< Jacques 3 >

1 Mes frères, qu'il n'y ait pas parmi vous tant de gens qui s'érigent en docteurs; vous savez que par là on s'expose à un arrêt plus sévère.
Hindi dapat maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, alam nating matatanggap natin ang mas higit na paghahatol.
2 Tous, en effet, nous bronchons fort. Si quelqu'un ne bronche pas en paroles, c'est un homme parfait, capable de tenir en bride son corps tout entier.
Sapagkat natitisod tayong lahat sa maraming paraan. Kung sinuman ang hindi natitisod sa kaniyang pananalita, siya ay taong ganap, na may kakayahang pigilan din ang kaniyang buong katawan.
3 Si, pour nous faire obéir des chevaux, nous leur mettons le mors dans la bouche, nous gouvernons aussi leur corps tout entier.
Ngayon kung lalagyan natin ng busal ang bibig ng kabayo susundin nila tayo, at mapapabaling natin ang kanilang buong katawan.
4 Voyez encore les navires: tout grands qu'ils sont, et quoique poussés par des vents violents, ils sont dirigés au gré du pilote, par un bien petit gouvernail.
Pansinin din ang mga barko, kahit na napakalaki nila at tinutulak ng malalakas na hangin, ay nababaling kahit saan nais ibaling ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon.
5 De même aussi la langue est un petit membre, et elle peut se vanter de grandes choses. Voyez quelle grande forêt un petit feu allume!
Ganoon din ang dila na isang maliit na bahagi ng katawan, ngunit nagyayabang ng malalaking bagay. Pansinin kung paano ang isang malawak na kagubatan ay nasusunog ng isang maliit na apoy!
6 La langue aussi est un feu, le monde de la méchanceté: c'est la langue qui, parmi les membres, a l'art de souiller le corps tout entier, et d'enflammer tout le cours de la vie, étant enflammée elle-même du feu de la Géhenne. (Geenna g1067)
Ang dila ay isa ring apoy, isang mundo ng makasalanan na inilagay sa bahagi ng ating mga katawan, nagpaparumi sa buong katawan at pinagniningas ang daan ng buhay, at ito ay nakatakdang apoy mula sa impiyerno. (Geenna g1067)
7 Toute espèce de bêtes sauvages et d'oiseaux, de reptiles et d'animaux marins se domptent, et ont été domptés par l'espèce humaine,
Bawat uri ng mga mababangis na hayop, mga ibon, mga gumagapang at mga nilalang sa dagat ay kayang paamuin at napaamo ng mga tao,
8 mais la langue, aucun homme ne peut la dompter: c'est un fléau qu'on ne peut arrêter; elle est pleine d'un venin mortel.
ngunit walang kahit na sinuman ang makapagpapaamo ng dila: walang tigil na kasamaan, puno ng nakamamatay na lason.
9 Avec la langue, nous bénissons le Seigneur, notre Père; et avec la langue, nous maudissons les hommes, qui sont faits à la ressemblance de Dieu:
Sa pamamagitan ng dila pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, at sa pamamagitan nito nagsusumpa tayo ng tao, na nilikhang kalarawan ng Diyos.
10 de la même bouche sortent la bénédiction et la malédiction! Il ne faut pas, mes frères, qu'il en soit ainsi:
Galing sa iisang bibig ang pagsasalita ng pagpapala at pagsusumpa. Aking mga kapatid, hindi dapat mangyari ang mga bagay na ito.
11 est-ce que la source jette par la même ouverture le doux et l'amer?
Lumalabas ba sa bukal ang parehong sariwa at mapait na tubig?
12 est-ce qu'un figuier, mes frères, peut donner des olives, ou une vigne des figues? de l'eau salée ne peut non plus donner de l'eau douce.
Aking mga kapatid, maaari bang ang isang puno ng igos ay mamunga ng mga olibo? o ang isang puno ng ubas mamunga ng igos? Hindi rin lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat
13 Y a-t-il parmi vous quelque homme sage et instruit, qu'il montre par sa bonne conduite qu'il agit avec la douceur de la sagesse.
Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Hayaan ang taong iyan na ipakita ang kaniyang magandang buhay sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa sa kapakumbabaan na nagmumula sa karunungan.
14 Si vous avez dans le coeur un zèle amer et un esprit de dispute, ne vous glorifiez pas de votre sagesse, vous parleriez contre toute vérité.
Ngunit kung mayroon kayong mapait na paninibugho at makasariling hangarin sa inyong puso, huwag kayong magmayabang at magsinungaling laban sa katotohanan.
15 Ce n'est point là la sagesse qui vient d'en haut; c'est une sagesse terrestre, animale, diabolique,
Hindi ito ang karunungang nagmumula sa itaas, sa halip ay makamundo, hindi espiritwal, mula sa diyablo.
16 car là où il y a zèle et esprit de dispute, il y a du désordre et toutes sortes de mauvaises choses;
Sapagkat kung saan may paninibugho at makasariling hangaring umiiral, may pagkalito at masasamang pag-uugali.
17 tandis que la sagesse qui vient d'en haut est premièrement pure, ensuite paisible, douce, traitable, pleine de miséricorde et de bons fruits, sans partialité, sans hypocrisie:
Ngunit ang karunungang mula sa itaas unang-una ay dalisay, at maibigin sa kapayapaan, mahinahon, may nag-aalab na puso, puno ng awa at mabuting bunga, walang inaayunang ibang tao, at tapat.
18 le fruit de justice se sème dans la paix par ceux qui apportent la paix.
At ang bunga ng katuwiran ay naitanim sa kapayapaan alang-alang sa mga gumagawa ng kapayapaan.

< Jacques 3 >