< Jesaja 20 >
1 In dem Jahre, da der Tartan nach Asdod kam, als Sargon, der König von Assyrien, ihn gesandt hatte, und er wider Asdod stritt und es einnahm:
Sa taon nang pumunta si Tartan sa Asdod, nang pinadala siya ni Sargon ang hari ng Asiria, nilabanan niya at sinakop ang Asdod.
2 in dieser Zeit redete Jehova durch Jesaja, den Sohn Amoz', und sprach: Geh und löse das Sacktuch von deinen Lenden und ziehe deine Sandalen von deinen Füßen. Und er tat also, ging nackt und barfuß.
Sa panahon na iyon, nagsalita si Yahweh kay Isaias ang anak na lalaki ni Amoz at sinabing, “Hubarin mo ang iyong sako sa iyong baywang, at tanggalin mo ang iyong sandalyas”. Ginawa niya ito, naglalakad ng hubad at nakayapak.
3 Und Jehova sprach: Gleichwie mein Knecht Jesaja nackt und barfuß gegangen ist, drei Jahre lang ein Zeichen und Vorbild betreffs Ägyptens und betreffs Äthiopiens:
Sinabi ni Yahweh, “Gaya ng lingkod kong si Isaias na naglakad ng hubad at nakayapak ng tatlong taon, isa iyong palatandaan at pangitain tungkol sa Ehipto at tungkol sa Etiopia—
4 also wird der König von Assyrien die Gefangenen Ägyptens und die Weggeführten Äthiopiens hinwegtreiben, Jünglinge und Greise, nackt und barfuß und mit entblößtem Gesäß, zur Schande Ägyptens.
sa ganitong paraan dadalhin ng hari ng Asiria ang mga bihag ng Ehipto, ang mga tapon ng Etiopia, bata at matanda, hubad at nakayapak, at walang panakip sa pigi, sa kahihiyan ng Ehipto.
5 Und sie werden bestürzt und beschämt sein wegen Äthiopiens, ihrer Zuversicht, und wegen Ägyptens, ihres Ruhmes.
Sila ay malulungkot at mapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pag-asa at dahil sa Ehipto na kanilang kaluwalhatian.
6 Und die Bewohner dieses Küstenlandes werden an jenem Tage sprechen: Siehe, also ist es mit unserer Zuversicht, wohin wir um Hilfe flohen, um vor dem Könige von Assyrien errettet zu werden! Und wie sollten wir entrinnen?
Sa araw na iyon, sasabihin ng mga naninirahan sa mga pampang na ito, 'Tunay nga, ito ang naging pinaggagalingan ng ating mga pag-asa, kung saan tayo tumakbo para masagip mula sa hari ng Asiria, pero ngayon, paano tayo makakatakas?'”