< 2 Rois 2 >

1 Lorsque l’Éternel fit monter Élie au ciel dans un tourbillon, Élie partait de Guilgal avec Élisée.
At nangyari, nang kukunin na ni Yahweh si Elias paakyat sa langit sa pamamagitan ng ipu-ipo, umalis si Elias kasama si Eliseo sa Gilgal.
2 Élie dit à Élisée: Reste ici, je te prie, car l’Éternel m’envoie jusqu’à Béthel. Élisée répondit: L’Éternel est vivant et ton âme est vivante! Je ne te quitterai point. Et ils descendirent à Béthel.
Sinabi ni Elias kay Eliseo, “Pakiusap, manatili ka rito dahil pinapadala ako ni Yahweh sa Bethel.” Sumagot si Eliseo, “Hanggang nabubuhay si Yahweh at hanggang nabubuhay ka, hindi kita iiwan.” Kaya pumunta sila sa Bethel.
3 Les fils des prophètes qui étaient à Béthel sortirent vers Élisée, et lui dirent: Sais-tu que l’Éternel enlève aujourd’hui ton maître au-dessus de ta tête? Et il répondit: Je le sais aussi; taisez-vous.
Pumunta ang mga anak ng mga propeta na nasa Bethel kay Eliseo at sinabi sa kaniya, “Alam mo ba na kukunin ni Yahweh ang panginoon mo ngayong araw na ito?” Sumagot si Eliseo, “Oo, alam ko, pero huwag ninyo ng banggitin iyon.”
4 Élie lui dit: Élisée, reste ici, je te prie, car l’Éternel m’envoie à Jéricho. Il répondit: L’Éternel est vivant et ton âme est vivante! Je ne te quitterai point. Et ils arrivèrent à Jéricho.
Sinabi ni Elias sa kaniya, “Eliseo, pakiusap, manatili ka rito, dahil pinapadala ako ni Yahweh sa Jerico.” At sumagot si Eliseo, “Hanggang nabubuhay si Yahweh at hanggang nabubuhay ka, hindi kita iiwan.” Kaya nagpunta sila sa Jerico.
5 Les fils des prophètes qui étaient à Jéricho s’approchèrent d’Élisée, et lui dirent: Sais-tu que l’Éternel enlève aujourd’hui ton maître au-dessus de ta tête? Et il répondit: Je le sais aussi; taisez-vous.
Pagkatapos pumunta ang mga anak ng mga propeta kay Eliseo na nasa Jerico at sinabi sa kaniya, “Alam mo ba na kukunin ni Yahweh ang panginoon mo ngayong araw na ito?” Sumagot si Eliseo, “Oo, alam ko, pero huwag ninyo ng banggitin iyon.”
6 Élie lui dit: Reste ici, je te prie, car l’Éternel m’envoie au Jourdain. Il répondit: L’Éternel est vivant et ton âme est vivante! Je ne te quitterai point. Et ils poursuivirent tous deux leur chemin.
Pagkatapos sinabi ni Elias sa kaniya, “Eliseo, pakiusap, manatili ka rito, dahil pinapadala ako ni Yahweh sa Jordan.” At sumagot si Eliseo, “Hanggang nabubuhay si Yahweh at hanggang nabubuhay ka, hindi kita iiwan.” Kaya nagtungo ang dalawa.
7 Cinquante hommes d’entre les fils des prophètes arrivèrent et s’arrêtèrent à distance vis-à-vis, et eux deux s’arrêtèrent au bord du Jourdain.
Kinalaunan, limampung anak ng mga propeta ang tumayo sa harap ng dalawa habang nakatayo sa kabilang dako ng Jordan.
8 Alors Élie prit son manteau, le roula, et en frappa les eaux, qui se partagèrent çà et là, et ils passèrent tous deux à sec.
Hinubad ni Elias ang kaniyang balabal, tinupi, at hinampas ang tubig gamit ito. Nahati sa dalawang bahagi ang ilog kaya nakalakad ang dalawa sa tuyong lupa.
9 Lorsqu’ils eurent passé, Élie dit à Élisée: Demande ce que tu veux que je fasse pour toi, avant que je sois enlevé d’avec toi. Élisée répondit: Qu’il y ait sur moi, je te prie, une double portion de ton esprit!
At iyon nga ang nangyari pagkatapos nilang tumawid sa kabila, sinabi ni Elias kay Eliseo, “Hilingin mo sa akin ang ibig mong gawin ko para sa iyo bago ako kunin sa piling mo.” Sumagot si Eliseo, “Kung maaari hayaan mong mapunta sa akin ang dalawang ulit ng iyong espiritu.”
10 Élie dit: Tu demandes une chose difficile. Mais si tu me vois pendant que je serai enlevé d’avec toi, cela t’arrivera ainsi; sinon, cela n’arrivera pas.
Sumagot si Elias, “Humihiling ka ng mahirap na bagay. Gayun pa man, kung makikita mo ako kapag kinuha ako mula sa iyo, mangyayari ito sa iyo, pero kung hindi, hindi mangyayari iyon.”
11 Comme ils continuaient à marcher en parlant, voici, un char de feu et des chevaux de feu les séparèrent l’un de l’autre, et Élie monta au ciel dans un tourbillon.
Habang naglalakad sila at nag-uusap, biglang may isang karwahe ng apoy at mga kabayong apoy ang lumitaw, na nagpahiwalay sa kanila, at nilipad pataas si Elias sa pamamagitan ng ipu-ipo sa langit.
12 Élisée regardait et criait: Mon père! Mon père! Char d’Israël et sa cavalerie! Et il ne le vit plus. Saisissant alors ses vêtements, il les déchira en deux morceaux,
Nakita iyon ni Eliseo at nanangis, “Ama ko, ama ko, ang mga karwahe ng Israel at kanilang kabalyero!” Hindi na niya nakita si Elias, at hinawakan ang kaniyang damit at pinunit sa dalawang bahagi.
13 et il releva le manteau qu’Élie avait laissé tomber. Puis il retourna, et s’arrêta au bord du Jourdain;
Dinampot niya ang nahulog na balabal mula kay Elias, at bumalik sa pampang ng Jordan para tumayo roon.
14 il prit le manteau qu’Élie avait laissé tomber, et il en frappa les eaux, et dit: Où est l’Éternel, le Dieu d’Élie? Lui aussi, il frappa les eaux, qui se partagèrent çà et là, et Élisée passa.
Hinampas niya ang tubig gamit ang nahulog na balabal ni Elias at sinabi, “Nasaan si Yahweh, ang Diyos ni Elias?” Nang hinampas niya ang tubig, nahati ito sa dalawalang bahagi at tumawid si Eliseo.
15 Les fils des prophètes qui étaient à Jéricho, vis-à-vis, l’ayant vu, dirent: L’esprit d’Élie repose sur Élisée! Et ils allèrent à sa rencontre, et se prosternèrent contre terre devant lui.
Nang nakita ng mga anak ng mga propeta na mula sa Jerico na nakatawid siya, sinabi nila, “Napunta ang espiritu ni Elias kay Eliseo!” Kaya nagpunta sila para salubungin siya, at iniyuko ang kanilang mga sarili sa lupa sa kaniyang harapan.
16 Ils lui dirent: Voici, il y a parmi tes serviteurs cinquante hommes vaillants; veux-tu qu’ils aillent chercher ton maître? Peut-être que l’esprit de l’Éternel l’a emporté et l’a jeté sur quelque montagne ou dans quelque vallée. Il répondit: Ne les envoyez pas.
Sinabi nila sa kaniya, “Tingnan mo, may limampung malalakas na lalaki mula sa iyong mga alipin. Hinihiling namin na ipadala mo sila para hanapin ang iyong panginoon, kung sakali na kinuha siya ng Espiritu ni Yahweh at hinagis sa ilang bundok o ilang lambak.” Sumagot si Eliseo, “Hindi, huwag ninyo silang ipadala.”
17 Mais ils le pressèrent longtemps; et il dit: Envoyez-les. Ils envoyèrent les cinquante hommes, qui cherchèrent Élie pendant trois jours et ne le trouvèrent point.
Pero nang napilit nila si Eliseo hanggang sa mahiya na siya, sinabi niya, “Ipadala ninyo na sila.” Pagkatapos nagpadala sila ng limampung kalalakihan, at naghanap sila ng tatlong araw, pero hindi siya nahanap.
18 Lorsqu’ils furent de retour auprès d’Élisée, qui était à Jéricho, il leur dit: Ne vous avais-je pas dit: N’allez pas?
Bumalik sila kay Eliseo, habang nanatili siya sa Jerico, at sinabi niya sa kanila, “Hindi ba sinabi ko na sa inyo, 'Huwag na kayong pumunta'?”
19 Les gens de la ville dirent à Élisée: Voici, le séjour de la ville est bon, comme le voit mon seigneur; mais les eaux sont mauvaises, et le pays est stérile.
Sinabi ng mga lalaki sa lungsod kay Eliseo, “Nagmamakaawa kami sa iyo, nakikita mo na mabuti ang kalagayan ng lungsod na ito, gaya ng nakikita ng panginoon ko, pero madumi ang tubig at hindi mabunga ang lupain.”
20 Il dit: Apportez-moi un plat neuf, et mettez-y du sel. Et ils le lui apportèrent.
Sumagot si Eliseo, “Magdala kayo sa akin ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin,” kaya dinala nila iyon sa kaniya.
21 Il alla vers la source des eaux, et il y jeta du sel, et dit: Ainsi parle l’Éternel: J’assainis ces eaux; il n’en proviendra plus ni mort, ni stérilité.
Nagpunta si Eliseo sa bukal ng tubig at tinapon ang asin doon; at kaniyang sinabi, “Sinabi ito ni Yahweh, 'Pinagaling ko na ang tubigang ito. Mula sa oras na ito, walang ng kamatayan at lupaing hindi mamumunga,'”
22 Et les eaux furent assainies, jusqu’à ce jour, selon la parole qu’Élisée avait prononcée.
Kaya gumaling ang tubigan sa araw ding iyon, sa pamamagitan ng mga salita na sinabi ni Eliseo.
23 Il monta de là à Béthel; et comme il cheminait à la montée, des petits garçons sortirent de la ville, et se moquèrent de lui. Ils lui disaient: Monte, chauve! Monte, chauve!
Pagkatapos pumunta si Eliseo mula roon hanggang sa Bethel. Habang papunta siya sa kaniyang daraanan, may mga batang lalaki ang lumabas mula sa lungsod at hinamak siya; sinabi nila sa kaniya,” Umakyat ka, kalbo! Umaakyat ka, kalbo!”
24 Il se retourna pour les regarder, et il les maudit au nom de l’Éternel. Alors deux ours sortirent de la forêt, et déchirèrent quarante-deux de ces enfants.
Tumingin si Eliseo sa kaniyang likuran at nakita sila; tumawag siya kay Yahweh para sumpain sila. Pagkatapos dalawang babaeng oso ang lumabas sa kakahuyan at sinugod ang apatnapu't dalawang bata.
25 De là il alla sur la montagne du Carmel, d’où il retourna à Samarie.
Pagkatapos pumunta si Eliseo mula roon sa Bundok Carmel, at mula roon bumalik siya sa Samaria.

< 2 Rois 2 >