< 1 Aikakirja 24 >

1 Mutta tämä oli Aaronin lasten järjestys: Aaronin pojat oli: Nadab, Abihu, Eleasar ja Itamar.
Ang mga pangkat ayon sa mga kaapu-apuhan ni Aaron ay ito: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
2 Mutta Nadab ja Abihu kuolivat isänsä edessä, ja ei heillä ollut lasta. Ja Eleasar ja Itamar tulivat papeiksi.
Sina Nadab at Abihu ay namatay bago namatay ang kanilang ama. Wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ay naglingkod bilang mga pari.
3 Ja David määräsi heitä näin: Zadokin Eleasarin lapsista ja Ahimelekin Itamarin lapsista, heidän virkansa jälkeen heidän palveluksessansa.
Si David kasama si Zadok, na anak ni Eleazar, at si Ahimelec, na anak ni Itamar ang naghati sa kanila sa grupo para sa kanilang tungkulin bilang pari.
4 Ja usiammat väkevät päämiehet löydettiin Eleasarin kuin Itamarin lapsista, koska he heitä niin määräsivät: Eleasarin lapsista oli siellä kuusitoistakymmentä ylimmäistä heidän isäinsä huoneessa, ja kahdeksan Itamarin lapsista, heidän isäinsä huoneessa.
Mas marami ang mga namumunong kalalakihan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar kaysa sa mga kaapu-apuhan ni Itamar, kaya hinati nila ang mga kaapu-apuhan ni Eleazar sa labing anim na pangkat. Ginawa nila ito ayon sa mga pinuno ng mga angkan at ayon sa mga kaapu-apuhan ni Itamar. Ang mga pangkat na ito ay walo ang bilang na kumakatawan sa kanilang angkan.
5 Ja he määräsivät heitä arvalla sekä näitä että niitä; sillä molemmat Eleasarin ja Itamarin lapset olivat päämiehet pyhässä ja päämiehet Jumalan edessä.
Sila ay hinati ng walang pinapanigan sa pamamagitan ng bunutan sapagkat naroon ang mga itinalagang tagapangasiwa at mga tagapanguna ng Diyos mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar at mga kaapu-apuhan ni Itamar.
6 Ja Semaja kirjoittaja, Netaneelin poika Leviläisistä, kirjoitti heidät kuninkaan edessä, ja päämiesten ja papin Zadokin, ja Ahimelekin Abjatarin pojan, ja pappein ja Leviläisten, ja ylimmäisten isäin edessä: yksi isän huone otettiin Eleasarin edestä ja toinen otettiin sitte Itamarin edestä.
Isinulat ni Semaias na anak ni Netanel na eskriba, na isang Levita, ang kanilang mga pangalan sa harapan ng hari, ng mga opisyal, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pari at mga Levitang pamilya. Isang angkan ang napili sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar, at ang susunod ay pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Itamar.
7 Ja ensimäinen arpa lankesi Jojaribin päälle, toinen Jedatjan,
Ang unang napili sa pamamagitan ng sapalaran ay si Jehoiarib, ang pangalawa ay si Jedaias,
8 Kolmas Harimin, neljäs Seorimin,
ang pangatlo ay si Harim, ang pang-apat ay si Seorim,
9 Viides Malkian, kuudes Mijamin,
ang ikalima ay si Malaquias, ang ikaanim ay si Mijamin,
10 Seitsemäs Hakkotsin, kahdeksas Abian,
ang ikapito ay si Hacos, ang ikawalo ay si Abias,
11 Yhdeksäs Jesuan, kymmenes Sekanian,
ang ikasiyam ay si Jeshua, ang ikasampu ay si Secanias,
12 Yksitoistakymmenes Eliasibin, kaksitoistakymmenes Jakimin,
ang ikalabing-isa ay si Eliasib, ang ikalabindalawa ay si Jaquim,
13 Kolmastoistakymmenes Huppan, neljästoistakymmenes Jesebabin,
ang ikalabintatlo ay si Jupa, ang ikalabing-apat ay si Jesebeab,
14 Viidestoistakymmenes Bilgan, kuudestoistakymmenes Immerin,
ang ikalabinglima ay si Bilga, ang ikalabing-anim ay si Imer,
15 Seitsemästoistakymmenes Hesirin, kahdeksastoistakymmenes Happitsetsin,
Ang ikalabingpito ay si Hezer, ang ikalabingwalo ay si Afses,
16 Yhdeksästoistakymmenes Petahian, kahdeskymmenes Jeheskelin,
ikalabinsiyam ay si Petaya, ang ay si Hazaquiel,
17 Ensimäinenkolmattakymmentä Jakinin, toinenkolmattakymmentä Gamulin,
ang ikadalawampu't isa ay si Jaquin, ang ikadalawampu't dalawa ay si Gamul,
18 Kolmaskolmattakymmentä Delajan, neljäskolmattakymmentä Maasian.
ang ikadalawampu't tatlo ay si Delaias, at ang ikadalawampu't apat ay si Maasias.
19 Tämä on heidän järjestyksensä heidän virkansa jälkeen, menemään Herran huoneesen tapansa jälkeen, isänsä Aaronin käden alla; niinkuin Herra Israelin Jumala heidän oli käskenyt.
Ito ang pagkakasunud-sunod ng kanilang paglilingkod nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh, na sinusunod ang alituntuning ibinigay sa kanila ni Aaron na kanilang ninuno, gaya ng iniutos sa kaniya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
20 Muiden Levin lasten seassa oli Amramin lapsista Subael, Subaelin lapsista Jehdeja.
Ito ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi: Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Amram ay si Subael. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Subael ay si Jehedias.
21 Rehabian lapsista: Jissia oli heistä ensimäinen.
Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Amram ay si Isias.
22 Mutta Jitseharilaisista oli Selomot, Selomotin lapsista Jahat.
Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Isharita ay si Zelomot. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Zelomot ay si Jahat.
23 (Hebronin lapset) Jerija ensimäinen, Amaria toinen, Jahasiel kolmas, Jekameam neljäs.
Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Hebron ay si Jerias ang pinakamatanda, ikalawa ay si Amarias, pangatlo ay si Jahaziel, at ang ikaapat ay si Jecamiam.
24 Ussielin lapset: Miika. Miikan lapsista Samir.
Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Uziel ay si Micas. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Micas ay si Samir.
25 Jesija oli Miikan veli; Jesijan lapsista Sakaria.
Ang kapatid na lalaki ni Micas ay si Isias. Kabilang si Zacarias sa mga anak ni Isias.
26 Merarin lapset: Maheli ja Musi; Jaesijan hänen poikansa lapset.
Kabilang si Mahli at Musi sa mga kaapu-apuhan ni Merari. Kabilang si Beno sa mga kaapu-apuhan ni Jaazias.
27 Merarin lapset Jaesijasta, hänen poikansa oli Soham, Sakkur ja Ibri.
Kabilang din sina Jaazias, Beno, Soham, Zacur at Ibri sa mga kaapu-apuhan ni Merari.
28 Mutta Mahelilla oli Eleasar, ja hänellä ei ollut yhtään poikaa.
Kabilang si Eleazar na walang mga anak sa mga kaapu-apuhan ni Mahli.
29 Kisistä, Kisin lapset: Jerahmeel.
Kabilang si Jerameel sa mga kaapu-apuhan ni Kish.
30 Musin lapset: Maheli, Eder ja Jeremot. Ne ovat Leviläisten lapset heidän isäinsä huoneen jälkeen.
Kabilang din sina Mahli, Eder at si Jerimot sa mga kaapu-apuhan ni Musi. Ito ang mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga pamilya.
31 Ja nämät myös heittivät arpaa veljeinsä Aaronin lasten kanssa kuningas Davidin edessä, ja Zadokin ja Ahimelekin, ja ylimmäisten isäin edessä, pappein ja Leviläisten seassa; ylimmäinen isäin seassa pienimmänkin veljensä kanssa.
Nagsapalaran din ang mga kalalakihang ito sa harap ng haring si David, Zadok, Ahimelec, at mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Ang mga pamilya ng mga panganay na lalaki ay nagsapalaran kasama ng mga bunso. Nagsapalaran sila gaya ng ginawa ng mga kaapu-apuhan ni Aaron.

< 1 Aikakirja 24 >