< Job 17 >

1 Mon souffle est corrompu, mes jours s’éteignent: pour moi sont les sépulcres!
Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin.
2 Les moqueurs ne sont-ils pas autour de moi, et mes yeux ne demeurent-ils pas au milieu de leurs insultes?
Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
3 Dépose, je te prie, [un gage]; cautionne-moi auprès de toi-même: qui donc frappera dans ma main?
Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
4 Car tu as fermé leur cœur à l’intelligence; c’est pourquoi tu ne les élèveras pas.
Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas.
5 Celui qui trahit ses amis pour qu’ils soient pillés, les yeux de ses fils seront consumés.
Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
6 Et il a fait de moi un proverbe des peuples, et je suis devenu un homme auquel on crache au visage.
Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha.
7 Mon œil est terni par le chagrin, et mes membres sont tous comme une ombre.
Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
8 Les hommes droits en seront étonnés, et l’innocent s’élèvera contre l’impie;
Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
9 Mais le juste tiendra ferme dans sa voie, et celui qui a les mains pures croîtra en force.
Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
10 Mais quant à vous tous, revenez encore, je vous prie; mais je ne trouverai pas un sage parmi vous.
Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
11 Mes jours sont passés, mes desseins sont frustrés, – les plans chéris de mon cœur.
Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
12 Ils font de la nuit le jour, la lumière proche en présence des ténèbres.
Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
13 Si j’espère, le shéol est ma maison, j’étends mon lit dans les ténèbres; (Sheol h7585)
Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: (Sheol h7585)
14 Je crie à la fosse: Tu es mon père! aux vers: Ma mère et ma sœur!
Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
15 Où donc est mon espoir? Et mon espoir, qui le verra?
Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
16 Il descendra vers les barres du shéol, lorsque ensemble nous aurons du repos dans la poussière. (Sheol h7585)
Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. (Sheol h7585)

< Job 17 >