< Luke 13 >

1 And there were present certain at that time, telling him about the Galileans, whose blood Pilate did mingle with their sacrifices;
Nang panahong iyon, sinabi sa kaniya ng ilang tao na naroon ang tungkol sa mga taga-Galilea, na ang dugo ng mga ito'y inihalo ni Pilato sa kanilang mga sariling alay.
2 and Jesus answering said to them, 'Think ye that these Galileans became sinners beyond all the Galileans, because they have suffered such things?
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan ang mga taga-Galilea na ito kaysa sa ibang mga taga-Galilea dahil nagdusa sila sa ganitong paraan?
3 No — I say to you, but, if ye may not reform, all ye even so shall perish.
Hindi, sinasabi ko sa inyo. Ngunit kung hindi kayo magsisisi, mamamatay kayong lahat sa ganoon ding paraan.
4 'Or those eighteen, on whom the tower in Siloam fell, and killed them; think ye that these became debtors beyond all men who are dwelling in Jerusalem?
O iyong labing walong tao sa Siloam na nabagsakan ng tore at namatay, sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan sila kaysa sa ibang tao sa Jerusalem?
5 No — I say to you, but, if ye may not reform, all ye in like manner shall perish.'
Hindi, sinasabi ko. Ngunit kung hindi kayo magsisisi, lahat kayo ay mamatay din.”
6 And he spake this simile: 'A certain one had a fig-tree planted in his vineyard, and he came seeking fruit in it, and he did not find;
Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito, “May isang taong may isang puno ng igos na nakatanim sa kaniyang ubasan at dumating siya at naghanap ng bunga nito ngunit wala siyang matagpuan.
7 and he said unto the vine-dresser, Lo, three years I come seeking fruit in this fig-tree, and do not find, cut it off, why also the ground doth it render useless?
Sinabi niya sa hardinero, 'Tingnan mo, tatlong taon na akong pumaparito, at sinubukang maghanap ng bunga ng puno ng igos na ito ngunit wala akong natagpuan. Putulin mo ito. Bakit hahayaang sayangin nito ang lupa?'
8 'And he answering saith to him, Sir, suffer it also this year, till that I may dig about it, and cast in dung;
Sumagot ang hardinero at sinabi, 'Pabayaan mo muna ito sa taong ito hanggang sa aking mahukayan ang palibot nito at malagyan ito ng pataba.
9 and if indeed it may bear fruit —; and if not so, thereafter thou shalt cut it off.'
Kung mamunga ito sa susunod na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin mo ito!”'
10 And he was teaching in one of the synagogues on the sabbath,
Ngayon, nagtuturo si Jesus sa isa sa mga sinagoga sa Araw ng Pamamahinga.
11 and lo, there was a woman having a spirit of infirmity eighteen years, and she was bowed together, and not able to bend back at all,
Masdan, may isang babaeng naroon na labing-walong taon nang may masamang espiritu ng panghihina, at siya ay baluktot at hindi siya lubusang makatayo.
12 and Jesus having seen her, did call [her] near, and said to her, 'Woman, thou hast been loosed from thy infirmity;'
Nang makita siya ni Jesus, tinawag niya ito at sinabi, “Babae, napalaya ka na mula sa iyong panghihina.”
13 and he laid on her [his] hands, and presently she was set upright, and was glorifying God.
Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa babae, at kaagad siyang naunat at niluwalhati niya ang Diyos.
14 And the chief of the synagogue answering — much displeased that on the sabbath Jesus healed — said to the multitude, 'Six days there are in which it behoveth [us] to be working; in these, then, coming, be healed, and not on the sabbath-day.'
Ngunit nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya sumagot ang pinuno at sinabi sa maraming mga tao, “May anim na araw kung saan kinakailangang magtrabaho. Pumarito kayo at mapagaling sa mga araw na iyon, huwag sa Araw ng Pamamahinga.”
15 Then the Lord answered him and said, 'Hypocrite, doth not each of you on the sabbath loose his ox or ass from the stall, and having led away, doth water [it]?
Sinagot siya ng Panginoon at sinabi, “Mga mapagkunwari! Hindi ba kinakalag ng bawat isa sa inyo ang tali ng kaniyang asno o baka mula sa sabsaban nito upang painumin sa Araw ng Pamamahinga?
16 and this one, being a daughter of Abraham, whom the Adversary bound, lo, eighteen years, did it not behove to be loosed from this bond on the sabbath-day?'
Kaya ito ring babaeng anak ni Abraham, na labing-walong taon nang iginapos ni Satanas, hindi ba nararapat kalagan ang kaniyang gapos sa Araw ng Pamamahinga?”
17 And he saying these things, all who were opposed to him were being ashamed, and all the multitude were rejoicing over all the glorious things that are being done by him.
Nang sinabi niya ang mga bagay na ito, lahat ng sumalungat sa kaniya ay napahiya, ngunit nagagalak ang maraming tao sa mga maluwalhating bagay na kaniyang ginawa.
18 And he said, 'To what is the reign of God like? and to what shall I liken it?
At sinabi ni Jesus, “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos, at ano ang maaari kong ihambing dito?
19 It is like to a grain of mustard, which a man having taken, did cast into his garden, and it increased, and came to a great tree, and the fowls of the heavens did rest in its branches.'
Ito ay tulad ng isang buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihagis sa kaniyang halamanan, at ito ay tumubo at naging isang malaking puno, at namugad sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.”
20 And again he said, 'To what shall I liken the reign of God?
Muli, sinabi niya, “Saan ko maaaring ihambing ang salita ng Diyos?
21 It is like leaven, which a woman, having taken, did hide in three measures of meal, till that all was leavened.'
Ito ay tulad ng lebadura na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal ng harina hanggang sa ito ay umalsa.”
22 And he was going through cities and villages, teaching, and making progress toward Jerusalem;
Binisita ni Jesus ang bawat bayan at baryo sa daan patungong Jerusalem at tinuruan sila.
23 and a certain one said to him, 'Sir, are those saved few?' and he said unto them,
May nagsabi sa kaniya, “Panginoon, kakaunti lamang bang tao ang maliligtas?” Kaya sinabi niya sa kanila,
24 'Be striving to go in through the straight gate, because many, I say to you, will seek to go in, and shall not be able;
“Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan, dahil marami ang susubok ngunit hindi sila makakapasok.
25 from the time the master of the house may have risen up, and may have shut the door, and ye may begin without to stand, and to knock at the door, saying, Lord, lord, open to us, and he answering shall say to you, I have not known you whence ye are,
Kapag tumayo na ang may-ari ng bahay at isinara ang pintuan, at kayo ay tatayo sa labas at kakalabugin ang pinto at sasabihin, 'Panginoon, Panginoon, papasukin mo kami.' At siya ay sasagot at sasabihin sa inyo, 'Hindi ko kayo kilala o kung taga-saan kayo.'
26 then ye may begin to say, We did eat before thee, and did drink, and in our broad places thou didst teach;
Pagkatapos ay inyong sasabihin, 'Kami ay kumain at uminom sa iyong harapan at nagturo ka sa aming mga lansangan.'
27 and he shall say, I say to you, I have not known you whence ye are; depart from me, all ye workers of the unrighteousness.
Ngunit sasagot siya, 'Sinasabi ko sa inyo, hindi ko alam kung taga-saan kayo. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!'
28 'There shall be there the weeping and the gnashing of the teeth, when ye may see Abraham, and Isaac, and Jacob, and all the prophets, in the reign of God, and yourselves being cast out without;
Magkakaroon ng pagnanangis at pagngangalit ng ngipin kapag nakita ninyo sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta sa kaharian ng Diyos, ngunit kayo—kayo ay itinapon sa labas.
29 and they shall come from east and west, and from north and south, and shall recline in the reign of God,
Darating sila mula sa silangan, kanluran, hilaga, at timog at sila ay uupo sa hapag-kainan sa kaharian ng Diyos.
30 and lo, there are last who shall be first, and there are first who shall be last.'
At alamin ninyo ito, ang mga pinakahuli ay ang mga una, at ang una ay magiging huli.”
31 On that day there came near certain Pharisees, saying to him, 'Go forth, and be going on hence, for Herod doth wish to kill thee;'
Hindi nagtagal, may ilang mga Pariseong dumating at sinabi sa kaniya, “Pumunta ka at umalis dito dahil nais kang patayin ni Herodes.”
32 and he said to them, 'Having gone, say to this fox, Lo, I cast forth demons, and perfect cures to-day and to-morrow, and the third [day] I am being perfected;
Sinabi ni Jesus, “Pumunta kayo at sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Tingnan mo, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ako ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay maaabot ko ang aking layunin.'
33 but it behoveth me to-day, and to-morrow, and the [day] following, to go on, because it is not possible for a prophet to perish out of Jerusalem.
Gayunman, kinakailangan na ako ay magpatuloy ngayon, bukas at sa susunod na araw, sapagkat hindi katanggap-tanggap na pumatay ng isang propeta sa labas ng Jerusalem.
34 'Jerusalem, Jerusalem, that is killing the prophets, and stoning those sent unto her, how often did I will to gather together thy children, as a hen her brood under the wings, and ye did not will.
Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga ipinadala sa iyo. Kaydalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak tulad ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi mo ito ninais.
35 'Lo, your house is being left to you desolate, and verily I say to you — ye may not see me, till it may come, when ye may say, Blessed [is] he who is coming in the name of the Lord.'
Tingnan mo, iniwan ang iyong bahay. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ako makikita hanggang sabihin mo, 'Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon.”'

< Luke 13 >