< Ézéchiel 25 >
1 Puis la parole de l'Eternel me fut [adressée], en disant:
Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabing,
2 Fils d'homme, tourne ta face vers les enfants de Hammon, et prophétise contre eux.
“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban sa mga tao ng Ammon at magpropesiya ka laban sa kanila.
3 Et dis aux enfants de Hammon: écoutez la parole du Seigneur l'Eternel. Parce que vous avez dit: ha! ha! contre mon Sanctuaire, à cause qu'il était profané; et contre la terre d'Israël, parce qu'elle était désolée; et contre la maison de Juda, parce qu'ils allaient en captivité;
Sabihin mo sa mga mamamayan ng Ammon, 'Pakingggan ang salita ng Panginoong Yahweh. Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sinabi ninyo, “Aha” laban sa aking santuwaryo nang lapastanganin ito, at laban sa lupain ng Israel nang pinabayaan ito, at laban sa sambahayan ng Juda nang sila ay dalhing bihag.
4 A cause de cela voici, je m'en vais te donner en héritage aux enfants d'Orient, et ils bâtiront des palais dans tes villes, et ils demeureront chez toi; ils mangeront tes fruits et boiront ton lait.
Kaya masdan ninyo! ibibigay ko kayo sa mga tao sa silangan bilang kanilang mga pag-aari; maghahanda sila ng mga kampamento laban sa inyo at gagawa ng mga tolda sa inyo. Kakainin nila ang inyong prutas, at iinumin nila ang inyong mga gatas!
5 Et je livrerai Rabba pour être le repaire des chameaux, et [le pays] des enfants de Hammon pour être le gîte des brebis; et vous saurez que je suis l'Eternel.
At gagawin kong isang pastulan si Rabba ng mga kamelyo at ang mga mamamayan ng Ammon ay isang pastulan ng mga tupa, kaya inyong malalaman na ako si Yahweh!
6 Car ainsi a dit le Seigneur l'Eternel: parce que tu as frappé des mains, et que tu as battu des pieds, et que tu t'es réjouie de bon cœur dans tout le mépris que tu as eu pour la terre d'Israël.
Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ipinalakpak ninyo ang inyong mga kamay at ipinadyak ang inyong mga paa, at nagalak sa lahat ng mga paghamak sa inyo laban sa lupain ng Israel.
7 A cause de cela voici, j'ai étendu ma main sur toi, et je te livrerai pour être pillée par les nations, et je te retrancherai d'entre les peuples, je te ferai périr d'entre les pays; je te détruirai; et tu sauras que je suis l'Eternel.
Kaya masdan ninyo! Hahampasin ko kayo ng aking kamay at ibibigay ko kayo bilang mga samsam sa mga bansa. Ihihiwalay ko kayo mula sa mga tao at kayo lamang ang pupuksain mula sa maraming mga bansa! Wawasakin ko kayo, at inyong malalaman na ako si Yahweh!'
8 Ainsi a dit le Seigneur l'Eternel: parce que Moab et Séhir ont dit: voici, la maison de Juda est comme toutes les autres nations.
Ito ang sinasabi ng Panginoon Yahweh, 'Dahil sinasabi ng Moab at Seir, “Masdan ninyo! Ang sambahayan ni Juda ay tulad ng ibang mga bansa!”
9 A cause de cela voici, je m'en vais ouvrir le quartier de Moab du côté des villes, du côté, dis-je, de ses villes frontières, la noblesse du pays de Bethjésimoth, de Bahal-Méhon et de Kirjathajim,
Kaya nga masdan ninyo! bubuksan ko ang libis ng Moab, simula sa mga hangganan ng kaniyang mga lunsod— Ang karangyaan ng Beth-jesimot, Baal-meon, at
10 Aux enfants d'Orient, qui sont au delà du pays des enfants de Hammon, lequel je leur ai donné en héritage, afin qu'on ne se souvienne plus des enfants de Hammon parmi les nations.
Kiryataim—Sa mga tao ng silangan na laban sa mga tao ng Ammon. Ibibigay ko sila na parang isang pag-aari kaya hindi na maaalala pa ang mga mamamayan ng Ammon sa mga bansa.
11 J'exercerai aussi des jugements contre Moab, et ils sauront que je suis l'Eternel.
Kaya magsasagawa ako ng mga kahatulan laban sa Moab, at kanilang malalaman na ako si Yahweh!'
12 Ainsi a dit le Seigneur l'Eternel: à cause de ce qu'Edom a fait quand il s'est inhumainement vengé de la maison de Juda, et parce qu'il s'est rendu fort coupable en se vengeant d'eux.
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Maghihiganti ang Edom laban sa sambahayan ng Juda at sa nakagawa rin ng pagkakamali na gawin ito.
13 A cause de cela, le Seigneur l'Eternel dit ainsi: j'étendrai ma main sur Edom, j'en retrancherai les hommes et les bêtes, et je le réduirai en désert; depuis Théman et de devers Dédan ils tomberont par l'épée.
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hahampasin ko ang Edom ng aking kamay at wawasakin ang bawat tao at hayop doon. Gagawin ko silang isang sira, iniwang lugar, mula sa Teman at Dedan. Sila ay mahuhulog sa pamamagitan ng mga espada!
14 J'exercerai ma vengeance sur Edom à cause de mon peuple d'Israël, et on traitera Edom selon ma colère, et selon ma fureur, et ils sentiront ce que c'est que de ma vengeance, dit le Seigneur l'Eternel.
Sa ganitong pamamaraan maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng kamay ng aking mamamayang Israel, at gagawin nila sa Edom ang ayon sa aking poot at matinding galit! Kaya malalaman nila ang aking paghihiganti! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'
15 Ainsi a dit le Seigneur l'Eternel: à cause que les Philistins ont agi par vengeance, et qu'ils se sont inhumainement vengés avec plaisir [et] avec mépris, jusqu'à [tout] détruire par une inimitié immortelle;
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'naghiganti ang mga Filisteo ng may masamang hangarin at mula sa kanilang mga sarili paulit-ulit nilang sinubukang wasakin ang Juda.
16 A cause de cela le Seigneur l'Eternel dit ainsi: voici, je m'en vais étendre ma main sur les Philistins, j'exterminerai les Kéréthiens, et je ferai périr le reste de [leurs] ports de mer.
Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan ninyo! Iaabot ko ang aking kamay laban sa mga Filisteo, at ihihiwalay ko ang mga taga-Creta at wawasakin ang mga nalabi na nasa gilid ng baybayin ng dagat!
17 Et je déploierai sur eux de grandes vengeances par des châtiments de fureur; et ils sauront que je suis l'Eternel, quand j'aurai exécuté sur eux ma vengeance.
Maghihiganti ako ng labis sa kanila na may matinding galit ng kaparusahan, kaya malalaman nila na ako si Yahweh, kapag isinagawa ko ang paghihiganti sa kanila!”