< Sananlaskujen 20 >
1 Viini on pilkkaaja, väkijuoma remunpitäjä; eikä ole viisas kenkään, joka siitä hoipertelee.
Ang alak ay mangungutya at ang matapang na inumin ay basag-ulero; ang sinumang naliligaw sa pamamagitan ng pag-inom ay hindi matalino.
2 Kuninkaan peljättäväisyys on kuin nuoren leijonan kiljunta; joka hänet vihoittaa, se henkensä rikkoo.
Ang takot sa hari ay katulad ng takot sa batang leon na umaatungal; ang sinumang maging dahilan ng kaniyang galit ay itinatapon ang kaniyang buhay.
3 On kunniaksi miehelle riitaa karttaa, mutta kaikki hullut riitaa haastavat.
Isang karangalan para sa sinuman ang umiwas sa hindi pagkakasundo, ngunit ang bawat hangal ay sumasali sa isang pagtatalo.
4 Syksyllä ei laiska kynnä; elonaikana hän tyhjää tapailee.
Ang taong tamad ay hindi nag-aararo sa taglagas; siya ay naghahanap ng isang bunga sa panahon ng tag-ani ngunit hindi magkakaroon nang anuman.
5 Kuin syvät vedet ovat miehen sydämen aivoitukset, mutta ymmärtäväinen mies ne ammentaa esiin.
Ang mga layunin ng puso ng isang tao ay katulad ng malalim na tubig, ngunit ang isang taong may pang-unawa ay aalamin ito.
6 Monet huutavat hyvyyttänsä kukin, mutta kuka löytää luotettavan miehen?
Maraming tao ang nagpapahayag na sila ay tapat, ngunit sino ang makakahanap ng isang taong matapat?
7 Vanhurskas vaeltaa nuhteettomasti, onnelliset ovat lapset hänen jälkeensä.
Ang taong gumagawa ng tama ay naglalakad sa kaniyang dangal, at ang kaniyang mga anak na lalaki na sumusunod sa kaniya ay masaya.
8 Kuningas istuu tuomioistuimella, hän silmillänsä perkaa kaiken pahan pois.
Ang isang hari na nakaupo sa trono na ginagampanan ang mga tungkulin ng isang hukom ay pinipili sa kaniyang mga mata ang lahat ng masasama na nasa harapan niya.
9 Kuka voi sanoa: "Olen puhdistanut sydämeni, olen puhdas synnistäni"?
Sino ang maaaring magsabi, “Pinapanatili kong malinis ang aking puso; Ako ay malaya mula sa aking kasalanan”?
10 Kahtalainen paino ja kahtalainen mitta-molemmat ovat Herralle kauhistus.
Ang magkakaibang timbang at hindi pantay na mga sukat— parehong kinapopootan ang mga ito ni Yahweh.
11 Teoistansa tuntee jo poikasenkin, onko hänen menonsa puhdas ja oikea.
Maging ang isang kabataan ay nakikilala sa kaniyang mga kilos, kung ang kaniyang pag-uugali ay dalisay at matuwid.
12 Kuulevan korvan ja näkevän silmän-molemmat on Herra luonut.
Ang mga tainga na nakakarinig at ang mga mata na nakakakita— parehong ginawa ito ni Yahweh.
13 Älä unta rakasta, ettet köyhtyisi; pidä silmäsi auki, niin saat leipää kyllin.
Huwag mahalin ang pagtulog o ikaw ay darating sa paghihirap; buksan mo ang iyong mga mata at ikaw ay magkakaroon ng maraming kakainin.
14 "Huonoa, huonoa", sanoo ostaja, mutta mentyänsä pois hän kehuskelee.
'“Masama! Masama!” sabi ng mga bumibili, pero kapag umalis siya, siya ay nagmamayabang.
15 Olkoon kultaa, olkoon helmiä paljon, kallein kalu ovat taidolliset huulet.
Mayroong ginto at kasaganaan sa mamahaling mga bato, ngunit ang mga labi ng kaalaman ay isang mamahaling hiyas.
16 Ota siltä vaatteet, joka toista takasi, ja ota häneltä pantti vieraitten puolesta.
Ang sinumang nagbibigay ng kasiguruhan para sa utang ng iba, kuhanan mo ng damit bilang sangla.
17 Makea on miehelle petoksella saatu leipä, mutta perästäpäin hän saa suunsa täyteen soraa.
Ang tinapay na nakamit sa pamamagitan ng panlilinlang ay matamis sa panlasa, ngunit pagkatapos ang kaniyang bibig ay mapupuno ng graba.
18 Neuvotellen suunnitelmat vahvistuvat, ja sotaa on sinun käytävä neuvokkuudella.
Ang mga plano ay pinagtitibay sa pamamagitan ng payo, at sa marunong na patnubay lamang ay dapat kang makipaglaban.
19 Salaisuuden ilmaisee, joka panettelijana käy; älä siis antaudu avosuisen pariin.
Ang tsismis ay nagbubunyag ng mga lihim, at kaya hindi ka dapat makisama sa mga taong nagsasalita ng sobra.
20 Joka isäänsä ja äitiänsä kiroaa, sen lamppu sammuu pilkkopimeään.
Kapag isinusumpa ng isang tao ang kaniyang ama o kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa kalagitnaan ng kadiliman.
21 Tavara, jota aluksi kiivaasti tavoitellaan, ei lopulta tuo siunausta.
Ang isang mana na madaling nakamit sa simula ay gagawa ng mas kaunting kabutihan sa bandang huli.
22 Älä sano: "Minä kostan pahan"; odota Herraa, hän auttaa sinua.
Huwag sabihing, “Gagantihan kita para sa pagkakamaling ito!” Hintayin si Yahweh at siya ang sasagip sa iyo.
23 Kahtalainen paino on Herralle kauhistus, ja väärä vaaka ei ole hyvä.
Kinamumuhian ni Yahweh ang mga hindi parehas na timbang, at ang hindi tapat na mga timbangan ay hindi mabuti.
24 Herralta tulevat miehen askeleet; mitäpä ymmärtäisi tiestänsä ihminen itse?
Ang mga hakbang ng isang tao ay pinapatnubayan ni Yahweh; paano niya mauunawaan ang kaniyang paraan kung gayon?
25 Ihmiselle on ansaksi luvata hätiköiden pyhä lahja ja vasta perästäpäin harkita lupauksiansa.
Isang patibong para sa isang tao ang pagsasabi nang padalus-dalos, “Ang bagay na ito ay banal,” at iniisip lamang ang kahulugan pagkatapos niyang masabi ang kaniyang panata.
26 Viisas kuningas perkaa jumalattomat pois viskimellään ja antaa puimajyrän käydä heidän ylitsensä.
Ang marunong na hari ay inihihiwalay ang masama, at pagkatapos sinasagasaan ng panggiik na kariton sa ibabaw nila.
27 Ihmisen henki on Herran lamppu: se tutkistelee sydämen kammiot kaikki.
Ang espiritu ng isang tao ay ang ilawan ni Yahweh, hinahanap ang lahat ng kaniyang kaloob-loobang mga bahagi.
28 Laupeus ja uskollisuus on kuninkaan turva, ja laupeudella hän valtaistuimensa tukee.
Ang tipan ng katapatan at pagtitiwala ay nangangalaga sa hari; ang kaniyang trono ay iniingatan sa pamamagitan ng pag-ibig.
29 Voima on nuorukaisen kunnia, ja harmaat hapset ovat vanhusten kaunistus.
Ang dangal ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan, at ang karangyaan ng matatanda ay ang kanilang mga uban.
30 Mustelmat ja haavat puhdistavat pahantekijän, lyönnit puhdistavat sydämen kammiot.
Ang mga hampas na sumusugat, nililinis ang kasamaan, at ang mga palo ay nililinis ang mga kaloob-loobang mga bahagi.