< Psalmaro 32 >
1 Instruo de David. Feliĉa estas tiu, kies krimo estas pardonita, kies peko estas kovrita.
Mapalad ang tao na pinatawad ang kaniyang pagsuway, na tinakpan ang kaniyang kasalanan.
2 Feliĉa estas la homo, al kiu la Eternulo ne kalkulas lian kulpon Kaj en kies spirito estas nenia malvero.
Mapalad ang tao na siyang pinapalagay ni Yahweh na walang pagkakasala at ang espiritu na walang panlilinlang.
3 Kiam mi silentis, miaj ostoj senfortiĝis De mia ĉiutaga ploregado.
Kapag nanatili akong tahimik, ang aking mga buto ay unti-unting nadudurog habang ako ay dumadaing buong araw.
4 Ĉar tage kaj nokte pezis sur mi Via mano; La freŝecon de mia sukoj anstataŭis sekeco de somero. (Sela)
Dahil araw at gabi ang iyong kamay ay mabigat sa akin. Nalanta ang aking kalakasan tulad ng tagtuyot sa tag-araw. (Selah)
5 Mian pekon mi konfesis al Vi, kaj mian kulpon mi ne kaŝis; Mi diris: Mi konfesos miajn krimojn al la Eternulo; Kaj Vi deprenis la kulpon de mia peko. (Sela)
Pagkatapos inamin ko ang aking kasalanan sa iyo, at hindi ko na ikinubli ang aking kasamaan. Sinabi ko, “aaminin ko ang pagsuway ko sa iyo Yahweh,” at pinatawad mo ang kabigatan ng aking kasalanan. (Selah)
6 Pro tio preĝu antaŭ Vi ĉiu piulo en favora tempo, Por ke ĉe la disverŝiĝo de grandaj akvoj ili lin ne atingu.
Dahil dito, ang lahat ng makadiyos ay dapat manalangin sa iyo sa oras ng mabigat na paghihirap. Pagkatapos kapag ang daluyong ng tubig ay umapaw, hindi nila maabot ang mga tao.
7 Vi estas mia ŝirmo; Kontraŭ sufero Vi min gardos, Per kantoj de savo Vi min ĉirkaŭos. (Sela)
Ikaw ang aking kublihan; babantayan mo ako sa kaguluhan. Papalibutan mo ako ng mga awit ng pagtatagumpay. (Selah)
8 Mi prudentigos vin, kaj montros al vi la vojon, kiun vi devas iri; Kun konsiloj Mi direktos sur vin Mian okulon.
Pangangaralan kita at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Pangangaralan kita habang nagmamasid ako sa iyo.
9 Ne estu kiel ĉevalo, kiel senprudenta mulo, Al kiuj oni devas kateni la buŝon per brido kaj buŝpeco, Alie ili ne venos al vi.
Huwag kang tumulad sa isang kabayo o katulad ng isang asno, na walang pagkakaintindi; dahil lamang sa renda sa bibig kaya napapasunod (sila) kung saan mo (sila) gustong papuntahin.
10 Multajn frapojn havas la malpiulo; Sed kiu fidas la Eternulon, tiun ĉirkaŭas favoro.
Ang mga masasama ay maraming kapighatian, pero ang katapatan sa tipan ni Yahweh ang papalibot sa nagtitiwala sa kaniya.
11 Ĝoju pro la Eternulo, kaj gaju, ho justuloj; Kaj triumfu ĉiuj, kiuj havas pian koron!
Magalak kay Yahweh, at magalak kayo, kayong mga matutuwid; sumigaw sa galak, ang lahat ng pusong matuwid.