< 1 Samuel 29 >
1 Les Philistins concentrèrent toutes leurs troupes à Aphek, tandis que les Israélites étaient campés près de la source qui est à Jezreël.
Ngayon sama-samang tinipon ng mga Filisteo ang lahat ng kanilang hukbo sa Aphek; nagkampo ang mga Israelita sa tabi ng bukal na nasa Jezreel.
2 Les princes des Philistins s’avancèrent avec leurs troupes de cent et de mille; David et ses hommes formaient l’arrière-garde avec Akhich.
Dumaan ang mga prinsipe ng mga Filisteo nang daan-daan at nang libu-libo; dumaan si David at ang kanyang mga tauhan sa hulihang bantay kasama ni Aquis.
3 Les chefs des Philistins dirent: "Qu’est-ce que ces Hébreux?" Akhich leur répondit: "Mais c’est David, le serviteur de Saül, roi d’Israël, qui a été auprès de moi bien des jours et même des années, et chez qui je n’ai rien trouvé à reprendre depuis son arrivée jusqu’à ce jour."
Pagkatapos sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, “Ano ang ginagawa ng mga Hebreong ito dito?” Sinabi ni Aquis sa mga prinsipe ng mga Filisteo, “Hindi ba ito si David, ang lingkod ni Saul na hari ng mga Israelita na naging kasama ko sa mga araw na ito, o sa mga taon na ito, at wala akong nakitang kapintasan sa kanya mula nang dumating siya sa akin hanggang sa araw na ito?”
4 Les chefs des Philistins se mirent en colère contre lui et lui dirent: "Fais repartir cet homme; qu’il retourne à l’endroit que tu lui as assigné, mais qu’il ne nous accompagne pas à la guerre et ne devienne pas un obstacle contre nous dans le combat; car, comment cet homme se ferait-il bien venir de son maître, si ce n’est avec les têtes de nos soldats?
Ngunit galit sa kanya ang mga prinsipe ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanya, “Paalisin mo ang taong iyan, para bumalik siya sa kanyang lugar na ibinigay mo sa kanya; huwag mo siyang hayaang sumama sa atin sa digmaan, upang hindi siya maging kaaway natin sa digmaan. Dahil paano pa ba gagawa ng kapayapaan ang taong ito sa kanyang panginoon? Hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng ating mga tauhan?
5 N’Est-ce pas ce même David que les chœurs acclamaient en disant: "Saül a battu ses mille, Et David ses myriades?"
Hindi ba ito ang David na inawitan nila sa isa-isa sa pamamagitan ng mga sayaw, sinasabing: 'Pinatay ni Saul ang kanyang libu-libo, At si David ang kanyang sampung libo?'”
6 Akhich appela David et lui dit: "Par le Dieu vivant! Tu es honnête, ta conduite auprès de moi dans l’armée me plaît, et je n’ai rien trouvé à te reprocher depuis le jour de ton arrivée chez moi jusqu’à ce jour; mais tu n’es pas agréable aux princes.
Pagkatapos tinawag ni Aquis si David at sinabing, “Habang nabubuhay si Yahweh, naging mabuti ka, at ang iyong paglabas at pagpasok sa akin sa hukbo ay naging mabuti sa aking pananaw; sapagkat wala akong nakitang kasalanan sa iyo simula ng araw na dumating ka sa akin hanggang sa araw na ito. Gayon pa man, hindi sang-ayon sa iyo ang mga prinsipe.
7 Repars donc et va en paix, pour ne pas mécontenter les princes des Philistins.
Kaya ngayon bumalik ka at umalis na may kapayapaan, upang hindi ka kagalitan ng mga prinsipe ng mga Filisteo.”
8 Mais, dit David à Akhich, qu’ai-je fait et qu’as-tu trouvé en ton serviteur, du jour où j’ai paru devant toi jusqu’à présent, pour que je ne puisse aller me battre contre les ennemis de mon seigneur le roi?"
Sinabi ni David kay Filisteo, “Subalit ano ba ang nagawa ko? Ano ang nakita mo sa iyong lingkod habang kasama mo ako hanggang sa araw na ito, na hindi ako makakapunta at makipagdigma laban sa mga kaaway ng aking panginoong hari?”
9 Akhich, reprenant la parole, dit à David: "Je le sais, tu me plais autant que le ferait un ange de Dieu; mais les chefs des Philistins ont dit: Il ne doit pas aller en guerre avec nous.
Sumagot si Aquis at sinabi kay David, “Alam kong kasinlinis ka ng isang anghel ng Diyos sa aking paningin; gayunpaman, sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, 'Hindi siya maaaring umakyat kasama natin sa labanan.'
10 Donc, lève-toi demain de bonne heure avec les serviteurs de ton maître, venus avec toi; vous vous lèverez matin, et, le jour venu, vous partirez."
Kaya ngayon bumangon nang maaga ang mga lingkod ng iyong panginoon na sumama sa iyo; pagkagising ninyo sa madaling araw at may liwanag na, umalis na kayo.”
11 Et David se leva de bonne heure ainsi que ses hommes pour se mettre en route le matin et retourner au pays des Philistins, tandis que ceux-ci montaient vers Jezreël.
Kaya bumangon si David nang maaga, siya at ang kanyang mga tauhan upang umalis ng umaga, para bumalik sa lupain ng mga Filisteo. Ngunit umakyat ang mga Filisteo sa Jezreel.