< Psalmaro 109 >

1 Al la ĥorestro. Psalmo de David. Ho Dio, mia gloro, ne silentu.
Diyos na aking pinupuri, huwag kang manahimik,
2 Ĉar buŝon malvirtan kaj buŝon malican ili malfermis kontraŭ mi, Ili parolas kun mi per mensogema lango.
dahil nilulusob ako ng masasama at mapanlinlang; nagsasabi (sila) ng mga kasinungalingan laban sa akin.
3 Per vortoj de malamo ili min ĉirkaŭis, Kaj ili militas kontraŭ mi sen mia kulpo.
Pinalilibutan nila ako at nagsasabi nang mga bagay na nakamumuhi, at nilulusob nila ako nang walang dahilan.
4 Por mia amo ili min malamas; Sed mi preĝas.
Kapalit ng pag-ibig ko ay ang paninirang-puri nila, pero ipinapanalangin ko (sila)
5 Ili pagas al mi malbonon por bono Kaj malamon por mia amo.
Ginantihan nila ako ng kasamaan para sa kabutihan at namumuhi (sila) sa aking pag-ibig.
6 Metu malvirtulon super lin; Kaj kontraŭulo stariĝu ĉe lia dekstra mano.
Maghirang ka ng masamang tao sa kaaway na katulad nila; magtalaga ka ng tagapagbintang para tumayo sa kaniyang kanang kamay.
7 Kiam li estos juĝata, li eliru kulpa; Kaj lia preĝo estu peko.
Kapag siya ay hinatulan, nawa mapatunayan siyang may-sala; nawa maituring na makasalanan ang kaniyang panalangin.
8 Liaj tagoj estu malmultaj; Lian oficon ricevu alia.
Nawa umigsi ang kaniyang mga araw; nawa may ibang kumuha ng kaniyang katungkulan.
9 Liaj infanoj estu orfoj, Kaj lia edzino estu vidvino.
Nawa ang kaniyang mga anak ay mawalan ng ama, at nawa ang kaniyang asawang babae ay maging balo.
10 Liaj infanoj vagadu, Kaj ili petu kaj serĉu apud siaj ruinoj.
Nawa mahibang at magmakaawa ang kaniyang mga anak, na nanghihingi ng limos sa kanilang pag-alis sa kanilang wasak na tahanan.
11 Kreditoro forprenu ĉion, kion li havas; Kaj fremduloj disrabu lian laboron.
Nawa kunin ng pinagkakautangan ang lahat ng kaniyang pag-aari; nawa nakawin ng mga dayuhan ang kaniyang kinikita.
12 Neniu faru al li ion bonan; Kaj ne troviĝu kompatanto por liaj orfoj.
Nawa walang sinuman ang mag-abot ng kabutihan sa kaniya; nawa walang sinuman ang magkaroon ng awa sa kaniyang mga anak na walang ama.
13 Lia idaro estu kondamnita al ekstermo; En la dua generacio elviŝiĝu ilia nomo.
Nawa ang kaniyang mga anak ay mawala; nawa ang kanilang mga pangalan ay mabura sa susunod na salinlahi.
14 La malbonago de liaj patroj rememoriĝu al la Eternulo, Kaj la peko de lia patrino ne elviŝiĝu.
Nawa mabanggit ang kasalanan ng kaniyang mga ninuno kay Yahweh; at nawa ang kasalanan ng kaniyang ina ay hindi malimutan.
15 Ili estu ĉiam antaŭ la Eternulo, Kaj Li ekstermu la memoron pri ili de sur la tero.
Nawa ang kanilang pagkakasala ay palaging nasa harapan ni Yahweh; nawa burahin ni Yahweh ang kanilang alaala mula sa mundong ito.
16 Pro tio, ke li ne memoris fari bonfarojn, Kaj ke li persekutis mizerulon kaj malriĉulon kaj korsuferanton, Por lin mortigi.
Nawa gawin ito ni Yahweh dahil ang taong ito ay hindi kailanman nag-abala na magpakita ng kahit anong katapatan sa tipan, pero sa halip ay ginugulo ang mga api, mga nangangailangan, at mga pinanghinaan ng loob sa kamatayan.
17 Li amis malbenon, kaj ĝi venis sur lin; Li ne volis benon, kaj ĝi malproksimiĝis de li.
Inibig niya ang pagsusumpa; nawa bumalik ito sa kaniya. Kinasusuklaman niya ang pagpapala; nawa walang pagpapala ang dumating sa kaniya.
18 Li metis sur sin malbenon, kiel veston; Kaj ĝi penetris en lian internon, kiel akvo, Kaj en liajn ostojn, kiel oleo.
Sinuotan niya ang kaniyang sarili ng sumpa bilang kaniyang damit, at ang kaniyang sumpa ay pumasok sa kaniyang kalooban gaya ng tubig, gaya ng langis sa kaniyang mga buto.
19 Ĝi estu por li kiel vesto, per kiu li sin kovras, Kaj kiel zono, kiun li ĉiam portas ĉirkaŭ si.
Nawa ang mga sumpa ay maging gaya ng mga damit na kaniyang sinusuot para balutan ang kaniyang sarili, gaya ng sinturon na palagi niyang suot-suot.
20 Tia estas de la Eternulo la agado kontraŭ miaj kontraŭuloj, Kaj kontraŭ tiuj, kiuj parolas malbonon kontraŭ mia animo.
Nawa ito ang maging gantimpala ng aking mga tagapagbintang mula kay Yahweh, mga nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa akin.
21 Kaj Vi, ho Eternulo, mia Sinjoro, agu kun mi pro Via nomo; Ĉar bona estas Via favorkoreco, savu min.
Yahweh aking Panginoon, pakitunguhan mo ako nang mabuti alang-alang sa ngalan mo. Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay mabuti, iligtas mo ako.
22 Ĉar mi estas malriĉulo kaj mizerulo, Kaj mia koro estas rompita en mia interno.
Dahil sa ako ay naaapi at nangangailangan, at ang aking puso ay sugatan.
23 Kiel ombro longiĝanta mi malaperas; Oni forskuas min kiel akridon.
Naglalaho ako gaya ng anino sa gabi; niyugyog ako gaya ng isang balang.
24 Miaj genuoj senfortiĝis de fastado, Kaj mia karno perdis la grason.
Humina ang aking mga tuhod mula sa pag-aayuno; nagiging balat at buto na ako.
25 Kaj mi fariĝis mokataĵo por ili; Kiam ili vidas min, ili balancas sian kapon.
Hinamak ako ng mga nagbibintang sa akin; kapag nakikita nila ako, iniiling nila ang kanilang mga ulo.
26 Helpu min, ho Eternulo, mia Dio; Savu min laŭ Via boneco.
Tulungan mo ako, O Yahweh na aking Diyos; iligtas mo ako sa pamamagitan ng iyong katapatan sa tipan.
27 Kaj oni sciu, ke tio estas Via mano; Ke Vi, ho Eternulo, tion faris.
Nawa malaman nila na ito ay iyong gawain, na ikaw, Yahweh ang gumawa nito.
28 Ili malbenas, sed Vi benu; Ili leviĝis, sed ili estos hontigitaj, kaj Via sklavo ĝojos.
Kahit sumpain nila ako, pakiusap pagpalain mo ako; kapag sinalakay nila ako, nawa (sila) ay mapahiya, pero nawa ang iyong lingkod ay magalak.
29 Miaj kontraŭuloj kovriĝu per malhonoro, Kaj ili envolviĝu en sian honton kiel en veston.
Nawa ang mga kaaway ko ay mabalutan ng kahihiyan; nawa suotin nila ang kanilang kahihiyan gaya ng isang balabal.
30 Mi forte gloros la Eternulon per mia buŝo, Kaj meze de multaj homoj mi Lin laŭdos.
Sa pamamagitan ng aking bibig magbibigay ako ng labis na pasasalamat kay Yahweh; pupurihin ko siya sa gitna ng maraming tao.
31 Ĉar Li staras ĉe la dekstra flanko de malriĉulo, Por savi lin de tiuj, kiuj juĝas lian animon.
Dahil siya ay tatayo sa kanang kamay ng nangangailangan, para iligtas siya mula sa mga nanghuhusga sa kaniya.

< Psalmaro 109 >