga suso ng pira-piraso. Dahil ito ang ipinahayag ko! Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'
35 "Nun also", spricht der Herr, der Herr, "dieweil du mich vergessen, mich hintangesetzt, so büße du für deine Unzucht, deine Buhlerei!"
Samakatuwid, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh 'Sapagakat kinalimutan ninyo ako at tinalikuran ninyo ako, kaya dadalhin din ninyo ang kahihinatnan ng inyong kahiya-hiyang pag-uugali at mga gawa ng sekwal na imoralidad!”
36 Da sprach der Herr zu mir: "O Menschensohn! Willst du mit Ohola und mit Oholiba nicht rechten? Halt ihnen ihre Greuel vor,
Sinabi ni Yahweh sa akin, “Anak ng Tao, iyo bang hahatulan sina Ohola at Oholiba? Kaya ipakita mo sa kanila ang kanilang nakasusuklam na mga pagkilos,
37 daß Ehebruch sie treiben, daß Blut an ihren Händen klebt, daß sie mit ihren Götzen Ehebruch getrieben, ja, daß sie ihre Söhne, die sie mir geboren, sogar zur Speise ihnen dargebracht!
yamang nakagawa sila ng pangangalunya, at mula noong may dugo sa kanilang mga kamay! Nakagawa sila ng pangangalunya, kasama ng kanilang mga diyus-diyosan at kahit na ipinasa nila ang kanilang mga anak na lalaki kung saan nayamot sila sa akin sa pamamagitan ng apoy upang masunog!
38 Auch das noch taten sie mir an, daß sie am selben Tag mein Heiligtum entweihten und meine Sabbate entheiligten.
At nagpatuloy sila na gawin ito sa akin: Ginawa nilang marumi ang aking santuaryo, at sa araw ring iyon ay nilapastangan nila ang aking mga Araw ng Pamamahinga!
39 Denn schlachteten sie ihre Söhne ihren Götzen, betraten sie am selben Tage noch mein Heiligtum, und so entweihten sie's auf diese Art. So trieben sie's inmitten meines Hauses.
Dahil nang pinatay nila ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diyus-diyosan, pagkatapos pumunta sila sa aking santuaryo ng araw ding iyon upang lapastanganin ito! Kaya masdan ninyo! Ito ang kanilang ginawa sa kalagitnaan ng aking tahanan!
40 Auch schickten sie nach Leuten, die aus der Ferne kommen sollten. Zu ihnen wurden Boten abgesandt; sie kamen, ihretwegen hast du dich gebadet und geschminkt die Augen und Schmuck dir angelegt.
Isinugo mo para sa mga kalalakihan na dumating mula sa malayo, kung kanino ang mga mensaherong isinugo—ngayon masdan mo! Sa katunayan dumating sila, sa kanilang iyong pinaliguan, iginuhit ang iyong mga mata, at pinaganda ang iyong mga sarili sa pamamagitan ng alahas.
41 Dann setztest du dich auf ein Prachtbett nieder; davor stand ein gedeckter Tisch; auf diesen stelltest du mein Räucherwerk und Öl.
At nakaupo ka sa ibabaw ng isang magandang higaan at isang dulang na nakagayak sa harapan nito. Pagkatapos inilagay ninyo ang aking insenso at aking langis sa ibabaw nito!
42 Alsdann erscholl daran die Stimme einer frohen Menge; den Männern setzten Weibermassen Trockenweine vor, und diese legten jenen Spangen an die Arme und setzten schmucke Diademe auf ihr Haupt.
Kaya ang tinig ng maraming tao na may mga alalahanin ay kasama ninyo, at mga manginginom na dinala sa ilang na kasama ng ibang kalalakihan na walang halaga. Naglagay sila ng mga pulseras sa inyong mga kamay at mapalamuting mga korona sa inyong mga ulo.
43 Da sagte ich von der im Ehebruch Verblühten: Jetzt treiben sie mit ihr noch Buhlerei, wie sie auch selber.
Pagkatapos sinabi ko ang tungkol sa napagod sa mga gumagawa ng pangangalunya, 'Ngayon makikipagtalik sila sa kaniya, at siya ay makikipagtalik sa kanila.'
44 Wie man zu einem buhlerischen Weibe geht, so gehen sie zu Ohola und Oholiba, zu den verbuhlten Weibern.
Pagkatapos pumunta sila at sumiping sa kaniya gaya ng nais nila sa sinumang nagbebenta ng aliw; sa ganoon ding pamamaraan sinipingan nila sina Ohola at Oholiba, mga babaeng nagkasala ng pangangalunya!
45 Gerechte Männer aber werden über sie erkennen nach dem Gesetz für Ehebrecherinnen und für Mörderinnen. Denn Ehebrecherinnen sind sie ja; an ihren Händen klebt auch Blut."
Ngunit hahatulan sila ng mga lalaking matuwid sa kaparusahan ng pangangalunya at kaparusahan sa mga nagbubo ng dugo, mula noong nagkasala sila ng pangangalunya at nagkaroon ng dugo sa kanilang mga kamay.
46 Denn also spricht der Herr, der Herr: "Man rufe eine Volksversammlung wider sie zusammen und geb' sie der Mißhandlung und Beraubung preis!
Kaya sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Magbabangon ako ng isang kapulungan laban sa kanila at ibibigay sila upang sindakin at nakawan.
47 Die Volksversammlung soll sie steinigen und mit den Schwertern niederhauen und ihre Söhne, ihre Töchter niedermetzeln und ihre Häuser niederbrennen!
Pagkatapos babatuhin sila ng bato ng kapulungan at tatagain sila ng mga espada. Papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at mga anak na babae at susunugin ang kanilang mga bahay!
48 Der Unzucht mache ich im Land ein Ende, daß alle Weiber sich daraus zur Warnung nehmen, nicht so wie ihr zu buhlen.
Sapagkat aalisin ko ang nakahihiyang pag-uugali mula sa lupain at susupilin ang lahat ng mga kababaihan kaya hindi na sila gagawin ang tulad sa isang nagbebenta ng aliw.
49 Und haben sie euch mit der Strafe eurer Buhlerei belegt, und büßet ihr für euren Götzendienst, dann seht ihr ein, daß ich der Herr bin, ich, der Herr."
Kaya ihahanda nila ang inyong nakahihiyang pag-uugali laban sa inyo. Inyong dadalhin ang kahatulan ng inyong mga kasalanan kasama ng inyong mga diyus-diyosan, at sa pamamaraang ito malalaman ninyo na ako ang Panginoong Yahweh!”

< Hesekiel 23 >