< Job 27 >
1 Und Hiob fuhr fort, seinen Spruch anzuheben, und sprach:
Muling nagsalita si Job at sinabi,
2 So wahr Gott lebt, der mir mein Recht entzogen, und der Allmächtige, der meine Seele bitter gemacht hat,
Habang nabubuhay ang Diyos, na siyang nag-alis ng aking katarungan, ang Makapangyarihan, na may gawa ng kapaitan ko sa aking buhay,
3 so lange mein Odem in mir ist, und der Hauch Gottes in meiner Nase:
na habang nasa akin pa ang aking buhay at ang hininga mula sa Diyos ay nasa mga butas ng aking ilong,
4 wenn meine Lippen Unrecht reden werden, und wenn meine Zunge Trug aussprechen wird!
tunay nga hindi magsasalita ng hindi matuwid ang aking mga labi, ni magsasalita ng panlilinlang ang aking dila.
5 Fern sei es von mir, daß ich euch recht geben sollte; bis ich verscheide, werde ich meine Unsträflichkeit nicht von mir weichen lassen.
Hinding-hindi ko matatanggap na kayo ay tama; hanggang mamatay ako, hindi ko kailanman itatanggi ang aking dangal.
6 An meiner Gerechtigkeit halte ich fest und werde sie nicht fahren lassen: mein Herz schmäht nicht einen von meinen Tagen.
Pinaninindigan ko ang aking pagkamatuwid at hindi ko ito bibitiwan; hindi ako susumbatan ng aking mga isipan habang ako ay nabubuhay.
7 Mein Feind sei wie der Gesetzlose, und der wider mich auftritt wie der Ungerechte.
Hayaang ang aking kaaway ay maging tulad ng isang masamang tao; hayaang ang lumalaban sa akin ay maging tulad ng isang makasalanang tao.
8 Denn was ist des Ruchlosen Hoffnung, wenn Gott abschneidet, wenn er seine Seele herauszieht?
Para saan ang pag-asa ng isang taong walang diyos kapag kinitil siya ng Diyos, kapag kinuha ng Diyos ang kaniyang buhay?
9 Wird Gott sein Geschrei hören, wenn Bedrängnis über ihn kommt?
Maririnig ba ng Diyos ang kaniyang iyak kapag dumating ang kaguluhan sa kaniya?
10 Oder wird er sich an dem Allmächtigen ergötzen, Gott anrufen zu aller Zeit?
Kaluluguran ba niya ang Makapangyarihan at tatawag sa Diyos sa lahat ng oras?
11 Ich will euch belehren über die Hand Gottes; was bei dem Allmächtigen ist, will ich nicht verhehlen.
Ituturo ko sa inyo ang tungkol sa kamay ng Diyos; hindi ko itatago ang mga isipan ng Makapangyarihan.
12 Siehe, ihr selbst habt es alle erschaut, und warum denn schwatzet ihr so eitel?
Tingnan ninyo, kayong lahat mismo ang nakakita nito; kung gayon bakit ninyo sinabi ang lahat ng mga walang katuturan na ito?
13 Dies ist das Teil des gesetzlosen Menschen bei Gott, und das Erbe der Gewalttätigen, welches sie von dem Allmächtigen empfangen:
Ito ang kapalaran na itatakda ng Diyos para sa isang masamang tao, ang pamana na tinatanggap ng nang-aapi mula sa Makapangyarihan:
14 Wenn seine Kinder sich mehren, so ist er für das Schwert, und seine Sprößlinge, sie haben nicht satt Brot.
Kapag dumami ang kaniyang mga anak, ito ay para sa tabak; ang kaniyang mga anak ay hindi kailanman magkakaroon ng sapat na pagkain.
15 Seine Übriggebliebenen werden begraben durch den Tod, und seine Witwen weinen nicht.
Ang mga mananatiling buhay ay ililibing ng salot, at ang kanilang mga biyuda ay hindi magluluksa para sa kanila.
16 Wenn er Silber aufhäuft wie Staub, und Kleider bereitet wie Lehm:
Kahit na ang masamang tao ay nagtatambak ng pilak na parang alikabok, at nagtatamabk ng kasuotan na parang luwad,
17 er bereitet sie, aber der Gerechte bekleidet sich damit; und Schuldlose teilen sich in das Silber.
maaaring magyambak siya ng kasuotan, pero isusuot ito ng mga matutuwid na tao, at paghahati-hatian ng mga inosenteng tao ang pilak.
18 Er hat sein Haus gebaut wie die Motte, und der Hütte gleich, die ein Wächter sich macht.
Tinatayo niya ang kaniyang bahay tulad ng isang gagamba, tulad ng isang kubo na ginagawa ng isang bantay.
19 Reich legt er sich ihn, und er tut es nicht wieder; er schlägt die Augen auf, und ist nicht mehr.
Mayaman siyang humihiga sa kama, pero hindi niya laging gagawin ito; imumulat niya ang kaniyang mga mata, at lahat ng bagay ay wala na.
20 Schrecken ereilen ihn wie Wasser, des Nachts entführt ihn ein Sturmwind.
Inaabutan siya ng mga malalaking takot tulad ng tubig sa baha; tinatangay siya ng isang bagyo sa gabi.
21 Der Ostwind hebt ihn empor, daß er dahinfährt, und stürmt ihn fort von seiner Stätte.
Tinatangay siya ng hanging silangan, at siya ay nawawala; tinatangay siya nito mula sa kaniyang lugar.
22 Und Gott schleudert auf ihn ohne Schonung; seiner Hand möchte er flüchtend entfliehen.
Binabayo siya nito nang walang humpay; sinisikap niyang tumakas mula sa mga kamay nito.
23 Man klatscht über ihn in die Hände, und zischt ihm nach von seiner Stätte aus.
Ipinapalakpak nito ang kaniyang mga kamay sa kaniya sa pangungutya; sinasagitsit siya nito mula sa kaniyang lugar.