< Psalmaro 7 >
1 Senkulpiĝo de David, kiun li kantis al la Eternulo pri Kuŝ, la Benjamenido. Ho Eternulo, mia Dio, ĉe Vi mi rifuĝas; helpu min kontraŭ ĉiuj miaj persekutantoj, kaj savu min,
Yahweh aking Diyos, sa iyo ako kumukubli! Iligtas mo ako mula sa lahat ng humahabol sa akin, at iyong sagipin.
2 Por ke oni ne elŝiru, kiel leono, mian animon, Ĝin disŝirante, dum neniu savas.
Kung hindi, gugutay-gutayin nila ako tulad ng leon, luluray-lurayin ako ng pira-piraso nang walang sinuman ang makakapagligtas sa akin.
3 Ho Eternulo, mia Dio! se mi faris ĉi tion, Se ekzistas maljusteco en miaj manoj,
Yahweh aking Diyos, kailanman ay hindi ko ginawa ang ibinibintang sa akin ng mga kaaway ko; walang kawalan ng katarungan sa mga kamay ko.
4 Se al mia amiko mi pagis per malbono, Aŭ se mi difektis tiun, kiu premis min senkaŭze:
Hindi ako kailanman gumawa ng mali sa mga taong may kapayapaan sa akin, o sinaktan nang walang katuturan ang mga laban sa akin.
5 Tiam malamiko persekutu mian animon, Li atingu kaj enpremu mian vivon en la teron, Kaj mian honoron li metu en la polvon. (Sela)
Kung hindi ako nagsasabi ng katotohanan hayaan mong habulin ng aking kaaway ang buhay ko at sagasaan ako; hayaan mo siyang tapak-tapakan ang katawan ko sa lupa at iwanan akong nakahiga sa kahihiyan sa alikabok. (Selah)
6 Stariĝu, ho Eternulo, en Via kolero, Leviĝu super la furiozon de miaj premantoj; Kaj vekiĝu por mi, Vi, kiu ordonis fari juĝon.
Bumangon ka, Yahweh, sa iyong galit; tumayo ka laban sa matinding galit ng mga kaaway ko; gumising ka para sa kapakanan ko at isakatuparan ang makatuwirang mga kautusan para sa kanila.
7 Kaj amaso da popoloj Vin ĉirkaŭos; Kaj super ili reiru supren.
Ang mga bansa ay nagsama-sama sa paligid mo; bawiin mong muli mula sa kanila ang lugar na nararapat sa iyo.
8 La Eternulo juĝas popolojn. Juĝu min, ho Eternulo, laŭ mia justeco kaj laŭ mia pieco.
Yahweh, hatulan mo ang mga bansa; ipawalang-sala mo ako, Yahweh, dahil ako ay matuwid at walang kasalanan, Kataas-taasan.
9 Finiĝu la malboneco de malpiuloj, kaj Vi subtenu justulon, Vi, kiu esploras korojn kaj internaĵojn, justa Dio!
Nawa dumating na sa katapusan ang mga gawain ng mga masasamang tao, pero patatagin mo ang mga taong matuwid, makatuwirang Diyos, ikaw na sumisiyasat ng mga puso at mga isipan.
10 Mia ŝildo estas ĉe Dio, Kiu savas piajn korojn.
Ang aking kalasag ay nanggagaling mula sa Diyos, ang nagliligtas ng mga pusong matuwid.
11 Dio estas juĝanto justa, Kaj Dio minacanta ĉiutage.
Ang Diyos ay makatuwirang hukom, ang Diyos na galit bawat araw.
12 Se oni ne reĝustiĝas, Li akrigas Sian glavon, Streĉas Sian pafarkon kaj direktas ĝin.
Kung hindi magsisisi ang isang tao, hahasain ng Diyos ang kaniyang espada at ihahanda ang kaniyang pana para sa labanan.
13 Kaj Li pretigas por ĝi mortigilojn, Siajn sagojn Li faras bruligaj.
Naghahanda siya para gumamit ng mga sandata laban sa kaniya; ginagawa niya ang kaniyang umaapoy na palaso.
14 Jen tiu gravediĝis per malbono, Portis en si malicon, kaj naskis mensogon.
Isipin mo ang isang buntis na may kasamaan, ang nag-iisip ng mapanirang mga balak, ang nanganganak ng mga mapanirang kasinungalingan.
15 Li fosis kavon kaj profundigis ĝin, Kaj li falis en la kavon, kiun li pretigis.
Nagbubungkal siya ng hukay, tatakpan ito at saka mahuhulog siya sa hukay na binungkal niya.
16 Lia malico refalos sur lian kapon, Kaj sur lian verton falos lia krimo.
Ang kaniyang sariling mapanirang mga balak ay babalik din sa kaniya, dahil ang kaniyang kasamaan ay babagsak sa sarili niyang ulo.
17 Mi gloros la Eternulon pro Lia justeco, Kaj kantos la nomon de la Eternulo Plejalta.
Pasasalamatan ko si Yahweh dahil sa kaniyang katarungan; aawit ako ng papuri kay Yahweh ang Kataas-taasan.