< Juges 12 >

1 Mais voilà que dans Ephraïm s’éleva une sédition; car les hommes de cette tribu passant vers l’aquilon, dirent à Jephté: Pourquoi marchant au combat contre les enfants d’Ammon, n’as-tu pas voulu nous appeler, afin que nous allassions avec toi? Aussi incendierons-nous ta maison.
Isang panawagan ang lumabas para sa kalalakihan ng Efraim; dumaan sila sa Zafon at sinabi kay Jefta, “Bakit ka dadaan para makipaglaban sa mga tao ng Ammon at hindi kami tinawag para sumama sa iyo? Susunugin namin ang iyong bahay kasama ka.”
2 Jephté leur répondit: Nous avions un grand débat moi et mon peuple Contre les enfants d’Ammon; je vous ai appelés, pour me donner du secours, et vous ne l’avez pas Voulu faire.
Sinabi ni Jefta sa kanila, “Ako at ang aking mga tao ay nasa isang matinding alitan sa mga tao ng Ammon. Nang tinawag ko kayo, hindi ninyo ako iniligtas mula sa kanila.
3 Ce que voyant, j’ai mis mon âme en mes mains, j’ai passé chez les enfants d’Ammon, et le Seigneur les a livrés en mes mains. En quoi ai-je mérité que vous vous éleviez contre moi pour me faire la guerre?
Nang makita ko na hindi ninyo ako iniligtas, inilagay ko ang aking buhay sa aking sariling lakas at dumaan laban sa mga tao ng Ammon, at binigyan ako ni Yahweh ng tagumpay. Bakit kayo dumating para makipaglaban sa akin ngayon?”
4 C’est pourquoi ayant appelé à lui tous les hommes de Galaad, il combattit contre Ephraïm: et les hommes de Galaad battirent Ephraïm, parce qu’il avait dit: Galaad est un fugitif d’Ephraïm, et il habite au milieu d’Ephraïm et de Manassé.
Sama-samang tinipon ni Jefta ang lahat ng kalalakihan ng Galaad at nakipaglaban sa Efraim. Sinalakay ng kalalakihan ng Galaad ang kalalakihan ng Efraim dahil sinabi nila, “Kayong mga taga-Galaad ay mga pugante sa Efraim—sa Efraim at Manases.”
5 Et les Galaadites occupèrent les gués du Jourdain, par lesquels Ephraïm devait revenir; et lorsqu’il y venait quelqu’un de l’armée d’Ephraïm, fuyant, et qu’il disait: Je vous conjure de me permettre de passer, les Galaadites lui répondaient: Est-ce que tu es Ephrathéen? lequel disant: Je ne le suis pas,
Nabihag ng mga taga-Galaad ang mga tawiran ng Jordan na patungong Efraim. Kapag sinabi ng sinumang mga nakaligtas ng Efraim, “Hayaan mo akong tumawid sa ibayo ng ilog,” sasabihin ng kalalakihan ng Galaad sa kaniya, “Isa ka ba sa mga taga-Efraim?” Kung sinabi niyang, “Hindi,”
6 Ils lui demandaient: Dis donc Schibboleth, ce qu’on interprète par Epi. Il répondait Sibboleth, ne pouvant pas exprimer épi avec la même lettre. Et aussitôt, après l’avoir saisi, on regorgeait au passage même du Jourdain. Or, il périt en ce temps quarante-deux mille hommes d’Ephraïm.
Sa ganun sasabihin nila sa kaniya, “Sabihing: “Shibolet.” At kung sinabi niyang “Sibolet” (dahil hindi niya mabigkas ang salita ng tama), huhulihin at papatayin siya ng mga taga-Galaad sa tawiran ng Jordan. Apatnapu't dalawang libong taga-Efraim ang namatay sa panahong iyon.
7 Ainsi, Jephté Galaadite jugea Israël pendant six ans; et il mourut et fut enseveli dans sa ville de Galaad.
Naglingkod si Jefta bilang isang hukom sa buong Israel sa loob ng anim na taon. Pagkatapos namatay si Jefta na taga-Galaad at inilibing sa isa sa mga lungsod sa Galaad.
8 Après lui Abésan de Bethléhem jugea Israël.
Pagkatapos niya, naglingkod bilang isang hukom sa buong Israel si Ibzan ng Bethlehem.
9 Il eut trente fils et autant de filles, qu’il maria, les établissant hors de chez lui; et il reçut pour ses fils des femmes en même nombre, les admettant dans sa maison. Abésan jugea Israël pendant sept ans;
Nagkaroon siya ng tatlumpung anak na lalaki. Pinamigay niya ang tatlumpung anak na babae sa pag-aasawa, at nagdala siya ng tatlumpung anak na babae ng ibang kalalakihan para sa kaniyang mga anak na lalaki, mula sa labas. Naging hukom siya sa Israel sa loob ng pitong taon.
10 Et il mourut et fut enseveli à Bethléhem.
Namatay si Ibzan at inilibing sa Bethlehem.
11 À Abésan succéda Ahialon Zabulonite; et il jugea Israël pendant dix ans;
Pagkatapos niya, naglingkod bilang hukom sa buong Israel si Elon na taga-Zebullun. Naging hukom siya sa Israel sa loob ng sampung taon.
12 Et il mourut et fut enseveli dans Zabulon.
Namatay si Elon ang Zabulonita at inilibing sa Ayalon sa lupain ng Zabulun.
13 Après lui, Abdon, fils d’Illel, Pharathonite, jugea Israël;
Pagkatapos niya, naglingkod bilang isang hukom sa buong Israel si Abdon na anak ni Hillel na taga-Piraton.
14 Il eut quarante fils, et d’eux trente petits-fils, qui montaient sur soixante-dix poulains d’ânesses; et il jugea Israël pendant huit ans;
Mayroon siyang apatnapung anak na lalaki at tatlumpung apong lalaki. Sumakay sila sa pitumpung asno, at naging hukom siya sa Israel sa loob ng walong taon.
15 Et il mourut et fut enseveli à Pharathon de la terre d’Ephraïm, sur la montagne d’Amalec.
Namatay si Abdon na anak na lalaki ni Hillel na taga-Piraton at inilibing sa Piraton sa lupain ng Efraim ang burol na bansa ng mga Amalekita.

< Juges 12 >