< Habakuk 3 >

1 Gebet Habakuks, des Propheten, nach Schigjonoth.
Ang panalangin ni Habakuk na propeta: (Dinaragdag ng teksto ng Hebreo ang “sa Sigionoth” na maaaring tumutukoy sa musikal na direksiyon para sa mga mang-aawit)
2 Jehova, ich habe deine Kunde vernommen, ich fürchte mich; Jehova, belebe dein Werk inmitten der Jahre, inmitten der Jahre mache es kund; im Zorn gedenke des Erbarmens! -
Yahweh, narinig ko ang iyong ulat, at ako ay natakot! Yahweh, buhayin mo muli ang iyong gawain sa gitna ng mga panahong ito; sa gitna ng mga panahong ito ipaalam mo; alalahanin mo na magkaroon ng habag sa iyong galit!
3 Gott kommt von Teman her, und der Heilige vom Gebirge Paran. (Sela) Seine Pracht bedeckt die Himmel, und die Erde ist voll seines Ruhmes.
Ang Diyos ay nanggaling mula sa Teman, at ang Banal mula sa Bundok Paran! (Selah) Tinakpan ng kaniyang kaluwalhatian ang mga kalangitan, at ang mundo ay puno ng kaniyang kapurihan.
4 Und es entsteht ein Glanz wie das Sonnenlicht; Strahlen sind zu seinen Seiten, und daselbst ist die Hülle seiner Macht.
Ang sinag ng kaniyang kamay ay kumikinang gaya ng liwanag, at pinanatili niya roon ang kaniyang kapangyarihan.
5 Vor ihm her geht die Pest, und die Seuche zieht aus, seinen Füßen nach.
Ang salot ay nasa kaniyang harapan, at sinusundan ng kamatayan ang kaniyang paa.
6 Er stand und machte die Erde schwanken, er schaute und machte aufbeben die Nationen; und es zerbarsten die Berge der Vorzeit, es senkten sich die ewigen Hügel; seine Wege sind die Wege vor alters.
Tumayo siya at sinukat ang mundo; tumingin siya at niyanig ang mga bansa! Maging ang mga walang haggang bundok ay gumuho, at ang mga walang hanggang burol ay yumukod! Ang kaniyang landas ay walang hanggan!
7 Unter Trübsal sah ich die Zelte Kuschans, es zitterten die Zeltbehänge des Landes Midian.
Nakita ko ang mga tolda ng Cusan sa paghihirap, at ang tela ng mga tolda sa lupain ng Midian ay nanginginig.
8 Ist Jehova wider die Ströme entbrannt? Ist etwa dein Zorn wider die Ströme, dein Grimm wider das Meer, daß du einherziehst auf deinen Rossen, deinen Wagen des Heils?
Nagalit ba si Yahweh sa mga ilog? Ang iyong poot ba ay laban sa mga ilog, o ang iyong matinding galit ay laban sa dagat nang sumakay ka sa iyong mga kabayo, ang iyong karwahe nang kaligtasan?
9 Entblößt, entblößt ist dein Bogen... Zuchtruten, geschworen durch dein Wort! (Sela) Zu Strömen spaltest du die Erde.
Inilabas mo ang iyong pana nang walang takip; inilagay mo ang iyong palaso sa iyong pana! (Selah) Hinati mo ang mundo sa pamamagitan ng mga ilog.
10 Es sahen dich, es zitterten die Berge; eine Wasserflut fuhr daher, die Tiefe ließ ihre Stimme erschallen, zur Höhe erhob sie ihre Hände.
Nakita ka ng mga bundok at namimilipit sa sakit! Ang malakas na buhos ng tubig ay dumaloy sa kanila; at ang kailaliman ng dagat ay sumigaw! Itinaas nito ang kaniyang mga alon!
11 Sonne und Mond traten in ihre Wohnung beim Lichte deiner Pfeile, welche daherschossen, beim Glanze deines blitzenden Speeres.
Ang araw at ang buwan ay nanatiling nakatayo sa kanilang matayog na lugar, umalis (sila) sa liwanag ng iyong mga palaso at sa kumikinang na liwanag ng iyong sibat!
12 Im Grimme duchschreitest du die Erde, im Zorne stampfest du die Nationen.
Lumakad kayo sa mga lupain nang may galit. Sa poot ay giniik ninyo ang mga bansa.
13 Du zogest aus zum Heile deines Volkes, zum Heile deines Gesalbten: du zerschmettertest das Haupt vom Hause des Gesetzlosen, entblößend den Grund bis zum Halse. (Sela)
Lumabas ka para sa kaligtasan ng iyong mga tao, para sa kaligtasan ng iyong pinili! Winasak mo ang pinuno ng sambahayan ng masama para ipakita ang puno ng leeg! (Selah)
14 Du durchbohrtest mit seinen eigenen Spießen die Häupter seiner Scharen, welche heranstürmten, mich zu zerstäuben, deren Frohlocken war, den Elenden im Verborgenen zu verschlingen.
Tinusok mo ang ulo ng kaniyang mga mandirigma sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga palaso yamang pumarito (sila) gaya ng isang bagyo upang ikalat kami, ang kanilang kasiyahan ay gaya ng isang taong sinasakmal ang mahihirap sa isang taguan.
15 Du betratest das Meer mit deinen Rossen, den Schwall großer Wasser. -
Naglakbay kayo sa dagat kasama ang inyong mga kabayo, at pinaapaw ang malaking tubig.
16 Ich vernahm es, und es zitterte mein Leib; bei der Stimme bebten meine Lippen; Morschheit drang in meine Gebeine, und wo ich stand, erzitterte ich: der ich ruhen werde am Tage der Drangsal, wenn derjenige gegen das Volk heranzieht, der es angreifen wird.
Narinig ko, at ang aking kaloob-loobang bahagi ay nanginig! Ang aking mga labi ay nangatal sa tunog! Kabulukan ay pumasok sa aking mga buto, at sa ilalim ng katawan ko ay nanginig habang tahimik kong hinihintay na dumating ang araw nang kaguluhan sa mga taong lumulusob sa amin.
17 Denn der Feigenbaum wird nicht blühen, und kein Ertrag wird an den Reben sein; und es trügt die Frucht des Olivenbaumes, und die Getreidefelder tragen keine Speise; aus der Hürde ist verschwunden das Kleinvieh, und kein Rind ist in den Ställen. -
Bagaman ang mga puno ng igos ay hindi sumibol at walang bunga mula sa mga puno ng ubas; bagaman ang puno ng olibo ay hindi namunga, at ang mga bukirin ay walang naibibigay na pagkain; bagaman ang kawan ay naihiwalay sa kulungan, at walang baka sa mga kuwadra—
18 Ich aber, ich will in Jehova frohlocken, will jubeln in dem Gott meines Heils.
Gayon man, magagalak ako kay Yahweh! Matutuwa ako dahil ang Diyos ang aking kaligtasan!
19 Jehova, der Herr, ist meine Kraft, und macht meine Füße denen der Hindinnen gleich und läßt mich einherschreiten auf meinen Höhen. Dem Vorsänger, mit meinem Saitenspiel!
Ang Panginoong Yahweh ang aking lakas, at ginagawa niya ang aking paa na tulad ng paa ng usang babae at pinangungunahan ako sa aking mga lugar na matataas! —Sa direktor ng musika, sa aking mga instrumentong may kuwerdas.

< Habakuk 3 >