< Proverbes 1 >
1 Proverbes de Salomon, fils de David, roi d’Israël,
Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:
2 Pour connaître la sagesse et l’instruction, Pour comprendre les paroles de l’intelligence;
Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
3 Pour recevoir des leçons de bon sens, De justice, d’équité et de droiture;
Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
4 Pour donner aux simples du discernement, Au jeune homme de la connaissance et de la réflexion.
Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
5 Que le sage écoute, et il augmentera son savoir, Et celui qui est intelligent acquerra de l’habileté,
Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
6 Pour saisir le sens d’un proverbe ou d’une énigme, Des paroles des sages et de leurs sentences.
Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
7 La crainte de l’Éternel est le commencement de la science; Les insensés méprisent la sagesse et l’instruction.
Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
8 Écoute, mon fils, l’instruction de ton père, Et ne rejette pas l’enseignement de ta mère;
Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
9 Car c’est une couronne de grâce pour ta tête, Et une parure pour ton cou.
Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.
10 Mon fils, si des pécheurs veulent te séduire, Ne te laisse pas gagner.
Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.
11 S’ils disent: Viens avec nous! Dressons des embûches, versons du sang, Tendons des pièges à celui qui se repose en vain sur son innocence,
Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;
12 Engloutissons-les tout vifs, comme le séjour des morts, Et tout entiers, comme ceux qui descendent dans la fosse; (Sheol )
Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; (Sheol )
13 Nous trouverons toute sorte de biens précieux, Nous remplirons de butin nos maisons;
Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;
14 Tu auras ta part avec nous, Il n’y aura qu’une bourse pour nous tous!
Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
15 Mon fils, ne te mets pas en chemin avec eux, Détourne ton pied de leur sentier;
Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
16 Car leurs pieds courent au mal, Et ils ont hâte de répandre le sang.
Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.
17 Mais en vain jette-t-on le filet Devant les yeux de tout ce qui a des ailes;
Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon:
18 Et eux, c’est contre leur propre sang qu’ils dressent des embûches, C’est à leur âme qu’ils tendent des pièges.
At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay.
19 Ainsi arrive-t-il à tout homme avide de gain; La cupidité cause la perte de ceux qui s’y livrent.
Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon.
20 La sagesse crie dans les rues, Elle élève sa voix dans les places:
Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;
21 Elle crie à l’entrée des lieux bruyants; Aux portes, dans la ville, elle fait entendre ses paroles:
Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita:
22 Jusqu’à quand, stupides, aimerez-vous la stupidité? Jusqu’à quand les moqueurs se plairont-ils à la moquerie, Et les insensés haïront-ils la science?
Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?
23 Tournez-vous pour écouter mes réprimandes! Voici, je répandrai sur vous mon esprit, Je vous ferai connaître mes paroles…
Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
24 Puisque j’appelle et que vous résistez, Puisque j’étends ma main et que personne n’y prend garde,
Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
25 Puisque vous rejetez tous mes conseils, Et que vous n’aimez pas mes réprimandes,
Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:
26 Moi aussi, je rirai quand vous serez dans le malheur, Je me moquerai quand la terreur vous saisira,
Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
27 Quand la terreur vous saisira comme une tempête, Et que le malheur vous enveloppera comme un tourbillon, Quand la détresse et l’angoisse fondront sur vous.
Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
28 Alors ils m’appelleront, et je ne répondrai pas; Ils me chercheront, et ils ne me trouveront pas.
Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
29 Parce qu’ils ont haï la science, Et qu’ils n’ont pas choisi la crainte de l’Éternel,
Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon.
30 Parce qu’ils n’ont point aimé mes conseils, Et qu’ils ont dédaigné toutes mes réprimandes,
Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:
31 Ils se nourriront du fruit de leur voie, Et ils se rassasieront de leurs propres conseils,
Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
32 Car la résistance des stupides les tue, Et la sécurité des insensés les perd;
Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
33 Mais celui qui m’écoute reposera avec assurance, Il vivra tranquille et sans craindre aucun mal.
Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.