< 2 Samuel 10 >
1 Okazis poste, ke mortis la reĝo de la Amonidoj, kaj lia filo Ĥanun fariĝis reĝos anstataŭ li.
Dumating ang panahon na namatay ang hari ng mga Ammon, at ang anak niyang si Hanun ang naging hari kapalit niya.
2 Tiam David diris: Mi estos favorkora al Ĥanun, filo de Naĥaŝ, konforme al tio, kiel lia patro agis favorkore koncerne min. Kaj David sendis, por konsoli lin per siaj servantoj pri lia patro. Kaj la servantoj de David venis en la landon de la Amonidoj.
Sinabi ni David, “Magpapakita ako ng kagandahang-loob kay Hanun na anak ni Nahas, tulad ng kabutihang ipinakita ng kaniyang ama sa akin.” Kaya ipinadala ni David ang kaniyang mga lingkod para makiramay kay Hanun tungkol sa kaniyang ama. Pumasok ang kaniyang mga lingkod sa lupain ng mga lahi ng Ammon.
3 Sed la eminentuloj de la Amonidoj diris al sia sinjoro Ĥanun: Ĉu efektive David deziras honori vian patron antaŭ vi, ke li sendis al vi konsolantojn? ĉu ne por pristudi la urbon, esplorrigardi kaj ruinigi ĝin, David sendis al vi siajn servantojn?
Pero ang sinabi ng mga pinuno ng lahi ng Ammon kay Hanun na kanilang amo, “Sa palagay mo ba talagang ginagalang ni David ang iyong ama dahil nagpadala siya ng mga tauhan para makiramay sa iyo? Hindi ba ipinadala ni David ang kaniyang mga lingkod sa iyo para tingnan ang lungsod, para magmanman at para pabagsakin ito?”
4 Tiam Ĥanun prenis la servantojn de David, kaj forrazis al ili duonon de la barbo, kaj detranĉis iliajn vestojn ĝis duono, ĝis la lumboj, kaj foririgis ilin.
Kaya kinuha ni Hanun ang mga lingkod ni David at inahitan ang kanilang mga balbas, pinutulan ang kanilang mga damit hanggang sa kanilang mga puwitan, at pinaalis.
5 Kiam oni tion raportis al David, li sendis al ili renkonte, ĉar tiuj homoj tre hontis. Kaj la reĝo diris: Restu en Jeriĥo, ĝis rekreskos viaj barboj, kaj tiam revenu.
Nang ipinaliwanag nila ito kay David, ipinatawag niya ang mga ito para sila ay makita, dahil hiyang-hiya ang mga kalalakihan. Sinabi ng hari, “Manatili kayo sa Jerico hanggang tumubo muli ang inyong balbas, at bumalik pagkatapos.”
6 Kiam la Amonidoj vidis, ke ili indignigis Davidon, tiam la Amonidoj sendis kaj dungis Sirianojn el Bet-Reĥob kaj Sirianojn el Coba, dudek mil piedirantojn, kaj de la reĝo de Maaĥa mil homojn kaj de Tob dek du mil homojn.
Nang makita ng mga tao ng Ammon na sila ay naging isang masangsang na amoy kay David, nagpadala ng mga sugo ang mga tao ng Ammon at inupahan ang mga Arameo sa Bet Rehob at Soba, mga dalawampung libong sundalong naglalakad, at kasama ni haring Maaca ang isang libong kalalakihan, at mga tauhan ni Tob na may labindalawang libong kalalakihan.
7 Kiam David aŭdis pri tio, li sendis Joabon kaj la tutan armeon da kuraĝuloj.
Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang buong hukbo ng mga sundalo.
8 Kaj eliris la Amonidoj kaj batalaranĝiĝis ĉe la enirejo de la pordego; kaj la Sirianoj el Coba kaj el Reĥob kaj la viroj de Tob kaj de Maaĥa estis aparte, sur la kampo.
Lumabas ang mga taga-Ammon at bumuo ng isang hanay ng pandigma sa pasukan ng kanilang tarangkahan, habang nakatayo sa bukirin ang mga Arameo sa Soba at sa Rehob, at mga tauhan ni Tob at si Maaca.
9 Kiam Joab vidis, ke li havos kontraŭ si batalon antaŭe kaj malantaŭe, li faris elekton el ĉiuj plejbravuloj en Izrael kaj batalaranĝis ilin kontraŭ la Sirianoj;
Nang makita ni Joab ang pandigmang mga hanay sa kaniyang harapan at likod, pinili niya ang ilan sa mga magagaling na mandirigma ng Israel at hinanda sila laban sa mga Arameo.
10 kaj la ceteran parton de la popolo li komisiis al sia frato Abiŝaj, kaj batalaranĝis ilin kontraŭ la Amonidoj.
Ibinigay niya ang pamumuno sa kapatid niyang lalaki na si Abisai ang mga nalalabing hukbo, at inilagay sila sa mga hanay ng pandigma laban sa hukbo ng Ammon.
11 Kaj li diris: Se la Sirianoj superfortos min, tiam vi donos al mi helpon; sed se la Amonidoj superfortos vin, tiam mi iros, por helpi vin.
Sinabi ni Joab, “Kung mas malalakas ang mga Arameo para sa akin, kung gayon ikaw Abisai ang dapat magligtas sa akin. Pero kung mas malalakas ang hukbo ng Ammon para sa iyo, sa gayon pupunta ako at ililigtas ka.
12 Estu kuraĝa, kaj ni tenu nin forte por nia popolo kaj por la urboj de nia Dio; kaj la Eternulo faru tion, kio plaĉos al Li.
Magpakatatag ka, at ipakitang malakas tayo para sa ating mga tao at para sa mga lungsod ng ating Diyos, dahil gagawin ni Yahweh kung ano ang mabuti para sa kaniyang layunin.”
13 Kaj Joab, kun la popolo, kiu estis kun li, komencis la batalon kontraŭ la Sirianoj; kaj ĉi tiuj forkuris antaŭ li.
Kaya sumulong si Joab at ang mga sundalo ng kaniyang hukbo sa digmaan laban sa mga Arameo, na napilitang tumakas mula sa hukbo ng Israel.
14 Kiam la Amonidoj vidis, ke la Sirianoj forkuris, ili ankaŭ forkuris antaŭ Abiŝaj, kaj foriris en la urbon. Tiam Joab returnis sin de la Amonidoj, kaj venis Jerusalemon.
Nang nakita ng hukbo ng Ammon na tumakas ang mga Arameo, tumakas din sila mula kay Abisai at bumalik papasok ng lungsod. Pagkatapos nagbalik si Joab mula sa mga tao ng Ammon at bumalik ng Jerusalem.
15 Kiam la Sirianoj vidis, ke ili estas venkobatitaj de la Izraelidoj, ili kolektiĝis en unu loko.
At nang nakita ng mga Arameo na sila ay natalo ng Israel, muli silang nagtipon-tipon.
16 Kaj Hadadezer sendis, kaj elirigis la Sirianojn transriverajn; kaj ili venis en Ĥelamon; kaj Ŝobaĥ, militestro de Hadadezer, ilin kondukis.
Pagkatapos pinatawag ni Hadadezer ang hukbo ng mga Arameo mula sa dulo ng Ilog Eufrates. Nagtungo sila sa Helam kasama si Sobac, ang pinuno ng hukbo ni Hadarezer na nasa kanilang unahan.
17 Kiam tio estis raportita al David, li kolektis ĉiujn Izraelidojn, kaj transiris Jordanon kaj venis en Ĥelamon. Kaj la Sirianoj aranĝis sin kontraŭ David kaj ekbatalis kontraŭ li.
Nang sinabi ito kay David, pinagsama-sama niya ang buong Israel, tinawid ang Jordan, at dumating sa Helam. Hinanda ng mga Arameo ang kanilang sarili sa pandigmang mga hanay laban kay David at nilabanan siya.
18 Kaj la Sirianoj forkuris antaŭ Izrael, kaj David mortigis el la Sirianoj sepcent ĉaristojn kaj kvardek mil rajdantojn; ankaŭ Ŝobaĥon, la militestron, li frapis, kaj tiu mortis tie.
Tumakas ang mga Arameo mula sa Israel. Pinatay ni David ang pitong daang sundalong Arameo na sakay sa karwahe at apatnapung libong sundalong nakakabayo. Nasugatan at namatay doon si Sobac ang pinuno ng kanilang hukbo.
19 Kiam ĉiuj reĝoj, kiuj servis Hadadezeron, vidis, ke ili estas venkobatitaj de la Izraelidoj, ili faris pacon kun la Izraelidoj kaj submetiĝis al ili. Kaj la Sirianoj timis helpi plu al la Amonidoj.
Nang makita ng lahat ng mga hari na mga lingkod ni Hadadezer na tinalo sila ng Israel, nakipagkasundo sila sa Israel at sila ay naging mga bihag. Kaya natakot ang mga Arameo na tulungan pa ang mga tao ng Ammon.