< 2 Mose 33 >
1 Und der Herr sprach zu Moses: "Geh, zieh hinauf von hier, du und das Volk, das du aus Ägypterland geführt, in das Land, das ich Abraham, Isaak und Jakob zugeschworen mit den Worten: 'Deinem Stamme gebe ich es!'
Kinausap ni Yahweh si Moises, “Umalis ka rito, kayo at ang bayan na dinala mo palabas mula sa lupain ng Ehipto. Puntahan mo ang lupain na kung saan ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob, nang aking sinabi, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.'
2 Ich sende aber einen Engel vor dir her und vertreibe die Kanaaniter und die Amoriter, Chittiter, Periziter, Chiwiter und Jebusiter.
Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo.
3 Denn in das Land, von Milch und Honig fließend, ziehe ich nicht in deiner Mitte hinauf; weil du ein widerspenstiges Volk bist. Ich müßte dich sonst unterwegs vernichten."
Puntahan mo ang lupain na iyon, kung saan dumadaloy ang gatas at pulot, pero hindi ako sasama sa inyo, dahil kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Baka lang wasakin kayo sa daan.”
4 Als das Volk diese schlimme Botschaft vernahm, trauerte es, und niemand legte seinen Schmuck an.
Nang marinig ng mga tao ang mga nakakagambalang salitang ito, sila ay nagluksa, at walang ni isa man ang nagsuot ng anumang alahas.
5 Und der Herr sprach zu Moses: "Sprich zu den Söhnen Israels: 'Ihr seid ein widerspenstiges Volk. Zöge ich nur einen Augenblick in deiner Mitte mit, so müßte ich dich vertilgen. Lege keinen Schmuck mehr an, sonst wüßte ich, was ich dir täte!'"
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Kung sasama ako sa inyo kahit sandali lamang, wawasakin ko kayo. Kaya ngayon, alisin ninyo ang inyong mga alahas kaya makakapagpasya ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.'''
6 Da ließen die Israeliten vom Berge Horeb an ihren Schmuck weg.
Kaya walang suot na alahas ang mga Israelita pasulong mula sa Bundok Horeb.
7 Moses aber nahm das Zelt; dann schlug er es dort außerhalb des Lagers auf, entfernt vom Lager. Er nannte es Festgezelt. Wer den Herrn suchte, ging zum Festgezelt außerhalb des Lagers.
Kinuha ni Moises ang isang tolda at itinayo ito sa labas ng kampo, nang may kalayuan sa kampo. Tinawag niya itong tolda ng pagpupulong. Ang sinumang magtanong kay Yahweh ng anumang bagay ay lalabas ng tolda ng pagpupulong, sa labas ng kampo.
8 Sooft Moses zum Zelte hinausging, erhob sich alles Volk. Jeder stellte sich unter seine Zelttür, und so schauten sie Moses nach, bis er zum Zelte gekommen war.
Sa tuwing lalabas si Moises sa tolda, lahat ng tao ay tumatayo sa harap ng pasukan ng kanilang tolda at tinitingnan si Moises hanggang siya ay makapasok sa loob.
9 Sooft Moses zum Zelte kam, senkte sich die Wolkensäule herab und stand an der Zelttür und redete mit Moses.
Kapag pumapasok si Moises sa tolda, ang haliging ulap ay bumababa at nananatili sa labas ng tolda, at nagsasalita si Yahweh kay Moises.
10 Sah nun das ganze Volk die Wolkensäule am Zelteingang stehen, dann begann es, jeder an seinem Zelteingang, sich niederzuwerfen.
Kapag nakita ng mga tao ang haliging ulap na nananatili sa pasukan ng tolda, sila ay tumatayo at sumasamba, bawat lalaki sa kanilang sariling pasukan ng tolda.
11 Der Herr aber redete mit Moses von Angesicht zu Angesicht, wie jemand mit seinem Freunde spricht. Kehrte er ins Lager zurück, so wich sein Diener Josue, Nuns Sohn, als Lediger, nicht aus dem Zelte.
Kinakausap ni Yahweh si Moises ng harap-harapan, tulad ng isang lalaking nakikipag-usap sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos bumabalik si Moises sa kampo, pero ang kaniyang lingkod na si Josue anak ni Nun, isang binata, ay nananatili sa tolda.
12 Moses sprach zum Herrn: "Du sagst zu mir: 'Führe dieses Volk hinauf!' Aber du tust mir nicht kund, wen du mit mir senden willst. Und doch sagst du: 'Ich kenne dich mit Namen. In meinen Augen hast du Gnade gefunden.'
Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Tingnan mo, sinasabi mo sa akin, 'Dalhin mo ang mga taong ito sa kanilang paglalakbay,' pero hindi mo pinaalam sa akin kung sino ang ipapadala mo na kasama ko. Sinabi mo, 'Nakikilala mo ako sa pangalan, at ikaw din ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin.'
13 Nun, habe ich in deinen Augen Gnade gefunden, dann laß mich deine Art erkennen, daß ich dich recht verstehe und mich deiner Gnade würdig zeige! Bedenke! Dein Volk ist dies Volk."
Ngayon kung ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ipakita mo sa akin ang iyong mga paraan nang sa ganon ay makilala kita at patuloy na makatagpo ng pabor sa iyong paningin. Tandaan mo ang bayang ito ay iyong bayan.
14 Er sprach: "Ginge mein Angesicht mit, beruhigte ich dich damit?"
Sumagot si Yahweh, “Ang sarili kong presensiya ay sasama sa iyo, at bibigyan kita ng pahinga.”
15 Da sprach er zu ihm: "Zieht nicht dein Angesicht mit, dann führe uns nicht von hier hinauf!
Sinabi ni Moises sa kaniya, “Kung ang inyong presensiya ay hindi sasama sa amin, huwag mo kaming alisin mula rito.
16 Woran denn würde sonst erkannt, daß ich mit deinem Volk in deinen Augen Gnade gefunden, wenn nicht daran, daß Du mit uns ziehst? Dadurch sind wir ja, ich und dein Volk, vor allen Erdenvölkern ausgezeichnet."
Dahil kung hindi, paano malalaman na ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ako at ang inyong bayan? Hindi ba nararapat lamang na sumama ka sa amin para ako at ang iyong bayan ay maiba mula sa lahat ng ibang bayan na nasa ibabaw ng mundo?
17 Da sprach der Herr zu Moses: "Auch dies, was du erbittest, will ich tun. Du hast ja Gnade in meinen Augen gefunden. Ich kenne dich mit Namen."
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gagawin ko din ang bagay na ito na iyong hiniling, dahil ikaw ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin, at nakikilalamo ako sa pangalan.”
18 Er sprach: "Laß mich deine Herrlichkeit schauen!"
Sinabi ni Moises, “Pakiusap ipakita mo sa akin ang inyong kaluwalhatian.”
19 Da sprach er: "Ich führe an dir vorüber all meine Herrlichkeit und nenne vor dir des Herrn Namen: Wem ich gnädig bin, dem bin ich gnädig, wem barmherzig, dem barmherzig."
Sinabi ni Yahweh, “Gagawin ko ang lahat ng aking kabutihan sa inyo, at ipapahayag ko ang aking pangalang 'Yahweh' sa inyo. Magiging maawain ako sa kaninoman na magiging maawain, at magpapakita ako ng habag sa kaninoman na magpapakita ng habag.”
20 Dann sprach er: "Mein Angesicht kannst du nicht schauen. Kein Mensch schaut mich und lebt."
Pero sinabi ni Yahweh, “Hindi mo maaring makita ang aking mukha, dahil walang sinuman ang maaaring makakita sa akin at mabuhay.”
21 Und der Herr sprach: "Hier bei mir ist Platz. Stell dich auf diesen Felsen!
Sinabi ni Yahweh, “Tingnan mo, dito ang isang lugar sa pamamagitan ko; tatayo ka sa batong ito.
22 Fährt meine Herrlichkeit vorüber, dann stelle ich dich in die Felsenritze und lege meine Hand auf dich, bis ich vorüber bin.
Habang dumaraan ang aking kaluwalhatian, ilalagay kita sa siwang ng bato at tatakpan kita gamit ang kamay ko hanggang sa makaraan ako.
23 Ziehe ich dann meine Hand weg, dann schaust du meine Rückseite. Aber mein Angesicht bleibt unsichtbar."
Pagkatapos aalisin ko ang aking kamay, at makikita mo ang aking likuran, pero hindi mo makikita ang aking mukha.