< 2 Reĝoj 17 >

1 En la dek-dua jaro de Aĥaz, reĝo de Judujo, Hoŝea, filo de Ela, fariĝis reĝo en Samario super Izrael, kaj li reĝis naŭ jarojn.
Sa ika-labindalawang taon ni Ahaz hari ng Juda, nagsimula ang paghahari ni Hosea anak ni Ela. Siyam na taon niyang pinamunuan ang buong Israel sa Samaria.
2 Li faradis malbonon antaŭ la Eternulo, sed ne tiel, kiel la reĝoj de Izrael, kiuj estis antaŭ li.
Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh, gayon man hindi katulad ng mga nakaraang hari ng Israel.
3 Kontraŭ lin iris Ŝalmaneser, reĝo de Asirio, kaj Hoŝea fariĝis lia servanto kaj donadis al li tributon.
Nilusob siya ni Salmaneser hari ng Asiria, at naging lingkod niya si Hosea at nagbigay sa kaniya ng buwis.
4 Kiam la reĝo de Asirio rimarkis ĉe Hoŝea perfidon, ĉar li sendis senditojn al So, reĝo de Egiptujo, kaj ne liveris tributon al la reĝo de Asirio, kiel ĉiujare, tiam la reĝo de Asirio kaptis lin kaj metis lin en malliberejon.
Pagkatapos nabatid ng hari ng Asiria na si Hoesa ay nagbabalak laban sa kaniya, dahil nagsugo ng mga mensahero si Hosea kay So hari ng Ehipto; gayundin, hindi siya nagbibigay ng buwis sa hari ng Asiria, tulad ng ginagawa niya taon-taon. Kaya ang hari ng Asiria ay iginapos at ikinulong siya.
5 Kaj la reĝo de Asirio iris kontraŭ la tutan landon, venis al Samario, kaj sieĝis ĝin dum tri jaroj.
Pagkatapos nilusob ng hari ng Asiria ang buong lupain, at nilusob ang Samaria at sinakop ito sa loob ng tatlong taon.
6 En la naŭa jaro de Hoŝea la reĝo de Asirio venkoprenis Samarion, kaj transkondukis la Izraelidojn en Asirion, kaj loĝigis ilin en Ĥalaĥ, kaj en Ĥabor, ĉe la rivero Gozan, kaj en la urboj de la Medoj.
Sa ika-siyam na taon ni Hosea, sinakop ng hari ng Asiria ang Samaria at dinalang bihag ang Israel sa Asiria. Dinala niya sila sa Hala, sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes.
7 Ĉar la Izraelidoj pekis kontraŭ la Eternulo, ilia Dio, kiu elkondukis ilin el la lando Egipta, el sub la mano de Faraono, reĝo de Egiptujo, kaj ili adoradis aliajn diojn,
Ang pagkakabihag na ito ay naganap dahil ang mga Israelita ay nagkasala laban kay Yahweh ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kapangyarihan ng Faraon hari ng Egipto. Ang mga tao ay sumasamba sa ibang mga diyos at
8 kaj agadis laŭ la leĝoj de la nacioj, kiujn la Eternulo forpelis antaŭ la Izraelidoj, kaj laŭ tio, kiel agadis la reĝoj de Izrael;
sinusundan ang mga kaugalian ng mga bansang itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mga Israelita, at sa mga kaugalian ginagawa ng mga hari ng Israel.
9 kaj la Izraelidoj blasfemadis per malkonvenaj vortoj kontraŭ la Eternulo, ilia Dio, kaj aranĝis al si altaĵojn en ĉiuj siaj urboj, komencante de la gardostara turo ĝis la fortikigita urbo;
Ang mga Israelita ay palihim na gumawa ng mga bagay na hindi matuwid laban kay Yahweh ang kanilang Diyos. Nagtayo sila ng mga dambana sa lahat ng lungsod, mula sa tore ng tagabantay hanggang sa pinagtibay na lungsod.
10 kaj ili starigis al si statuojn kaj sanktajn stangojn sur ĉiu alta monteto kaj sub ĉiu verda arbo;
Nagtayo rin sila ng mga banal na batong poste at poste ni Asera sa bawat burol at lilim ng luntiang puno.
11 kaj ili incensadis tie sur ĉiuj altaĵoj, kiel la nacioj, kiujn la Eternulo forpelis antaŭ ili, kaj faradis malbonaĵojn, por inciti la Eternulon;
Nagsunog sila ng insenso roon sa mga dambana, tulad ng mga ginagawa ng mga bansa, silang mga itinaboy ni Yahweh sa kanilang harapan. Nagsagawa ang mga Israelita ng mga masasamang bagay na nagpagalit kay Yahweh;
12 kaj ili servadis al la idoloj, pri kiuj la Eternulo diris al ili: Ne faru tion.
sumamba sila sa diyus-diyosan, na sinabi ni Yahweh sa kanila, ''huwag ninyo itong gagawin.''
13 Kaj la Eternulo avertis la Izraelidojn kaj la Judojn per ĉiuj Siaj profetoj kaj viziistoj, dirante: Returnu vin de viaj malbonaj vojoj, kaj plenumu Miajn ordonojn kaj leĝojn, laŭ la tuta instruo, kiun Mi donis al viaj patroj kaj kiun Mi sendis al vi per Miaj servantoj, la profetoj.
Gayon man si Yahweh ay nagpahayag sa Israel at sa Juda sa bawat propeta at sugo, sinasabing, ''Talikuran ang inyong masasamang gawa at sundin aking mga utos at aking mga bilin, at maingat na sundin lahat ng batas aking pinag-utos sa inyong mga ama, at aking ipinabatid sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod ang mga propeta.''
14 Sed ili ne aŭskultis, kaj ili malmoligis sian nukon simile al la nuko de iliaj patroj, kiuj ne fidis la Eternulon, sian Dion;
Pero hindi sila nakikinig; sa halip sila ay nagmamatigas tulad ng kanilang mga ninuno na hindi nagtiwala kay Yahweh ang kanilang Diyos.
15 kaj ili malestimis Liajn leĝojn, kaj Lian interligon, kiun Li faris kun iliaj patroj, kaj Liajn avertojn, per kiuj Li avertis ilin, kaj ili sekvis vantaĵon kaj vantiĝis, kaj sekvis la naciojn, kiuj estis ĉirkaŭ ili kaj pri kiuj la Eternulo ordonis al ili, ke ili ne imitu ilin;
Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
16 kaj ili forlasis ĉiujn ordonojn de la Eternulo, ilia Dio, kaj faris al si fandaĵon de du bovidoj kaj faris sanktan stangon kaj adorkliniĝis antaŭ la tuta armeo de la ĉielo kaj servis al Baal;
Sinuway nilang lahat ang mga utos ni Yahweh na kanilang Diyos. Gumawa sila ng imahe ng dalawang batang baka mula sa hinulmang bakal para sambahin. Gumawa sila ng poste ni Asera, at sinamba lahat ng bituin sa langit at si Baal.
17 kaj ili trairigadis siajn filojn kaj siajn filinojn tra fajro kaj sorĉadis kaj aŭguradis kaj fordonis sin al farado de malbono antaŭ la okuloj de la Eternulo, por inciti Lin.
Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa apoy bilang mga handog na susunugin, gumamit ng panghuhula at panggagayuma, pinagbili kanilang mga sarili para gawin ang masama sa paningin ni Yahweh, at siya ay galitin.
18 Tial la Eternulo forte ekkoleris kontraŭ la Izraelidoj, kaj forpuŝis ilin de antaŭ Sia vizaĝo. Restis nur sole la tribo de Jehuda.
Kaya galit na galit sa Israel si Yahweh at inalis sila sa kaniyang paningin. Walang ibang natira maliban sa lipi ni Juda.
19 Sed ankaŭ la Judoj ne obeis la ordonojn de la Eternulo, sia Dio, kaj ili sekvis la morojn de la Izraelidoj, kiujn tiuj starigis.
Kahit ang Juda ay hindi sinunod ang mga utos ni Yahweh ang kanilang Diyos, pero sa halip ay sinundan din ang mga kaugaliang sinusunod ng Israel.
20 Kaj abomenis la Eternulo la tutan idaron de Izrael kaj humiligis ilin kaj transdonis ilin en la manon de rabantoj, ĝis Li tute forĵetis ilin de antaŭ Si.
Kaya tinanggihan ni Yahweh lahat ng lahi ng Israel; pinahirapan niya sila at ibinigay sila sa kamay ng mga taong aako sa kanila bilang bagay na samsam, hanggang itinaboy niya sila sa kaniyang harapan.
21 Ĉar la Izraelidoj defalis de la domo de David, kaj prenis al si kiel reĝon Jerobeamon, filon de Nebat; kaj Jerobeam deturnis Izraelon de la Eternulo kaj entiris ilin en grandan pekon.
Pinilas niya ang Israel sa maharlikang angkan ni David, at ginawa nilang hari si Jeroboam anak ni Nebat. Nilihis ni Jeroboam ang Israel mula sa pagsunod kay Yahweh at hinayaan gumawa ng isang malaking kasalanan.
22 Kaj la Izraelidoj iradis en ĉiuj pekoj de Jerobeam, kiujn li faris, ne deturnante sin de ili,
Sinunod ng mga Israelita lahat ng pagkakasala ni Jeroboam at hindi nilisan ang mga ito,
23 ĝis la Eternulo forpuŝis Izraelon de antaŭ Sia vizaĝo, kiel Li diris per ĉiuj Siaj servantoj, la profetoj; kaj Izrael estas elpelita el sia lando en Asirion ĝis la nuna tago.
kaya inalis ni Yahweh ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng sinabi niya sa lahat ng kaniyang mga lingkod ang mga propeta na gagawin niya. Kaya ang Israel ay tinanggay sa Asiria mula sa sarili niyang lupain, at ito ang kalagayan hanggang sa araw na ito.
24 Kaj la reĝo de Asirio transkondukis homojn el Babel, Kut, Ava, Ĥamat, kaj Sefarvaim, kaj ekloĝigis ilin en la urboj de Samario anstataŭ la Izraelidoj. Kaj ili ekposedis Samarion kaj ekloĝis en ĝiaj urboj.
Nagdala ng mga tao ang hari ng Asiria mula Babilonia at mula Cuta, at mula Avva, at mula Hamat at Separvaim, at inilagay sila sa mga lungsod ng Samaria kapalit ng mga Israelita. Pinamahalaan nila ang Samaria at nanirahan sa mga lungsod nito.
25 Sed ĉar en la komenco de sia loĝado tie ili ne timis la Eternulon, la Eternulo sendis kontraŭ ilin leonojn, kiuj faris inter ili mortigadon.
Naganap ito sa simula ng kanilang paninirahan doon na hindi nila pinarangalan si Yahweh. Kaya nagsugo ng mga leon si Yahweh sa kalagitnaan nila na pumatay ng ilan sa kanila.
26 Oni raportis al la reĝo de Asirio, dirante: La popoloj, kiujn vi transkondukis kaj loĝigis en la urboj de Samario, ne konas la leĝojn de la Dio de la lando, kaj tial Li sendis kontraŭ ilin leonojn, kiuj nun mortigas ilin, ĉar ili ne konas la leĝojn de la Dio de la lando.
Kaya sila ay nakipag-usap sa hari ng Asiria, nagsabing, ''Ang bansang dinala mo at inilagay sa mga lungsod ng Samaria ay walang alam sa mga kaugaliang hinihingi ng diyos ng lupain. Kaya siya ay nagsugo ng mga leon sa aming kalagitnaan, at, tingnan mo, pinapatay ng mga leon ang mga tao dahil hindi nila alam ang kaugaliang hinihingi ng diyos ng lupain.
27 Tiam la reĝo de Asirio ordonis, dirante: Venigu tien unu el la pastroj, kiujn vi elkondukis el tie; oni iru kaj loĝu tie, kaj li instruu al ili la leĝojn de la Dio de la lando.
Pagkatapos pinag-utos ng hari ng Asiria, sinasabing, '''Kunin ang isa sa mga pari na dinala mo mula roon, at pakawalan siya at hayaang mamuhay doon, at hayaang siyang turuan sila ng kaugaliang hinihingi ng diyos ng lupain.''
28 Kaj venis unu el la pastroj, kiuj estis forkondukitaj el Samario, kaj li ekloĝis en Bet-El, kaj instruis ilin, kiel ili devas timi la Eternulon.
Kaya ang isang pari na kanilang dinala mula sa Samaria ay dumating at namuhay sa Bethel; sila ay tinuruan niya kung paano nila dapat pararangalan si Yahweh.
29 Tamen ĉiu popolo faris ankaŭ siajn diojn, kaj starigis ilin en la domoj de la altaĵoj, kiujn konstruis la Samarianoj, ĉiu popolo en siaj urboj, en kiuj ili loĝis.
Ang bawat katutubo ay gumagawa ng kanilang sariling diyos, at nilalagay sila sa mga dambana na ginawa ng mga Samaritano - bawat katutubo sa mga lungsod kung saan sila naninirahan.
30 La Babelanoj faris Sukot-Benoton, la Kutanoj faris Nergalon, la Ĥamatanoj faris Aŝiman;
Ginawa ng taga-Babilonia si Succot Benot; ginawa ng taga-Cut si Nergal; ginawa ng taga-Hamat si Asima;
31 la Avaanoj faris Nibĥazon kaj Tartakon; kaj la Sefarvaimanoj bruligadis siajn infanojn per fajro al Adrameleĥ kaj Anameleĥ, la dioj de Sefarvaim.
ginawa ng mga Awites si Nibhaz at Tartak; at sinunog ng mga Sefarvita ang kanilang mga anak kay Adrammelek at Anammelek, ang mga diyos ng mga Sefarvita.
32 Ili timis ankaŭ la Eternulon, kaj starigis al si el sia mezo pastrojn por la altaĵoj, kaj tiuj servadis por ili en la domoj de la altaĵoj.
Pinarangalan din nila si Yahweh, at nagtalaga mula sa kanilang sarili ng mga pari sa mga matataas na lugar, na nag-aalay para sa kanila sa templo sa mga dambana.
33 La Eternulon ili timis, kaj al siaj dioj ili servis, laŭ la moro de tiuj popoloj, el kiuj oni transkondukis ilin.
Pinarangalan nila si Yahweh at sumamba rin sa kanilang mga diyos, sa kaugalian ng mga bansa pinanggalingan nila.
34 Ĝis la nuna tempo ili agas laŭ la moroj antikvaj: ili ne timas la Eternulon, kaj ne agas laŭ siaj leĝoj kaj siaj moroj, nek laŭ la instruo kaj ordono, kiujn la Eternulo donis al la filoj de Jakob, al kiu Li donis la nomon Izrael,
Sa mga araw na ito nanatili sila sa kanilang sinaunang kaugalian. Hindi nila pinararangalan si Yahweh, ni sundin nila ang mga bilin, atas, ang batas, o ang utos na ibinigay ni Yahweh sa bayan ni Jacob - na siyang pinangalanang Israel -
35 kun kiuj la Eternulo faris interligon kaj ordonis al ili, dirante: Ne timu aliajn diojn, ne adorkliniĝu antaŭ ili, ne servu al ili, kaj ne faru al ili oferojn;
at sa kanila nakipagtipan si Yahweh at inutusan sila, ''Huwag ninyong katatakutan ang ibang mga diyos, ni yuyukod sa mga iyon, ni sasambahin sila, ni mag-aalay sa kanila.
36 sed nur la Eternulon, kiu elkondukis vin el la lando Egipta per granda forto kaj etendita brako, Lin timu, antaŭ Li adorkliniĝu, kaj al Li faru oferojn;
Pero si Yahweh, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Egipto nang may dakilang kapangyarihan at isang nakataas na kamay, ay siyang ninyong pararangalan; sa kaniya kayo magpapatirapa, at mag-aalay.
37 kaj la leĝojn kaj la decidojn kaj la instruon kaj la ordonojn, kiujn Li skribis por vi, observu, ke vi plenumu ilin ĉiam, kaj ne timu aliajn diojn;
Ang mga kautusan at mga atas, ang batas at ang mga utos na sinulat niya sa inyo, ay dapat ninyong sundin magpakailanman. Kaya hindi ninyo dapat katakutan ang ibang mga diyos,
38 kaj la interligon, kiun Mi faris kun vi, ne forgesu, kaj ne timu aliajn diojn;
at ang tipang ginawa ko sa inyo, ay hindi ninyo makalilimutan; at hindi ninyo pararangalan ang ibang mga diyos.
39 sed nur la Eternulon, vian Dion, timu, kaj Li savos vin el la mano de ĉiuj viaj malamikoj.
Pero si Yahweh inyong Diyos ay siyang ninyong pararangalan. Siya ang magliligtas sa iyo mula sa kapangyarihan ng inyong mga kaaway.''
40 Tamen ili ne obeis, sed agis laŭ siaj moroj antaŭaj.
Hindi sila makikinig, dahil patuloy nilang ginagawa ang ginawa nila dati.
41 Tiuj popoloj timis la Eternulon, sed ankaŭ al siaj idoloj ili servis, ankaŭ iliaj infanoj kaj la infanoj de iliaj infanoj; kiel agis iliaj patroj, tiel ili agas ĝis la nuna tago.
Kaya may takot ang mga bansang ito kay Yahweh at sinamba rin ang kanilang mga inukit na imahe, at ganoon din ang ginawa ng kanilang mga anak - tulad ng ginawa ng kanilang mga apo. Nagpapatuloy sila sa ginawa ng kanilang ninuno, hanggang sa araw na ito.

< 2 Reĝoj 17 >