< Isaïe 12 >
1 Et tu diras en ce jour-là: Je vous glorifierai. Seigneur, parce que vous avez été irrité contre moi; mais votre fureur s’est tournée, et vous m’avez consolé.
Sa araw na iyon, sasabihin ninyo, “Magbibigay kami ng papasalamat sa iyo, Yahweh. Kahit na galit ka sa amin, nawala na ang iyong poot, at inaliw mo kami.
2 Voilà que Dieu est mon sauveur, j’agirai avec confiance, et je ne craindrai pas, parce que ma force et ma louange, c’est le Seigneur, et qu’il est devenu mon salut.
Tingnan ninyo, ang Diyos ang aming kaligtasan; magtitiwala kami at hindi matatakot, dahil si Yahweh, oo, si Yahweh ang aming kalakasan at awitin. Siya ang aming naging kaligtasan.”
3 Vous puiserez avec joie des eaux des fontaines du Sauveur;
Masaya kayong kukuha ng tubig mula sa mga balon ng kaligtasan.
4 Et vous direz en ce jour-là: Glorifiez le Seigneur, et invoquez son nom; faites connaître parmi les nations ses œuvres; souvenez-vous que sublime est son nom.
Sa araw na iyon, inyong sasabihin, “Magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at tumawag sa kaniyang pangalan; sabihin ang kaniyang mga ginawa sa kalagitnaan ng mga tao, ihayag ang dakila niyang pangalan.
5 Chantez le Seigneur, il a agi avec magnificence; annoncez cela dans toute la terre.
Umawit kay Yahweh, dahil gumawa siya ng mga dakilang bagay; ipaalam ito sa buong mundo.
6 Exulte et loue, habitation de Sion, parce que grand est au milieu de toi le saint d’Israël.
Umiyak nang malakas at sumigaw sa tuwa, kayong mga naninirahan sa Sion, dahil nasa inyong kalagitnaan ang Banal na Diyos ng Israel.”