< Josué 17 >
1 L'héritage de la tribu des fils de Manassé, premier-né de Joseph, fut donné dans les pays de Galaad et de Basan, d'abord à Machir, premier-né de Manassé, père de Galaad, car c'était un guerrier vaillant,
At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan.
2 Puis, au reste des fils de Manassé par familles, aux fils de Jézi, aux fils de Célez, aux fils de Jéziel, aux fils de Sichem, aux fils de Symarim et aux fils d'Opher: tels étaient les chefs mâles des familles.
At ang napasa ibang mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan, sa mga anak ng Abiezer, at sa mga anak ng Helec, at sa mga anak ng Esriel, at sa mga anak ng Sichem, at sa mga anak ng Hepher, at sa mga anak ng Semida; ang mga ito ang mga anak na lalake ni Manases na anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.
3 Or, à Salphaad, fils d'Opher, il n'était point né de fils, mais des filles; et voici les noms des filles de Salphaad: Maala, Nova, Egla, Melcha et Thersa;
Nguni't si Salphaad na anak ni Hepher, na anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases, ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae: at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, Hogla, Milcha, at Tirsa.
4 Elles comparurent devant Eléazar le prêtre, devant Josué et devant les princes, disant: Notre Dieu a commandé par la voix de Moïse qu'il nous fut donné un héritage, au milieu de nos frères; selon l'ordre du Seigneur, on leur donna donc un héritage parmi les frères de leurs pères.
At sila'y lumapit sa harap ni Eleazar na saserdote at sa harap ni Josue na anak ni Nun, at sa harap ng mga prinsipe, na sinasabi, Iniutos ng Panginoon kay Moises na bigyan kami ng mana sa gitna ng aming mga kapatid: kaya't ayon sa utos ng Panginoon ay binigyan niya sila ng mana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama.
5 Les terres qu'on leur distribua étaient du côté d'Anassa et de la plaine de Labec, dans la contrée de Galaad, qui est au delà du Jourdain.
At nahulog ang sangpung bahagi kay Manases, bukod sa lupain ng Galaad at ang Basan, na nasa dako roon ng Jordan;
6 Parce que les filles des fils de Manassé devaient avoir leur part, au milieu de leurs frères, et que la contrée de Galaad appartenait aux fils de Manassé qui étaient restés de l'autre côté du fleuve.
Sapagka't ang mga anak na babae ni Manases ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kaniyang mga anak; at ang lupain ng Galaad ay ukol sa nalabi sa mga anak ni Manases.
7 La limite des fils de Manassé commence à Délanath, lieu situé vis-à-vis les fils d'Anath; puis, elle s'avance vers Jamin, vers Jassib et vers la fontaine de Taphthoth.
At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Michmetat, na nasa tapat ng Sichem; at ang hangganan ay patuloy sa kanan, hanggang sa mga taga En-tappua.
8 Tout cela appartient aux fils de Manassé, et Tapheth, sur les limites de Manassé, est aux fils d'Ephraïm.
Ang lupain ng Tappua ay ukol sa Manases: nguni't ang Tappua sa hangganan ng Manases ay ukol sa mga anak ni Ephraim.
9 Ensuite, la limite descend, du côté du midi, vers le val de Carana, le long du val de Jariel-Téréminthe, qui appartient à Ephraïm, au milieu des villes de Manassé, et la limite de Manassé du côté du nord entre dans le torrent, et elle aboutit à la mer.
At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana, na dakong timugan ng batis: ang mga bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases: at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis, at ang labasan niyaon ay sa dagat;
10 La rive méridionale du torrent appartient à Ephraïm, et la rive septentrionale à Manassé; la mer est la limite de ces derniers; au nord, ils atteignent Aser, et Issachar du côté du levant.
Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim, at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases, at ang dagat ay hangganan niyaon; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan.
11 Manassé pénètre dans Issachar et dans Aser; il leur prend Bethsan et ses villages, les habitants de Dor et les villages de cette ville, les habitants de Mageddo et les villages de cette ville, enfin, le tiers de Mapheta et les villages de cette ville.
At tinatangkilik ng Manases sa Issachar at sa Aser ang Beth-san at ang mga nayon niyaon, at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Dor, at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga En-dor at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Megiddo, at ang mga nayon niyaon, ang tatlong kaitaasan.
12 Les fils de Manassé n'ont pu détruire ces villes. Et le Chananéen continua d'habiter la contrée.
Gayon ma'y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon.
13 Lorsque les fils d'Israël, devenus plus puissants, eurent assujetti les Chananéens, quoiqu'ils fussent maîtres de les exterminer, ils les épargnèrent.
At nangyari, nang ang mga anak ni Israel ay lumakas, na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa pagaatag, at hindi nila lubos na pinalayas.
14 Or, les fils de Joseph parlèrent à Josué, disant: Pourquoi ne nous as-tu donné qu'une part, qu'un seul héritage? Je suis un peuple nombreux, et le Seigneur m'a béni.
At ang mga anak ni Jose ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, Bakit ang ibinigay mo sa akin ay isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana, dangang malaking bayan ako, sapagka't pinagpala ako hanggang ngayon ng Panginoon?
15 Et Josué leur dit: Tu es un peuple nombreux, monte dans la forêt et défriche-la pour toi, si tu es trop à l'étroit sur les montagnes d'Ephraïm.
At sinabi ni Josue sa kanila, Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo.
16 Et ils dirent: Les montagnes d'Ephraïm ne nous plaisent point, car le Chananéen qui y demeure à Bethsan et ses villages, dans la vallée de Jesraël, a une cavalerie d'élite et du fer.
At sinabi ng mga anak ni Jose, Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay may mga karong bakal, sila na tumatahan sa Beth-san at sa mga nayon niyaon, at gayon din sila na nasa libis ng Jezreel.
17 Et Josué dit aux fils de Joseph: Puisque tu es un peuple nombreux et que tu as une grande puissance, tu ne le borneras pas à un seul héritage;
At si Josue ay nagsalita sa sangbahayan ni Jose, ni Ephraim at ni Manases, na sinasabi, Ikaw ay malaking bayan, at may dakilang kapangyarihan: hindi marapat sa iyo ang isang kapalaran lamang:
18 La forêt t'appartiendra; car il y a là une forêt, tu la défricheras; elle sera à toi, lorsque tu auras exterminé le Chananéen; quoiqu'il ait une cavalerie d'élite, tu es plus fort que lui.
Kundi ang lupaing maburol ay magiging iyo; sapagka't bagaman isang gubat ay iyong malalawag, at ang labasan niyaon ay magiging iyo, sapagka't iyong palalayasin ang mga Cananeo, bagaman sila'y may mga karong bakal, at bagaman sila'y matibay.