< 2 Samuel 4 >

1 Lorsque le fils de Saül apprit qu’Abner était mort à Hébron, ses mains restèrent sans force, et tout Israël fut dans l’épouvante.
Nang nabalitaan ni Isboset, lalaking anak ni Saul, na namatay si Abner sa Hebron, nanghina ang kaniyang mga kamay, at nagkagulo ang buong Israel.
2 Le fils de Saül avait deux chefs de bandes, dont l’un s’appelait Baana et l’autre Récab; ils étaient fils de Rimmon de Beéroth, d’entre les fils de Benjamin. Car Beéroth était regardée comme faisant partie de Benjamin,
Ngayon ang lalaking anak ni Saul ay mayroong dalawang tauhan na mga kapitan ng mga pangkat sundalo. Baana ang pangalan ng isa at Recab ang isa, mga lalaking anak ni Rimon na taga-Beerot na mga tao ni Benjamin (dahil ang Beerot ay itinuring na bahagi ng Benjamin,
3 et les Beérothiens s’étaient enfuis à Guitthaïm, où ils ont habité jusqu’à ce jour.
at tumakas ang mga taga-Beerot putungong Gittaim at naninirahan sila roon hanggang sa panahong ito).
4 Jonathan, fils de Saül, avait un fils perclus des pieds; et âgé de cinq ans lorsqu’arriva de Jizreel la nouvelle de la mort de Saül et de Jonathan; sa nourrice le prit et s’enfuit, et, comme elle précipitait sa fuite, il tomba et resta boiteux; son nom était Mephiboscheth.
Ngayon si Jonatan, lalaking anak ni Saul, ay mayroong isang lalaking anak na lumpo sa kaniyang mga paa. Limang taon gulang siya nang nabalitaan niya ang tungkol kina Saul at Jonatan na nagmula sa Jezreel. Binuhat siya ng kaniyang tagapangalaga para tumakas. Pero habang tumatakbo siya, natumba ang lalaking anak ni Jonatan at naging lumpo. Mefiboset ang kanyang pangalan.
5 Or les fils de Rimmon de Beéroth, Récab et Baana, se rendirent pendant la chaleur du jour à la maison d’Isch-Boscheth, qui était couché pour son repos de midi.
Kaya ang mga anak na lalaki ni Rimon na taga-Beerot, na sina Recab at baana ay naglakbay ng ang panahon ay mainit papunta sa tahanan ni Isboset, habang siya ay nagpapahinga sa tanghali.
6 Ils pénétrèrent jusqu’au milieu de la maison, comme pour prendre du froment, et ils le frappèrent au ventre; puis Récab et Baana, son frère, se sauvèrent.
Nakatulog ang babaeng nagbabantay sa pintuan habang sinasala ang trigo, at pumasok sina Recab at Baana nang tahimik at dinaanan siya.
7 Ils entrèrent donc dans la maison pendant qu’il reposait sur son lit dans sa chambre à coucher, ils le frappèrent et le firent mourir, et ils lui coupèrent la tête. Ils prirent sa tête, et ils marchèrent toute la nuit au travers de la plaine.
Kaya pagkatapos nilang pumasok ng bahay, sinalakay nila siya at pinatay habang nakahiga siya sa kaniyang higaan sa kaniyang silid. Pagkatapos pinugutan nila siya ng ulo at dinala ito palayo, buong gabi silang naglalakbay sa daan patungong Araba.
8 Ils apportèrent la tête d’Isch-Boscheth à David dans Hébron, et ils dirent au roi: Voici la tête d’Isch-Boscheth, fils de Saül, ton ennemi, qui en voulait à ta vie; l’Éternel venge aujourd’hui le roi mon seigneur de Saül et de sa race.
Dinala nila ang ulo ni Isboset kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, “Tingnan mo, ito ang ulo ni Isboset na lalaking anak ni Saul, ang iyong kaaway, na nagbabanta sa iyong buhay. Sa araw na ito pinaghigantihan ni Yahweh na ating panginoon si haring si Saul at kaniyang mga kaapu-apuhan.”
9 David répondit à Récab et à Baana, son frère, fils de Rimmon de Beéroth: L’Éternel qui m’a délivré de tout péril est vivant!
Sinagot ni David sina Recab at Baana na kaniyang kapatid, ang mga lalaking anak ni Rimon na taga-Beerot; sinabi niya sa kanila, “Habang nabubuhay si Yahweh, ang nagligtas sa aking buhay mula sa bawat kaguluhan,
10 celui qui est venu me dire: Voici, Saül est mort, et qui croyait m’annoncer une bonne nouvelle, je l’ai fait saisir et tuer à Tsiklag, pour lui donner le salaire de son message;
nang sinabihan ako ng isang tao, 'Tingnan mo, patay na si Saul,' iniisip ko na nagdadala siya ng mabuting balita, hinuli ko siya at pinatay sa Himat Ziklag. Iyon ang gantimpala na ibinigay ko sa kaniya para sa kaniyang balita.
11 et quand des méchants ont assassiné un homme juste dans sa maison et sur sa couche, combien plus ne redemanderai-je pas son sang de vos mains et ne vous exterminerai-je pas de la terre?
Gaano pa kaya, kapag pinatay ng mga masasamang lalaki ang isang taong walang kasalanan sa kaniyang sariling bahay sa kaniyang higaan, hindi ko ba dapat hingin ang kaniyang dugo ngayon mula sa inyong kamay, at aalisin kayo sa mundo?”
12 Et David ordonna à ses gens de les tuer; ils leur coupèrent les mains et les pieds, et les pendirent au bord de l’étang d’Hébron. Ils prirent ensuite la tête d’Isch-Boscheth, et l’enterrèrent dans le sépulcre d’Abner à Hébron.
Pagkatapos nagbigay si David ng utos sa mga binata, at pinatay nila sila at pinutol ang kanilang mga kamay at paa at isinabit sila sa tabi ng lawa sa Hebron. Pero kinuha nila ang ulo ni Isboset at inilibing ito sa libingan ni Abner sa Hebron.

< 2 Samuel 4 >