< 1 Chronik 19 >
1 Danach starb der Ammoniterkönig Nachas, und sein Sohn ward König an seiner Statt.
Hindi nagtagal, namatay ang hari ng mga Ammonita na si Nahas at ang kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.
2 Da sprach David: "Ich will dem Chanun, des Nachas Sohn, Liebes tun, weil sein Vater mir Liebes getan hat." So sandte David Boten, ihn wegen seines Vaters zu trösten. So kamen Davids Diener ins Ammoniterland zu Chanun, ihn zu trösten.
Sinabi ni David, “Magpapakita ako ng kabaitan kay Hanun na anak ni Nahas sapagkat nagpakita ng kabaitan ang kaniyang ama sa akin.” Kaya nagpadala si David ng mga mensahero upang damayan siya tungkol sa kaniyang ama. Pumasok ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga Ammonita at pumunta kay Hanun upang damayan siya.
3 Da sprachen die Ammoniterfürsten zu Chanun: "Ehrt David nach deiner Ansicht deinen Vater, daß er dir Tröster schickt? Kommen seine Diener nicht zum Ausforschen, Erkunden und Ausspähen des Landes zu dir?"
Ngunit sinabi ng mga pinuno ng mga Ammonita kay Hanun, “Iniisip mo ba talaga na pinararangalan ni David ang iyong ama dahil nagpadala siya ng mga kalalakihan upang aliwin ka? Hindi kaya naparito ang kaniyang mga lingkod sa iyo upang manmanan at suriin ang lupain upang pabagsakin ito?”
4 Da ergriff Chanun die Diener Davids, schor sie und schnitt ihnen die Gewänder halb bis ans Gesäß ab. So schickte er sie fort.
Kaya ipinahuli ni Hanun ang mga lingkod ni David, inahitan sila, pinutol ang kanilang mga kasuotan mula sa kanilang baywang, hanggang sa puwitan at saka sila pinaalis.
5 Sie gingen. Nun berichtete man David über die Männer. Da sandte er ihnen entgegen. Denn die Männer waren schwer beschimpft. Der König ließ sagen: "Bleibt in Jericho, bis euch der Bart gewachsen ist! Dann kommt heim!"
Nang isinalaysay nila ito kay David, nagpadala siya ng mga sasalubong sa kanila, sapagkat labis na napahiya ang mga kalalakihan. Sinabi ng hari, “Manatili kayo sa Jerico hanggang sa muling tumubo ang inyong mga balbas at saka kayo bumalik dito.”
6 Die Ammoniter aber merkten, daß sie sich bei David verhaßt gemacht hatten. Da schickten Chanun und die Ammoniter tausend Silbertalente, sich bei den Aramäern in Mesopotamien und den Aramäern von Maaka und Soba Wagen und Reiter zu dingen.
Nang nakita ng mga Ammonita na naging mabaho sila kay David, nagpadala si Hanun at ang mga Ammonita ng isang libong talentong pilak upang upahan ang mga karwahe ng Arameo at mga mangangabayo mula sa Naharaim, Maacah, at Soba.
7 Sie dingten sich 32.000 Wagen sowie den König von Maaka mit seinem Volk. Dann zogen sie heran und lagerten vor Medeba. Auch die Ammoniter sammelten sich aus ihren Städten und zogen zum Kampf aus.
Nakaupa sila ng 32, 000 na karwahe sa hari ng Maacah at ang kaniyang mga tauhan na pumunta at nagkampo sa tapat ng Medeba. Nagsama-sama ang mga Ammonita mula sa kanilang mga lungsod at pumunta sa digmaan.
8 Als David dies hörte, schickte er Joab mit dem ganzen Heer der Krieger aus.
Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang kaniyang buong hukbo upang salubungin sila.
9 Da rückten die Ammoniter aus und stellten sich am Eingang der Stadt zum Kampfe auf. Die Könige aber, die gekommen waren, standen für sich im Gelände.
Lumabas ang mga Ammonita at humanay para sa labanan sa may tarangkahan ng lungsod, samantalang ang mga haring dumating ay nasa parang na wala silang kasama.
10 Als Joab sah, daß ihm ein Angriff von vorn und von hinten drohe, wählte er Leute aus allen Erlesenen Israels und stellte sich den Aramäern entgegen.
Nang makita ni Joab na ang hanay na kaniyang kakalabanin ay kapwa sa harapan at likuran, pumili siya ng ilan sa mga pinakamahusay na mandirigma ng Israel at pinahanay sila laban sa mga Arameo.
11 Den Rest des Volkes aber unterstellte er seinem Bruder Absai. Und sie stellten sich den Ammonitern gegenüber.
Samantalang ibinigay niya ang pamumuno sa mga natirang hukbo sa kaniyang kapatid na si Abisai at inilagay niya sila sa hanay ng pakikipaglaban sa hukbo ng mga Ammonita.
12 Er sprach: "Werden die Aramäer mir zu stark, dann komm du mir zu Hilfe! Sind aber die Ammoniter dir zu stark, dann helfe ich dir.
Sinabi ni Joab, “Kung labis na malakas ang mga Arameo para sa akin, kailangan mo akong iligtas Abisai. Ngunit kung labis na malakas ang hukbo ng mga Ammonita para sa iyo, darating ako at ililigtas kita.
13 Sei tapfer! Seien wir mutig für unser Volk und die Diener unseres Gottes! Der Herr aber tue, was ihm gefällt!"
Maging malakas ka at ipakita natin na tayo ay malakas alang-alang sa ating bayan at alang-alang sa mga lungsod ng ating Diyos, sapagkat gagawin ni Yahweh kung ano ang mabuti para sa kaniyang layunin.”
14 So rückte Joab mit dem Volke bei ihm zum Kampfe gegen die Aramäer vor. Da flohen sie vor ihm.
Kaya sumulong si Joab at ang mga kawal ng kaniyang hukbo sa digmaan laban sa mga Arameo, na sapilitang tumakas sa harap ng hukbo ng Israel.
15 Als die Ammoniter sahen, daß die Aramäer flohen, flohen auch sie vor seinem Bruder Absai und zogen sich zurück. Hierauf zog Joab nach Jerusalem.
Nang makita ng hukbo ng mga Ammonita na tumakas ang mga Arameo, tumakas din sila mula kay Joab na kapatid ni Abisai at bumalik sa lungsod. Pagkatapos, bumalik si Joab mula sa mga Ammonita at bumalik sa Jerusalem.
16 Als die Aramäer sahen, daß sie von Israel geschlagen waren, sandten sie Boten und ließen die Aramäer jenseits des Stromes ausrücken. Und Hadarezers Feldherr Sophak stand an ihrer Spitze.
At nang nakita ng mga Arameo na natatalo sila ng Israel, nagpadala sila ng karagdagang mga kawal mula sa ibayong Ilog Eufrates, kasama si Sofac, ang pinuno ng hukbo ni Hadadezer.
17 Dies ward David gemeldet. Da bot er ganz Israel auf, überschritt den Jordan, zog gegen sie und stellte sich ihnen zum Kampf. David stellte sich also gegen die Aramäer zum Kampfe auf, und sie stritten mit ihm.
Nang sabihin ito kay David, tinipon niya ang lahat ng Israel, tumawid sila sa Jordan, at pumunta sa kanila. Pinahanay niya ang hukbo para sa digmaan laban sa mga Arameo, at nilabanan nila siya.
18 Aber die Aramäer mußten vor Israel fliehen, und David schlug von den Aramäern 7.000 Wagenkämpfer und 40.000 Mann Fußvolk. Auch den Feldherrn Sophak tötete er.
Tumakas ang mga Arameo mula sa Israel at nakapatay si David ng pitong libong nakakarwaheng Arameo at apatnapung libong mga kawal na naglalakad. Pinatay din niya si Sofac, ang pinuno ng hukbo.
19 Als Hadarezers Diener sahen, daß sie von Israel geschlagen waren, schlossen sie Frieden mit David und waren ihm untertan. Und die Aramäer hatten keine Lust mehr, den Ammonitern weiter zu helfen.
Nang makita ng lahat ng haring tagapaglingkod ni Hadadezer na tinalo sila ng Israel, nakipagkasundo sila kay David at naglingkod sa kanila. Kaya hindi na pumayag ang mga Arameo na tulungan ang mga Ammonita.