< 1 Samuel 25 >
1 Samuel mourut. Tout Israël se rassembla, prit le deuil et l'enterra dans sa maison à Rama. David se leva et descendit dans le désert de Paran.
Ngayon namatay na si Samuel. Sama-samang nagtipon ang lahat ng Israelita at nagluksa para sa kanya, at inilibing nila siya sa kanyang bahay sa Rama. Pagkatapos tumayo at bumaba si David sa desyerto ng Paran.
2 Il y avait à Maon un homme dont les biens étaient au Carmel, et cet homme était très grand. Il avait trois mille brebis et mille chèvres, et il tondait ses brebis au Carmel.
Mayroong isang lalaki sa Maon, na may mga pag-aari sa Carmel. Napakayaman ng lalaki. Mayroon siyang tatlong libong tupa at isang libong kambing. Naggugupit siya ng kanyang tupa sa Carmel.
3 Or le nom de cet homme était Nabal, et le nom de sa femme Abigaïl. Cette femme était intelligente et avait un beau visage; mais l'homme était hargneux et méchant dans ses actions. Il était de la maison de Caleb.
Nabal ang pangalan ng lalaki, at ang pangalan ng kanyang asawa ay Abigail. Matalino at may kahali-halinang anyo ang babae. Pero malupit at masama ang lalaki sa kanyang pakikitungo. Isa siyang kaapu-apuhan sa sambahayan ni Caleb.
4 David apprit dans le désert que Nabal tondait ses brebis.
Narinig ni David sa ilang na si Nabal ay naggugupit ng kanyang tupa.
5 David envoya dix jeunes gens. Il leur dit: « Montez au Carmel, allez vers Nabal, et saluez-le en mon nom.
Kaya nagpadala ng sampung kalalakihan si David. Sinabi ni David sa binatang kalalakihan. “Umakyat sa Carmel, pumunta kay Nabal, at batiin siya sa aking pangalan.
6 Dites-lui: « Longue vie à toi! Que la paix soit avec toi! Que la paix soit avec ta maison! Que la paix soit avec tout ce qui t'appartient!
Sasabihin ninyo sa kanya 'Mamuhay sa karangyaan. Kapayapaan para sa iyo at kapayapaan sa iyong bahay, at kapayapaan sa lahat ng mayroon ka.
7 J'ai appris que tu as des tondeurs. Vos bergers ont maintenant été avec nous, et nous ne leur avons fait aucun mal. Rien n'a manqué d'eux pendant tout le temps qu'ils ont été au Carmel.
Narinig ko na mayroon kang mga manggugupit. Nasa amin ang iyong mga pastol, at hindi namin sila sinaktan at walang nawala sa kanila sa buong panahon na sila ay nasa Carmel.
8 Interrogez vos jeunes gens, et ils vous le diront. Que les jeunes gens trouvent grâce à tes yeux, car nous venons en un jour favorable. Donne, je te prie, tout ce qui te tombe sous la main à tes serviteurs et à ton fils David.'"
Tanungin ang iyong kabataang kalalakihan, at sasabihin nila sa iyo. Ngayon hayaang makasumpong ng biyaya ang binatang kalalakihan sa iyong mga mata, dahil pupunta kami sa araw ng isang pagdiriwang. Pakiusap magbigay ka anuman ang mayroon ka sa iyong kamay sa iyong mga lingkod at sa iyong anak na lalaking si David.”'
9 Lorsque les jeunes gens de David arrivèrent, ils dirent à Nabal toutes ces paroles au nom de David, et ils attendirent.
Nang dumating ang mga kabataang kalalakihan ni David, sinabi nila itong lahat kay Nabal sa ngalan ni David at pagkatapos naghintay.
10 Nabal répondit aux serviteurs de David et dit: « Qui est David? Qui est le fils de Jessé? Il y a beaucoup de serviteurs qui se séparent de leurs maîtres ces jours-ci.
Sumagot si Nabal sa mga lingkod ni David, “Sino si David? At sino ang anak na lalaki ni Jesse? Maraming mga lingkod sa araw na ito ang sumusuway sa kanilang mga amo.
11 Dois-je donc prendre mon pain, mon eau et la viande que j'ai tuée pour mes tondeurs, et les donner à des hommes dont j'ignore l'origine? ».
Kailangan ko bang kunin ang aking tinapay, aking tubig at aking karne na kinatay ko para sa aking mga manggugupit at ibigay ito sa kalalakihang dumating mula sa hindi ko alam kung saan nanggaling?”
12 Et les jeunes gens de David s'en retournèrent sur leur chemin, et vinrent lui rapporter toutes ces paroles.
Kaya umalis at bumalik ang kabataang kalalakihan ni David, at sinabi sa kanya ang lahat nang bagay na sinabi.
13 David dit à ses hommes: « Que chacun mette son épée! » Chaque homme a mis son épée. David mit aussi son épée. Environ quatre cents hommes suivirent David, et deux cents restèrent près des bagages.
Sinabi ni David sa kanyang tauhan, “Itali nang bawat lalaki ang kanyang espada.” At itinali ng bawat lalaki ang kanyang espada. Itinali rin ni David ang kanyang espada. Halos apat na daang kalalakihan ang sumunod kay David, at naiwan ang dalawang daan sa dala-dalahan.
14 Mais l'un des jeunes gens dit à Abigaïl, la femme de Nabal: « Voici, David a envoyé des messagers du désert pour saluer notre maître, et il les a insultés.
Pero sinabihan ng isa sa kabataang kalalakihan si Abigail, asawa ni Nabal; sinabi niya, “Nagpadala si David ng mga mensahero sa labas ng ilang upang batiin ang ating amo, at ininsulto niya sila.
15 Mais ces hommes ont été très bons avec nous, et nous n'avons pas été blessés, et nous n'avons rien manqué tant que nous avons été avec eux, quand nous étions dans les champs.
Yamang napakabait ng kalalakihan sa atin. Hindi tayo sinaktan at walang anumang bagay na nawala sa atin hanggat kasama natin sila nang nasa mga bukirin tayo.
16 Ils étaient pour nous une muraille, de nuit comme de jour, pendant tout le temps que nous étions avec eux à garder les brebis.
Isang pader sila sa atin sa araw man o sa gabi, kasama namin sila sa pagbabantay ng mga tupa.
17 Maintenant donc, sachez et réfléchissez à ce que vous ferez, car le mal est décidé contre notre maître et contre toute sa maison, car il est si inutile qu'on ne peut pas lui parler. »
Samakatuwid alamin ito at isaalang-alang kung ano ang iyong magagawa, sapagka't may balak na kasamaan laban sa ating amo, at laban sa kanyang buong sambahayan. Siya ay napakasamang tao na walang isa na makapagdahilan sa kanya.”
18 Alors Abigaïl se hâta de prendre deux cents pains, deux récipients de vin, cinq moutons apprêtés, cinq seahs de grains secs, cent grappes de raisins secs et deux cents gâteaux de figues, et les fit monter sur des ânes.
Pagkatapos nagmadali si Abigail at kumuha ng dalawang daang tinapay, dalawang boteng alak, limang tupang nakahanda na, limang sukob ng sinangag na butil, isang daang tungkos ng pasas, at dalawang daang mamon ng igos at ikinarga ang mga ito sa mga asno.
19 Elle dit à ses jeunes gens: « Passez devant moi. Voici que je viens après vous. » Mais elle ne le dit pas à son mari, Nabal.
Sinabi niya sa kanyang kabataang kalalakihan, “Mauna kayo sa akin at susunod ako sa inyo.” Ngunit hindi niya sinabihan ang kanyang asawang si Nabal.
20 Comme elle montait sur son âne et descendait cachée par la montagne, voici que David et ses hommes descendaient vers elle, et elle les rencontra.
Habang nakasakay siya sa kanyang asno at bumaba sa pamamagitan ng bundok, bumaba si David at kanyang tauhan papunta sa kanya at sinalubong niya sila.
21 Or David avait dit: « C'est en vain que j'ai gardé tout ce que cet homme a dans le désert, de sorte que rien n'a manqué de tout ce qui lui appartenait. Il m'a rendu le mal pour le bien.
Ngayon sinabi ni David, “Tiyak na walang kabuluhan ang lahat ng pagbabantay ko sa lahat ng mayroon ang taong ito sa ilang, kaya wala ni isang nawawala na lahat ng nasa kanya, at ibinalik niya sa akin ang masama para sa mabuti.
22 Que Dieu fasse ainsi aux ennemis de David, et plus encore, si je laisse de tout ce qui lui appartient à la lumière du matin autant que quelqu'un qui urine sur un mur. »
Nawa gawin ng Diyos ito sa akin, David, at marami pa, kung sa umaga wala akong ititirang isang lalaki sa lahat na nasa kanya.”
23 Lorsqu'Abigaïl vit David, elle se précipita, descendit de son âne, tomba devant David sur sa face et se prosterna à terre.
Nang nakita ni Abigail si David, nagmadali siyang bumaba mula sa kanyang asno at lumuhod sa harapan ni David at nagpatirapa sa kanyang sarili sa lupa.
24 Elle tomba à ses pieds et dit: « C'est à moi, mon seigneur, que revient la faute! Laisse ton serviteur parler à tes oreilles. Écoute les paroles de ta servante.
Lumuhod siya sa kanyang paa at sinabi, “Ako lang mag-isa, aking panginoon, na mayroong pagkakasala. Pakiusap hayaan mong kausapin ka ng iyong lingkod, at makinig sa mga salita ng iyong lingkod.
25 Ne permets pas à mon seigneur d'être attentif à ce bon à rien de Nabal, car il est comme son nom. Nabal est son nom, et la folie est avec lui; mais moi, ton serviteur, je n'ai pas vu les jeunes gens de mon seigneur que tu as envoyés.
Huwag mong hayaan aking panginoon na pansinin ang walang halangang taong ito, Nabal ang kanyang pangalan, at ang kahangalan ay nasa kanya. Ngunit ako na iyong lingkod ay hindi nakita ang kabataang kalalakihan ng aking panginoon, na iyong ipinadala.
26 Maintenant, mon seigneur, comme l'Éternel est vivant et comme ton âme est vivante, puisque l'Éternel t'a empêché de te rendre coupable par le sang et de te venger de ta propre main, maintenant, que tes ennemis et ceux qui cherchent à nuire à mon seigneur soient comme Nabal.
Pagkatapos ngayon, aking panginoon, habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, buhat ng pinigilan ka ni Yahweh mula sa pagdaloy ng dugo, at mula sa paghihiganti ng iyong sarili sa sariling mong kamay, ngayon hayaan mo ang iyong mga kaaway, at sa mga naghahanap gumawa ng kasamaan sa aking panginoon, ay magiging kagaya ni Nabal.
27 Maintenant, ce présent que ton serviteur a apporté à mon seigneur, qu'il soit donné aux jeunes gens qui suivent mon seigneur.
At ngayon, hayaan sanang madala ng iyong lingkod ang regalong ito para sa aking panginoon, hayaang ibigay ito sa kabataang kalalakihan na sumunod sa aking panginoon.
28 Je te prie de pardonner la faute de ton serviteur. Car l'Éternel fera de mon seigneur une maison sûre, parce que mon seigneur mène les combats de l'Éternel. Le mal ne se trouvera pas chez toi tous tes jours.
Pakiusap patawarin ang pagkakasala ng iyong lingkod, dahil tiyak na gagawan ni Yahweh ang aking panginoon ng isang bahay, dahil nakikipaglaban ang aking panginoon sa labanan ni Yahweh, at hindi makikita ang kasamaan sa iyo habang nabubuhay ka.
29 Si des hommes se lèvent pour te poursuivre et chercher ton âme, l'âme de mon seigneur sera liée dans le faisceau de vie de Yahvé ton Dieu. Il fera sortir les âmes de tes ennemis comme de la poche d'une fronde.
At kahit na tugisin ka ng mga kalalakihan para kunin ang iyong buhay, gayon pa man ang buhay ng aking panginoon ay matatali sa mga nabubuhay sa pamamagitan ni Yahweh na inyong Diyos, at aalisin niya ang mga buhay ng iyong mga kaaway, gaya ng nasa bulsa ng isang tirador.
30 Lorsque l'Éternel aura fait à mon seigneur tout le bien qu'il a dit de toi et qu'il t'aura établi chef d'Israël,
At mangyari ito, nang matapos gawin ni Yahweh ang lahat ng mabuting mga bagay para sa aking panginoon na kanyang ipinangako sa iyo, at nang ginawa ka niyang pinuno sa buong Israel,
31 tu ne seras pas affligé, et mon seigneur ne sera pas offensé, soit que tu aies versé du sang sans raison, soit que mon seigneur se soit vengé. Quand Yahvé aura fait du bien à mon seigneur, souviens-toi de ton serviteur. »
hindi magiging pahirap ang bagay na ito sa iyo, ni masasaktan ang aking panginoon, dahil hindi mo ibinuhos ang iyong dugo ng walang dahilan, at hindi mo ipinaghiganti ang iyong sarili. At kapag nagdala ng tagumpay si Yahweh sa aking panginoon, alalahanin mo ang iyong lingkod.”
32 David dit à Abigaïl: « Béni soit Yahvé, le Dieu d'Israël, qui t'a envoyée aujourd'hui à ma rencontre!
Sinabi ni David kay Abigail, “Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, na pinagpala, ang siyang nagpadala sa iyo upang makipagkita sa akin sa araw na ito.
33 Béni soit ta discrétion, et bénie sois-tu, qui m'a empêché aujourd'hui de me rendre coupable de sang, et de me venger de ma propre main.
At ang iyong kaalaman ay pinagpala, at pinagpala ka, dahil pinanatili mo ako sa araw na ito mula sa pagkakasala sa pagdanak ng dugo at mula sa paghihiganti ko para sa aking sariling gamit ang aking kamay.
34 En effet, comme vit Yahvé, le Dieu d'Israël, qui m'a empêché de te faire du mal, si tu ne t'étais pas empressé de venir à ma rencontre, il ne serait pas resté à Nabal, à la lumière du matin, plus qu'un homme qui urine sur un mur. »
Para sa katotohanan, ayon kay Yahweh, ang Diyos ng Israelm ma nabubuhay, na pinigilan ako na saktan ka, maliban lamang kung nagmadali ka para makipagkita sa akin, tiyak na walang matitira kay Nabal kahit isang sanggol na lalaki kinaumagahan.”
35 Et David reçut de sa main ce qu'elle lui avait apporté. Puis il lui dit: « Monte en paix dans ta maison. Voici que j'ai écouté ta voix et que j'ai exaucé ta demande. »
Kaya tinanggap ni David mula sa kanyang kamay kung ano ang kanyang dinala sa kanya, sinabi niya sa kanya, “Umakyat ka ng may kapayapaan sa iyong bahay; tingnan mo, nakinig ako sa iyong boses at tinanggap kita.”
36 Abigaïl se rendit auprès de Nabal; et voici qu'il donnait dans sa maison un festin comme celui d'un roi. Le cœur de Nabal était joyeux au-dedans de lui, car il était très ivre. Aussi ne lui dit-elle rien jusqu'à la lumière du matin.
Bumalik si Abigail kay Nabal; masdan mo, siya ay nagdadaos ng isang pagdiriwang sa kanyang bahay, tulad ng pagdiriwang ng isang hari; at maligaya ang puso ni Nabal sa kalooban niya, dahil lasing na lasing siya. Kaya hindi niya sinabi ang lahat hanggang sa magbukang-liwayway.
37 Le matin, quand le vin eut disparu de Nabal, sa femme lui raconta ces choses; son cœur mourut au dedans de lui, et il devint comme une pierre.
At nangyari kinaumagahan, nang hindi na lasing si Nabal, na sinabi ng kanyang asawa sa kanya ang mga bagay na ito, inatake siya sa puso, at naging tulad siya ng isang bato.
38 Environ dix jours plus tard, l'Éternel frappa Nabal, de sorte qu'il mourut.
At dumating matapos ang sampung araw na sinalakay ni Yahweh si Nabal kaya namatay siya.
39 Lorsque David apprit que Nabal était mort, il dit: « Béni soit Yahvé, qui a défendu ma cause de la main de Nabal et qui a préservé son serviteur du mal. Yahvé a fait retomber la méchanceté de Nabal sur sa propre tête. » David envoya et parla au sujet d'Abigaïl, pour la prendre pour femme.
At nang narinig ni David na namatay na si Nabal, sinabi niya, “Nawa pagpalain si Yahweh, na siyang kumuha ng dahilan ng pang-iinsulto sa akin mula sa kamay ni Nabal, at sa pag-iingat ng kanyang lingkod mula sa kasamaan. At ibinalik niya ang masamang kilos ni Nabal sa kanyang sarili.” Pagkatapos nagpadala si David ng mga lingkod at kinausap si Abigail, para kunin siya bilang kaniyang asawa.
40 Lorsque les serviteurs de David furent arrivés auprès d'Abigaïl au Carmel, ils lui parlèrent ainsi: « David nous a envoyés vers toi, pour te prendre pour femme. »
Nang dumating ang mga lingkod ni David kay Abigail sa Carmel, nakipag-usap sila sa kanya at sinabi, “Ipinadala kami ni David sa iyo upang kunin ka para sa kaniya bilang kanyang asawa.”
41 Elle se leva, se prosterna, le visage contre terre, et dit: « Voici que ta servante est une servante pour laver les pieds des serviteurs de mon seigneur. »
Tumayo siya, niyuko ang kanyang sarili kasama ang kanyang mukha sa lupa, at sinabi, “Tingnan ninyo, ang iyong lingkod na babae ay isang lingkod para maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon.”
42 Abigaïl se leva précipitamment et monta sur un âne avec ses cinq servantes qui la suivaient; elle suivit les messagers de David et devint sa femme.
Nagmadali si Abigail at tumayo, at sumakay sa isang asno na may limang lingkod na babae na sumunod sa kanya, at sumunod siya sa mga mensahero ni David at naging kanyang asawa.
43 David prit aussi Ahinoam, de Jizreel, et toutes deux devinrent ses femmes.
Kinuha rin ni David si Ahinoam ng Jezreel bilang isang asawa, kapwa sila ay naging kanyang mga asawa.
44 Or Saül avait donné Mical, sa fille, la femme de David, à Palti, fils de Laïsh, qui était de Gallim.
Ngayon ibinigay ni Saul si Mical na kanyang anak na babae, asawa ni David, kay Palti anak ni Lais, na nasa Gallim.