< Jonas 4 >
1 Et cela fut pour Jonas un très grand déplaisir, et il se dépita.
Ngunit naghinanakit si Jonas, at nagalit siya nang labis.
2 Et il pria l'Éternel et dit: Ah! Éternel, n'est-ce pas ce que je disais, quand j'étais encore dans mon pays? Aussi me suis-je hâté de fuir à Tarsis; car je savais que tu es un Dieu clément et miséricordieux, plein de longanimité et d'amour et regrettant de punir.
Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, “A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.
3 Et maintenant, Éternel, ôte-moi donc ma vie, car mieux vaut pour moi mourir que de vivre.
Kaya ngayon, Yahweh, nagmamakaawa ako, kunin mo ang aking buhay, dahil higit na mabuti para akin ang mamatay kaysa sa mabuhay.”
4 Mais l'Éternel dit: Fais-tu bien de te dépiter?
Sinabi ni Yahweh, “Mabuti bang ikaw ay lubos na magalit?”
5 Alors Jonas sortit de la ville, et s'assit à l'orient de la ville et il se fit là une cabane, et s'y assit à l'ombre, jusqu'à ce qu'il vît ce qui arriverait dans la ville.
Pagkatapos lumabas si Jonas mula sa lungsod at umupo sa dakong silangang bahagi ng lungsod. Doon gumawa siya ng silungan at umupo sa ilalim nito sa lilim upang makita niya kung ano ang maaaring mangyari sa lungsod.
6 Alors l'Éternel Dieu fit croître un ricin qui s'éleva au-dessus de Jonas pour qu'il y eût de l'ombre sur sa fête et pour le délivrer de son mal. Et Jonas se réjouit à cause du ricin, et sa joie fut grande.
Naghanda ang Diyos na si Yahweh ng isang halaman at pinatubo niya ito sa ibabaw ng ulo ni Jonas para maging lilim sa ibabaw ng ulo niya para mapagaan ang kanyang pagkabalisa. Labis na natuwa si Jonas nang dahil sa halaman.
7 Et Dieu fit venir à l'arrivée de l'aurore le lendemain un ver qui piqua le ricin, de sorte qu'il sécha.
Ngunit kinabukasan sa pagsikat ng araw naghanda ang Diyos ng isang uod. Sinalakay nito ang halaman at nalanta ang halaman.
8 Et il arriva au lever du soleil que Dieu fit venir un vent d'orient sourd, et le soleil frappa la tête de Jonas, de sorte qu'il défaillait. Alors il demanda sa mort et il dit: Mieux vaut pour moi mourir que de vivre.
Nangyari na nang sumikat ang araw ng sumunod na umaga, ang Diyos ay naghanda ng isang mainit na hangin mula sa silangan. At saka, tinamaan ng sinag ng araw ang ulo ni Jonas at naging maputla siya. Pagkatapos hinangad ni Jonas na mamatay siya. Sinabi ni Jonas sa kanyang sarili, “Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa mabuhay.
9 Mais Dieu dit à Jonas: Fais-tu bien de te dépiter à cause du ricin? Et il dit: Je fais bien de me dépiter jusqu'à la mort.
Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Jonas, “Tama bang labis kang magalit dahil sa halaman? At sinabi ni Jonas, “Tama lang na magalit ako, kahit hanggang sa kamatayan.”
10 Et l'Éternel dit: Tu as pitié d'un ricin pour lequel tu n'as pris aucune peine et que tu n'as pas élevé, qui enfant d'une nuit a crû et enfant d'une nuit a péri:
Sinabi ni Yahweh, “Nagkaroon ka ng habag sa halaman, na hindi mo naman pinaghirapan, ni pinatubo ito. Tumubo ito sa isang gabi at namatay sa isang gabi.
11 et moi je n'aurais point pitié de Ninive la grande ville, dans laquelle il y a plus de cent vingt mille hommes qui ne savent pas distinguer leur droite de leur gauche, et des animaux en grand nombre!
Kaya para sa akin, hindi ba dapat akong mahabag sa Ninive, ang malaking lungsod na iyon, kung saan may mas marami pa sa isandaan at dalawampung libong tao na hindi alam ang kaibahan sa pagitan ng kanilang kanang kamay at kaliwang kamay, at saka maraming rin baka?”