< Deutéronome 2 >
1 Et nous nous sommes tournés, et nous sommes partis pour le désert, par le chemin de la mer Rouge, comme l’Éternel m’avait dit, et nous avons tourné autour de la montagne de Séhir, plusieurs jours.
Pagkatapos lumiko kami at naglakbay papunta sa ilang sa daan na patungo sa Dagat ng mga Tambo, gaya ng sinabi ni Yahweh sa akin; umikot tayo sa Bundok ng Seir sa loob ng maraming araw.
2 Et l’Éternel me parla, disant:
Nagsalita sa akin si Yahweh, at sinabing,
3 Vous avez assez tourné autour de cette montagne; dirigez-vous vers le nord.
“Kayo ay matagal nang nagpapaikut-ikot sa bundok na ito; pumunta kayo pahilaga.
4 Et commande au peuple, disant: Vous allez passer par les confins de vos frères, les fils d’Ésaü, qui habitent en Séhir, et ils auront peur de vous; et soyez bien sur vos gardes;
Utusan ang mga tao, sa pagsasabing, “Kayo ay dadaan sa hangganan ng lupain ng inyong mga kapatid, sa mga kaapu-apuhan ni Esau, na naninirahan sa Seir; sila ay matatakot sa inyo. Kaya mag-iingat na
5 vous n’engagerez pas de lutte avec eux, car je ne vous donnerai rien de leur pays, pas même de quoi poser la plante du pied, car j’ai donné la montagne de Séhir en possession à Ésaü.
huwag kayong makikipag-away sa kanila, dahil hindi ko ibibigay ang anumang lupain nila sa inyo, hindi, ni hindi sapat sa lupa na tumapak ang inyong paa; dahil ibinigay ko ang Bundok ng Seir kay Esau bilang isang pag-aari.
6 Vous achèterez d’eux la nourriture à prix d’argent, et vous la mangerez; et l’eau aussi, vous l’achèterez d’eux à prix d’argent, et vous la boirez.
Kayo ay bibili sa kanila ng pagkain para sa pera, para kayo ay makakain; bibili rin kayo sa kanila ng tubig para sa pera, para makainom kayo.
7 Car l’Éternel, ton Dieu, t’a béni dans toute l’œuvre de ta main; il a connu ta marche par ce grand désert; pendant ces 40 ans, l’Éternel, ton Dieu, a été avec toi; tu n’as manqué de rien.
Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gagawin ng inyong kamay; alam niya ang inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Dahil sa loob ng apatnapung mga taon na ito si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, at hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.”'
8 Et nous avons laissé nos frères, les fils d’Ésaü, qui habitent en Séhir, passant devant la plaine, devant Élath et Étsion-Guéber, et nous nous sommes tournés, et nous avons passé par le chemin du désert de Moab.
Kaya tayo ay dumaan sa ating mga kapatid, ang mga kaapu-apuhan ni Esau, na naninirahan sa Seir, malayo mula sa daan ng Araba, mula sa Elat at mula sa Ezion Geber. At tayo ay lumiko at dumaan sa ilang ng Moab.
9 Et l’Éternel me dit: Tu n’attaqueras pas Moab, et tu ne te mettras pas en guerre avec eux; car je ne te donnerai rien de leur pays en possession, car j’ai donné Ar en possession aux fils de Lot.
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag ninyong guguluhin ang Moab, at huwag kayong makikipag-away sa kanila sa labanan. Dahil hindi ko ibibibay ang kaniyang lupain sa inyo para inyong pag-arian, dahil ibinigay ko ang Ar sa mga kaapu-apuhan ni Lot, para sa kanilang pag-aari.”
10 (Les Émim y habitaient auparavant, un peuple grand et nombreux et de haute stature comme les Anakim;
(Ang Emim ang dating nanirahan doon, isang lahing kasindakila gaya ng karamihan, at kasintaas gaya ng Anakim;
11 ils sont réputés, eux aussi, des géants, comme les Anakim, mais les Moabites les appellent Émim.
ang mga ito ay itinuring din bilang Refaim, tulad ng Anakim; pero tinawag silang Emim ng mga Moabita.
12 Et les Horiens habitaient auparavant en Séhir, et les fils d’Ésaü les dépossédèrent, et les détruisirent devant eux, et habitèrent à leur place, comme a fait Israël dans le pays de sa possession, que l’Éternel lui a donné.)
Ang mga taga-Hor ay dati ring naninirahan sa Seir, pero ang mga kaapu-apuhan ni Esau ang pumalit sa kanila. Sila ay pinuksa nila mula sa kanila at nanirahan sa kanilang lugar, gaya ng ginawa ng Israel sa lupain na kaniyang pag-aari na binigay ni Yahweh sa kanila.)
13 Maintenant, levez-vous et passez le torrent de Zéred. – Et nous avons passé le torrent de Zéred.
“'Ngayon tumayo ka at pumunta sa batis ng Zered,' Kaya nagpunta tayo sa batis ng Zered.
14 Et les jours que nous avons marché depuis Kadès-Barnéa jusqu’à ce que nous ayons passé le torrent de Zéred, ont été 38 ans, jusqu’à ce que toute la génération des hommes de guerre ait péri du milieu du camp, comme l’Éternel le leur avait juré.
Ngayon ang mga araw mula ng dumating tayo sa Kadesh Barnea hanggang tayo ay makatawid sa batis ng Zered, ay tatlumpu't-walong taon. Ito ay ang mga panahon na ang lahat ng salinlahi ng mga kalalakihan na angkop sa pakikipag-digma ay pumanaw mula sa mga tao, gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kanila.
15 Et la main de l’Éternel a aussi été contre eux, pour les détruire du milieu du camp, jusqu’à ce qu’ils aient péri.
Higit pa rito, ang kamay ni Yahweh ay laban sa salinlahing iyan para sila ay puksain mula sa mga tao hanggang sila ay mawala.
16 Et il arriva que, lorsque tous les hommes de guerre eurent péri du milieu du peuple par la mort,
Kaya nangyari ito, nang ang lahat ng mga kalalakihan na akma sa pakikipag-digma ay namatay at nawala mula sa mga tao,
17 l’Éternel me parla, disant:
na sinabi ni Yahweh sa akin,
18 Tu vas passer aujourd’hui la frontière de Moab, [qui est] Ar,
'Dadaan kayo ngayon sa Ar, ang hangganan ng Moab.
19 et tu t’approcheras vis-à-vis des fils d’Ammon; tu ne les attaqueras pas, et tu n’engageras pas de lutte avec eux, car je ne te donnerai rien du pays des fils d’Ammon en possession, parce que je l’ai donné en possession aux fils de Lot.
Kapag kayo ay papalapit sa kabila ng mga lipi ng Ammon, huwag ninyo silang guguluhin ni huwag kayong makikipag-away sa kanila; dahil hindi ko ibibigay sa inyo ang alinman sa mga lupain ng mga lahi ng Ammon bilang isang pag-aari; dahil ibinigay ko ito sa mga kaapu-apuhan ni Lot bilang isang pag-aari.'”
20 (Il est aussi réputé pays des Rephaïm; les Rephaïm y habitaient auparavant, et les Ammonites les appellent Zamzummim,
(Itinuring din iyon na maging isang lupain ng Refaim. Ang Refaim ay dating nanirahan doon—pero tinawag sila ng mga Ammonita na Zamzumim—
21 peuple grand et nombreux et de haute stature comme les Anakim; mais l’Éternel les détruisit devant eux, et ils les dépossédèrent et habitèrent à leur place,
isang dakilang lipi na gaya ng karamihan, at kasintaas ng Anakim. Pero pinuksa sila ni Yahweh sa harap ng mga Ammoneo, at sila ay pinalitan nila at nanirahan sa kanilang lugar.
22 – comme il fit pour les fils d’Ésaü, qui habitent en Séhir, lorsqu’il détruisit les Horiens devant eux, et qu’ils les dépossédèrent; et ils ont habité à leur place jusqu’à ce jour.
Gaya din ito ng ginawa ni Yahweh para sa bayan ni Esau, na nanirahan sa Seir, nang winasak niya ang mga Horeo mula sa kanila, ang mga kaapu-apuhan ni Esau ang pumalit sa kanila at sila ay nanirahan sa kanilang lugar hanggang ngayon.
23 Et quant aux Avviens qui habitaient dans des hameaux jusqu’à Gaza, les Caphtorim, sortis de Caphtor, les détruisirent et habitèrent à leur place.)
At ang taga-Awim, na nanirahan sa mga nayon hanggang sa layo ng Gaza—ang taga-Caftor na lumabas sa Caftor, ay winasak sila at nanirahan sa kanilang lugar.)
24 Levez-vous, partez, et passez le torrent de l’Arnon. Regarde, j’ai livré en ta main Sihon, roi de Hesbon, l’Amoréen, et son pays: commence, prends possession, et fais-lui la guerre.
“'Ngayon tumayo kayo, magpatuloy sa inyong paglalakbay, at tumawid sa lambak ng Arnon; tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyong kamay si Sihon ang Amoreo, ang hari ng Hesbon, at ang kaniyang lupain. Simulang sakupin ito, at makipaglaban kayo sa kaniya sa labanan.
25 Aujourd’hui je commencerai à mettre la frayeur et la peur de toi sur les peuples, sous tous les cieux; car ils entendront le bruit de ce que tu fais, et ils trembleront, et seront en angoisse devant toi.
Ngayon uumpisahan kong lagyan ng takot at sindak sa inyo ang mga tao na nasa ilalim ng buong kalangitan; maririnig nila ang mga balita tungkol sa inyo at manginginig at magdadalamhati dahil sa inyo.'
26 Et j’envoyai, du désert de Kedémoth, des messagers à Sihon, roi de Hesbon, avec des paroles de paix, disant:
Nagpadala ako ng mga mensahero mula sa ilang ng Kedemot kay Sihon, ang hari ng Hesbon, ng may salita ng kapayapaan, na nagsasabing,
27 Je passerai par ton pays; j’irai seulement par le chemin, je ne m’écarterai ni à droite ni à gauche.
'Hayaan mo na dumaan ako sa iyong lupain; dadaan ako sa malapad na daan; hindi ako liliko ni hindi sa bandang kanan o sa kaliwa.
28 Tu me vendras de la nourriture à prix d’argent, afin que je mange; et tu me donneras de l’eau à prix d’argent, afin que je boive; je ne ferai que passer avec mes pieds:
Magbebenta ka sa akin ng pagkain para sa pera, para ako ay makakain; bigyan mo ako ng tubig para sa pera, para ako ay makainom; paraanin mo lang ako gamit ng aking mga paa;
29 comme m’ont fait les fils d’Ésaü qui habitent en Séhir, et les Moabites qui habitent à Ar; jusqu’à ce que je passe le Jourdain [et que j’entre] dans le pays que l’Éternel, notre Dieu, nous donne.
gaya ng ginawa para sa akin ng mga kaapu-apuhan ni Esau na naninirahan sa Seir, at sa mga Moabita na nanirahan sa Ar, hanggang sa ako ay makalagpas sa Jordan sa lupaing ibinibigay sa amin ni Yahweh na ating Diyos.'
30 Et Sihon, roi de Hesbon, ne voulut pas nous laisser passer par son [pays]; car l’Éternel, ton Dieu, avait endurci son esprit et roidi son cœur, afin de le livrer en ta main, comme [il paraît] aujourd’hui.
Pero si Sihon, ang hari ng Hesbon, ay hindi kami hinayaang makalagpas sa kaniya; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay pinatigas ang kaniyang isipan at ginawang matigas ang kaniyang puso, na maaari niyang matalo sila sa pamamagitan ng inyong lakas, na ginawa niya sa araw na ito.
31 Et l’Éternel me dit: Regarde, j’ai commencé à livrer devant toi Sihon et son pays: commence, prends possession, afin que tu possèdes son pays.
Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tingnan mo, Sinimulan ko na ibigay si Sihon at ang kaniyang lupain sa inyong harapan; simulan ninyong pag-arian ito, nang sa gayon maari ninyong manahin ang kaniyang lupain.'
32 – Et Sihon sortit à notre rencontre, lui et tout son peuple, à Jahats, pour livrer bataille.
Pagkatapos nakipaglaban si Sihon sa atin, siya at lahat ng kaniyang mga tao, para makipaglaban sa Jahaz.
33 Et l’Éternel, notre Dieu, le livra devant nous; et nous l’avons battu, lui, et ses fils, et tout son peuple;
Si Yahweh na ating Diyos ay ibinigay siya sa atin at tinalo natin siya; hinampas natin siya hanggang sa mamatay, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang mamamayan.
34 et nous avons pris toutes ses villes, en ce temps-là, et nous avons détruit entièrement toutes les villes, hommes, et femmes, et enfants; nous n’avons pas laissé un réchappé;
Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang oras na iyon, at winasak natin ng ganap ang bawat lungsod na pinamumuhayan, kasama ng mga kababaihan at mga batang maliliit, wala tayong itinira.
35 seulement, nous avons pillé pour nous les bêtes et le butin des villes que nous avions prises.
Ang mga baka lamang na ating kinuha bilang samsam para sa ating mga sarili, kasama ng mga sinasamsam sa mga lungsod na ating kinuha.
36 Depuis Aroër, qui est sur le bord du torrent de l’Arnon, et la ville qui est dans le torrent, jusqu’à Galaad, il n’y eut pas de ville qui soit trop haute pour nous; l’Éternel, notre Dieu, livra tout devant nous.
Mula Aroer, na nasa gilid ng lambak ng Arnon, at mula sa lungsod na nasa lambak, patungong Galaad, walang isang lungsod na masyadong mataas para sa atin. Si Yahweh na ating Diyos ang siyang nagbigay sa atin ng tagumpay sa ating mga kalaban.
37 Seulement, tu ne t’es pas approché du pays des fils d’Ammon, de toute la rive du torrent de Jabbok, ni des villes de la montagne, ni de tout ce que l’Éternel, notre Dieu, nous avait commandé [de ne pas toucher].
Doon lamang sa lupain ng mga kaapu-apuhan ni Ammon kayo hindi pumunta, pati sa lahat ng mga gilid ng Ilog Jabbok, at mga lungsod ng maburol na bansa—saan man tayo pinagbawalan ni Yahweh na ating Diyos na puntahan.