< Nombres 9 >

1 Le Seigneur parla à Moïse dans le désert de Sinaï, à la seconde année après qu’ils furent sortis de la terre d’Egypte, au premier mois, disant:
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai, sa unang buwan ng ikalawang taon matapos silang makalabas mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi niya,
2 Que les enfants d’Israël fassent la Pâque en son temps,
“Hayaan mong panatilihin ng mga tao ng Israel ang Paskua sa nakatakdang panahon nito sa bawat taon.
3 Au quatorzième jour de ce mois, vers le soir, selon toutes ses cérémonies et ses ordonnances.
Sa paglubog ng araw sa ikalabing-apat na araw ng buwang ito, dapat ninyong ipagdiwang ang Paskua sa nakatakdang panahon nito sa bawat taon. Dapat ninyong panatilihin ito, sundin ang lahat ng alituntunin at sumunod sa lahat ng utos na kaugnay rito.”
4 Et Moïse ordonna aux enfants d’Israël qu’ils feraient la Pâque.
Kaya sinabi ni Moises sa mga tao ng Israel na dapat nilang panatilihin ang Pagdiriwang ng Paskua.
5 Ils la firent en son temps, au quatorzième jour du mois, sur la montagne de Sinaï. Les enfants d’Israël firent selon tout ce qu’avait commandé le Seigneur à Moïse.
Kaya ipinagdiwangi nila ang Paskua sa unang buwan, sa gabi ng ikalabing-apat na araw ng buwan, sa ilang ng Sinai. Sinunod ng mga tao ng Israel ang lahat ng bagay na iniutos ni Yahweh kay Moises na kaniyang gawin.
6 Or voici que quelques-uns, impurs à cause de l’âme d’un homme, et qui ne pouvaient faire la Pâque en ce jour-là, s’approchant de Moïse et d’Aaron,
May ilang kalalakihang naging marumi sa pamamagitan ng patay na katawan ng isang tao. Hindi nila magawang ipagdiwang ang Paskua sa araw ding iyon, pinuntahan nila sina Moises at Aaron sa parehong araw na iyon.
7 Leur dirent: Nous sommes impurs à cause de l’âme d’un homme: pourquoi sommes-nous frustrés de pouvoir offrir l’offrande au Seigneur en son temps parmi les enfants d’Israël?
Sinabi ng mga lalaking iyon kay Moises, “Marumi kami dahil sa patay na katawan ng isang tao. Bakit mo kami pinipigilan sa pag-aalay ng handog kay Yahweh sa panahon panahon ng bawat taon sa mga tao ng Israel?”
8 Moïse leur répondit: Attendez que je consulte le Seigneur sur ce qu’il ordonnera de vous.
Sinabi ni Moises sa kanila, “Hintayin ninyo na marinig ko kung ano ang itatagubilin ni Yahweh tungkol sa inyo.”
9 Et le Seigneur parla à Moïse, disant:
Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
10 Dis aux enfants d’Israël: Qu’un homme dans votre nation qui sera impur à cause d’une âme, ou en voyage au loin, fasse la Pâque du Seigneur
Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo, ''Kung sinuman sa inyo o sa inyong mga kaapu-apuhan ay marumi dahil sa isang patay na katawan, o nasa isang mahabang paglalakabay, maaari pa rin niyang ipagdiwang ang Paskua para kay Yahweh.'
11 Au second mois, au quatorzième jour du mois, vers le soir; c’est avec des azymes et des laitues sauvages qu’il la mangera;
Dapat nilang ipagdiwang ang Paskua sa ikalawang buwan sa gabi ng ikalabing-apat na araw. Dapat nilang kainin ito kasama ng tinapay na walang pampaalsa at mga gulay na mapait.
12 Il n’en laissera rien jusque au matin et il n’en rompra point les os: il observera tout le rite de la Pâque.
Wala silang dapat ititira nito hanggang sa umaga, ni dapat nilang baliin ang isang buto ng mga hayop. Dapat nilang sundin ang lahat ng alituntunin para sa Paskua.
13 Mais si quelqu’un est même pur, et n’est point en voyage, et que cependant il ne fasse point la Pâque, cette âme sera exterminée du milieu de ses peuples; parce qu’il n’a pas offert de sacrifice au Seigneur en son temps: il portera lui-même son péché.
Ngunit sinumang taong malinis at wala sa isang paglalakbay, ngunit nabigong ipagdiwang ang Paskua, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao dahil hindi siya nag-alay ng handog na inatas ni Yahweh sa nakatakdang panahon ng bawat taon. Dapat dalhin ng taong iyon ang kaniyang kasalanan.
14 Un voyageur aussi et un étranger, s’ils se trouvent chez vous, feront la Pâque du Seigneur selon ses cérémonies et ses ordonnances. Ce sera un précepte parmi vous, tant pour l’étranger que pour l’indigène.
Kung nakikitira ang isang dayuhan sa inyo at ipinagdiriwang ang Paskua sa karangalan ni Yahweh, dapat niyang panatilihin ito at gawin lahat ng kaniyang iniuutos, sinusunod ang mga alituntunin ng Paskua at sinusunod ang mga batas para rito. Dapat kayong magkaroon ng parehong batas para sa dayuhan at para sa lahat ng ipinanganak sa lupain.”
15 Donc au jour que fut dressé le tabernacle, la nuée le couvrit. Mais depuis le soir, il y eut sur la tente comme une espèce de feu jusqu’au matin.
Sa araw na itinayo ang tabernakulo, binalot ng ulap ang tabernakulo, ang tolda ng kautusang tipan. Sa gabi nasa itaas ng tabernakulo ang ulap. Nagpakita ito na parang apoy hanggang sa umaga.
16 Ainsi arrivait-il toujours: pendant le jour la nuée couvrait le tabernacle, et pendant la nuit, comme une espèce de feu.
Nagpatuloy ito sa paraang ganito. Binalot ng ulap ang tabernakulo at nagpakita na parang apoy sa gabi.
17 Et lorsque la nuée qui couvrait le tabernacle était enlevée, les enfants d’Israël partaient; et dans le lieu où elle s’arrêtait, là ils campaient.
Sa tuwing tumataas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, naghahanda sa paglalakbay ang mga tao ng Israel. Sa tuwing titiigil ang ulap, nagkakampo ang mga tao.
18 Au commandement du Seigneur ils partaient, et à son commandement ils dressaient le tabernacle. Pendant tous les jours que la nuée se tenait sur le tabernacle, ils demeuraient dans le même lieu.
Sa utos ni Yahweh, naglalakbay ang mga tao ng Israel, at sa kaniyang utos, nagkakampo sila. Habang nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, nananatili sila sa kanilang kampo.
19 Et s’il arrivait qu’elle demeurât longtemps sur lui, les enfants d’Israël étaient en observation du Seigneur, et partaient pas,
Kapag nananatili ang ulap sa tabernakulo ng maraming araw, maaaring sundin ng mga tao ng Israel ang mga tagubilin ni Yahweh at huwag maglakbay.
20 Autant de jours que la nuée était sur le tabernacle. Au commandement du Seigneur, ils dressaient les tentes, et à son commandement, ils les enlevaient.
Minsan nananatili ang ulap ng kaunting araw sa tabernakulo. Sa panahong iyon, susundin nila ang utos ni Yahweh—magkakampo sila at maglalakbay muli sa kaniyang utos.
21 Si la nuée restait depuis le soir jusqu’au matin, et qu’aussitôt le point du jour elle quittât le tabernacle, ils partaient: et si après un jour et une nuit elle se retirait, ils détendaient les tentes.
Minsan naroroon ang ulap sa kampo mula gabi hanggang sa umaga. Kapag tumataas ang ulap sa umaga, maglalakbay sila. Kung magpapatuloy ito ng isang araw at isang gabi, kapag tumaas lamang ang ulap na sila ay magpapatuloy sa paglalakbay.
22 Mais si elle était deux jours, ou un mois ou plus longtemps sur le tabernacle, les enfants d’Israël demeuraient dans le même lieu et ne partaient pas; mais dès qu’elle s’était retirée, ils levaient le camp.
Kahit nananatili ang ulap sa tabernakulo ng dalawang araw, isang buwan o isang taon, habang nananatili ito roon, mananatili ang mga tao ng Israel sa kanilang kampo at hindi maglalakbay. Ngunit kapag tumaas ang ulap, nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay.
23 C’était sur la parole du Seigneur qu’ils plantaient les tentes, et sur sa parole qu’ils partaient: et ils étaient en observation du Seigneur, selon son commandement par l’entremise de Moïse.
Maaari silang magkampo sa utos ni Yahweh at maglalakaby sa kaniyang utos. Sinusunod nila ang utos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.

< Nombres 9 >