< Readmono 6 >

1 Kaj jen estas la ordonoj, la leĝoj, kaj la reguloj, kiujn la Eternulo, via Dio, ordonis instrui al vi, por ke vi plenumadu ilin en la lando, en kiun vi transiras, por ekposedi ĝin;
Ngayon ito ang mga utos, mga batas, at mga panuntunan na iniutos sa akin ni Yahweh na inyong Diyos para ituro sa inyo, para sundin ninyo ang mga ito sa lupain na inyong pupuntahan sa Jordan para angkinin;
2 por ke vi timu la Eternulon, vian Dion, observante ĉiujn Liajn leĝojn kaj Liajn ordonojn, kiujn mi ordonas al vi, vi kaj via filo kaj la filo de via filo, dum via tuta vivo, por ke vi longe vivu.
para maparangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng kaniyang mga batas at mga utos na ipinapagawa ko sa inyo—kayo, inyong mga anak na lalaki, at anak na lalaki ng inyong mga anak, sa lahat ng mga araw ng inyong mga buhay, para ang inyong mga araw ay humaba.
3 Aŭskultu do, Izrael, kaj observu, ke vi plenumu, por ke estu al vi bone, kaj por ke vi tre multiĝu, kiel diris al vi la Eternulo, la Dio de viaj patroj, en la lando, en kiu fluas lakto kaj mielo.
Kaya, makinig sa mga ito, Israel, at sundin, para makabuti ito sa inyo, para kayo ay labis na dumami, sa lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot, gaya ng ipinangako ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, na gagawin sa inyo.
4 Aŭskultu, ho Izrael! la Eternulo, nia Dio, la Eternulo estas unu sola.
Makinig kayo, Israel: Si Yahweh na ating Diyos ay iisa.
5 Kaj amu la Eternulon, vian Dion, per via tuta koro kaj per via tuta animo kaj per via tuta forto.
Mahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso, ng inyong buong kaluluwa, at sa buo ninyong kalakasan.
6 Kaj ĉi tiuj vortoj, kiujn mi ordonas al vi hodiaŭ, estu en via koro;
Ang mga salita na aking iniutos sa inyo ngayon ay nasa inyong puso;
7 kaj ripetadu ilin al viaj infanoj, kaj parolu pri ili, kiam vi sidas en via domo kaj kiam vi iras sur vojo kaj kiam vi kuŝiĝas kaj kiam vi leviĝas;
at matiyaga ninyong ituturo ang mga ito sa inyong mga anak; pag-uusapan ninyo ang mga ito kung kayo ay nakaupo sa inyong bahay, kapag naglalakad kayo sa daan, kapag kayo ay nakahiga, at kapag kayo ay babangon.
8 kaj alligu ilin kiel signon al via mano, kaj ili estu kiel memorigaĵo inter viaj okuloj;
Itali ninyo ang mga ito bilang isang palatandaan sa inyong kamay, at magsisilbi ang mga ito bilang gasa sa pagitan ng inyong mga mata.
9 kaj skribu ilin sur la fostoj de via domo kaj sur viaj pordegoj.
Isusulat ninyo ang mga ito sa mga haligi ng pintuan ng inyong bahay at sa inyong mga tarangkahan.
10 Kaj kiam la Eternulo, via Dio, venigos vin en la landon, pri kiu Li ĵuris al viaj patroj, al Abraham, al Isaak, kaj al Jakob, ke Li donos al vi grandajn kaj bonajn urbojn, kiujn vi ne konstruis,
Kapag dadalhin kayo ni Yahweh na inyong Diyos doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ama, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, ibibigay niya sa inyo, ang malawak at ang mga napakagandang lungsod na hindi ninyo itinayo,
11 kaj domojn plenajn de ĉia bonaĵo, kiujn vi ne plenigis, kaj putojn, elhakitajn en ŝtono, kiujn vi ne elhakis, vinberejojn kaj olivarbojn, kiujn vi ne plantis; kaj vi manĝos kaj estos sata:
at mga bahay na puno sa lahat ng uri ng mabubuting mga bagay na hindi mo ginawa, mga balon na hindi ninyo hinukay, at mga ubasan at kahoy ng mga olibo na hindi ninyo itinanim, makakakain kayo at masisiyahan—
12 tiam gardu vin, ke vi ne forgesu la Eternulon, kiu elkondukis vin el la lando Egipta, el la domo de sklaveco.
pagkatapos mag-ingat para hindi ninyo malimutan si Yahweh, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.
13 La Eternulon, vian Dion, timu, kaj al Li servu, kaj per Lia nomo ĵuru.
Pararangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos; sasambahin ninyo siya, at mangangako kayo ayon sa kaniyang pangalan.
14 Ne sekvu aliajn diojn el la dioj de la popoloj, kiuj estas ĉirkaŭ vi;
Hindi kayo susunod sa ibang mga diyos, ang mga diyos ng mga taong nakapaligid sa inyo—
15 ĉar la Eternulo, via Dio inter vi, estas Dio severa; povas ekflami la kolero de la Eternulo, via Dio, kontraŭ vin, kaj Li ekstermos vin de sur la tero.
dahil si Yahweh na nasa kalagitnaan ninyo ay isang mapanibughuing Diyos —baka ang galit ni Yahweh na inyong Diyos ay magpaningas laban sa inyo at wasakin kayo mula sa ibabaw ng mundo.
16 Ne provu la Eternulon, vian Dion, kiel vi provis Lin en Masa.
Huwag ninyong subukin si Yahweh na inyong Diyos kagaya ng pagsubok ninyo sa kaniya sa Masa.
17 Precize observu la ordonojn de la Eternulo, via Dio, kaj Liajn atestojn kaj Liajn leĝojn, kiujn Li ordonis al vi.
Matiyaga ninyong susundin ang mga utos ni Yahweh na inyong Diyos, kaniyang mataimtim na mga utos, at kaniyang mga batas, na kaniyang iniutos sa inyo.
18 Kaj faru juston kaj bonon antaŭ la okuloj de la Eternulo, por ke estu bone al vi, kaj por ke vi venu kaj ekposedu la bonan landon, pri kiu la Eternulo ĵuris al viaj patroj;
Gagawin ninyo kung ano ang tama at mabuti sa paningin ni Yahweh, para makabuti ito sa inyo, para inyong mapasok at angkinin ang mabuting lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama,
19 por ke Li forpelu ĉiujn viajn malamikojn antaŭ vi, kiel la Eternulo diris.
palayasin ang lahat ng inyong mga kaaway na nasa inyong harapan, gaya ng sinabi ni Yahweh.
20 Se via filo vin demandos morgaŭ: Kion signifas la atestoj kaj leĝoj kaj reguloj, kiujn la Eternulo, nia Dio, ordonis al vi?
Kung tatanungin kayo ng inyong mga anak pagdating ng panahon, sa pagsasabing, 'Anong ibig sabihin sa mga bagay na ito—ang tipan ng mga kautusan, ang mga batas, at ang ibang mga kautusan na iniutos ni Yahweh na ating Diyos?'
21 tiam diru al via filo: Ni estis sklavoj al Faraono en Egiptujo, sed la Eternulo elkondukis nin el Egiptujo per forta mano;
pagkatapos sasabihin ninyo sa inyong mga anak, 'Kami ay naging mga alipin ng Paraon sa Ehipto; dinala kami ni Yahweh palabas sa Ehipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay,
22 kaj la Eternulo aperigis signojn kaj miraklojn grandajn kaj suferigajn en Egiptujo, sur Faraono kaj sur lia tuta domo, antaŭ niaj okuloj;
at nagpakita siya ng mga tanda at kamangha-manghang bagay, dakila at malubha, sa Ehipto, kay Paraon, at sa kaniyang buong sambahayan, sa harap ng ating mga mata;
23 kaj nin Li elkondukis el tie, por venigi nin kaj doni al ni la landon, pri kiu Li ĵuris al niaj patroj.
at dinala niya tayo palabas mula roon, para madala niya tayo sa loob, para ibigay sa atin ang lupain na kaniyang ipinangako sa ating mga ama.
24 Kaj la Eternulo ordonis al ni plenumi ĉiujn ĉi tiujn leĝojn, timi la Eternulon, nian Dion, por ke estu al ni bone ĉiam, por konservi al ni la vivon, kiel en la nuna tago.
Inutusan tayo ni Yahweh na palaging sundin ang lahat ng mga batas na ito, na matakot sa kaniya na ating Diyos para sa ating kabutihan, para mapanatili niya tayong buhay, tulad ngayon.
25 Kaj tio estos nia justeco, se ni observos plenumi ĉi tiun tutan ordonon antaŭ la Eternulo, nia Dio, kiel Li ordonis al ni.
Kung ating susundin ang lahat ng mga utos na ito sa harapan ni Yahweh na ating Diyos, ayon sa mga iniutos sa atin, ito ay magiging katuwiran natin.'

< Readmono 6 >