< Zacharie 4 >

1 L'ange qui parlait avec moi revint et me réveilla, comme un homme qu'on réveille de son sommeil.
Pagkatapos ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay bumalik at ginising ako na katulad ng isang lalaking ginising mula sa kaniyang pagkakatulog.
2 Il me dit: « Que vois-tu? » J'ai dit: « J'ai vu, et voici un chandelier tout d'or, avec sa coupe au sommet, et ses sept lampes dessus; il y a sept tuyaux à chacune des lampes qui sont au sommet;
Sinabi niya sa akin, “Ano ang nakikita mo?” Sinabi ko, “Nakikita ko ang isang patungan ng lampara na gawa lahat sa ginto, may isang mangkok sa ibabaw nito. May pito itong lampara at pitong mitsa sa ibabaw ng bawat lampara.
3 et deux oliviers près de lui, l'un à droite de la coupe, et l'autre à gauche. »
Dalawang puno ng olibo ang nasa tabi nito, isa sa kanang bahagi ng mangkok at isa sa kaliwang bahagi.”
4 J'ai répondu et j'ai parlé à l'ange qui m'a parlé, en disant: « Qu'est-ce que c'est, mon seigneur? »
Kaya muli akong nagsalita sa anghel na nakikipag-usap sa akin. Sinabi ko, “Ano ang kahulugan ng mga bagay na ito, aking panginoon?”
5 Alors l'ange qui parlait avec moi me répondit: « Ne sais-tu pas ce que c'est? » J'ai dit, « Non, mon seigneur. »
Sumagot ang anghel na nakikipag-usap sa akin at sinabi, “Hindi mo ba alam kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito?” Sinabi ko, “Hindi, aking panginoon.”
6 Alors il prit la parole et me dit: « Voici la parole que Yahvé a adressée à Zorobabel: Ce n'est ni par la force, ni par la puissance, mais par mon Esprit, dit Yahvé des armées.
Kaya sinabi niya sa akin, “Ito ang salita ni Yahweh kay Zerubabel: Hindi sa pamamagitan ng lakas ni sa pamamagitan ng kapangyarihan, ngunit sa pamamagitan ng aking Espiritu,' sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
7 Qui es-tu, grande montagne? Devant Zorobabel, tu n'es qu'une plaine, et il fera sortir la pierre de faîte aux cris de « Grâce, grâce, à elle! ».
'Ano ka, malaking bundok? Magiging isa kang kapatagan sa harapan ni Zerubabel at ilalabas niya ang itaas na bato upang sumigaw ng, “Biyaya! Biyaya!”'”
8 La parole de Yahvé me fut adressée, en ces termes:
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh:
9 Les mains de Zorobabel ont posé les fondements de cette maison. Ses mains l'achèveront aussi, et vous saurez que l'Éternel des armées m'a envoyé vers vous.
“Ang mga kamay ni Zerubabel ang naglatag sa pundasyon ng tahanang ito at ang kaniyang mga kamay ang tatapos nito. At malalaman mo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagsugo sa akin sa iyo.
10 En effet, qui méprise le jour des petites choses? Car ces sept-là se réjouiront, et ils verront le fil à plomb dans la main de Zorobabel. Ce sont les yeux de Yahvé, qui parcourent de long en large toute la terre. »
Sino ang humamak sa araw ng mga malililit na bagay? Magagalak ang mga taong ito at makikita ang pampantay na bato sa kamay ni Zerubabel. (Ang pitong lamparang ito ang mga mata ni Yahweh na naglilibot sa buong daigdig.)”
11 Et je lui demandai: « Que sont ces deux oliviers à droite du chandelier et à gauche de celui-ci? ».
Pagkatapos, tinanong ko ang anghel. “Ano itong dalawang puno ng olibo na nakatayo sa kaliwa at sa kanan ng patungan ng lampara?”
12 Je lui demandai une seconde fois: « Que sont ces deux branches d'olivier, qui sont à côté des deux becs d'or qui versent l'huile d'or d'eux-mêmes? »
Muli ko siyang tinanong, “Ano ang dalawang sanga ng olibo na ito sa tabi ng dalawang gintong tubo na may gintong langis na bumubuhos mula sa mga ito?
13 Il m'a répondu: « Tu ne sais pas ce que c'est? » J'ai dit, « Non, mon seigneur. »
“Hindi mo ba alam kung ano ang mga ito?” At sinabi ko, “Hindi, aking panginoon.”
14 Puis il dit: « Ce sont les deux oints qui se tiennent auprès du Seigneur de toute la terre. »
Kaya sinabi niya, “Ito ang dalawang puno ng olibo na nakatayo upang paglingkuran ang Panginoon ng buong daigdig.”

< Zacharie 4 >