< Jeremia 50 >
1 Jen estas la vorto, kiun la Eternulo diris per la profeto Jeremia pri Babel kaj pri la lando de la Ĥaldeoj:
Ito ang salita na ipinahayag ni Yahweh tungkol sa Babilonia, ang lupain ng mga Caldeo sa pamamagitan ni Jeremias na propeta,
2 Sciigu al la nacioj kaj proklamu, levu standardon, proklamu, ne kaŝu, diru: Prenita estas Babel, hontigita estas Bel, frakasita estas Merodaĥ, hontigitaj estas ĝiaj idoloj, frakasitaj estas ĝiaj statuoj.
“Ipahayag mo sa mga bansa at maging dahilan upang makinig sila. Magbigay ka ng isang hudyat at maging dahilan upang makinig sila. Huwag mo itong ilihim at sabihin mo, “Nasakop na ang Babilonia at nalagay na sa kahihiyan ang Bel. Nanlupaypay na ang Merodac. Nalagay sa kahihiyan ang kanilang mga diyus-diyosan, nasira ang mga imahen nito.'
3 Ĉar eliris kontraŭ ĝin popolo el la nordo, kiu faros ĝian landon dezerto, kaj ne plu estos loĝanto en ĝi: de homo ĝis bruto ĉio foriĝos kaj foriros.
Isang bansa mula sa hilaga ang lilitaw laban dito, upang gawing malagim ang kaniyang lupain. Walang maninirahan dito, tao man o mabangis na hayop. Tatakas sila palayo.
4 En tiuj tagoj kaj en tiu tempo, diras la Eternulo, venos la idoj de Izrael kune kun la idoj de Jehuda; ili iros kaj ploros, kaj serĉos la Eternulon, sian Dion.
Sa mga araw na iyon at sa oras na iyon, ang mga tao ng Israel at ang mga tao ng Juda ay sama-samang iiyak at hahanapin si Yahweh na kanilang Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh.
5 Pri la vojo al Cion ili demandos, tien estos turnita ilia vizaĝo: Venu, ni aliĝos al la Eternulo per interligo eterna, neforgesebla.
Tatanungin nila ang daan papuntang Zion at tutungo sila roon. Pupunta sila at makikipag-isa kay Yahweh para sa isang tipan na hindi masisira kailanman.
6 Mia popolo estis kiel erarvagantaj ŝafoj: ili paŝtistoj delogis ilin, erarvagigis ilin sur la montoj; de monto sur monteton ili vagis, ili forgesis sian ŝafejon.
Mga nawawalang kawan ang aking mga tao. Hinayaan sila ng kanilang mga pastol na maligaw sa mga bundok at inilayo sila sa mga burol. Pumunta sila at nakalimutan nila ang lugar kung saan sila nanirahan.
7 Ĉiuj, kiuj renkontis ilin, manĝis ilin; kaj iliaj malamikoj diris: Ni ne estas kulpaj, ĉar ili pekis antaŭ la Eternulo, la loĝejo de la vero, antaŭ la espero de iliaj patroj, la Eternulo.
Nilapa sila ng mga nakatagpo sa kanila. Sinabi ng kanilang mga kaaway, “Wala kaming kasalanan dahil nagkasala sila kay Yahweh, ang tunay nilang tahanan, si Yahweh ang pag-asa ng kanilang mga ninuno.'
8 Kuru el Babel kaj eliru el la lando de la Ĥaldeoj, kaj estu kiel virkaproj antaŭ la ŝafoj.
Umalis kayo sa kalagitnaan ng Babilonia, umalis kayo sa lupain ng mga Caldeo at maging gaya ng isang lalaking kambing na umaalis bago pa magawa ng ibang kawan.
9 Ĉar jen Mi vekos kaj venigos sur Babelon amason da grandaj popoloj el lando norda, kaj ili aranĝos sin kontraŭ ĝi, kaj ĝi estos venkoprenita; iliaj sagoj, kiel lerta heroo, ne revenas vane.
Dahil makikita ninyo, pakikilusin at pababangunin ko ang isang grupo ng mga dakilang bansa mula sa hilaga laban sa Babilonia. Ihahanay nila ang kanilang mga sarili laban sa kaniya. Dito mabibihag ang Babilonia. Tulad ng isang bihasang mandirigma ang kanilang mga palaso na hindi bumabalik na walang dala.
10 Kaj Ĥaldeujo fariĝos militakiro; ĉiuj ĝiaj prirabantoj satiĝos, diras la Eternulo.
Magiging isang nakaw ang Caldeo. Masisiyahan ang lahat ng magnanakaw nito. Ito ang pahayag ni Yahweh.
11 Ĉar vi ĝojis, ĉar vi triumfis, ho rabintoj de Mia heredaĵo, ĉar vi saltis, kiel bovidino sur herbo, kaj blekis, kiel fortaj ĉevaloj,
Nagalak kayo, ipinagdiwang ninyo ang pagnanakaw sa aking mana; tumalon kayo na gaya ng isang baka na pumapadyak sa kaniyang pastulan, at humalinghing kayo na gaya ng isang malakas na kabayo.
12 tre hontigita estas via patrino, mokata estas via naskintino; jen estas la estonteco de la nacioj: dezerto, neloĝata tero, kaj stepo.
Kaya malalagay sa kahihiyan ang inyong ina at mapapahiya ang nagluwal sa inyo. Tingnan ninyo, siya ang magiging pinakamaliit sa mga bansa, magiging isang ilang, isang tuyong lupain at isang disyerto.
13 De la kolero de la Eternulo ĝi fariĝos neloĝata, kaj ĝi tuta fariĝos dezerta; ĉiu, kiu iros preter Babel, miros kaj fajfos pri ĉiuj ĝiaj vundoj.
Dahil sa galit ni Yahweh, walang maninirahan sa Babilonia, bagkus, magiging ganap na wasak. Manginginig ang lahat ng dadaan dito dahil sa Babilonia at susutsot dahil sa lahat ng kaniyang mga sugat.
14 Pretigu vin kontraŭ Babel ĉirkaŭe, ĉiuj streĉantoj de pafarkoj, pafu sur ĝin, ne domaĝu sagojn; ĉar ĝi pekis antaŭ la Eternulo.
Ihanay ninyo ang inyong mga sarili na nakapalibot laban sa Babilonia. Kailangan patamaan siya ng bawat papana sa kaniya. Huwag kayong magtitira ng inyong mga palaso, dahil nagkasala siya laban kay Yahweh.
15 Triumfe kriu kontraŭ ĝi ĉirkaŭe; malleviĝis ĝia mano, falis ĝia fundamento, detruiĝis ĝiaj muregoj; ĉar tio estas venĝo de la Eternulo; venĝu al ĝi; kiel ĝi agis, tiel agu kontraŭ ĝi.
Sumigaw kayo ng katagumpayan laban sa kaniya ang lahat ng nakapalibot sa kaniya. Isinuko na niya ang kaniyang kapangyarihan, bumagsak na ang kaniyang mga tore. Nasira na ang kaniyang mga pader dahil ito ang paghihiganti ni Yahweh. Maghiganti kayo sa kaniya! Gawin ninyo sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa ibang mga bansa!
16 Ekstermu el Babel semanton kaj rikoltanton en la tempo de rikoltado; de la glavo de la tirano ĉiu sin turnu al sia popolo, kaj ĉiu forkuru en sian landon.
Wasakin ninyo ang manghahasik at ang gumagamit ng karit sa oras ng pag-aani sa Babilonia. Hayaan ninyong bumalik ang bawat tao sa kaniyang sariling bayan mula sa espada ng mga taong mapang-api, hayaan ninyo silang makatakas sa kanilang sariling lupain.
17 Izrael estas kiel disĵetita ŝafaro; leonoj lin dispelis: la unua manĝis lin la reĝo de Asirio, kaj ĉi tiu lasta, Nebukadnecar, reĝo de Babel, rompis al li la ostojn.
Parang isang tupa ang Israel na nakakalat at itinataboy ng mga leon. Una, nilapa siya ng hari ng Asiria at matapos nito, si Nebucadnezar na hari ng Babilonia ay binali ang kaniyang mga buto.
18 Tial tiele diras la Eternulo Cebaot, Dio de Izrael: Jen Mi punos la reĝon de Babel kaj lian landon, kiel Mi punis la reĝon de Asirio.
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel: Tingnan ninyo, parurusahan ko ang hari ng Babilonia at ang kaniyang lupain, katulad ng pagparusa ko sa hari ng Asiria.
19 Kaj Mi revenigos Izraelon en lian loĝejon, kaj li paŝtiĝos sur Karmel kaj Baŝan, kaj sur la monto de Efraim kaj en Gilead lia animo satiĝos.
Ibabalik ko ang Israel sa kaniyang sariling bayan; manginginain siya sa Carmel at sa Basan. At masisiyahan siya sa burol ng bansang Efraim at Gilead.
20 En tiuj tagoj kaj en tiu tempo, diras la Eternulo, oni serĉos malbonagon de Izrael, sed ĝi ne estos, kaj pekon de Jehuda, sed ĝi ne troviĝos; ĉar Mi pardonos al tiuj, kiujn Mi restigos.
Sa mga araw na iyon at sa oras na iyon, sinabi ni Yahweh, uusigin ang kasamaan sa Israel, ngunit walang matatagpuan. Tatanungin ko ang mga kasalanan ng Juda ngunit walang matatagpuan dahil patatawarin ko ang natira na aking iniligtas.”
21 Iru kontraŭ la landon de la maldolĉigantoj, kontraŭ ĝin kaj kontraŭ la loĝantojn de la punejo; ruinigu kaj ekstermu ĉion post ili, diras la Eternulo, kaj faru ĉion tiel, kiel Mi ordonis al vi.
“Tumindig kayo laban sa lupain ng Merataim, labanan ninyo ito at ang mga naninirahan na Pekod. Patayin ninyo sila ng mga espada at itakda ang mga ito para sa pagkawasak, gawin ninyo ang lahat ng aking inuutos. Ito ang pahayag ni Yahweh.
22 Bruo de batalo estas en la lando, kaj granda frakasado.
Ang ingay ng digmaan at matinding pagkawasak ay nasa lupain.
23 Kiele rompita kaj frakasita estas la martelo de la tuta tero! kiele dezertiĝis Babel inter la nacioj!
Kung gaano nasira at nawasak ang pamukpok sa lahat ng mga lupain. Kung gaano naging katakot-takot ang Babilonia sa buong bansa.
24 Mi starigis reton por vi, kaj vi estas kaptita, ho Babel, antaŭ ol vi tion rimarkis; vi estas trovita kaj kaptita, ĉar vi leviĝis kontraŭ la Eternulon.
Naghanda ako ng isang bitag para sa inyo. Nabihag kayo Babilonia at hindi ninyo ito alam! Natagpuan kayo at nasakop nang hinamon ninyo ako, si Yahweh.
25 La Eternulo malfermis Sian trezorejon, kaj elprenis el tie la ilojn de Sia kolero; ĉar ion por fari havas la Sinjoro, la Eternulo Cebaot, en la lando de la Ĥaldeoj.
Binuksan ni Yahweh ang kaniyang taguan ng sandata at ilalabas niya ang kaniyang mga sandata dahil sa kaniyang galit. May gawain ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa lupain ng mga Caldeo.
26 Iru kontraŭ ĝin de plej malproksime, malfermu ĝiajn grenejojn, piedpremu ĝin kiel amasaĵon, ekstermu ĝin, ke nenio de ĝi restu.
Salakayin ninyo siya sa kalayuan. Buksan ninyo ang kaniyang mga kamalig at isalansan siya na parang tambak ng butil. Itakda ninyo siya para sa pagkawasak. Huwag kayong magtitira para sa kaniya.
27 Dishaku per glavo ĉiujn ĝiajn bovojn; ili estu buĉataj. Ve al ili! ĉar venis ilia tago, la tempo de ilia puno.
Patayin ninyo ang lahat ng kaniyang mga toro at dalhin ninyo sila sa lugar ng katayan. Kaawa-awa sila dahil dumating na ang kanilang araw, ang oras ng kanilang kaparusahan.
28 Aŭdiĝas voĉo de forkurantoj kaj forsaviĝantoj el la lando Babela, por sciigi en Cion pri la venĝo de la Eternulo, nia Dio, pri la venĝo pro Lia templo.
Magkakaroon ng ingay sa mga tumatakas, sa mga nakaligtas mula sa lupain ng Babilonia. Ito ang magiging kapahayagan sa paghihiganti ni Yahweh na ating Diyos para sa Zion, at ang paghihiganti sa kaniyang templo.”
29 Alvoku multajn kontraŭ Babelon, ĉiujn, kiuj streĉas pafarkon; stariĝu tendare ĉirkaŭ ĝi, ke neniu povu forsaviĝi el ĝi; repagu al ĝi laŭ ĝiaj agoj: ĉion, kion ĝi faris, faru al ĝi; ĉar ĝi estis malhumila kontraŭ la Eternulo, kontraŭ la Sanktulo de Izrael.
“Ipatawag ang mga mamamana laban sa Babilonia, ang lahat ng mga bumabaluktot ng kanilang mga pana. Magkampo kayo laban sa kaniya, at huwag hayaang may makatakas. Gantihan ninyo siya sa kaniyang mga nagawa. Gawin din ninyo sa kaniya ayon sa sukat na kaniyang ginamit. Dahil kinalaban niya si Yahweh, ang Banal ng Israel.
30 Pro tio ĝiaj junuloj falos sur ĝiaj stratoj, kaj ĉiuj ĝiaj militistoj pereos en tiu tago, diras la Eternulo.
Kaya babagsak ang kaniyang mga tauhan sa lansangan ng mga lungsod at mawawasak ang lahat ng kaniyang mga mandirigma sa araw na iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
31 Jen Mi estas kontraŭ vi, ho malhumilulo, diras la Sinjoro, la Eternulo Cebaot; ĉar venis via tago, la tempo de via puno.
“Tingnan ninyo, ako ay laban sa inyo, kayong mga palalo, sapagkat dumating na ang inyong araw, kayong mga palalo, ang oras na parurusahan ko kayo. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo.
32 Kaj la malhumilulo falpuŝiĝos kaj falos, kaj neniu lin levos; kaj Mi ekbruligos fajron en liaj urboj, kaj ĝi ekstermos ĉiujn liajn ĉirkaŭaĵojn.
Kaya madadapa at babagsak ang mga palalo. Walang sinuman ang makapagpapabangon sa kanila. Magpapaningas ako ng apoy sa kanilang mga lungsod at tutupukin nito ang lahat ng nakapalibot sa kaniya.
33 Tiele diras la Eternulo Cebaot: Turmentataj estas la idoj de Izrael kune kun la idoj de Jehuda; kaj ĉiuj iliaj kaptintoj forte ilin tenas, ne volas forliberigi ilin.
Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: pinahirapan ang mga tao sa Israel kasama ang mga tao sa Juda. Hawak pa din sila ng lahat ng mga dumakip sa kanila at tumanggi sila na hayaan silang makatakas.
34 Sed ilia Liberiganto estas forta, Eternulo Cebaot estas Lia nomo; Li defendos ilian aferon tiel, ke la tero skuiĝos kaj la loĝantoj de Babel ektremos.
Malakas ang magliligtas sa kanila. Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Tiyak na ipagtatanggol niya ang kanilang kalagayan upang magkaroon ng kapahingaan sa lupain at upang magkaroon ng alitan ang mga naninirahan sa Babilonia.
35 Glavo falu sur la Ĥaldeojn, diras la Eternulo, sur la loĝantojn de Babel, sur ĝiajn eminentulojn kaj saĝulojn;
Laban sa mga Caldeo ang espada at laban sa mga naninirahan sa Babilonia, sa kaniyang mga pinuno at sa kaniyang mga matatalinong kalalakihan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
36 glavo sur la antaŭdiristojn, ke ili malsaĝiĝu; glavo sur ĝiajn heroojn, ke ili senkuraĝiĝu;
Darating ang espada laban sa mga magsasabi ng mga salitang paghula upang ihayag ang kanilang mga sarili bilang mga hangal. Darating ang espada laban sa kaniyang mga kawal kaya mababalot sila ng matinding takot.
37 glavo sur ĝiajn ĉevalojn kaj sur ĝiajn ĉarojn, kaj sur ĉiujn diversgentajn loĝantojn, kiuj estas en ĝi, ke ili fariĝu kiel virinoj; glavo sur ĝiajn trezorojn, ke ili estu disrabitaj.
Darating ang espada laban sa kanilang mga kabayo, sa kanilang mga karwahe at ang lahat ng mga taong nasa kalagitnaan ng Babilonia upang maging katulad sila ng isang babae. Darating ang espada laban sa kaniyang mga imbakan at mananakaw ang mga ito.
38 Sekeco trafu ĝiajn akvojn, ke ili malaperu; ĉar tio estas lando de idoloj, kaj pri siaj monstroj ili fanfaronas.
Darating ang espada laban sa kaniyang mga katubigan kaya matutuyo ang mga ito. Sapagkat lupain siya ng mga walang makabuluhang diyus-diyosan at kumikilos sila na tulad ng mga taong nababaliw sa kanilang kakila-kilabot na mga diyus-diyosan.
39 Tial tie ekloĝos stepaj bestoj kaj ŝakaloj, kaj strutoj en ĝi loĝos; ĝi neniam plu estos loĝata, kaj neniu tie havos domon en ĉiuj venontaj generacioj.
Kaya maninirahan ang mga mababangis na hayop sa disyerto kasama ng mga asong-gubat at maninirahan din sa kaniya ang mga inakay ng mga avestruz. At kahit kailan, wala ng maninirahan dito. Hindi na maninirahan dito ang anumang sali't salinlahi.
40 Kiel Dio renversis Sodomon kaj Gomoran kaj iliajn najbarlokojn, diras la Eternulo, tiel ankaŭ tie restos neniu kaj loĝos neniu homido.
Tulad nang kung paano pinabagsak ni Yahweh ang Sodoma at Gomorra at ang kanilang mga karatig na walang maninirahan doon, walang sinuman ang mananatili roon. Ito ang pahayag ni Yahweh “
41 Jen venas popolo el nordo, granda nacio kaj multe da reĝoj leviĝas de la randoj de la tero.
Tingnan ninyo, darating ang mga tao mula sa hilaga, sapagkat magsasama-sama ang mga makapangyarihang bansa at mga hari mula sa malayong lupain.
42 Pafarkon kaj lancon ili tenas forte; kruelaj ili estas kaj senkompataj; ilia voĉo bruas kiel maro; sur ĉevaloj ili rajdas, armite por la batalo kiel unu homo, kontraŭ vin, ho filino de Babel.
Magdadala sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng ugong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na tila nakaayos na mandirigma laban sa inyo, anak ng Babilonia.
43 Aŭdis la reĝo de Babel la sciigon pri ili, kaj senfortiĝis liaj manoj; suferego atakis lin, doloro kiel ĉe naskantino.
Narinig ng hari ng Babilonia ang kanilang balita at nanlupaypay ang kaniyang mga kamay dahil sa pagkabalisa. Nilamon siya ng pagdadalamhati na tulad ng isang babaeng manganganak.
44 Jen kiel leono li supreniras de la majesta Jordan kontraŭ la fortikan loĝejon; ĉar Mi rapide forpelos ilin de tie, kaj Mi estrigos tie tiun, kiu estas elektita. Ĉar kiu estas simila al Mi? kiu donos al Mi decidojn? kaj kiu estas la paŝtisto, kiu povas kontraŭstari al Mi?
Tingnan ninyo! Aakyat siya na parang isang leon sa kaitaasan ng Jordan patungo sa lugar ng kanilang pastulan sapagkat agad ko silang itataboy mula rito at ako ang magtatalaga kung sino ang mapipiling mamamahala rito. Sapagkat sino ang katulad ko at sino ang magpapatawag sa akin? Sinong pastol ang lalaban sa akin?
45 Tial aŭskultu la decidon de la Eternulo, kiun Li decidis pri Babel, kaj Liajn intencojn, kiujn Li havas pri la lando de la Ĥaldeoj: la knaboj-paŝtistoj ilin fortrenos, kaj detruos super ili ilian loĝejon.
Kaya makinig kayo sa mga balak ni Yahweh na kaniyang napagpasiyahan na gawin laban sa Babilonia, ang mga layunin na kaniyang binalak laban sa lupain ng mga Caldeo. Tiyak na maitataboy sila palayo kahit pa ang mga maliliit na kawan. Magiging wasak na lugar ang kanilang mga pastulan.
46 De la famo pri la preno de Babel ektremos la tero, kaj krio estos aŭdata ĉe la nacioj.
Mayayanig ang lupa sa ingay ng pagkabihag ng Babilonia, at maririnig sa buong bansa ang kanilang sigaw ng pagdadalamhati.”