< 2 Samuel 5 >
1 Et toutes les tribus d’Israël vinrent vers David à Hébron, et parlèrent, disant: Voici, nous sommes ton os et ta chair.
Pagkatapos pumunta ang lahat ng lipi ng Israel kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at buto.
2 Et autrefois, quand Saül était roi sur nous, c’était toi qui faisais sortir et qui faisais entrer Israël; et l’Éternel t’a dit: Tu paîtras mon peuple Israël, et tu seras prince sur Israël.
Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.'''
3 Et tous les anciens d’Israël vinrent vers le roi à Hébron; et le roi David fit alliance avec eux à Hébron, devant l’Éternel; et ils oignirent David pour roi sur Israël.
Kaya dumating ang lahat na nakatatanda ng Israel sa hari ng Hebron, at gumawa si Haring David ng isang kasunduan sa kanila sa harapan ni Yahweh. Hinirang nila si David na maging hari ng buong Israel.
4 David était âgé de 30 ans lorsqu’il devint roi; il régna 40 ans.
Tatlumpung taong gulang si David nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng apatnapung taon.
5 Il régna à Hébron, sur Juda, sept ans et six mois; et, à Jérusalem, il régna 33 ans sur tout Israël et Juda.
Sa Hebron naghari siya sa buong Juda ng pitong taon at anim na buwan, at sa Jerusalem naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon sa buong Israel at Juda.
6 Et le roi alla avec ses hommes à Jérusalem contre les Jébusiens, habitants du pays; et ils parlèrent à David, disant: Tu n’entreras point ici; mais les aveugles et les boiteux te repousseront; – pour dire: David n’entrera pas ici.
Pumunta ang hari at ang mga tauha niya sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo, ang mga mamamayan ng lupain. Sinabi nila kay David, “Huwag kang babalik dito maliban kung papaalisin ka sa pamamagitan ng mga bulag at lumpo. Hindi makakapunta dito si David.”
7 Mais David prit la forteresse de Sion: c’est la ville de David.
Gayunpaman, nasakop ni David ang kuta ng Sion, na ngayon ay lungsod na ni David.
8 Et David dit en ce jour-là: Quiconque frappera les Jébusiens et atteindra le canal, et les boiteux et les aveugles qui sont haïs de l’âme de David…! C’est pourquoi on dit: L’aveugle et le boiteux n’entreront pas dans la maison.
Sa oras na iyon sinabi ni David, 'Sinuman ang sasalakay sa mga taga-Jebus ay kailangang pumunta sa pamamagitan ng tubig at aabutin nila ang 'lumpo at bulag,' ang mga galit kay David.” kaya sinabi ng mga tao iyan, “Hindi makakapunta ang 'bulag at lumpo' sa palasyo.”
9 Et David habita dans la forteresse, et l’appela ville de David; et David bâtit tout autour, depuis Millo vers l’intérieur.
Kaya nanirahan si David sa kuta at tinawag itong siyudad ni David. Pinatibay niya ang palibot nito, mula sa terasa patungong loob.
10 Et David allait grandissant de plus en plus; et l’Éternel, le Dieu des armées, était avec lui.
Naging lubos na makapangyarihan si David dahil kay Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ay kasama niya.
11 Et Hiram, roi de Tyr, envoya des messagers à David, et des bois de cèdre, et des charpentiers, et des tailleurs de pierres pour les murailles; et ils bâtirent une maison à David.
Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Hiram hari ng Tyre kay David, at mga punong sedro, karpintero, at mason. Nagtayo sila ng bahay para kay David.
12 Et David connut que l’Éternel l’avait établi roi sur Israël, et qu’il avait élevé son royaume à cause de son peuple Israël.
Alam ni David na itinalaga siya ni Yahweh bilang hari sa buong Israel, at sa gayon naging dakila ang kaniyang kaharian para sa kapakanan ng kaniyang bayang Israel.
13 Et David prit encore des concubines et des femmes de Jérusalem, après qu’il fut venu de Hébron, et il naquit encore à David des fils et des filles.
Pagkatapos nilisan ni David ang Hebron at pumunta sa Jerusalem, kumuha siya ng maraming kerida at mga asawa sa Jerusalem, at maraming mga lalaking anak at mga babaeng anak ang ipinanganak sa kaniya.
14 Et ce sont ici les noms de ceux qui lui naquirent à Jérusalem: Shammua, et Shobab, et Nathan, et Salomon,
Ito ang mga pangalan ng mga bata na ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: Sammua, Sobab, Natan, Solomon,
15 et Jibkhar, et Élishua, et Népheg, et Japhia,
Ibhar, Elisua, Nefeg, Jafia,
16 et Élishama, et Éliada, et Éliphéleth.
Elisama, Eliada, at Elifelet.
17 Et les Philistins apprirent qu’on avait oint David pour roi sur Israël, et tous les Philistins montèrent pour chercher David; et David l’apprit, et descendit à la forteresse.
Ngayon nang mabalitaan ng mga Filisteo na nahirang na si David bilang hari ng buong Israel, lumabas silang lahat para makita siya. Pero nabalitaan ni David ito at bumaba siya sa kuta.
18 Et les Philistins vinrent et se répandirent dans la vallée des Rephaïm.
Ngayon dumating ang mga Filisteo at nagsikalat sa lambak ng Refaim.
19 Et David interrogea l’Éternel, disant: Monterai-je contre les Philistins? Les livreras-tu en ma main? Et l’Éternel dit à David: Monte, car certainement je livrerai les Philistins en ta main.
Pagkatapos humingi si David ng tulong mula kay Yahweh. Sinabi niya, “Kailangan ko bang salakayin ang Filisteo? Bibigyan mo ba ako ng tagumpay laban sa kanila?” Sinabi ni Yahweh kay David, “Salakayin mo, dahil siguradong bibigyan kita ng tagumpay laban sa Filisteo.”
20 Et David vint à Baal-Peratsim; et là David les frappa, et il dit: L’Éternel a fait une brèche au milieu de mes ennemis devant moi, comme une brèche faite par les eaux; c’est pourquoi il appela le nom de ce lieu Baal-Peratsim.
Kaya sinalakay ni David ang Baal Perazim, at doon tinalo niya sila. Sinabi niya, “Pinatumba ni Yahweh ang aking mga kalaban sa aking harapan katulad ng isang rumaragasang tubig baha.” Kaya naging Baal Perazim ang pangalan ng lugar na iyon.
21 Et ils laissèrent là leurs idoles, et David et ses hommes les emportèrent.
Iniwan ng mga taga-Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon, at dinala ni David at kaniyang mga tauhan ang mga ito.
22 Et les Philistins montèrent encore de nouveau, et se répandirent dans la vallée des Rephaïm.
Pagkatapos umakyat muli ang mga taga-Filisteo at nagsikalat sa lambak ng Refaim.
23 Et David interrogea l’Éternel. Et il dit: Tu ne monteras pas; tourne-les par-derrière, et tu viendras contre eux vis-à-vis des mûriers;
Kaya muling humingi si David ng tulong mula kay Yahweh, at sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Hindi mo dapat salakayin ang kanilang harapan, pero palibutan mo ang likuran nila at lapitan mo sila sa pamamagitan ng mga kahoy ng balsam.
24 et aussitôt que tu entendras sur le sommet des mûriers un bruit de gens qui marchent, alors tu t’élanceras, car alors l’Éternel sera sorti devant toi pour frapper l’armée des Philistins.
Kapag narinig mo ang tunog ng pag-ihip ng hangin sa itaas ng mga punong balsam, salakayin mo sila nang may lakas. Gawin mo ito dahil pangungunahan ka ni Yahweh para salakayin ang hukbong ng mga taga-Filisteo.''
25 Et David fit ainsi, comme l’Éternel lui avait commandé; et il frappa les Philistins depuis Guéba jusqu’à ce que tu viennes vers Guézer.
Kaya ginawa ni David ang inutos ni Yahweh sa kaniya. Pinatay niya ang mgataga-Filisteo mula sa Geba hanggang sa Gezer.