< Isaïe 18 >
1 Oh! Terre où résonne le bruissement des ailes, au delà des fleuves de Cusch!
Pighati sa lupain ng kumakaluskos na mga pakpak, na nasa kabilang ibayo ng mga ilog ng Etiopia;
2 Toi qui envoies des messagers sur la mer, dans des nacelles de jonc, sur la face des eaux! Allez, messagers rapides, vers la nation à la haute stature, à la peau rasée, vers le peuple redouté au loin; nation impérieuse et qui écrase, et dont la terre est sillonnée de fleuves.
ang nagpapadala ng mga kinatawan sa karagatan, sakay ng mga bangkang gawa sa papirus sa katubigan. Kayong mabibilis na mga mensahero, pumunta kayo sa bansa ng matatangkad at makikinis, sa bansang kinakatakutan ng mga malapit at malayo dito, isang bansang malakas at manlulupig, na nagmamay-ari ng lupain kung saan hinahati ang mga ilog!
3 Vous tous, habitants du monde, habitants de la terre, quand l’étendard sera levé sur les montagnes, regardez; quand la trompette sonnera, écoutez.
Lahat kayong nananahan sa mundo at lahat kayong namumuhay sa lupain, kapag may itinaas na panghudyat sa mga kabundukan, tingnan ninyo; at kapag hinipan ang trumpeta, pakinggan ninyo.
4 Car ainsi m’a parlé Yahweh: « Je me tiendrai en repos et je regarderai, assis dans ma demeure, comme une chaleur sereine par un brillant soleil, comme un nuage de rosée dans la chaleur de la moisson. »
Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, “Tahimik akong magmamasid mula sa tahanan ko, gaya ng matinding init sa sikat ng araw, gaya ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.”
5 Car avant la moisson, quand la floraison sera passée, et que la fleur sera devenue une grappe bientôt mûre, alors il coupera les pampres à coups de serpe, il enlèvera les sarments, il les détachera.
Bago ang pag-aani, kapag natapos na ang pagsisibol, at kapag ang mga bulaklak ay nagiging ubas na, puputulin niya ang mga sanga gamit ang pamutol na karit, at kaniyang puputulin at itatapon ang mga kumakalat na mga sanga.
6 Ils seront livrés tous ensemble aux vautours des montagnes et aux bêtes de la terre; les vautours en feront leur proie pendant l’été, et les bêtes de la terre pendant l’hiver.
Iiwanan sila para sa mga ibon ng kabundukan at para sa mga hayop ng kalupaan. Magsisilbi silang pagkain para sa mga ibon sa tag-araw, at sa mga hayop sa lupa sa panahon ng tag-lamig.
7 En ce temps-là, une offrande sera apportée à Yahweh des armées, de la part du peuple à la haute stature, à la peau rasée, de la part du peuple redouté au loin, nation impérieuse et qui écrase, et dont la terre est sillonnée de fleuves, au séjour du nom de Yahweh des armées, à la montagne de Sion.
Sa panahon na iyon, dadalhin kay Yahweh ng mga hukbo ang mga parangal na mula sa mga taong matatangkad at makikinis, mula sa mga taong kinakatakutan ng lahat, isang bansang makapangyarihan at manlulupig, sa nagmamay-ari ng lupaing humahati ng mga ilog, sa kinaroroonan ng pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, sa Bundok Sion.