< Ecclésiaste 6 >

1 Il est un mal que j’ai vu sous le soleil, et ce mal est grand sur l’homme:
Mayroon akong nakitang masama sa ilalim ng araw, at ito ay malubha para sa mga tao.
2 Tel homme à qui Dieu a donné richesses, trésors et gloire, et qui ne manque pour son âme de rien de ce qu’il peut désirer; mais Dieu ne lui permet pas d’en jouir, car c’est un étranger qui en jouit: voilà une vanité et un mal grave.
Maaaring magbigay ang Diyos ng kayamanan, kasaganaan at karangalan sa isang tao upang hindi siya magkulang sa mga hinahangad niya para sa kaniyang sarili, ngunit pagkatapos, hindi ibibigay ng Diyos ang kakayahan upang magsaya sa mga ito. Sa halip, iba pa ang makikinabang ng kaniyang mga kagamitan. Ito ay parang singaw, isang masamang kalungkutan.
3 Quand un homme aurait engendré cent fils, eût vécu de nombreuses années, et que les jours de ses années se seraient multipliés, si son âme ne s’est pas rassasiée de bonheur, et qu’il n’ait pas même eu de sépulture, je dis qu’un avorton est plus heureux que lui.
Kung ang isang lalaki ay maging ama ng isang daang anak at mabuhay ng maraming taon, sa gayon ang mga araw ng kaniyang mga taon ay marami, ngunit kung hindi nasiyahan ang kaniyang puso sa kabutihan at siya ay hindi inilibing nang may karangalan, kaya aking sasabihin na ang isang sanggol na patay ipinanganak ay mas mabuti pa kaysa sa kaniya.
4 Car il est venu en vain, il s’en va dans les ténèbres, et les ténèbres couvriront son nom;
Kahit pa ang isang sanggol ay isinilang nang walang kabuluhan at mamamatay sa kadiliman at ang kaniyang pangalan ay mananatiling lihim.
5 il n’a même ni vu ni connu le soleil, il a plus de repos que cet homme.
Kahit hindi na nakita ng batang ito ang araw o nalaman ang anumang bagay, ito ay may kapahingahan bagaman ang taong iyon ay wala.
6 Et quand il vivrait deux fois mille ans, sans jouir du bonheur, tout ne va-t-il pas au même lieu?
Kahit mabubuhay ang isang tao ng dalawang libong taon ngunit hindi matutunang matuwa sa mabuting mga bagay, mapupunta siya sa parehong lugar kagaya ng iba pa.
7 Tout le travail de l’homme est pour sa bouche; mais ses désirs ne sont jamais satisfaits.
Kahit na lahat ng gawain ng isang tao ay para punuin ang kaniyang bibig, gayon man ang kaniyang gana sa pagkain ay hindi mapupunan.
8 Car quel avantage a le sage sur l’insensé? Quel avantage a le pauvre qui sait se conduire devant les vivants?
Kaya, anong pakinabang mayroon ang matalinong tao na higit pa sa hangal? Anong pakinabang mayroon ang isang mahirap na tao kahit pa malaman niya kung paano kumilos sa harapan ng iba?
9 Ce que les yeux voient est préférable à la divagation des désirs. Cela encore est vanité et poursuite du vent.
Mabuti pang masiyahan sa nakikita ng mga mata kaysa sa paghahangad ng isang lumalawak na pananabik sa pagkain, na para ring singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
10 De toute chose qui arrive, le nom est déjà prononcé; on sait ce que sera un homme, et il ne peut contester avec qui est plus fort que lui.
Anumang bagay ang naririto ay nabigyan na ng kaniyang pangalan, at nalalaman na kung ano ang katulad ng sangkatauhan. Kaya walang saysay makipagtalo sa isang makapangyarihang hukom ng lahat.
11 Car il y a beaucoup de paroles qui ne font qu’accroître la vanité: quel avantage en revient-il à l’homme?
Kapag mas maraming sinasabi, lalong walang kabuluhan, kaya ano nga ba pakinabang niyan sa isang tao?
12 Car qui sait, en effet, ce qui est bon pour l’homme dans la vie, pendant les jours de sa vie de vanité, qu’il passe comme une ombre? Et qui peut indiquer à l’homme ce qui sera après lui sous le soleil?
Dahil sino ang nakakaalam ng mabuti sa buhay ng tao sa kaniyang walang kabuluhan at bilang na mga araw na kaniyang dadaanan tulad ng isang anino? Sino ang makapagsasabi sa isang tao kung ano ang sasapitin sa ilalim ng araw pagkatapos siyang mamatay?

< Ecclésiaste 6 >