< 1 Chroniques 14 >
1 Et Hiram, roi de Tyr, envoya des messagers à David, et des bois de cèdre, et des maçons, et des charpentiers, pour lui bâtir une maison.
At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng mga sugo kay David, at nagpadala ng mga puno ng sedro, at mga mananabas ng bato, at mga anluwagi, upang ipagtayo siya ng bahay.
2 Et David connut que l’Éternel l’avait établi roi sur Israël, car son royaume était haut élevé à cause de son peuple Israël.
At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel; sapagka't ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas, dahil sa kaniyang bayang Israel.
3 Et David prit encore des femmes à Jérusalem, et David engendra encore des fils et des filles.
At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem: at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae.
4 Et ce sont ici les noms des enfants qu’il eut à Jérusalem: Shammua, et Shobab, Nathan, et Salomon,
At ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: si Smua, at si Sobab, si Nathan, at si Salomon.
5 et Jibkhar, et Élishua, et Elpéleth,
At si Ibhar, at si Elisua, at si Elphelet;
6 et Nogah, et Népheg, et Japhia,
At si Noga, at si Nepheg, at si Japhias;
7 et Élishama, et Beéliada, et Éliphéleth.
At si Elisama, at si Beeliada, at si Eliphelet.
8 Et les Philistins apprirent que David avait été oint pour roi sur tout Israël, et tous les Philistins montèrent pour chercher David; et David l’apprit, et sortit au-devant d’eux.
At nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay pinahiran ng langis na maging hari sa buong Israel, ay nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David: at nabalitaan ni David, at nilabas sila.
9 Et les Philistins vinrent et se répandirent dans la vallée des Rephaïm.
Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim.
10 Et David interrogea Dieu, disant: Monterai-je contre les Philistins, et les livreras-tu en ma main? Et l’Éternel lui dit: Monte, et je les livrerai en ta main.
At si David ay sumangguni sa Dios, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? at iyo bang ibibigay sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka: sapagka't aking ibibigay sila sa iyong kamay.
11 Et ils montèrent à Baal-Peratsim, et là David les frappa; et David dit: Dieu a fait une brèche au milieu de mes ennemis par ma main, comme une brèche faite par les eaux; c’est pourquoi on appela le nom de ce lieu Baal-Peratsim.
Sa gayo'y nagsiahon sila sa Baal-perasim, at sinaktan sila ni David doon; at sinabi ni David, Nilansag ng Dios ang aking mga kaaway na gaya ng baha ng tubig. Kaya't kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim.
12 Et ils laissèrent là leurs dieux, et David commanda qu’on les brûle au feu.
At kanilang iniwan doon ang kanilang mga dios; at nagutos si David, at sinunog sa apoy ang mga yaon.
13 Et les Philistins se répandirent encore de nouveau dans la vallée.
At nanganamsam pa uli ang mga Filisteo sa libis.
14 Et David interrogea encore Dieu; et Dieu lui dit: Tu ne monteras pas après eux; tourne autour d’eux, et tu viendras contre eux vis-à-vis des mûriers;
At si David ay sumangguni uli sa Dios; at sinabi ng Dios sa kaniya, Huwag kang aahong kasunod nila; lihisan mo sila, at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales.
15 et aussitôt que tu entendras sur le sommet des mûriers un bruit de gens qui marchent, alors tu sortiras pour la bataille, car Dieu sera sorti devant toi pour frapper l’armée des Philistins.
At mangyayari, na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay lalabas sa pakikipagbaka: sapagka't ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.
16 Et David fit comme Dieu lui avait commandé; et ils frappèrent l’armée des Philistins depuis Gabaon jusque vers Guézer.
At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios: at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gabaon hanggang sa Gezer.
17 Et le nom de David se répandit dans tous les pays; et l’Éternel mit la frayeur [de David] sur toutes les nations.
At ang kabantugan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain; at sinidlan ng Panginoon ng takot sa kaniya ang lahat na bansa.