< Cantiques 5 >

1 Je viens dans mon jardin, ma sœur, ma fiancée! Je cueille ma myrrhe avec mon baume; je mange mon miel avec le jus de mes raisins; je bois mon vin avec mon lait. « Mangez, compagnons, buvez et vous enivrez d'amour! »
Dumating ako sa aking hardin, aking kapatid na babae, babaeng aking pakakasalan; Tinipon ko ang aking mira na may sangkap ng aking pabango. kinain ko ang aking pulot-pukyutan kasama ng aking pulot; Ininom ko ang aking alak kasama ang aking gatas. Kumain, ka kaibigan. kumain, kaibigan; uminom ka nang malaya, aking mahal. Kinakausap ng dalaga ang kaniyang sarili
2 J'étais endormie, mais mon cœur veillait. C'est la voix de mon bien-aimé! il heurte! « Ouvre-moi, ma sœur, ma bien-aimée; ma colombe, ma pure! Car ma tête est pleine de rosée, et mes tresses, de la bruine de la nuit… »
Ako ay natutulog, pero ang puso ko ay gising sa isang panaginip. Naroroon ang tunog ng aking minamahal na kumakatok at sinasabi, “Pagbuksan mo ako, aking kapatid na babae, aking mahal, aking kalapati, aking dalisay, dahil ang ulo ko ay basa sa hamog, ang buhok ko sa gabing mamasa-masa.”
3 J'ai ôté ma tunique, comment la remettrais-je? j'ai baigné mes pieds, comment les souillerais-je?…
Hinubad ko ang aking balabal; dapat ko ba itong isuot muli? Hinugasan ko ang aking mga paa; dapat ko ba silang dumihan muli?
4 Mon bien-aimé avança sa main par le soupirail, et mon cœur battit pour lui.
Inilagay ng aking minamahal ang kaniyang kamay sa bungad ng trangkahan ng pintuan, at sumigla ang puso ko para sa kaniya.
5 Je me levai pour ouvrir à mon bien-aimé, et mes mains furent trempées de myrrhe, et mes doigts, d'une myrrhe onctueuse, en se posant sur les poignées du verrou.
Bumangon ako para pagbuksan ng pintuan ang aking minamahal; ang aking mga kamay ay may tumutulong mira, ang aking mga daliri ay mamasa-masang may mira, sa hawakan ng pintuan.
6 J'ouvris à mon bien-aimé; mais mon bien-aimé était parti, disparu. J'étais hors de moi, quand il me parlait… Je le cherchai, mais ne le trouvai point; je l'appelai, mais il ne répondit pas.
Pinagbuksan ko ng pintuan ang aking minamahal, pero ang aking minamahal ay umalis at wala na. Ang puso ko ay nalugmok; Nawalan ako ng pag-asa. Hinanap ko siya, pero hindi ko siya natagpuan; Tinawag ko siya, pero hindi niya ako sinagot.
7 Je fus trouvée par les gardes qui parcourent la ville; ils me frappèrent et me meurtrirent; ils m'ôtèrent mon voile les gardes des murs.
Natagpuan ako ng mga bantay na nagpunta malapit sa lungsod; hinagupit at sinugatan nila ako; kinuha mula sa akin ng mga nagbabatay ng pader ang aking balabal. Ang dalaga ay nakikipag-usap sa mga kababaihan ng lungsod
8 Je vous adjure, filles de Jérusalem; si vous trouvez mon bien-aimé…, que pensez-vous à lui dire?… Que je suis malade d'amour. – –
Nais ko kayong mangako, mga anak na babae ng Jerusalem, na kung makikita ninyo ang aking minamahal, sabihin ninyo sa kaniya ako ay may sakit dahil sa aking pag-ibig sa kaniya. Ang mga kababaihan ng lungsod ay nagsasalita sa dalaga.
9 Qu'a ton bien-aimé de plus qu'un autre bien-aimé, ô la plus belle des femmes? Qu'a ton bien-aimé de plus qu'un autre bien-aimé, pour nous adjurer ainsi? – –
Paanong mas mabuti ang iyong minamahal kaysa sa ibang lalaking minamahal, ikaw na maganda sa lahat ng mga babae? Bakit mas higit ang iyong minamahal kaysa sa ibang minamahal, na hiniling mo sa amin para manumpa tulad nito? Ang dalaga ay nagsasalita sa mga kababaihan ng lungsod
10 Mon bien-aimé est blanc et vermeil, remarquable parmi des milliers;
Ang aking minamahal ay nagniningning at mamula-mula, namumukod tangi sa kalagitnaan ng sampung libo.
11 sa tête est un or pur, ses tresses sont les rameaux flottants du palmier, noires comme l'aile du corbeau,
Ang kaniyang ulo ay ang pinakadalisay na ginto; kulot ang kaniyang buhok at kasing itim ng isang uwak.
12 ses yeux, comme ceux des colombes près des ruisseaux, baignés dans le lait, comme enchâssés à leur place,
Ang kaniyang mga mata ay katulad ng mga kalapati sa tabi ng mga dumadaloy na tubig, hinugasan sa gatas, ikinabit katulad ng mga hiyas.
13 ses joues, comme un parterre de baume, une couche de parfums, ses lèvres, des lys qui distillent une myrrhe onctueuse,
Ang kaniyang mga pisngi ay katulad ng mga nakatainim na mga sangkap ng pabango, nagbibigay ng mabangong mga amoy. Ang kaniyang labi ay mga liryo, tumutulong mira.
14 ses mains forment des anneaux d'or garnis de chrysolithe; son corps est un travail d'ivoire couvert de saphirs,
Ang kaniyang mga bisig ay mabilog na ginto na may nakalagay na mga hiyas; ang kaniyang tiyan ay nabalutan ng garing na may mga sapiro.
15 ses jambes, des colonnes de marbre, posant sur des bases d'or; son aspect est pareil à celui du Liban, aussi distingué que celui des cèdres;
Ang kaniyang mga binti ay mga poste na marmol, nakalagay sa mga patungan ng dalisay na ginto; ang kaniyang mukha ay katulad ng Lebanon, pinili gaya ng mga cedar
16 son palais est la douceur même, et toute sa personne est agréable: tel est mon bien-aimé, tel est mon ami, filles de Jérusalem. –
Ang kaniyang bibig ay napakatamis; siya ay ganap na kaibig-ibig. Ito ang aking minamahal, at ito ang aking kaibigan, mga anak na babae ng mga lalaki sa Jerusalem.

< Cantiques 5 >